webnovel

Chapter Seventeen

February na at malapit na ang Valentine's day. Ano kaya ang magandang gift para sa kanya. Magisa ako ngayon naglilibot dito sa mall at naghahanap ng magandang regalo. Kalahating oras na din ako dito pero wala pa din akong maisip.

Naglalakad ako papunta sa isang gift shop nang makasalubong ko ang panira sa buhay ko. Si Zia.

"Hi babe! Anong ginagawa mo dito!? Hindi mo yata kasama ngayon ang fiancé mo.!"maarteng sabi nya habang naka crossarms sya.

"Zia can you stop calling me babe! Someone might hear you. Baka kung ano pa ang isipin!" Sabi ko sa kanya at lumingon pa ako lara icheck kung may nakarinig.

"Xander do you really think ikakasal ka kay Celine?" Tanong nya habang nakataas ang kilay.

"Wag kang umasa Xander dahil hindi ako papayag. But don't worry. I'm giving you time to enjoy your relationship with Celine co'z soon you'll be mine. Only mine.!" At umalis na sya sa harap ko. Alam kong may ibig sabihin ang lahat ng yun. Alam kong may pinaplano syang gawin pero hindi ako papayag. Hindi din ako papaapekto. Hindi.

Hindi ko na lang pinansin ang sinabi ni Zia sa halip ay naghanap na lang ako ng magandang regalo. Nagpunta ako sa isang jewelry shop at nakakita ako ng isang necklace na bagay talaga sa kanya. Agad kong binili yon at saka ako umuwi sa condo ko. Lumipas ang mga araw na naging busy si Celine sa school kaya medyo bihira kaming magkasama sa school pero pagdating naman sa condo, sinusulit namin ang oras. Nagkukulitan at kumakain ng sabay. Ngayon ay Feb 13 na. Valentine's day na bukas. Magkasama kami ngayon dalawa sa condo nya at nanood ng TV.

"Babe, i can't be with you tomorrow. May gagawin kasi ako. May pinapagawa sakin si dad.!" Sabi ko sa kanya habang nakatingin sa TV. Bigla syang humarap sakin ng nakapout ang lips nya.

"Bakit naman?? Valentine's day na bukas tapos bukas hindi kita makakasama!???"

" babe it's about business. Diba gusto mong bumawi ako kay dad?? Babe babawi na lang ako sayo.!" Sabi ko sa kanya at hinalikan ko sya sa noo. Alam kong nagtatampo sya sakin. Pero wala akong magagawa.

Nang umuwi ako sa unit ko, Hindi man lang nya ako pinansin. Hindi din nya ako tinext. Hanggang umaga. Sa totoo lang wala naman talagang pinapagawa sakin si dad. Dinahilan ko lang yun para naman ay makapaghanda ako. Tinetext ko naman si Carla para malaman ko ang mood ngayon ni Celine. At sabi nga ni Carla. Bad mood. Nakasimangot daw. Nang makapaghanda na ako ay tinext ko na si Carla. Oo, kinausap ko na si Carla at kasama ko sya sa plano kong sorpresa para kay Celine.

7pm na. Nandito ako ngayon sa rooftop ng condo building namin. Hinihintay ko na lang sina Carla at Celine. Nagtext na sakin si Carla na paakyat na daw sila at anytime ay nandito na sila.

"Carla,ano bang gagawin natin dito!?" narinig kong sabi ni Celine sa may hagdan. Nang bumukas ang pinto ay nakita ko na sya at ang reaksyon nya. Halata sa kanya ang pagkagulat at pagkamangha. Bakit ??? Pinuno ko kasi ng candles ang daan. yun bang parang naging daanan nya papunta sa table na may dalawang chair at mga pagkain. It's a dinner date for us.

Nilapitan ko na sya at bigla nya akong niyakap.

"Oh Xander, ginawa ko na ang plano mo ha. Sorry Celine, hindi ko sinabi!"

Sabi ni Carla na natatawa.

"Thanks Carla."

"Wala yun. Osya. Maiwan ko na nga kayo. Malate pa ko sa date ko. Enjoy the night!!" At nagpaalam na nga sya. Inaya ko na si Celine na pumunta sa table at pinaupo ko na sya. Magkaharap kaming dalawa. At dahil hindi naman alam ni Celine na may ganito, nakapants lang sya at T-shirt. Pero kahit ganon lang ang suot nya napakaganda pa din talaga nya.

"Sabi mo may pinapagawa sayo si uncle!?"

"Sinabi ko lang yun para magawa ko lahat ng to.!" Natatawang sabi ko sa kanya. Akala ko ay magtatampo sya pero tumayo pa sya at niyakap ako. Napakalambing talaga nya. Kahit sinong lalaki ang magkaroon ng ganitong girlfriend ay maswerte talaga.

Katulad ng gabing nagpropose ako sa kanya, lahat ng paborito nya lang ang inihain ko. Nag hired pa ako ng isang cook para lutuin ang lahat ng ito.

"Hmmmm masarap. Hindi ikaw ang nagluto nito no?" Sabi nya habang tinitikman ang pagkain. Napakamot ako sa ulo ko habang tumatango.

"You know I'm not good in cooking babe that's why i hired a Cook for tonight.!"

"Thank you babe. Akala ko hindi kita makakasama ngayon eh. But then you surprised me with this. Thank you so much.!!" Habang kumakain ay nagkwento sya ng nangyari kanina. Ang dami nya palang nasungitan ngayon dahil sakin. Marunong na din pala syang magsungit ^__^

Nang matapos na kaming kumain, tumayo na ako at lumapit sa likod nya. Ang akala nya ay yayakapin ko lang sya pero nagulat sya ng isuot ko sa kanya ang necklace na binili ko.

Isang gold necklace with a gold pendant na letter x.

"Celine, mahal na mahal kita. I was so blessed to have you. I can't wait for the day we get married. !" Bulong ko sa kanya habang nakayakap ako sa kanya mula sa likod. Iniharap nya ang mukha nya sakin at sandaling tinitigan nya ako.

"I love you too!" At hinalikan nya ako sa labi. This is our first Valentine together. One of the most memorable date in our lives. And one of the most unforgettable moment of my life.

Próximo capítulo