webnovel

Chapter 41

My Demon [Ch. 41]

Ilang araw na ang nakalipas matapos namin magpunta sa amusement park. And right after that moment, hindi ko man nakalimutan ang bangungot, nawala naman ang takot at kaba na nararamdaman ko . . . at dahil iyon kay Demon. Bumalik sa normal ang daily life ko as if walang masamang nangyari.

Back to normal means balik na naman kami sa asaran at awayan ni Demon. Kami naman ni Johan, habang tumatagal ay nagiging close.

Next week na ang exam kaya naman puro review kami ni Demon.

Tumingin ako sa wristwatch ko. Dalawang oras na kaming nagre-review. Pero infairness dito sa lalaking katabi ko, hindi siya nababagot. Todo focus pa nga siya sa mga notes eh.

"Inaantok ka?" tanong niya nung maghikab ako.

Pareho kaming nakaupo sa carpeted floor katapat ng mahogany table na may mga nagkalat na mga notebook, ballpen at libro.

Umiling ako kahit ang totoo ay inaantok ako.

"Di daw. Matulog ka kaya muna."

"Nagre-review pa tayo eh."

"Wag kang mag-alala, alam ko na lahat 'to," sabi pa niya.

Tinaasan ko siya ng isang kilay na parang sinasabing: Weh?

Tinitigan naman niya ko ng masama na parang sinasabing: Subukan mong wag sumang-ayon!

Binaba niya sa lamesa ang ballpen na hawak niya at tumayo. Umupo siya sa couch na nasa likuran lang namin, pagkatapos tinap niya ang lap niya habang nakatingin sa'kin.

"Matulog ka na," utos niya. Pinapaunan niya ko sa lap niya.

"Ayoko nga. Ba't naman kita susundin?" Tinalikuran ko na siya at humarap sa mga librong nasa lamesa.

"Isa!"

Sabi ko nga. Walang anu-ano'y tumayo ako at umupo sa couch. Nag-aalinlangan pa ko kung uunan ako sa lap niya.

Nang mahalata niyang wala akong balak na umunan sa lap niya, siya na mismo ang gumawa ng paraan with matching sabi pa na, "Nag-iinarte pa eh."

Pinatungan pa niya ng throw pillow ang lap niya bago ako pinahiga.

"Wag ka ngang tumingin!" sabi ko sa kanya at tinakpan ang mukha niya gamit ang kamay ko. Pa'no, nakayuko siya at nakatitig sa'kin. Nakakailang kaya!

Mabilis niyang inalis ang kamay ko sa mukha niya at tinitigan na naman ako, nakangiti pa. Pang-asar talaga! Grr! Paano kaya ako makakatulog kung panay ang titig niya sa'kin, diba? It's so awkward! Charing!

Babangon na sana ako kaso pinigilan niya ko. Naglaban kami ng titigan, and as usual, natalo na naman ako. Hinila ko ang isa pang throw pillow na nasa dulo gamit ang paa ko at ipinangtakip sa mukha ko. Kaso ito namang si Demon na napakahilig talagang mang-asar, hinablot ang unan at pinagmasdan na naman ako.

"Demon naman eh! Inaantok na ko! Pa'no ko makakatulog sa ginagawa mo?"

"Pumikit ka," agad na sagot niya. Sumandal siya sa couch at nakipagtitigan sa'kin. Pwede samaan nalang niya ko ng tingin kaysa ganyan ang way niya ng pagtitig sa'kin? Nakakailang talaga eh.

"Kasi naman eh!" demand ko. Pilit kong inaabot ang unan sa kamay niya. Tinaas niya yun sa ere at tinawanan pa ko ng nakakaloko. Again, bumangon ako para hablutin ang unan na yun, kaso hinawakan niya ko sa noo at muling hiniga.

Hindi niya inalis ang kamay niya sa noo ko para hindi ako makabangon. Kaya ang itsura namin ngayon ay:

Kuyang Mapang-asar- Nakaupo, nakahawak sa noo ko at ang isang kamay na may hawak na throw pillow ay nakataas habang tumatawa ng nakakaloko.

Pinagtatawanan niya ko. *Pout*

Ateng QT- Nakahiga (nakaunan sa lap ni Kuyang Mapang-asar), nakataas ang dalawang kamay na pilit inaabot ang unan habang nagmamakaawa.

Nagmamakaawa si QT na tinatawanan lang ni Mapang-asar. Watta life!

"Quit staring! Staring is rude at the same time awkward," I pointed out. "Akin na!" Pilit ko pa ring inaabot ang unan sa kamay niya. Argh! Hindi ako makabangon.

"Don't care. You're too cute that I can't resist myself from staring at you."

Natigilan ako sa sinabi niya at kusang bumagsak ang mga kamay ko. Ano daw? Si Demon sinabihan akong cute? SI DEMON NAGBIGAY NG COMPLIMENT FOR THE VERY FIRST TIME? WHAT ON EARTH IS HAPPENING!!!

"Mukha ka kasing bata," dagdag pa niya na sinundan ng malalakas na tawa. Gusto ko siyang awayin, but shems! Ang ganda ng tawa niya: carefree and whole-hearted. Ang sarap pakinggan.

"Ewan ko sa'yo!" sambit ko nang makabawi mula sa pag-admire ng tawa niya.

Tumawa muna siya ng tumawa bago nagpaubaya.

"O, sa'yo na nga 'to." Ayun nga, pinaubaya na niya ang unan sa'kin. "Nang makatulog ka na, para lumaki-laki ka naman." At sinundan na naman niya ng napakaraming tawa.

"ARGH!" Hinampas ko siya ng unan sa chest, tumagilid, nagtakip ng mukha gamit ang throw pillow atsaka pumikit.

Inaantok ako pero pilit kong nilalabanan, dahil ine-enjoy ko pa ang tawa ni Demon na bihira ko lang marinig.

Maya-maya, tumigil na siya at naramdaman kong dahan-dahan niyang hinahaplos ang buhok ko. Lalo tuloy akong inaantok. Yawn!

"Gusto mo kantahan kita para makatulog ka?" sabi niya sa maamong boses. Na naman. Gosh! Kung babalikan ko ang unang pagkikita namin, masasabi ko talaga na ibang Keyr Demoneir ang kasama ko ngayon.

"Wag na. Bangungutin pa ko," sagot ko sa kanya habang nakapikit. Inaantay ko na magwawala siya at itutulak ako dahil sa pang-iinsulto ko sakanya, pero hindi iyon nangyari.

"Okay then. Sleep well, Soyunique." Katulad nang kanina, maamo pa rin ang boses niya. Yung tipong nagpapatulog siya ng one year old na bata. Take note: hindi pa rin siya tumitigil sa paghaplos ng buhok ko.

It's so . . . soothing, and I love this feeling.

Mula sa ilalim ng throw pillow, napangiti ako habang nakapikit. So this is what he was hiding behind his bad boy mask. Feeling ko tuloy sobrang close na kami kasi naipapakita na niya sa'kin ang tunay na siya. And that thought made me feel so lucky.

Pagkagising ko, hindi ko muna dinilat ang mga mata ko: nakiramdam muna ako. Wala nang unan sa mukha ko at hindi na rin ako nakatagilid unlike my position bago ako matulog.

Binukas ko ng kaunti ang aking mata. Bumungad sa'kin ang seryoso at makalaglag-under wear na kagwapuhan ni Demon. Jeskeleeerd! Nananaginip pa ata ako.

My eyes automatically opened wider upon seeing him holding a notebook. Nagrereview siya! Seryoso siyang nagrereview!

"Wow! Naniniwala na talaga ko sa milagro," bigla ko nalang nasabi na kumuha ng atensyon niya.

He startled at halos maihagis ang hawak na notebook sa gulat at panic.

"Ano ka ba naman!" pagsusungit niya. See? Natulog lang ako, ibang mood na ang umaandar sa dugo niya ngayon.

Hinagis niya yung notebook papunta sa table. Bumangon na ako at umayos ng upo sa tabi niya. "Bakit mo hinagis? Nagre-review ka pa, diba?" tanong ko habang nakatingin sakanya.

Hindi naman siya sumagot. Matapos niya titigan ang mga gamit na nasa table, sa'kin naman siya tumingin.

"Ako naman ang matutulog," aniya at binagsak ang ulo niya sa balikat ko.

"Hoy, ayos ka ah!" Hinawakan ko siya sa ulo at tinulak iyon paalis sa balikat ko. "Dun ka sa kwarto mo kung gusto mo matulog."

"KJ naman nito," he murmured.

Nag-beep yung phone ko, may nagtext.

"Sino yan?" tanong ni Demon habang nakatingin sa phone ko.

"Si Mama. Tuloy daw ang pagpunta niya sa probinsya. May sakit kasi si Lola at nagdedemand na kung pwedeng umuwi si Mama doon, silang magkakapatid," paliwanag ko.

"Kelan naman?"

"Sa lunes siya aalis. Mga dalawang linggo lang naman siya dun."

"Lang? Ganun ba kaikli ang dalawang linggo para sa'yo?!"

"Teka nga, bakit ba ganyan ka kung maka-react?"

"Sino nalang ang kasama mo sainyo?" Binalewala niya ang sinabi ko.

"Wala. Malaki na naman ako eh."

"Talaga?"

"Edi i-rephrase! Di na naman ako bata eh. Kaya ko ng asikasuhin ang sarili ko."

"Kaya mo ngang asikasuhin ang sarili mo, hindi mo naman kayang ingatan."

"Oy anong hindi?!"

"Totoo yun."

"Hindi! Atsaka, bakit ba parang big deal sa'yo?"

Natahimik siya sa tinanong ko. Parang biglang natauhan.

"Wala," ang tanging sinagot niya. Tumayo siya at naglakad palabas ng study room. Bago pa man niya mabuksan ang pinto, tinawag ko na siya.

"Demon, saan ka pupunta?"

"Mag-iisip."

Huh? Parang ang gulo naman ng sagot niya. Tinatanong ko kung saan siya pupunta at hindi kung ano ang gagawin niya. Talaga naman! Grr!

Próximo capítulo