webnovel

Chapter 29

"Hiro, don't!" Niyakap niya ang baywang nito upang pigilan ito. Mukhang di ito mangingimi na harapin si Sawada. "Ang totoo gusto ko rin siyang sampalin. Kung pwede nga lang patapakan ko siya sa kabayo niya para magtanda. Kaso naisip kita. Baka tuluyan nang masira ang negotiation ninyo kapag ginawa ko iyon."

"Gusto mo na tumahimik lang ako kahit na binastos ka na niya?" humihingal sa galit nitong tanong.

"He wants you to lose your cool, Hiro. Gusto ka niyang matalo sa ganoong paraan. Huwag natin siyang hayaan. Control your anger."

Nahimasmasan ito at mahigpit siyang niyakap. "I am sorry. I am just mad at my self. When I hired you, I just want to help you. I also want to spend more time with you. I want you to fall for me again. Pero hindi ko gusto na I-expose ka sa ganitong klase ng danger."

Hinaplos niya ang mata nito na puno ng pag-aalala. "I don't mind. Kasama naman talaga ito sa trabaho, di ba? Saka hindi naman ako natatakot."

"No. You still don't deserve this. Ayoko nang I-harass ka ni Sawada para lang makaganti sa akin. If I have to stop negotiating with them…"

"Hiro, you can't seriously do that!" bulalas niya. "Importante sa iyo ang project na ito." Marami itong gustong patunayan. Di sila pwedeng umurong.

"Importante ka rin naman sa akin."

Umiling siya. "That's what Sawada wants you to do. Turn tail and run. Mas importante ang mga taong umaasa sa iyo. They also need you. Don't mind me. I can perfectly protect my self."

Gumuhit ang ngiti sa labi nito. "You are right. We still have one more day. Si Sawada lang naman ang may galit sa akin. The rest from Fukouka likes my proposal. I won't give up. Just stay beside me, Jemaikha."

"Yes, I will."

Próximo capítulo