webnovel

Chapter 21

"I took up Fine Arts in UST. Nasa second year na ako nang na-bore na ako. May iba akong hinahanap. I want to find discover something else. So I decided to travel the world. At sa lahat ng lugar na pinupuntahan ko, iba-ibang bagay ang gusto kong pag-aralan. Especially where culture is concerned."

"Ipakita mo sa akin ang painting mo."

Nakagat niya ang labi. "Actually, it is not on a canvass."

"Saan siya naka-paint?"

Isinama niya ito pag-akyat sa attic. "I painted my gown."

Umuklo ito at pinagmasdang mabuti ang naipinta na niya sa damit. "Cherry blossoms shower and Mount Fuji? This is awesome. Mahirap gumamit ng textile pain but you were able to manipulate it well."

"Thanks. Gagamitin ko kasi ang gown na iyan para sa birthday ni Hiro Hinata," tukoy niya sa isa sa mga members ng riding club. "Plain white lang fabric na ginamit ni Jenna Rose. Dapat papatungan na lang ng silk kimono. I told her to leave it alone. Nag-flash agad sa utak ko ang design. Now, other ideas keep on pouring in. As if I want to paint everything I've seen during my travel. It is so exciting."

"Now I know that drives you to travel. Kumukuha ng ideas ang utak mo ng iba't ibang experience sa iba't ibang lugar para ma-inspire ka na. Siguro hindi lang ikaw ang type ng artist na gustong nakakulong sa sarili mong mundo. You wanted to see the world so other could see how you view it."

"Just like you. Hindi ba kaya ka rin madalas mag-travel dati? Sabi mo don ka rin nai-inspire sa mga ginagawa mong film. Magkwento ka naman sa akin, o!"

"I can't tell anything that would amaze you," anito at sumalampak sa attic. "Malamang nagawa mo na rin ang mga bagay na nagawa ko na."

Niyugyog niya ang balikat nito. "Huwag kang killjoy. Magkwento ka ng kahit ano. Paano ka nagsimulang magkahilig sa movies?"

"Galing lang ako sa simple at ordinaryong pamilya. Mahirap lang ang magulang ko. Nasabi ko na sa iyo na sa ampunan sila lumaki. Nagkataon lang na masikap sila sa buhay kaya umangat kami. Accountant si Tatay at naging supervisor naman sa pabrika si Nanay. Kung may pinagkakasunduan silang dalawa, pelikula iyon. Kapag lumalabas kami, nanonood kami ng sine. When I was old enough, nagbabasa na ako ng movie reviews at nakikihalo na ako sa mga debate nila. At minsan, nasabi ko sa kanila na gagawa ako ng magandang pelikula. Iyong pag-uusapan ng lahat hindi lang dito sa Pilipinas kundi sa ibang bansa.

"I took up a film course in UP and became a scholar. Nagtatrabaho din ako ng part-time sa isang film outfit. Uncle ng classmate ko ang isang producer at nakita niya ang potential ko. Malaking factor pa na nagsusulat ako ng sarili kong script. Ipinadala din nila ako sa film school sa New York. Pagbalik sa Pilipinas, nagsimula na akong gumawa ng pangalan."

Nakapangalumbaba siya habang nagkukwento ito. Na-research na niya ang istorya nito sa internet. Pero iba pa rin kapag ito ang nagku-kwento. Naaaliw siya sa unti-unting pagkabuhay ng mga mata nito. As if she could still feel the passion and fire within him.

"Wow! That's impressive. Natutuwa talaga ako sa mga taong nagsumikap at umasenso sa buhay." Kaya nga lalo siyang na-in love dito. "Tapos… ano pa? Magkwento ka pa."

"I guess that is enough. Madami na ang nai-kwento ko."

"Damihan mo pa. Anong nangyari nang nag-aral ka sa New York? Nagka-girlfriend ka ba doon? Ilan sila? Nakapag-propose ka na ng kasal?"

"What the heck!" iritado nitong sabi. "Ayoko nang magkwento."

Idinawdaw niya ang daliri sa pintura at ipinahid sa pisngi nito. "Sige na."

Sinubukan nitong pigilan siya at ihinarang ang kamay sa mukha. "Illyze!'

Pinahiran pa niya ang kabilang pisngi nito. "Huwag ka nang killjoy!"

Naging seryoso ang mukha nito. "So this is what you want." Kumuwit din ito ng pintura at binigyan siya ng nagbabantang tingin.

Napaurong siya. "Rome, wait! Nagbibiro lang naman ako."

Subalit di siya nito pinansin at patuloy sa paglapit sa kanya. Sinubukan niyang tumakbo palayo dito subalit mabilis nitong nahagip ang baywang niya.

"Got you!" he said then pulled her body against his.

She inhaled sharply. Although there his eyes were still serious, there was something else in his eyes. It has a different intensity.

Hinawakan nito ang baba niya. "You are beautiful."

"I am?" she asked breathlessly. She had been told that she was beautiful a thousand times before. But it was different hearing it from Romanov. As if it came from an angel's mouth. She wasn't simply beautiful. She felt like she was the most beautiful girl on earth.

Dahan-dahang lumapit ang mukha nito sa kanya. She closed her eyes as if she was ready to enter a dream. A beautiful dream. Her heart was beating so fast like a freight train. He'd finally kiss her.

Sa hali na halik, naramdaman niya na may basang gumuhit sa magkabilang pisngi niya. "Now that is more beautiful."

Sino ang kinilig sa chapter na ito?

Vote and rate this chapter. And sana po i-review n'yo rin.

Sofia_PHRcreators' thoughts
Próximo capítulo