webnovel

Chapter 5

Halos mag-iisang oras na rin kami sa byahe papunta sa bahay ni Sir Hades. Matapos kong tumanggi ng ilang beses eh sa kanya pa rin pala ang bagsak namin.

Bakit? Aba'y lahat ng pinupuntahan naming mga apartment eh tinatanggihan kami matapos nilang tignan si Sir. Alam ko namang gwapo siya pero wag naman sana nila ipahalata di ba? Saka kung hindi lang kami nasa makabagong panahon eh maniniwala na ako na nakakahipnotismo siya. Oo, nakakahipnotismo ang kagwapuhan!

"Ate! Ate Devyn. Ang ganda po talaga rito." namamanghang sabi ni Mak-mak habang maingat na tinitignan kung paano magdrive si Sir.

Napangiti naman ako at tinignan siya kung pano iuwang ang leeg niya sa gitna namin ni Sir.

"P-Pasensya na." pinanlakihan ko ng mata si Mak-mak at ibinalik sa pagkakaupo sa backseat.

Agad namang napaupo muli si Mak-mak habang may nakakalokong ngiti. Lalong naningkit ang aking mga mata nang makitang nginunguso nito si Sir saka gumawa ng heart gamit ang kanyang kamay.

Para akong tinakasan ng dugo at umakyat lahat sa mukha ko. Ramdam ko ang pag-init ng aking pisngi.

"Hihi." hagikgik niya nang makita ang gulat kong mukha.

Nilingon ko si Sir na ngayon ay nakatingin na sa akin. Agad akong umiwas ng tingin at nag-ayos ng upo.

"What do you want for lunch?" pagbasag nito sa katahimikan.

"Anything." makikitira na nga kami sa kanya tas magdedemand pa kami ng kakainin? Ano, pa-vip lang 'ne?

Nakita ko sa aking peripheral view ang pangtango nito. Ilang minuto pa ang lumipas at nakakita na ako ng mga puno. Saan ba ang bahay niya? Sa probinsya?

Masyado yatang liblib ang lugar niya? Wala ka kasing makikita kung hindi mga puno. Matatayog ang mga ito na parang natatakpan na ang sinag ng araw.

Kagubatan na pala ang magkabilang side ng highway na to. Wala rin kaming nakakasabay na mga sasakyan at wala man lang mga taong naglalakad. Umusbong ang pagtataka sa aking isipan.

Hindi nagtagal ay nakakita na kami ng isang malaking itim na gate. Kung hindi niyo natatanong eh nasa dulo na ito ng mismong highway.

Napanganga ako nang makita ang nakaukit na salita sa pinakataas nito. Parang pamilyar ang apelyido niya. Parang narinig ko na kung saan.

"Fuentevilla.." halos pabulong ko nang banggit.

"Yes?" napatalon naman ako sa aking kinauupuan nang marinig ang boses niya. Teka? Pano niya narinig eh pabulong na nga lang? Nabasa niyo naman di ba? pabulong!

"H-Ha? I think narinig ko na ang surname niyo somewhere pero hindi ko matandaan kung saan." nakita ko ang pagtaas ng gilid ng kanyang mga labi.

"You'll remember it soon." he said while smirking. Soon? Bat di na lang niya sabihin ngayon? Pathrill si kuya?

Nagbukas ito nang kusa na naglikha ng isang matinis na ingay. Sa laki ba naman nitong gate, ewan ko na lang kung tahimik pa rin tong magbukas.

Hindi pa pala rito nagtatapos ang pagkamangha ko mga ateng! Pagkapasok sa loob ay may isang malaking garden sa gilid. Napupuno ito ng mga black roses. Sa tapat nito ay may isang balon na nilulumot na.

"Bakit black roses ang nakatanim doon?" nilingon ko si Sir na diretso lamang na nakatingin sa daan.

Binigyan ako nito ng isang kibit-balikat bilang sagot. Sungit naman. Napairap ako sa hangin at tinignan muli ang paligid. Sa kabilang banda naman ng dinadaanan namin ay mga matatayog na pine trees.

Aakalain mong gubat ang bandang iyon dahil medyo madilim na sa ilalim ng mga puno. Pero for me, parang sarap mamahinga sa lilim ng mga pine trees doon.

May mga iilan ding trabahador akong nakikita na nagdidilig ng mga halaman sa paligid. Ang iba ay pumipitas ng mga prutas mula sa mga puno.

"Nagpproduce kayo ng prutas?" tanong ko sa kanya.

"Yes. HF Company." maikling tugon nito na ikinatango ko naman. Siya pa ba? Eh halos lahat ng company under ng surname niya.

Dumiretso pa ang daan na tinatahak ng sasakyan ni Hades. Hindi naman nagtagal ay bumungad sa akin ang baroque style mansion. May kulay itong dirty white at gold. Huminto ang sasakyan sa mismong tapat nito.

"S-Sayo to?" nilingon ko siya habang nakaturo sa mansion na nasa harap namin ngayon.

"Yes. Why? You don't like it? I can change the des-" hindi ko na siya pinatapos at walang pasabing lumabas.

Tinitigan ko ito mula sa pinakamaliit hanggang pinakamalaking detalye. How can he be so rich that he can afford a mansion like this?

"This is so.. amazing." mula sa golden linings sa bawat sulok hanggang sa mga poste na may kulay puti ay napakaperpekto.

Napabayaan man ang pagkaputi nito ngunit hindi naman maitatanggi ang kagandahan ng kulay.

"I'm glad that you like it." nagitla ako nang maramdaman ko ang mainit niyang paghinga sa aking batok.

Masyado niya yatang favorite ang batok ko at palagi siyang nakapwesto don. Kaya naman hinarap ko siya at pumamewang.

"Ano na naman bang ginagawa mo dyan sa likod ko ha?" mataray kong tanong sa kanya na sinuklian lang niya nang mahinang tawa.

Napailing na lamang ako at binuksan ang pinto ng backseat. Nakatulog na pala si Mak-mak. Kaya pala tahimik, siguro kung nakita niya yung nakita ko kanina. Paniguradong luluwa ang mata ng batang to.

"Ako na." nanibago ako sa kung paano magsalita ng tagalog itong si Sir. Madalas kasi siyang english speaking. Ay hindi pala madalas. PALAGI!

Pinatabi niya naman ako sa gilid pero hinawakan ko ang kamay niya at pinigilan. Nakaramdam ako ng kuryenteng dumaloy sa kamay ko. Ito ba ang spark na sinasabi nila? Siya na ba si Mr. Right?

"Ikaw na ba si Mr.Right? Ikaw na ba ang love of my life? Ikaw na ba ang icing sa ibabaw ng cupcake ko?" kanta ko habang nakatingin sa kanyang mga mata, nakita ko naman ang gulat sa kanyang mukha.

"Are you serious?" matawa-tawa ako nang makita kung pano siya natigilan.

"Charot lang. Alis na dyan. Ako n-" naputol ang sasabihin ko nang tumayo na si Mak-mak habang kinukusot pa ang kanyang kaliwang mata.

"Ako na po. Kaya ko naman at baka magkatuluyan po kayo agad. Matapos agad 'tong story niyo. Kasalanan ko pa po."

Próximo capítulo