webnovel

Chapter 14

Monday, 6:30 AM

Naglalakad si Yasumi papuntang eskwelahan.

Di siya nageexpect na susunduin siya ni Aikoh dahil kahit kelan di naman siya sinundo nun. Baka malate pa nga yun sa school eh or baka tulad niya, naglalakad lang din.

Habang naglalakad siya, naisip niya lahat nang nangyari nung nakaraang linggo.

Tulad nang ginagawa niya ngayon, naglalakad lang din siya nuon nang biglang nakabanggan niya si super nonchalant Aikoh.

On the same day, nadiscover niya na ang lalaking nakabanggaan niya is classmate pala niya and the worst part is katabi pa niya!

Naalala niya nung first time na nag step up si Aikoh just to save her from their professor and classmates. Wala lang yun sa kanya nuon pero pagnaiisip ito ni Yasumi ngayon, kinikilig siya. Naalala niya pa nga kung pano magdeny si Aikoh nun eh.

Naalala niya kung pano siya nagising sa sarili niyang kwarto pagkatapus siyang pagtangkaan sa play ground. Di siya mapakali habang kinukwento sa kanya ni Akaza ang nangyari.

Everything happened so fast! The next thing she know, girlfriend na siya ni Aikoh

Habang naglalakad si Yasumi, di niya namalayan na nakarating na siya sa kanto kung saan una silang nagkita ni Aikoh. Napangiti na lamang si Yasumi habang naglalakad.

Pagkaliko na pagkaliko ni Yasumi, she once again bumped into someone.

"Aray~""Oy!"

As usual, bumagsak sa sahig si Yasumi.

Pero instead na magalit si Yasumi, napangiti siya.

"Babe," Bulong niya bago dahan dahang tumayo. Magsasalita na sana siya pero nilunok niya nalang ang sasabihin niya dahil she just realized na hindi si Aikoh nakabanggan niya.

"Miss okay ka lang?" Sabi ng lalaki pero nang makita niya si Yasumi nanlaki ang kanyang mga mata.

"Umi?"

"Akae?!"

Sabay na sabi nilang dalawa.

Hindi makapaniwala si Yasumi na magkikita pa sila ulit ng taong to.

Biglang nagflash back sa kanya ang isang alaala.

Its a rainy night.

Sa labas nang isang restaurant, nakatayo si Yasumi habang pinagmamasdan ang dalawang tao na masayang kumakain through the windowpane.

Umiiyak siya habang hinahayaang bumagsak sa kanyang katawan ang buong lakas nang ulan. Pakiramdam niya nakikiyak ang langit sa kalungkotan niya ngayon.

Di sinasadyang napalingon ang lalaking kumakain sa labas at bigla nalang napatulala sa kanyang nakita.

Tinanong siya nang kasama niyang babae kung anong problema pero hindi siya sumagot. Sinundan nang babae ang tingin nung lalaki at tulad nang lalaki, nagulat siya nang makita si Yasumi na nakatayo sa labas habang basang basa sa ulan pero ilang sandali, napalitan ang kanyang gulat na expression into a smile. A mocking smile!

Kilalang kilala ni Yasumi ang dalawang taong to.

Ang babae ay ang taong labis niyang pinagkakatiwalaan bukod sa kanyang mga magulang, ang kanyang bestfriend.

Di narin kelangan maging genius para marealize na boyfriend ni Yasumi ang lalaki.

Tiningan nung lalaki ang kasama niyang babae na tila ba humihingi nang permiso. Tumango ang babae bago lumabas ang lalaki na may dalang payong.

"Umi," Tawag nung lalaki kay Yasumi.

Dati, di mapigilan ni Yasumi ang ngumiti pag naririnig niya ang tawag na yan pero ngayon bukod sa galit at sakit, wala na siyang ibang maramdaman.

Hindi sumagot si Yasumi sa tawag nung lalaki at inantay niya itong lumapit bago niya ibuhos lahat nang nararamdaman niya sa isang sampal.

PAK!

Akae's head leaned to the side dahil sa lakas ng pagkakasampal ni Yasumi.

"I'm sorry Umi, matagal ko nang gustong sabihin sayo to, naghanap lang ako nang tamang pagkakataon," Mahinang sabi ni Akae sa kanya bago ito tumalikod at nagumpisang maglakad pabalik sa restaurant.

"A~akae, ba~bakit?" Tanong ni Yasumi na nagpahinto kay Akae sa paglalakad.

"She is everything that you're not and everything that I'm looking for," Akae's reply totally shattered Yasumi's heart.

She is everything that you're not...

She is everything that you're not...

She is everything that you're not...

She is everything that you're not...

She is everything that you're not...

She is everything that you're not...

She is everything that you're not...

She is everything that you're not...

His sentence buzzed through her mind. Pakiramdam niya tinamaan siya nang kidlat.

Dalawang taon ang ginugol ni Yasumi para kalimutan lang ang taong to pero di niya inaasahang magkikita ulit sila ngayon dito.

"Kamusta kana?" Tanong ni Akae kay Yasumi while sipping his coffee.

Currently, nasa isang coffee shop silang dalawa ni Yasumi ngayon. Nung nagkabanggaan sila ni Akae, inaya niya si Yasumi for a coffee and pumayag naman si Yasumi dahil matagal din kaya silang hindi nagkita.

"Ito, okay lang, living my life. Ikaw kamusta na kayo ng bestfriend ko?" Tanong ni Yasumi.

"Hehe~ 1 year ago, ikinasal na siya. She got inpregnated by a friend of mine," Sabi ni Akae.

"O~oh,I'm sorry," Nagulat si Yasumi by this news.

"Naaah, okay lang. Nakamove on na rin naman ako eh," Tumawa si Akae when he saw Yasumi's sorry expression.

Habang naguusap sila ni Akae, nagring ang phone niya

From: Babe

"Asan kana? Di ka papasok?"

Nang mabasa ni Yasumi ang message ni Aikoh, nanlaki ang kanyang mga mata bago agad agad chineck time nang phone niya.

9:25 AM

"PATAY! Late na ako!" Nagulat si Akae nang biglang tumayo si Yasumi mula sa kanyang upuan.

"Hala~ It's my fault, ihahatid nalang kita," Offer ni Akae.

Tumango si Yasumi dahil besides sa late na siya, hinahanap narin siya ni Aikoh.

Sa school, nakasandal sa entrance ng hallway si Aikoh habang nagaanatay.

"Sino yung kasama niya?" Tanong ni Akaza nang makita niya from the hallway si Yasumi na bumababa sa isang motor. Di nila maidentify ang nagdadrive dahil nakahelmet ito.

Tahimik lang si Aikoh na nanunuod habang nagmamadaling lumapit sa kanya si Yasumi.

"You're late," flat na pagkakasabi ni Aikoh.

"Ah Eh~ sorry babe. Tara na sa room," Sabi ni Yasumi habang hinahatak si Aikoh papuntang room. Tahimik lang din si Akaza na nakasunod sa kanilang dalawa.

"Sino yung kasama mo?" Biglang tanong ni Aikoh.

"Ah? Yun ba? W~wala yun," Nahihiyang sabi ni Yasumi. Her shyness was noticed by both Aikoh and Akaza.

Naningkit ang mata ni Aikoh while Akaza is intrigue by the identity of that person.

Próximo capítulo