webnovel

Gino Santayana Chapter 8

Parang may sariling isip ang daliri ni Miles at dinampot ang tart. Naramdaman na lang niya na hinawakan ni Gino ang kamay niya at inilapit ang tart sa labi nito. Nakatulala lang siya dito nang kagatin nito ang tart at nguyain nito.

"Hmmm… you are right. Masarap nga siya."

The touch of his lips against the tips of her fingers was so sensual. More sensual than the kiss at the back of her hand. At di rin siya nailang nang subuan niya ito. As if it was so natural and she enjoyed every minute of it.

Umangat ang kamay niya at pinalis ang gilid ng labi nito. "Hmmm…" anang si Gino na nagulat sa ginawa niya.

"You have crumbs at the corner of your lips," wika niya at di sinasadyang nahaplos ang labi nito. It was so soft. It was the lips with ready smile. And she bet, it was the lips that kissed many women.

Ano kaya ang pakiramdam kung ako naman ang hahalikan niya? Kasing sarap kaya ng tranche blueberry tart o ng cherry flan? O baka naman coffee éclair.

"Thanks!" Ngumiti ito. "Parang gusto ko ring subukan ang choco Bavarian."

"Ha?" aniya at mabilis na inilayo ang kamay sa mukha nito. Nananaginip ba siya ng gising? She touched his lips. Ano na lang ang iniisip nito sa kanya?

Sinubuan ko lang siya ng dessert, kung anu-ano na ang pumasok sa kukote ko. Ngayon naman iniisip ko na siyang halikan. I am crazy.

Pero parang wala namang epekto kay Gino ang ginawa niya. It was just a casual gesture to him. Siya lang ang nag-iisip nang iba.

"Sige. Subukan mo," sabi niya. "Babalik na ako sa table."

Nakakahiya! May iba bang nakakita sa ginawa nila? Si Alain! Ito ang ka-date niya. Ito ang gusto niya. Pero anong ginawa niya? Pinagtaksilan niya ito dahil sinubuan niya ng tart si Gino. Baka magalit sa akin si Alain!

Pagdating niya sa table ay wala na si Alain doon. Nang lumingon siya ay nasa dance floor ito at kasayaw si Darlen. "Gusto mo ring sumayaw?"yaya ni Gino.

Umiling siya at ni hindi ito nilingon. "Dito na lang ako. Wala ako sa mood. Bakit hindi mo subukang makipagsayaw sa iba?"

"Nakakatamad magtanong sa iba, eh! Dito na lang din ako," anito at nanatiling nakaupo sa tabi niya.

Hindi na niya ito nilingon pa. Sa halip ay kumuha siya ng peach chardonnay mula sa dumaang waiter at iyon ang binalingan. Di na niya titingnan o kakausapin pa si Gino. Hindi na siya magpapaapekto sa kamandag nito. Pagbalik ni Alain sa mesa, dito na lang niya itutuon ang atensiyon niya.

"Miles, I am sorry. Kailangan kong ihatid si Darlen. Umatake ang migraine niya habang nagsasayaw kami kanina. She took a taxi on the way here dahil nga wala siyang ka-date. Is it okay if I take her home?" Nakahilig na si Darlen sa balikat ni Alain habang sapo ang noo. Mukha ngang masama ang pakiramdam nito.

"Ako na lang ang maghahatid sa kanya," prisinta ni Gino.

"Mas komportable ang family niya kapag ako ang kasama," wika ni Alain.

"Sasama na lang ako sa iyo," sabi niya.

Di agad nakapagsalita si Alain. Parang alanganing isama siya. "Maaga pa naman. Mag-enjoy ka muna sa party. Babalikan na lang kita," anito at inakay na palabas ng ballroom si Darlen."

Umupo na lang siya at huminga nang malalim. Paano naman ako mag-e-enjoy dito kung di naman ito ang crowd ko? Ni wala akong kakilala.

Nagulat siya nang hawakan ni Gino ang kamay niya. "Ako ang bahala sa iyo. Di kita iiwan dito."

"Thank you." Pero di niya alam kung dapat nga siyang magpasalamat sa lalaking gumulo ng isip niya nang gabing iyon.

Bumalik ka, Alain. Mas delikado yata ako kapag kasama ko si Gino.

Próximo capítulo