webnovel

Chapter 21

Metal na kahon. Elevator. Nakulong sila sa elevator. Parang nananadya na ang lalaki. Hindi ba nakulong din kami sa elevator? Di kaya ako ang babaeng gusto niyang ligawan?

Pero mabilis din niyang sinikil ang kilig. Baka kasi nagpa-practice na naman ito ng Filipino at English nito at siya lang ang masasaktan sa huli. Mahigpit ang kuyom niya sa palad habang pilit na nagiging subjective sa saitang pinakakawalan nito. Pero di siya makapag-concentrate dahil nakatitig sa mga mata niya si Hiro. Na parang siya ang kausap nito.

"I want to be with you. I want to spend more time with you. I don't want to part from you. I don't want to be your student anymore." Nahigit ni Jemaikha ang hininga nang hawakan nito ang kamay niya. "Will you be my hime, Jemaikha?"

He called her Jemaikha, not sensei. He wanted her to be his princess. Totoo ba iyon?

"I-Iyan na ba ang sasabihin mo sa liligawan mo?" nanginginig niyang tanong. "O-Okay na iyan. Mapapasagot mo na siguro siya."

Ngumiti ito. "Ibig sabihin sasagutin mo ako?"

Natigagal siya. "Ahhh… practice na naman ba ito, Hiro? Kailangan mo ba ng opinyon ko bilang tutor mo? Kasi hindi na ito nakakaaliw sa totoo lang. Mag-propose ka na lang sa babaeng gusto mo. Bahala ka na sa buhay mo. Tapos na ang lesson na ito."

"Hindi ito practice lang. Nasabi ko na sa iyo na ikaw ang gusto ko. This is real."

"G-Gusto mo ako?" tanong niya.

"I already like you the first time I saw you. You intrigued me when we got trappped at the elevator. Akala ko nga hindi na kita makikita ulit. Hanggang magkita ulit tayo sa UP nang pinagkakaguluhan ako ng mga batang kalye. You intrigued me. Kaya nang alukin mo ako ng serbisyo mo para maging tutor ko, kinuha ko ang pagkakataon kahit na marunong naman akong mag-English at mag-Filipino."

Naningkit ang mata niya. "Bakit kailangan mo pang magpanggap?"

"I love it whenever you speak Japanese. Gusto kong naririnig ang boses mo. I want to spend more time with you."

Hindi niya alam kung kikiligin siya o maiirita dito. "Ibig sabihin wala palang kwenta ang lahat ng language tutorial natin dahil alam mo na pala lahat. Mukha lang akong tanga dahil lang trip mong magbayad para marinig ang boses ko. Siguro 'yung kaibigan mong si Yuan marunong ding mag-Filipino. Ipinilit mo lang sa akin."

Lumamlam ang mata nito. "Wala akong masamang intensyon. Gusto kong makatulong. Nasabi sa akin ng dating tinuturuan mo na may sakit ang tatay mo at working student ka. I admire your selflessness and loyalty."

"Pero niloko mo pa rin ako."

Yumuko ito. "I am sorry. Naiintindihan ko kung galit ka. Akala mo siguro minamaliit ko ang kakayahan mo."

"Hindi lang iyon. Alam mo ba na isang linggo akong na-torture habang tina-translate 'yung sulat na sa akin pala? Inggit na inggit ako sa kanya. Tapos kanina akala ko may ibang babae na parang nananadya na kapareho natin ng pinagdaanan. Ang daya mo talaga." At di mapigilan ni Jemaikha na humikbi. "Parang pinaglalaruan mo lang ako."

"First time kong manligaw. I tried to be romantic in my own way. Gusto kong sorpresahin ka pero di ka naman pala natuwa," malungkot nitong usal at yumuko.

"First time mong manligaw?" tanong niya.

"I've been too focused with my studies. I had always been focused with my goal. But life has other plans for me. Dumating ka sa buhay ko. I… I don't know how to deal with my feelings. Hindi ako makahingi ng advice kay Yuan. Mas lalong walang alam sa panliligaw iyon. My other friends are playboys. So I had to deal with my feelings in my own way. Hindi ko intensyon na saktan o insultuhin ka. That's the last thing I want to do. So allow me to dry the tears in your eyes."

Hinayaan lang niya ito na pahirin ng panyo nito ang luha niya. She calmed with his gentleness. "Ako talaga ang gusto mo?"

"Yes. Pero maiintindihan ko kung hindi ka masaya sa pagpapanggap ko. I just want a chance to prove my sincerity."

Nalusaw ang galit sa puso niya. "Sige. Patunayan mo na sincere ka. No more pretenses, Hiro. It might look romantic. Gumawa ka ng paraan para mapalapit sa akin. Pero hindi kita tuluyang matatanggap sa puso ko kung hindi ko alam kung sino ka talaga."

Umaliwalas ang mukha nito at pinisil ang kamay niya. "Arigatou, Jemaikha-hime," pasasalamat nito. "I won't waste that second chance."

Próximo capítulo