webnovel

CHAPTER 2

"MISS JIMENEZ!"

Aray ko po. Napahawak ako sa aking tainga at baka may dugo nang lumalabas dito dahil sa sigaw ni Ursula este ni Miss Jane. Buti naman at hindi pa ako nabingi.

Agad akong tumayo nang diretso at hinarap siya habang pawis na pawis pa dahil sa kakatakbo papunta sa office.

"P-Po, Ursula este Miss Jane?" nakayuko lamang ako habang hinihintay ang kanyang sasabihin.

Ano kaya sasabihin niya? Maghahanda na ba ko ng panibagong resume? Magpapaprint na ba ko ng bago sa labas? Magpapaxerox? Mga ilang copies kaya? Siguro naman okay na yung lima? Matatanggap naman siguro ako sa isa sa limang companies noh? Pano kaya kun-

"MISS JIMENEZ!"

"Ayy anak ka ni matabang Ursula!" narinig ko ang mahinang tawanan ng mga ka-officemates ko dahil sa winika ko.

Napadiretso naman lalo ako ng tayo habang nanginginig pa ang mga tuhod. Sinamaan naman sila ng tingin ni Miss Jane na supervisor namin kaya nanahimik na naman ang buong office.

"Ikaw. Ilang beses ka na bang nalate this week ha?" dinuro-duro niya ako sa noo dahilan para mag move back and forth yung ulo ko. Mukha ba kong swing?

"Ahmm.. Ta-Tatlo po, Miss." saad ko na parang pinagagalitan ng teacher. Kung siya ang teacher, ako naman ang estudyanteng malapit na talagang maexpell.

"Ayan. Alam mo naman pala. Eh bakit hanggang ngayon late ka pa rin?" nakita ko ang pagtaas ng kanyang kilay habang nakapamewang. Para siyang nanay na pinagagalitan ang kanyang anak.

"Eh kasi po late ako?" narinig ko na naman ang mahinang tawanan ng mga ka-officemates ko. Bakit? Nagsasabi naman ako ng totoo ha? Bakit malalate ang isang tao? Eh kasi late siya?

"Tahimik! Aba't pinipilosopo mo ba ko ha?" sinimulan na naman niyang duruin ang ulo ko at imove back and forth. Anak ng tinola oh oh. Sabi ng hindi ako swing eh!

"H-Hindi po, Miss. Hindi naman po ako anak ni Pilosopotasyo. Kayo po anak po ba kayo ni Ursula?" lalong lumakas ang tawanan ng mga kasamahan ko. Si Miss Jane naman ay halos mukha ng kamatis dahil sa pula ng kanyang mukha dahil sa galit.

"You're fi-" hindi niya natuloy ang kanyang sasabihin nang biglang nanlaki ang kanyang mata at nagbow sa harap ko.

Huminto rin sa tawanan ang mga kasamahan ko habang nakayuko na rin. Mararamdaman ang tensyon sa buong office kaya naman nagtaka ako.

"Anong nangyayari sa inyo? Sinasamba niyo ba ako? Hala. Uyy. Hindi naman kailangan nyan. Alam ko namang maganda't mabait ako pero hindi niyo kailangang yumuko. Uyy. Miss Jane. Sige na. Pinapatawad na kita." kausap ko sa kanilang lahat habang nahihiya pang tinatakpan ang aking bibig at nakangiti nang maluwang.

Ilang minuto pa ang lumipas ngunit walang pumapansin sa akin. Nakayuko lamang ang mga ito at tila mga nanginginig na sa kanilang mga pwesto.

"Ehem." nanlaki ang mata ko nang marinig ang malakas na pagtikhim mula sa aking likuran.

Jusko po. Hindi pa nga natatapos itong problema ko kay Ursula at may papalit na namang bago. Ano na naman ba ito? Unti-unti akong umikot na parang naninigas ang katawan.

"A-Asiong Salonga?!" itinuro ko pa ang kanyang mukha, napaatras naman ang ulo nito habang nakakunot ang noo. Siya yung lalaking nagpapaandar ng kotse niya nang sobrang bilis.

"D-Devyn!" suway sa akin ni Miss Jane at ibinaba ang hintuturo kong nakaturo sa mukha ni Hudas.

"Miss Jane. Yan yung dahilan kung bakit late ako! Siya yung dahilan! Aba't tinalsikan niya yung heels ko ng putik dahil sa mabilis na pagpapatakbo ng sasakyan niy- Hmmmmm hmmm hmm" tinakpan ng dalawa kong kaibigan, na si Matthew at Louie, ang aking bibig.

Nagpumiglas pa ako pero agad nila akong hinila papunta sa desk ko at pinatahimik na lang. Nakita ko pa ang malamig na titig sa akin nung lalaki kanina.

"Fire her, Garcia and bring her to my office." nakita ko naman sila Matthew at Louie na parang nanigas sa mga kinatatayuan nila nang marinig nila ang boses ni Hudas.

"Uyy. Problema niyo?" nagpapalit-palit pa ang tingin ko sa kanilang dalawa habang kinakalabit sila.

"Tumahik ka nga muna, Dev." mahinang bulong ni Matthew sa akin habang nanlilisik ang mata.

"Ito na nga. Susunod na." izinipper ko pa ang bibig ko't tinignan ang paligid habang nagtataka.

"NOW!" napatalon ako sa upuan ko nang marinig ko ang sigaw ni Hudas sa loob ng elevator na sinasakyan nito.

Halos lahat ay nagkukumpulang pumunta sa desk ko at pinatayo ako saka itinulak.

"U-Uyy san niyo ko dadalhin. Bakit niyo ko pinapaalis?" nagtataka ko silang tinitignan habang tinutulak nila ako papasok ng isa pang elevator.

"Matthew? Uyy!" tinignan ko si Matthew habang tinutulak ako ng iba naming kasamahan.

"Sorry, Dev. Sumunod ka muna ha? Susunduin din kita agad doon." pinindot niya ang letter "P" na button.

Kumaway pa silang lahat bago sumara ang elevator na kinasasakyan ko. Saan naman ako mapupunta ngayon? Anak naman ng tupa oh oh.

Ngayon wala na akong trabaho. Tas ilang buwan na akong di nakakapagbayad ng apartment. Kay bago-bago ko pa lamang wala na naman akong trabaho.

Lagot na naman ako kay Mang Henry nito eh. Naglupasay ako sa elevator saka sumimangot. Anak ng siyete talaga oh oh.

"Did I order you to clean the floor?" napatayo agad ako at napaayos ng buhok at palda dahil sa nagsalita.

"N-Nandyan ka pala." hindi wala siya dyan Dev. Wala siya. Kung wala lang siya dito panigurado kanina ko pa nasabunutan sarili ko.

"You are fired from my company, midget." I scoffed then fake my laugh when I heard him say that.

"Eh ano naman? Kaya ko nam-" nanlaki ang mata ko nang mapagtanto ko ang kanyang sinabi.

He smirked and started to walk near me. I hurriedly step backwards as he walk forward towards me. I heard him chuckle lightly when I have no space left to step on.

"Yes. You heard me right, little Persephone." I can feel his breath on my lips as he was speaking.

"A-Anong ginagawa mo?" I pushed him as he touch my cheeks while smiling.

"I am the owner of this company." I felt his face burried on my neck as if smelling something.

"And I am your owner.."

Próximo capítulo