Chapter 26 | Attacked
Miley's POV
Diretso akong nakatingin sa mga mata ni Kira at sinusulit ang pagkakataon na makasayaw ang lalaking mahal ko sa unang pagkakataon. It feels like this night is so magical.
Ang bilis ng naging takbo ng mga pangyayari. Parang kailan lang ng tuluyan kong masabi sa kanya ang tunay na nararamdaman ko.
Yes. I had already confessed my feelings to him. No'ng una ay nag-alinlangan pa ko dahil sa takot na baka layuan o iwasan na niya ko.
But I took the risk. And to be honest, the result is not what I expect it to be.
Wala man akong nakuhang tugon mula sa kanya ay ayos lang. Dahil unang-una sa lahat ay hindi naman 'yon tanong na kailangan niyang sagutin. Pangalawa, alam ko naman na hanggang ngayon ay si Ate Nics pa rin ang nasa puso niya. It still hurts. But I promised that I'll help him to get over her.
Nagkaroon kami ng maayos at seryosong usapan. Pinaliwanag rin niya sa 'kin ang lahat ng tungkol sa kanila ni Mikan. He also told me that Mikan is just a friend for him.
But me? I am somehow what they call a special friend to him. Ang malaman na espesyal pala ko sa kanya ay nagdulot na ng sapat na kasiyahan sa 'kin.
Kumunot ang noo ko nang bigla na lang siyang tumigil sa pag-sayaw. Dahilan para mapahinto rin ako.
"May problema ba?" naguguluhan kong tanong sa kanya.
He let out a soft chuckle and there was a hint of amusement in his eyes. "Tapos na 'yong kanta. Hindi mo ba naririnig 'yong palakpakan?"
Nanlaki ang mga mata ko at wala sa loob na napalinga sa paligid.
Hala oo nga! Kami na lang pati ang nandito dahil nag-alisan na 'yong iba pang mga pares. Nasa amin tuloy ang atensyon ng karamihan.
Ramdam ko ang biglang pag-iinit ng pisngi ko. Hinihiling ko na sana ay bumuka ang lupa at lamunin ako nito nang dahil sa kahihiyan.
"O-Oo nga no. Pasensya na. Tara na." Nagmamadali akong naglakad palayo at hindi ko na siya hinintay pa.
Nakakahiya!
Agad akong tumungo sa kinaroroonan ng mga kaibigan namin at ni Kuya. But it looks like I made a wrong decision. Dahil lahat sila ay pawang nakangisi sa 'kin.
Pwera na lang kay Kuya na seryoso ang mukha.
Napalunok ako.
"May gusto ba kayong sabihin sa 'min?" tanong ni Kuya Kyle at pinaglipat-lipat ang tingin sa 'min ni Kira.
Sunod-sunod ang ginawa kong pag-iling. Nang lingunin ko naman si Kira ay tanging ngiti lang ang kanyang tinugon.
"Dali na kasi! Kakanta lang, eh." Rinig kong sigaw ni Reiri kaya napatingin kaming lahat sa direksyon nila.
"Ano ba naman, Rei? Hindi pa nga ko nakakabawi sa ginawa mong pagpapasayaw sa 'kin no'ng nakaraang araw, pagkatapos ngayon ay pakakantahin mo naman ako. At Pusong Bato pa talaga ang suhestiyon mo?" Napailing si Hiro. "No way! I'm through with this!"
Hindi ko naiwasan ang matawa. Seryoso ba si Rei? Pusong bato talaga?
Rei shrugged her shoulders. "Okay. Madali naman akong kausap, eh." Bumaling naman siya sa 'min at ngumiti ng nakakaloko.
"Please excuse me. May hahanapin lang ako. I have an announcement to make." Akmang aalis na sana siya, nang mabilis siyang napigilan ni Hiro.
"Fuck! Oo na! Kakanta na!" naiinis nitong sabi bago tinahak ang daan papuntang stage.
Nagdududa ko namang tingnan ang magaling kong pinsan. "Ano ba ang mayroon at sunud-sunuran ata sa 'yo ang isang 'yon, Rei?"
Napansin kong naghihintay rin ng sagot mula sa kanya ang iba. Lalo na si Kuya Vince na tahimik lamang na nakatayo sa isang tabi, pero halata naman ang kuryosidad sa mukha.
Ngunit umiling lang siya bago ngumiti.
Natuon na ang atensyon namin sa ibabaw ng stage nang marinig namin ang pag-ilanlang ng isang pamilyar na tugtog. Doon ay nakatayo na si Kuya Hiro habang nakabusangot ang mukha at mahigpit na nakahawak sa mic.
Pigil ang tawa naming lahat nang magsimula na siyang kumanta. Bukod kasi sa mismong kanta ay nakakatawa pa 'yong hitsura niya na hindi mawari. Pero kahit gano'n ay hindi pa rin nakaligtas sa paningin ko ang paglibot niya ng kanyang mga mata na para bang may hinahanap.
Nasa kalagitnaan na siya ng pagkanta nang tuluyan kaming matawa. Lalo na si Reiri na halatang nag-e-enjoy sa nangyayari dahil may papalo-palo pa siya sa tiyan habang natawa. Kahit ang iba pang mga estudyante rito ay nakitawa na rin. Sinamaan tuloy ni Kuya Hiro ng tingin si Rei.
Pero sa isang iglap ay biglang natigilan ang lahat.
I gasped. The vampire students started to act weird as expected.
"No! This can't be happening!"
-----
Hiro's POV
Nakakainis talaga ang babaeng 'yon kahit kailan! Basta may makita siyang pagkakataon para asarin ako ay hindi niya pinapalampas. Kung wala lang talaga sana siyang alam ay tahimik at normal pa rin sana ang buhay ko. Damn!
Padabog na tinungo ko ang stage. Nahihiyang ibinulong ko sa nag-o-operate ng mga tugtog ang kantang kakantahin ko. Halata naman sa mukha niya ang pagpipigil ng tawa pagkatapos kaya sinamaan ko siya ng tingin, dahilan para sumeryoso siya.
Nang maayos na ang lahat ay nahihiya kong humarap sa lahat ng mga estudyante rito. Gusto kong pumikit nang magsimula ng pumailanlang ang kantang kahit kailan ay hindi ko naisip na kakantahin ko sa buong buhay ko.
But instead, I roamed my eyes all over the crowd. Lihim kong hinihiling na sana ay hindi pa siya nakakabalik dahil ayokong masaksihan na naman niya ang kahihiyan na gagawin ko.
Nakahinga naman ako nang maluwag nang hindi ko siya makita. Pero nag-aalala pa rin ako sa kung saan na ba siya pumunta. Gustong-gusto ko siyang puntahan at habulin kanina. Pero pinigilan naman ako ni Rei, dahilan para magtalo na naman kami.
Nasa kalagitnaan na ko ng pagkanta nang bigla na lang silang magtawanan lahat. Ang saya sana ipakain kay Rei itong mic na hawak ko nang makita kong enjoy na enjoy ang loka.
Ano na lang ang iisipin ng mga estudyante rito sa 'kin? Nang dahil sa kanya ay paniguradong bababa na ang tingin nila sa 'kin at mawawalan ng respeto.
I was about to lose my patience when suddenly, a familiar smell reached my nose. Napahinto agad ako at napatingin sa mga kaibigan ko.
Dali-dali akong bumaba ng stage at lumapit sa kanila. Napansin kong nagsisimula na ring umakto ang mga bampira rito ng kakaiba. Kailangan agad naming makagawa ng paraan, bago pa tuluyang lumala ang sitwasyon.
Nag-uusap-usap na kami ng pare-parehong matuon ang atensyon naming lahat sa mataas na pinto ng function hall nang bigla itong bumukas. Napamaang kami ng unti-unting pumasok ang mga nilalang na hindi namin inaasahan na makita ngsyon.
"Alright. It looks like we have nothing to worry about anymore." I smirked.
-----
Nicole Jane's POV
"Shit! Kailangan na nating kumilos bago pa may mabiktima ulit."
Halos lumabas na ang pangil ni Kyle nang dahil sa sobrang galit. Pero alam ko na nagtitimpi lang siya, lalo pa at baka may biglang makakita.
Dugo. Nakakaamoy kami ng maraming dugo. At kailangan naming gumawa ng paraan para masiguro ang kaligtasan ng mga taong estudyante rito at mapigilan ang nararamdamang blood lust ng mga bampira.
"We need to make a move. Pero anong gagawin natin ng hindi matataranta at makakahalata ang iba?" nag-aalalang tanong ni Rei.
Kyle was about to answer when we heard the two wooden doors open. Napunta naman ro'n ang atensyon naming lahat. Ni hindi ko magawang kumurap habang hinihintay pumasok ang bagong dating.
Hindi nagtagal ay napaawang na lang ang aking bibig sa nakita.
"Who are they? Ang gaganda naman nila," wala sa loob kong sabi. I even heard the loud gasped inside the hall.
Bakit naman ako hindi mamamangha? Eh tila diyosa lang naman sa ganda ang dalawang babae na taas-noong naglalakad patungo sa direksyon namin. Even the emerald color of their eyes is so fascinating.
"The two of you are just in time," nakangiting bati ni Kyle sa kanila habang ako ay nakatulala pa rin. "What brought you here anyway?"
The girl with a red curly hair waved her hand dismissively. "Saka na tayo magkuwentuhan. Let's get your problem done and over with first."
Kumunot ang noo ko. Paano nila nalaman ang tungkol sa problema namin? May kakayahan ba sila na katulad ng kay Reiri?
They all step back. So I just did the same. Agad naman akong tinabihan ni Steph.
"Anong mayroon?" naguguluhan kong tanong kay Kyle.
"Athena will do something to make all of the students here fell asleep," he explained.
Napatango-tango na lang ako kahit medyo naguguluhan pa rin ako sa mga nangyayari.
The girl with a red hair took a step forward. So her name is Athena. Pati pangalan pang diyosa talaga.
Nagsimula siyang magbigkas ng mga salitang hindi ko maintindihan na sa tingin ko ay isang orasyon. Pagkatapos ay ibinuka niya ang kanyang palad at inihipan ito paikot sa buong hall.
Napakurap na lang ako ng isa-isang nagbagsakan at nawalan ng malay ang halos lahat ng nandito sa loob. Except for us.
"Now, we need to find whose those common vampires that disobey the rules."
Napatango kaming lahat sa sinabi ni Kyle.
"Rei, Hiro, Vince and Steph. Maiwan kayo rito lara magbantay."
Magpo-protesta pa sana sila, pero binigyan lang sila ng seryosong tingin ni Kyle.
"Let's go."
Mabilis kaming tumakbo palabas at sinundan kung saan nanggagaling ang amoy ng mga dugo. Sigurado kaming hindi lang iisa ang nabiktima dahil magkaiba ang amoy ng dugo na naaamoy namin.
Napahinto kami sa bukana ng kagubatan ng may makita kaming dalawang bampira na estudyante. Walang nilang patuloy na sinisipsip ang dugo ng dalawang taong estudyante na nakahandusay sa sahig at wala ng buhay.
"Itigil n'yo 'yan!" maawtoridad na utos ni Kyle sa dalawa, dahilan para mapunta sa 'min ang atensyon nila.
I gasped the moment I saw them. Pulang-pula ang kanilang mga mata, labas ang mahahabang pangil, mahaba rin ang kanilang mga kuko at halos lumabas na ang kanilang mga ugat.
"Something is wrong with them. It looks like they have been injected with some kind of a drug," the girl with a blonde straight hair said.
"Yeah. Maaaring 'yon din ang naging dahilan kung bakit nawala sila sa kontrol," Kira agreed.
Natigilan kami nang makitang pasugod na sila sa kinatatayuan namin. That's very strange of them. Dahil ano naman ang laban ng isang common vampire sa mga pureblood at royal blood?
Nakahanda na kaming lahat sa gagawin nilang pag-atake, nang may bigla na lang akong naramdamang dumaan na tila isang malakas na hangin. Napatunganga na lang ako nang makitang pawang dukot na ang puso nilang dalawa.
"What have you done?" sigaw ng babaeng kulay blonde ang buhok kay Kira. "Hindi mo muna dapat sila pinatay para nagkaroon tayo ng pagkakataon na mapag-aralan kung ano ang nangyari sa kanila at itanong kung sino ang may kagagawan nito!"
"Althea is right. Masyado kasi kayong nagpadala sa emosyon n'yo." Athena shook her head. Disappointment were evident on their faces.
Sasabat na sana ko nang may makita kong anino sa likod ng isang malaking puno na tila nagtatago.
"Wait." Natahimik sila at sabay-sabay na napalingon sa 'kin. "Someone's watching us." Napatingin din sila sa direksyon na tinitingnan ko.
Dahan-dahan akong lumapit at sinilip ito. But my eyes widened in horror when I saw Mikan that's shaking with tears streamed all over her face.
"Mikan! What happened?" Lalapitan ko sana siya pero mabilis siyang lumayo na para bang takot na takot siya saken.
"W-Wag kang lalapit. S-Sino ba kayo at anong klaseng nilalang kayo?"
Natigilan ako nang dahil sa tanong niya. Pakiramdam ko ay unti-unting dinudurog ang puso ko. Masakit makita ang kaibigan mong takot na takot sa 'yo na para bang isa kang halimaw sa paningin niya. Ngayon ay alam ko na ang pakiramdam ni Kira no'ng mga panahon na tinanong ko rin siya ng gano'n.
"Mikan..." kusang tumulo ang mga luha ko. Gusto ko siyang lapitan, yakapin at sabihing ayos lang ang lahat at akong bahala sa kanya. Na hindi ko hahayaan na may makapanakit sa kanya at sabihin na hindi kami masama. Na hindi kami halimaw.
Pero hindi ko magawa dahil kitang-kita ko ang magkahalong takot, panghuhusga at galit sa kanyang mga mata.
Sa dinami-rami naman kasi ng pwedeng makakita sa 'min ay bakit siya pa?
Naramdaman ko na lang na mayroong palad na biglang humawak sa balikat ko.
"Don't worry. Kami ng bahala sa kanya."
I turned around and saw Athena and Althea's face with an assuring smile. Wala kong ideya sa kung ano ba ang kakayahan ni Althea. Pero hangga't maaari ay ayoko sanang magagamitan ng kahit anong klase ng kapangyarihan ang kaibigan ko.
Ngunit wala naman akong ibang magagawa. It's for her own sake.
Napatango na lang ako sa kanila. "Salamat."
Tinalikuran ko na si Mikan at agad akong sinalubong ni Kyle ng yakap. Patuloy pa rin sa pag-agos ang mga luha ko.
"Don't worry. Everything will be okay. Sa ngayon, ang kailangan nating malaman ay kung may napapasok ba tayong kalaban dito."
Kinuyom ko ang kamao ko. Sisiguraduhin kong magbabayad ang kung sino man na may gawa nito.