BUO NA naman ang araw ni Quincy nang makita si Yuan. Tanghali na nang pumasok ito sa Rider's Verandah suot ang dark sunglasses.
"Naku! Mukhang nakasimangot na naman ang favorite customer mo. Ikaw na ang umasikaso," sabi ni Miles.
Nakahanda na ang ngiti niya paglapit kay Yuan. "Good afternoon, Sir. May I have your order, please?"
Binuklat-buklat nito ang dokumentong nasa folder. "My usual breakfast."
"Your usual breakfast, Sir?"
Tumingin ito sa kanya. Kahit may suot itong dark sunglasses, alam niyang matalim pa rin ang tingin nito. "Don't you know what my usual breakfast is? Ilang beses na ba akong nag-breakfast dito?"
"Several times, Sir. But it's almost one in the afternoon. And you are still asking for breakfast?" Inaantok pa yata ang lalaking ito. Saan kaya napuyat ito?
Ibinaba nito ang sunglasses. "I just woke up, Miss. I don't care what time it is. I just want my breakfast served. Ikaw ba ang kakain o ako?"
"Sabi ko nga po, Sir, kayo ang tama." Paano kaya kapag kasal na kami? Baka hanapan din niya ako ng breakfast kahit na oras ng lunch. Weird talaga!
Ibang customer naman ang hinarap niya pagkatapos makuha ang order ni Yuan. Nakikipag-kuwentuhan siya sa member na si Hiro at sa assistant nito na si Jemaikha nang lapitan uli siya ng galit na galit na si Yuan.
"Miss, kanina pa kita tinatawag. Hindi mo ba narinig? I want to follow up my order. Kanina pa iyon, hindi mo pa tsine-check. Baka luto na."
"Ipa-follow up ko na, Sir," nakangiting sabi niya saka pumunta sa counter para i-follow up ang order nito. "Ma'am Jhunnica, nandiyan na po ba ang order ni Emperor Yuan? Baka raw po nine-neglect na ang order niya."
"Ako na kaya ang mag-serve para hindi na kayo magkainitang dalawa."
"Hindi po, Ma'am. Gusto kong pagsilbihan ang favorite customer ko."
Nang bumalik siya ay nakikipagkuwentuhan si Yuan kina Hiro at Jemaikha. Nakaisip na naman siya ng idea para inisin ito. Lumapit siya sa mesa ni Hiro. "Sir, nandito na po ang order ninyo," malambing na sabi niya.
"Not here! On my table!" gigil na sabi ni Yuan. Namula ang mukha nito sa galit.
"`Malay ko ba! Kanina lang excited ka nang kumain," bulong niya.
"Can't you perform a simple task?" he asked in a high voice. "Oh, God! Why is this earth full of incompetent people?" Natigil ang litanya nito nang makitang nakangiti siya. "Ano'ng inginingiti mo? Naiintindihan mo ba ang sinasabi ko?"
"I understand it perfectly," she answered smartly.
"I will ask Jhunnica to ask another crew to get my order."
Sinapo niya ang dibdib. "You hurt my feelings, Sir Yuan. Kayo pa mandin ang favorite customer ko kahit maraming ibang customer na ako ang paborito."
"Ako? Favorite mo? Or you just love to ruin my day!" Mariing pumikit ito. "Kindly leave or I will lose my appetite."
"Sabi ko naman sa iyo, ako na lang ang magse-serve," sabi ni Jhunnica. "Mukhang inaway ka na naman ni Yuan."
"Hindi po kami nag-aaway, Ma'am. Mahal na mahal nga ako ni Sir Yuan."
"Are you in love with him? Natitiis mo kasi ang kasungitan niya."
Humalakhak siya na parang nakakaloko. "Ano sa palagay ninyo, Ma'am?"
"There is something about the two of you that I can't explain. Hindi ko alam kung bakit gusto mo pa ring lumapit kay Yuan kahit masungit siya sa iyo. Suplado siya pero `di siya nagtataas ng boses kahit kanino. I really don't understand."
"Huwag na lang ninyong intindihin, Ma'am." Dahil darating din ang oras na maiintindihan din nito. Dahil hindi rin niya alam kung bakit masungit sa kanya si Yuan. "Malamang, galit lang si Sir Yuan sa magaganda."