Chapter 1
Cursed
Naalimpungatan ako sa silaw ng araw pero nanatili akong nakapikit. Bahala na nga ang haring araw basta matutulog pa rin ako.
Umikot ako ng higa sa kama at napatigil ng may naramdamang may humihinga sa harapan ko.
Ah, baka si Toffy lang 'yan. Yung asong yun talaga!
Ngumisi ako habang nakapikit, tapos hinanap ko yung ulo niya at hinimas-himas 'yon.
"Toffy, bakit parang iba na ang textile ng buhok mo?" Ngayon hinanap ko naman yung mukha niya.
Mahinang kong sinundot-sundot yung pisnge niya. "Toffy, bakit parang mas lumambot yung pisnge mo?"
Ngayon naman hawak-hawak ko na ang magkabilang pisnge niya. Nag-nose to nose naman kami. "Toffy, tumangos ata ilong mo?"
Nagmulat na ako ng mata dahil sa kuryosidad. Nanlaki na lang ang mga mata ko dahil sa nasaksihan ko.
Hindi si Toffy.
Hindi rin ako nananaginip.
Hindi rin 'yon kathang-isip.
Si Yohan Yamashita yung nasa harapan ko.
Nakakamatay.
Ilang beses akong napalunok ng paulit-ulit. Ang lapit ng mukha niyang nakapoker-face na dahil sa 'kin. Hala, patay.
Binitawan ko na yung mukha niya at tinulak siya mula sa kama tapos nagsisisigaw ako na parang wala ng bukas. Na animo'y mga ibon nagsiliparan na sa takot.
"Hindi! Hindi! Hindi! Ihh!" Nagsisisigaw pa ako ng mas malakas.
Nang mahimasmasan ako ay sinilip ko siya sa ilalim ng kama.
Nawiwirduhang mukha ni Yohan sa 'kin.
"Sorry, sorry." Tinulungan ko siyang makaakyat ng kama.
Nang makaakyat naman siya ay napatanong ako.
"Totoo ka?"
Kamuntikan ko ng mabatukan yung sarili ko.
Oo, Lisa, totoo siya. Kung hindi siya totoo edi hindi mo siya nahahawakan ngayon!
"You are crazy." Saad niya. Napatunganga ako sa gulat. Aba, bastos!
"Hoy! Pasalamat ka pinatira kita dito sa condo ko!" Sigaw ko ng magsimula siyang tumayo.
Tumigil muna siya at humarap ulit sa 'kin, "Well, you don't remember, so I'll just get out of this room rather than argue with you." Hinampas niya ng malakas ang pinto pagkalabas niya.
"Hoy! Lalake!" Hinabol ko siya, "Magluto ka ng almusal!" Pero likod niya lang ang naabutan ko dahil sa bilis niyang maglakad.
Parang si Flash lang?
Tsk! Ako na nga lang ang magluluto! Tamad-tamad naman ng bisita ko. Mali! Bw*sita pala.
Makikiparty nga mamaya sa mga baliw.
Bumaba na ako sa hagdan at dumiretso sa kusina. Binuksan ko ang ref at meron akong naispotan na hotdog at itlog.
Araw-araw na lang?
Pinainit ko na yung kalan at nilagyan ng kaunting mantika, nilagay ko na ang hotdog at nagluto.
Bahala na nga sa mga prosidue di parin naman ako marunong.
Nangmaluto ang hotdog itlog naman. Patalsik-talsik ang mantika kaya nakipag-espadahan na ako. Kala niyo naman madali lang 'to? Nakakat*nga 'to sa totoo lang.
Nilapag ko na sa mesa ang mga pagkain para makapag-almusal na at hinanap ko si Yohan pagkatapos.
Pinasok ko lahat ng kuwarto at hindi ko naman siya mahanap kaya nagdesisyon akong dumaan sa library baka kasi nandoon rin siya. Pagbukas ko ng pinto ay nakita ko siya sa harapan ng study table at namimilipit na parang may masakit. Hawak-hawak niya ang sarili niya at halos maglumpasay na sa sahig.
Patakbo ko siyang nilapitan at inalog.
"Yohan, huy! Anong nangyayari sayo?!" Pilit ko siya pinapaayos kasi parang mamamatay na siya at hindi na makahinga.
Tumakbo ako sa kusina para kumuha ng tubig at ipainom sa kanya. Pagbalik ko sa library ay nakita ko siyang nakapikit at nakahiga sa sahig.
"Yohan?" Sinigurado ko kung gising ba siya o tulog.
Nang mag-mulat naman ang mga mata niya ay tinulungan ko siyang umupo at uminom ng tubig para makahinga naman siya kahit konti.
Nang mahimasmasan siya ay dinala ko siya sa sofa, pinahiga ko siya tsaka tinanong.
"Anong nangyari sayo?"
"Time capsule attacked." Sabat niya.
'Anong time capsule? Gamot ba 'yon? Pero bakit siya in-attack?'
"Time capsule is what time travelers keep. To make themselves aware about the time given to them for travelling through time." Paliwanang niya.
'Ha? Pakiramdam ko dumugo ulit yung ilong ko.'
Bumuntong hininga siya at pinilit ang sarili na tumayo, "Nevermind." Pero hindi niya kayang tumayo.
Tsk, matanong nga 'to.
Pina-upo ko na lang siya ng maayos para hindi na siya tumayo-tayo.
"Bakit nga ba nandito ka sa taym namin? 2019 na tapos ikaw kung saang history book pa nanggaling?" Napabuntong hininga ulit siya.
"Actually, my story started with a curse..."
At nagmistulang flashback ang lahat ng dahil sa kuwento niyang hindi ko maintindihan!
"It was when I played with every women's feelings in our empire. I hurt them, break them, shatter them." Tapos ako namang si gag* kung makatingin akala mo bedtime story.
Mukha talaga siyang story teller, "for every heart break lies a consequence..." tumango ako, "and that consequence was built up together and he made it one..."
"Sinong he? At anong sinasabi mong wan?"
"He is Cupid, the god of love, and he cursed me."
"Anong klaseng course?"
"I will travel to the future and find my one true love. If I fall in love and the one for me didn't then I'll perish in this time and suffer in mine." Ngumiti siya ng pagkatamis-tamis na parang walang masama kung mawala man siya at masaktan.
Naiinggit ako sa taong kaya pang maging masaya kahit na sobrang sakit na.
Tumango ako sa kanya. "So dahil cursed ka nga ay nasasaktan ka sa bawat oras mo dito?" Tumango siya, "ilang oras na lang ang natitira sa 'yo?"
"Nine months and two weeks." Yumuko siya, "If I didn't find her for a short time I'll perish..."
Tapos mukha akong light bulb na umilaw dahil may naisip.
"Tutulungan kita!" Excited kong sabi.
Dahil kesyo cursed daw siya edi mabuhay Philippines! Tapos naalala kong babalik na kami sa London in four days! Wow, ang bad timing talaga!
"Uhm, really? You'll help me?" Tumango ako. "So, where will I find her?"
Tapos para akong binato ng tsinelas sa mukha.
Bakit niya ba ako tinanong? Alam ko ba?
Bigla ko nalang siyang tinulak sa sahig at minura. Tumayo ako tsaka padabog na lumabas ng library.
'Nakakagigil!'