webnovel

Dizzy

Shanaia Aira's Point of View

" May duda ako dun sa public apology ni Gwyneth, mukhang gumagawa siya ng gimmick at our expense. Parang gusto nyang ipakita sa mga tao na nagsisisi sya upang magkaroon ng simpatiya sa kanya ang publiko. Its like hitting two birds in one stone. Magiging maganda yung image nya sa mga tao at the same time magiging magkasundo kami para mapalapit na sya sayo. Ano sa palagay mo bhi? " pahayag ko kay Gelo.

" May point ka dyan baby. Yun nga rin yung iniisip ko kanina. Anyway, hayaan na nga natin yun, wala rin naman syang mahihita sa akin kahit pa maging mabait na siya sayo. We're married and nothing can change that. " turan nya saka ako niyakap.

" Grabe ka bhi, hindi ako makahinga. Luwagan mo naman ng konti yang yakap mo. " reklamo ko.

" Hahaha. Pasensya na, nanggigigil na naman kasi ako sayo baby. hmm. "

" Hoy Mr. Montero huwag mong sabihin na mag-eexercise ka na naman?" pinandilatan ko sya pero nginitian lang nya ako. Hmp. pa cute!

" Kabisadong-kabisado mo talaga ako baby."

" Aba syempre naman kaya hindi ka lulusot sa akin." umingos ako sa kanya.

" Halika na nga tulog na tayo. " untag nya. Tinaasan ko sya ng kilay.

" Sigurado ka na matutulog lang?"

" Hahaha. Alam mo na yun. " hindi pa halos ako nakakatayo mula sa couch ng bigla nya akong kargahin na parang bata. Nakaharap ako sa kanya at yung mga binti ko naka-angkla sa bewang nya. Sapo-sapo naman nya ang pwetan ko.

" Bhi, ano ba! Mahuhulog ako."

" At kelan naman kita hinayaang mahulog sa tuwing kakargahin kita? Huwag ka lang malikot. " sabi nya tapos hinalikan nya ako sa labi.

Habang naglalakad kami ay hindi kami bumibitaw sa intense na halikan namin. Hanggang sa makarating kami sa kwarto ay magkahinang pa rin ang mga labi namin. Natigil lang kami ng ilapag nya ako sa kama.

Tinitigan ako ni Gelo. Yung titig na punong-puno ng pagmamahal. Simula noon hanggang ngayon, ganyan pa rin nya ako tingnan, nababago lang yan pag napalitan na ng pagnanasa. Haha.

Sinimulan na nyang mag-warm up. At alam nyo na ang kasunod, exercise with a twist na.

Si Gelo pa.

_______________

Lumipas pa ang ilang araw, naging busy na ng husto si Gelo. Halos sa gabi na lang kami nagkikita, kung minsan nga hindi pa dahil nakakatulog na ako at hindi ko na sya nahihintay.

Tapos na yung dubbing nila kagabi kaya paggising ko ngayong umaga ay nasa tabi ko pa sya.

Hindi ako agad bumangon at hinarap ko muna si Gelo na mahimbing na natutulog. Pinaglandas ko ang mga daliri ko sa mukha nya. Sa mata nya na may mahabang pilik, sa matangos nyang ilong, sa makinis nyang pisngi at sa mapupulang labi. Ang gwapo talaga ng mokong na to. Kung magkakaanak kami, gusto ko kamukha nya. Ang saya siguro kapag may maliit na Gelo na tumatakbo dito sa loob ng bahay.

Napangiti ako sa naisip ko. Gusto ko na ng baby pero hindi pa pwede sa ngayon. Kailangan ko munang magtapos sa med school at siya naman ay kailangang matapos yung contract nya. Sabagay bata pa naman kami, hindi kailangang magmadali.

" Hey, bakit ka nakangiti dyan?" nagulat ako ng biglang magsalita si Gelo. Hindi ko napansin na gising na pala sya sa lalim ng iniisip ko.

" Wala bhi. Na-imagine ko lang na masaya siguro kung may maliit na Gelo na tumatakbo-takbo dito sa paligid. Ang cute. " napangiti din sya, hinila nya ako palapit sa kanya saka ako niyakap.

" Gusto ko rin yon. Yung pagkagaling ko sa trabaho may sasalubong sa akin na maliit na Aira. "

" Bhi gusto ko mini-me mo. "

" Okay, let's make twins para masaya. "

" Hala para namang bumili ka lang sa supermarket ah. Syempre si Lord ang masusunod."

" Oo nga. Kung ano ang ibigay sa atin, okay na ako dun. "

" Teka, wala kang trabaho ngayon? "

" Meron nga eh. May mall show kami mamayang 4pm sa MOA. Syanga pala baby, pwede mo nang gamitin yung kotse mo, okay na yung sa LTO. " balita nya.

" Really? Mabuti naman. Kailan yung mall show nyo sa Cebu at Davao? " naalala kong itanong.

" The day after tomorrow. Two days akong wala baby, doon ka muna kaya sa inyo para may kasama ka? "

" Okay lang ako bhi. Uuwi ako ng Tagaytay sa weekends, ibibigay ko yung sahod ng mga care taker natin dun. " tumango sya tapos bumangon na kami.

Friday na. Umalis na si Gelo kanina papuntang Cebu para sa mall show nila, sa Sunday night pa ang balik nila. Ako naman uuwi ng Tagaytay kinabukasan.

Gumayak na ako para pumasok na ng school. Habang nagbibihis ako ay nakaramdam ako ng pagkahilo. Humiga muna ako sandali sa kama.

Nung medyo maayos na ako ay humanda na ako sa pag-alis. Bumaba ako sa unit namin at tumungo sa parking lot. Naroon na nga yung kotse ko, katabi nung Mc. Laren namin.

Sumakay na ako at agad nagmaneho paalis. Ilang minuto din ang byahe papuntang school, buti hindi traffic kaya nakarating ako ng medyo maaga pa.

" Wow besh! Ang bongga ng car natin ah." bulalas ni Venice ng makita nya ako sa parking lot ng school.

" Ikaw na ang may jowang patay na patay sayo." pang-aasar naman ni Charlotte.

Sabay-sabay kaming pumunta ng classroom namin. Pagdaan namin sa corridor ay may nasalubong kami na grupo ng 2nd year med students. May naamoy akong pabango pagdaan nila kaya nahilo na naman ako. Mabuti na lang at nakakapit ako sa dalawa kaya hindi ako natumba.

" Besh ano nangyari sayo?" kinakabahang sambit ni Lot.

" Na-hi-hi-lo a-ko." yun lang ang nasabi ko at nawalan na ako ng malay.

Próximo capítulo