ELLA
Malapit na ako sa kanto namin ng makarinig ako ng sigawan. Hindi ko na sana papansinin pero may sumigaw na babae don.
Sa sobrang pag aalala ko ay pinuntahan ko kung saan ang boses na iyon.
Hindi naman sa hindi ako natatakot sa pwedeng mangyari sakin pero mukhang kailangan talaga niya ng tulong.
"Bitawan niyo ako!" Sigaw nung babae.
Napunta ako sa isang kanto na sobrang dilim. Doon ko nakita ang babaeng sumisigaw.
"Ano ba! Bitawan niyo ako!"
Pinagpapasa pasahan siya ng tatlong lalaki na para bang isa siyang bola.
"Aray! Ano ba?!"
Patakbo na ako ng---
"Hoy! Tigilan niyo yan!"
May sumigaw na lalaki.
Sinuntok ni kuya yung isang naka bonnet tas sinipa yung naka sumbrero.
"Hay. Buti nalang at dumating si kuya." Bulong ko sa sarili.
Paalis na sana ako ng narinig ko ang pag sigaw ni kuya.
"Ouch!"
Hindi niya ata napansin na may isa pang lalaki kaya naman nasuntok siya sa mukha.
Agad na tumayo naman ang dalawa upang tulungan ang kasama.
"Ano! Gag* ka ah! Nakikialam ka dito! Hindi mo ba kami kilala? Ha?!" Sigaw nung parang lider nila.
Pinagsisisipa nila si kuya samantalang yung babae ay nakaupo habang nakatulala sa apat.
Hindi ko na makaya ang nakikita ko kaya naman naghanap ako ng gamit na pwedeng ipang bato don sa isa nilang kasama.
Nung hindi ako makahanap ng ipang babato ay inabot ko nalang ang sapatos ko at inaasinta sa lalaking naka sumbrero.
"Hoy!" Sigaw ko sa kanila.
JEREMY
Ang sakit ng katawan ko. Sh*t lagot ako neto eh! Hanggang ngayon ay sinisipa parin ako nung tatlo nang may sumigaw na babae.
"Hoy!"
Saktong pagtingin nung may sumbrero ay sinipa nung babae ang sapatos niya papunta sa mukha nung naka sumbrero.
"Bull's eye" Natatawang sabi niya habang nakatingin dun sa naka sumbrero na ngayon ay bulagta na.
'Woah. Fierce.'
"Lintek ka! Dumagdag ka pa dito! Lagot kang bata ka ngayon!" Sigaw nung lider nila.
Sinenyasan nung lider yung lalaking naka bonnet at pinasugod iyon dun sa babae.
Nako. Lagot na! Bakit pa kasi siya nakisama sa away!
Susuntukin na sana nung naka bonnet yung babae nang biglang kinuha nung babae ang kamao nung naka bonnet. Pinaikot niya ito papalikod.
Nagpupumiglas pa yung nakabonnet nang biglang siyang pinatid nung babae gamit yung isang paa niya. Napahiga yung naka bonnet at akmang tatayo na ng inapakan nung babae ang likod niya.
Nang nagpupumiglas pa rin yung lalaki ay sinipa siya nung babae ng malakas sa *toot toot* niya.
'Ouch. Ang sakit niyan!'
"Aray! G*go kang bata ka! Ang sakit! Aray!" Inda nung naka bonnet habang hawak ang *toot toot* niya.
Haharap na sana yung babae ng biglang hablutin nung lider ang buhok niya at kinalampag sa pader.
'Aray!'
Nakita kong ngumiwi kaunti ang babae dahil sa sakit pero hindi siya nag salita at para bang hinihintay niya na may gawin yung lider.
Hawak ng isang kamay nung lider ang leeg nung babae at yung isang kamay naman ay nakaporma na para bang sasampalin yung babae.
Akmang sasampalin niya na yung babae.
"Watch out!" Usal ko. Kahit medyo mahirap dahil sa pagkakasipa sa akin.
Sobrang bilis ng pangyayari. Bago pa man siya dapuan ng kamay nung lider ay na headbutt na nung babae yung lider. Kita kong napabitaw yung lider sa pagkakahawak niya dun sa babae. Sinipa niya yung lalaki sa tagiliran at sinuntok sa mukha. Kinuha niya ang kamao nung lider at inilagay iyon sa likod.
'Woah. She's cool. And... Sexy.'
"Tinatanong mo 'siya' kung sino ka hindi ba? Hindi ka niya kilala pero ako, kilala kita. Kilalang kilala. Mas dapat mong kilalanin ang kinakalaban mo." Sinabi nung babae dun sa lider na namimilipit ngayon sa sakit dahil sa higpit ng hawak nung babae sa kamay niya.
Ano daw? Kilala niya yan? Mas dapat niyang kilalanin ang kinakalaban niya? Ha?
Kita ko ang pamumutla nung lalaki (kahit madilim ay nasisinagan ko ang mukha nung lalaki) nung may ibinulong yung babae sa kanya.
'On second thought, she's creepy. But, damn sexy.'
Pinakawalan niya yung lalaki.
'Hala bakit niya pinaalis?! Baka resbakan siya niyan!'
Pagkatapos na pagkatapos niya itong pakawalan ay kumaripas na agad ito ng takbo.
"Hoy! Isama mo yang dalawa mong alagad!" Sigaw niya don sa lider.
Nagmadaling bumalik ang lider at binuhat yung nakasumbrero at hinila na lang ang damit nung naka bonnet. Pagkaalis nung tatlo ay nagsalita na siya.
"Halaaa kuya! Kailangan mo pa bang mag pa ospital?" Tarantang tanong niya sakin at diretsong nakatingin sa mata ko.
"Kuya. Huy."
Lumuhod siya kapantay ko at tinitigan ako muli
'Okay, I want to take back what I just said. She's not sexy! She's-- she's not beautiful!'
'Err. She's ugly. Braided hair, with a big glasses and heck! She even have pimples!'
Ilang minuto kaming nagtitigan ng biglang--
"Kuya!" Sigaw niya sakin at pumalakpak pa.
"Aray! Dahek?! Hindi ko na kailangang mag paospital!" Mabilis kong sabi.
Tumayo naman na siya at kinuha ang sapatos na inasinta niya kanina sa ulo nung lalaki. Pagkatapos ay pumunta dun sa hanggang ngayon ay tulala parin na babae.
Hirap akong aninagin yung itsura nung kawawang babae.
'Bakit parang pamilyar sila?'
"Ate. Wala na sila. Ok kana." Sabi niya at iwinawagayway ang kamay sa mukha nung kawawang babae.
Unti unting tumulo yung luha nung babae at napayakap dun sa astig na babae.
"Ate. *Sniff *Sniff Thank you. *Sniff A-akala ko k-ka-katapusan k-ko na kanina."
"Shh. Ok na. Tara na. Bitaw kana. Para maitayo na kita." Kalmadong sabi nung babae.
ELLA
Bumitaw naman na si ate sa akin at inalalayan ko siyang tumayo. Nilagay ko yung braso niya sa batok ko para medyo masuportahan ko yung bigat niya.
Unti unti na kaming lumakad ng may naramdaman kong may nakatingin sa akin.
Pagtingin ko sa likod ay yung lalaki pala.
"Oh kuya. Hindi ka pa tatayo jan?" Tanong ko kay kuya na nakaupo.
Pagkatanong ko ay tumayo siya agad at ngumiwi.
'Masakit ata ang pagkakasipa sa kanya.'
"Kaya mo bang maglakad?" Tanong ko kay Kuya.
"K-kaya ko no."
Dali dali siyang naglakad at inunahan na kami.
Paglabas namin ng kantong iyon ay tinitigan ko si kuya kahit nakatalikod.
Matangkad siya, maputi, naka binatang gupit, naka pormang panggala at ang gwapo niya. Ang kaso, patpatin.
Sobrang payat niya. Nagmukha siyang walking stick.
Kumakain pa kaya siya? Parang ang dali niyang dapuan ng sakit.
Masyado akong na overwhelm sa mga iniisip ko kaya naman---
"Aray!"