webnovel

Chapter 4 | Trust Him

Chapter 4 | Trust Him

Nicole Jane's POV

Naalimpungatan ako nang marinig ang sunod-sunod na katok sa pinto. ''Sandali,'' inaantok kong sabi habang kinukusot ang aking mga mata.

Nang makatayo ay agad kong tinungo ang pintuan at pinagbuksan ang kung sino man na nasa labas nito. ''Ano ba ang—'' I didn't able to finish my sentence because Mikan suddenly hugs me.

''What the? Lumayo ka nga sa 'kin!'' Mabilis ko siyang naitulak at mabuti na lang ay bumitiw rin siya agad.

''Ay, grabe siya! Samantalang ikaw nga 'tong bagong gising at hindi pa naliligo riyan.'' She pouted, then went ahead inside. Nanlaki ang mga mata ko nang bigla siyang dumiretso sa kama at humiga.

Akmang hihilahin ko siya ng mapatingin ako sa bilog na orasan na nakasabit sa dingding. Napasinghap ako nang mapansin na alas-syete y medya na pala. Alas-otso ang time namin!

Dali-dali kong kinuha ang mga gamit ko at pumasok sa banyo. I can't believe that I took a shower for only ten minutes!

Nang matapos ako sa pag-aasikaso ay ako na mismo ang humila kay Mikan palabas. Pero agad rin akong napahinto nang may maalala.

Pabalik na sana ako ng bigla niya akong pigilan. ''Ito ba 'yong nakalimutan mo?'' Inikot-ikot niya sa harap ko 'yong bracelet na bigay ni Mr. Lin.

''Akin na nga 'yan! Paano napunta sa 'yo to?'' nagdududa kong tanong sa kanya. Nilabas ko 'to kagabi bago mahiga para hindi ko makalimutan.

Tinaas niya ang dalawa niyang kamay. ''Relax. Nakita ko 'yan kanina sa ibabaw ng mesa mo. Naisip kong kuhain para ako na mismo ang magbigay sa 'yo dahil baka mamaya ay hindi mo na naman isuot,'' she explained while I was putting it on.

Pagkatapos ay tumakbo na kami hanggang classroom. Late kami kahapon at ayoko ng maulit 'yon ngayon.

Nakahinga ako ng maluwag nang sa pagbukas ko ng pinto ay hindi ko namataan si Sir Martin. Dali-dali na kaming dumiretso sa dulo at naupo. Sakto lang ang dating namin.

Natahimik naman ang lahat nang bumukas ang pinto at iniluwa noon si Sir Martin. Tahimik lamang akong nakinig nang magsimula na siya magturo.

Ngunit naistorbo ang klase namin ng bigla na lamang kumalabog pabukas ang pinto.

Napatingin kaming lahat sa mga bagong dating. There are four of them. But the one who seems to lead the group is...

Kyle!

I heard Mikan gasped beside me. ''Oh, my! He is really back.'' Tatanungin ko sana siya kung bakit gano'n na lang ang naging reaksyon niya, nang mapansin ko ang biglang pagyuko ni Sir Martin. Nilibot ko ang tingin at gano'n din ang ginawa ng iba pa naming mga kaklase.

''Welcome back, Prince Kyle.''

Para akong napako sa kinauupuan ko nang dahil sa narinig. Ni hindi ko nga magawa ang kumurap man lang.

Is he really a prince?

The four of them started to walk inside with so much confidence and authority, as if they are the ones who rule the world and no one could ever go against them.

Tila biglang bumagal naman ang ikot ng mundo ko nang mapagtanto na papalapit sila rito sa puwesto namin, habang diretso lang ang kanilang tingin.

Pasalampak na umupo si Kyle sa tabi ko sabay subsob ng kanyang mukha sa ibabaw ng mesa.

Napataas ang kilay ko nang dahil sa inasta niya. Damang-dama lang ang pagiging prinsipe kuno niya.

Pagkatapos nilang makaupo ay ipinagpatuloy na ni Sir Martin ang naudlot niyang pagtuturo. Parang balewala lang sa kanya na tinutulugan siya ng iginagalang niyang prinsipe.

But if he's really a prince, then I don't think he has the privilege to be this disrespectful. It's not right for him to control everyone and just did everything he wants by using the power he have.

I shifted my gaze to his friends that were seated on the other side. To my surprise, they're all looking at me already. Para nila akong sinusuri na hindi ko maintindihan. Weird as ever. Just like the most of the people here.

Agad akong nagbawi ng tingin. Mamaya kung ano pa ang isipin nila, eh.

Itinuon ko na lang ang atensyon ko sa harap pero hindi ko naman magawang mag-concentrate. Kung ano kasing tahimik nitong isang katabi ko ay siya namang likot ni Mikan sa isang tabi.

''Ano bang problema mo at para kang hindi mapakali riyan?'' mahinang saway ko sa kanya.

Tumingin siya sa direksyon ni Kyle bago bumalik ang tingin sa 'kin. Nakuha ko naman agad ang gusto niyang iparating kaya hinayaan ko na lang ang pagiging paranoid niya.

Pero paminsan-minsan ay napapasulyap din ako kay Kyle. Hindi ko kasi mawari kung talaga bang natutulog siya o sadyang may drama lang sa buhay.

Ilang oras pa ang lumipas at kasabay ng malakas na pagtunog ng bell ay siya namang pag-angat ng ulo nitong katabi ko.

Gawin ba raw tulugan ang classroom? Now I wonder, was there still some knowledge entering his mind?

Mabilis kong inayos ang mga gamit ko bago tumayo. Gustong-gusto ko ng umalis sa lugar na 'to. Pakiramdam ko kasi ay masyado na 'tong masikip para sa 'ming dalawa at ang hirap na huminga. That's what I feel whenever he's near.

I almost reach the door when I felt someone bumped me from behind then walk passed me.

Hindi ko mawari kung tao ba ang nakabangga sa 'kin. Ang lakas kasi ng puwersa niya na halos mapadapa ako rito sa sahig. I looked up to see who it was.

It's none other than Kyle Ethan Clarkson and he's smirking at me. Halatang sinadya niya 'yong nangyari. Buwisit!

''Sa susunod kasi ay matuto kang tumabi at alamin kung saan ka lulugar. Stupid.''

I balled my fist. Siya lang talaga ang mahilig tumawag sa 'kin ng kung ano-ano!

''One more thing. Bawas-bawasan mo naman ang pagtingin-tingin sa 'kin. Napaghahalataan ka masyado, eh.'' He turned his back at me and walked away.

I was left dumbfounded. Hahabulin ko sana siya ng bigla naman akong harangin ng tatlong kasama niya kanina.

''Ano naman ang eksena n'yo?'' I asked irritably. Namumuro na talaga sa 'kin ang frog prince na 'yon! Kaya wag na silang dumagdag pa at baka sila ang mapagbalingan ko.

Natigilan naman ako nang biglang tumabi sa 'kin si Mikan at hinawakan ang braso ko. She's shaking and I can't help but to roll my eyes. Mas lalo akong nairita.

The guy with a blonde hair came near me with amusement written all over his face. Matangos ang ilong niya at maputla ang kulay ng balat. Medyo singkit naman ang kanyang mga mata.

In fainess, guwapo siya. Required ba sa academy na 'to na mayroong pleasing personality ang mga magiging estudyante nila? Pansin ko kasi na puro magaganda, guwapo at mayayaman ang mga nag-aaral dito.

''Ako na ang humihingi ng pasensya sa ginawa ng kaibigan ko sa 'yo. Masama lang ang gising niya kaya gano'n.'' He smiled widely.

Natulala ako nang dahil sa pagngiti niya. Sa isang iglap ay parang bula na biglang nawala ang sama ng loob ko sa lalaking 'yon.

I shook my head. Ano ba naman 'tong mga naiisip ko?

''Ako nga pala si Kira. Then, these two guys beside me are Hiro and Vincent.'' Napatingin naman ako sa dalawang lalaki na itinuro niya.

Hiro is smiling at me. Nakataas ang kulay brown niyang buhok. While the one named Vincent is looking at me so seriously with his gray eyes. Hindi mababakasan ng kahit anong emosyon ang mukha niya. Ang cold pati ng aura niya.

Nakipagtitigan naman ako sa kanya. Hindi rin maganda ang nararamdaman ko sa lalaking 'to. Kamag-anak siguro siya ni Kyle. May pagkakahawig kasi sila, eh.

Pero kumunot ang noo ko nang mapansin ang pagtataka sa kanyang mukha.

''How did you do that?'' he asked me in disbelief.

''How did I do what?'' naguguluhan kong balik tanong sa kanya. Wala naman kasi akong ginagawa. Nakipagtitigan lang naman ako. Masyado na ba 'yong imposible para sa kanya?

Ramdam kong pinagtitinginan na rin kami ng iba pang mga estudyante sa paligid. Lunch break na kasi kaya marami ng tao rito sa corridor. I also heard some of them murmured like 'bitch' and 'slut'.

Seriously? How I want to strangle their neck right now!

''Nothing,'' he answered inaudible whisper. I just shrug and grab Mikan's arm, then left them. Mahirap na at baka bigla na lamang akong kuyugin ng fan girls nila.

Habang naglalakad ay hindi nakaligtas sa paningin ko ang matatalim na tingin ng halos lahat ng mga kababaihan na nadadaanan namin. Dukutin ko kaya 'yang mga mata nila?

''You're so cool! Ikaw pa lang ang naglakas loob na magsalita sa kanila ng gano'n,'' Mikan said.

Napailing na lang ako sa kanya na ikinatawa niya. Sa totoo lang ay hindi ko alam kung bakit ba sama ng sama sa 'kin ang isang 'to. She's too good to be my friend.

We almost reach the dining hall when suddenly, three girls appeared out of nowhere and blocked our way.

I already predict this scenario coming. But not this soon. Can't they just let me eat first?

''How dare you talk to the prince and the other royalties like that? Who do you think you are? You're just a human!'' The girl that looks like their leader shouted at me.

I'm just a human? Natawa naman ako sa sinabi niyang 'yon. Kung makapagsalita naman ang babaeng 'to ay akala mo hindi siya tao.

''Ano naman kung gano'n ko sila kausapin? Ikamamatay ba nila 'yon? Hindi naman, 'di ba?'' Lalagpasan ko na sana siya pero mabilis niya akong nahawakan sa braso. I almost flinched when I felt that coldness again.

Pinilit ko namang itago ang sakit na naramdaman ko nang mapadiin ang mahahaba niyang kuko sa balat ko, dahilan para magkaroon ako ng maliliit na sugat at bahagya itong dumugo.

I heard a loud gasped around. Ngayon lang ba sila nakakita ng nag-aaway?

''Don't you dare turn your back at me when I'm still talking to you!'' Malakas niya akong itinulak kaya napaupo ako sa sahig.

Pinalibutan na rin kami ng iba pang mga estudyante. Most of them were looking at me as if I'm some kind of a prey and they're all my predator. While the others were just looking at me with so much pity.

One of them is Mikan. Halata sa kanya ang takot. She seemed lost for a moment. I know that she wants to help, but she can't.

Naikuyom ko ang mga kamao ko. Ayoko pa naman sa lahat ay 'yong kinakaawaan ako. I was about to stand up when a powerful voice echoed all over the hallway.

The voice that never fails to give me shiver and made me lose on the track.

''What the hell is happening here?'' Parang dagat na biglang nahawi sa magkabilang tabi ang mga nanonood sa 'min sabay tungo.

Napaangat ako ng tingin. Sinalubong naman ako ng nanlilisik niyang mga mata. Aside from that, for the very first time it shows different emotion. He looks so angry and at the same time worried.

But worried for what?

Nagulat na lang ako ng sa isang iglap ay buhat-buhat na niya ako, bridal style. Mabilis niya akong inilayo sa mga mapanuring mata na nakatingin sa 'kin.

I encircled my arms around his neck. Para kasi akong mahuhulog sa sobrang bilis niyang maglakad.

Hindi ko naman naiwasan ang mapalingon. Napansin ko na kinakausap na nila Kira at Hiro 'yong ibang mga estudyante, habang si Vincent naman ay nandoon sa mga babaeng humarang sa 'kin.

''Hey, there's no need for you to do this. You're just creating a bigger scene!'' pabulong kong sigaw sa kanya nang paliko na kami sa dulo ng hallway.

Things suddenly get blurred for a moment. Saglit akong nakaramdam ng hilo. Ngunit gano'n na lang ang gulat ko nang sa pagtingin ko sa paligid ay napansin ko na tinatahak na namin ang daan papuntang clinic.

Teka... halos nasa bandang dulo pa ang building na 'to, ah. Paanong nandito kami agad?

But seriously, clinic talaga? Marami nga akong sugat pero maliliit lang naman ang mga 'yon.

Binuksan niya ang pinto sa pamamagitan ng pagsipa rito. Grabe. Ang brutal at lakas naman ng lalaking 'to. Wala man lang ba siyang malasakit sa mga facilities dito?

A smiling beautiful lady wearing the usual nurse uniform approached us. ''What happened to her?'' Dahan-dahan naman niya akong inihiga sa puting kama na nandito.

''She has a small cut. Kayo na lang po ang bahala sa kanya.'' Tumalikod na siya ng hindi man lang tumitingin sa 'kin.

''Kyle! Wait!'' He stopped in his tracks, with his back facing me.

''Thank you,'' I said sincerely. Sa totoo lang ay hindi naman niya ako kailangang tulungan kanina. But still, I appreciate it.

He shrugs and was about to go out when he spoke. ''Be careful next time. Hangga't maaari ay iwasan mo ang magkaroon ng kahit na maliit na sugat.''

Kumunot ang noo ko dala ng pagtataka. "Why?" Is that even possible?

''Just trust me on this,'' he answered then left.

Ilang segundo rin ang lumipas bago nag-sink in sa utak ko 'yong sinabi n'ya.

He wants me to trust him. Right now, I can feel that I already did.

Just who the hell are you, Kyle Ethan Clarkson?

-----

Vincent's POV

"How is she?" tanong ni Kira kay Kyle pagdating nito.

Pasalampak siyang umupo sa couch. "She's fine. Dinala ko siya sa clinic. What happened to them?" tanong niya sa 'kin na ang tinutukoy ay 'yong mga babae na sumugod kay Nicole.

"No worries. Dinala na sila sa detention room," sagot ko.

Napahilamos naman siya ng mukha. He looks frustrated. "Lagot tayo kay Dad kapag nagkataon. Mabuti na lang at walang na-trigger sa mga bampira na nandoon ng maamoy nila ang dugo ni Nicole."

"Kahit papaano ay nakokontrol naman ng mga bampirang estudyante rito ang blood lust nila. Isa pa ay sinanay naman natin ang mga bampira rito na uminom ng dugo ng hayop at wag matakam sa dugo ng tao." Kira tapped his shoulder.

Napatango naman si Kyle. "I know. But still..."

"Wag ka ng mag-alala. Everything will be fine and we will make sure that this kind of incident won't happen again." Paniniguro ko sa kanya.

Ilang minuto rin kaming natahimik na apat at nahulog sa malalim na pag-iisip ng bigla 'yong basagin ni Hiro.

"Anyway, why did you ask her like that?'' nagtatakang tanong sa 'kin ng matalik kong kaibigan na si Hiro. Agad ko namang naunawaan ang tinutukoy niya.

Nandito kami ngayon sa sala ng mansyon. Ewan ko ba sa dalawang prinsesa namin kung nasaan sila at mukhang may sarili na namang mga mundo.

''Ask who what?'' bored na tanong naman ni Kyle.

I let out a deep sighed. They deserve to know what I just discovered. ''Ganito kasi 'yon. Noong nagkatitigan kami ni Nicole kanina—'' hindi ko na nagawang tapusin ang sasabihin ko nang dahil sa marahas na pagtayo ni Kyle.

''Bakit naman kayo nagkatitigan?'' Halos mamula ang mga mata niyang nakatingin sa 'kin. Mukhang mayroon atang naapektuhan sa sinabi ko.

I cleared my throat then looked at him seriously. Pero hindi nakaligtas sa 'kin ang pagpipigil ng tawa ng dalawang kasama namin.

Kasi naman 'tong si Kyle. Kung makapag-react akala mo selosong boyfriend lang.

His eyes widened. ''I'm not jealous!'' sabi niya bago umupo uli. Tinakpan ko naman ang bibig ko pero hindi ko na talaga napigilan ang matawa nang malakas. Sinabayan naman ako ng dalawa.

''If you only saw your face, man. It's so epic!'' Tuloy lang kami sa pagtawa hanggang sa maramdaman ko ang malakas niyang pagbatok, dahilan para matigilan kami.

''Ikaw naman kasi. Patapusin mo muna ako bago ka mag-react diyan, okay?'' seryoso kong sabi na nakapagpatingin sa kanilang tatlo sa 'kin.

''Ito na nga. Alam n'yo naman na nakokontrol ko na ang mind reading ability ko, 'di ba?'' Sabay-sabay silang tumango sa 'kin.

''So, I tried to use it to Nicole. But unluckily, it didn't work.'' Napakunot noo sila.

''What do you mean? Ibig bang sabihin ay hindi mo pa talaga 'yon kayang gawin?'' Hiro asked, confused.

Napailing ako. If that's the case, then there will be no problem. But it wasn't.

''I asked her how did she do that because she managed to block me,'' I said that made their jaw dropped.

Próximo capítulo