webnovel

Chapter 12

"MARIST, he will be your escort during your stay at the riding club. Your date, Mr. Emrei Rafiq. He is the son of Shiek Ahmadi Rafiq from the Kingdom of Al Ishaq." Ipinaliwanag ni Neiji na ang Al Ishaq ay isang maliit na bansang mayaman sa langis. Na anak din si Emrei ng isang Filipina na mula sa pamilya ng mga pulitiko sa bansa. "He is one of the heirs to the Rafiq Oil Company. And he is also the Executive Vice President of Synergy Corporation."

Umiikot ang ulo niya sa dami ng sinabi ni Neiji tungkol dito. Subalit nakisirko pati ang puso niya nang bigyan siya ng matamis na ngiti ni Emrei. Para kasing may kasama nang pang-aakit sa ngiti nito. O dahil ito ang ka-date niya.

"Hi, Marist! Welcome to the Stallion Riding Club."

Napapikit na lang siya. "O, hindi! Ikaw ang ka-date ko."

Napansin yata ni Neiji na may problema. "Mabuti pa maiwan ko na kayong dalawa para magkasarilinan kayo at magkakilalang mabuti. Anuman ang kakailanganin mo, si Emrei na ang bahala sa iyo. Enjoy your date!"

Mahabang sandali silang nagtitigan ni Emrei nang makaalis ni Neiji. Hindi siya makapagsalita dahil di niya alam kung saan magsasalita sa dami ng gusto niyang sabihin dito at gustong ilabas sa loob ng dibdib niya.

"Gusto mo na bang makita ang kuwarto mo? O magmiryenda ka muna."

"Hindi! Dito muna tayo!" aniya at idiniin ang kamay sa mahabang conference table. "Congratulations! Mukhang maganda ang palabas ninyo dito sa riding club. Pinaglalaruan ba ninyo ako? Una, idinala ninyo ako dito kahit na ayaw ko. You are forcing me to stay here for several days. At ngayon ikaw ang ka-date ko."

Akala pa mandin niya ay matino ito. Na kakaiba ito sa ibang lalaki. Yes, he was not the same as them. He was worse than them. Naniwala pa mandin siya na maari niya itong pagkatiwalan. Sabi na nga ba niya. Di siya dapat nagpadala sa mga ngiti nito at magagandang salita. Kalokohan lang ang lahat.

Nawala ang ngiti sa labi ni Emrei. "No, Marist. It is not what you think."

"Ang sabi mo sa akin hindi ka member ng riding club."

"You see, my cousin owns the place. I may not be a member but I come here often. Nang magpilian sila ng makaka-date mo, isinama nila ang pangalan ko. Hindi ako makatanggi dahil kinakapatid ko si Kuya Neiji."

"Hindi ka man lang kumontra?"

Nagkibit-balikat ito. "I don't mind. At least kilala kita. I don't mind if you hate men. Di ko man alam ang rason, naiintindihan kita. Basta gagawin ko ang lahat para mag-enjoy ka dito sa club."

Paano naman siya mag-e-enjoy? Kung iba siguro ang ka-date niya, pwede niyang sungitan at tarayan. Sisirain niya ang araw ng sinumang ka-date niya. Pero iba si Emrei. Ngingiti lang ito at sasabihing naiintindihan siya. At sa huli, di rin naman niya ito matatarayan nang higit sa pagtataray niya.

"Paano naman ako makakapag-enjoy dito sa club ninyo? Ano naman ang ipinagkaiba mo sa mga lalaking kinaiinisan ko?"

Próximo capítulo