webnovel

Chapter 14

My Demon [Ch. 14]

Keyr Demoneir's Point Of View

"Okay, Physics na tayo," sabi ng tutor kong kulot at sinara ang El Fili na libro. Kinuha nya ang Physics book na nakapatong sa desk sa tapat namin at binuklat, malamang.

Ako naman, kinuha ko ang iPad na tinago ko sa gilid ng couch at naglaro. Nakaka-stress talaga mag-aral. Kakatapos lang ng Filipino tutorial namin at Physics naman daw ngayon then Trigo na pagkatapos.

Ang sakit nga sa ulo ng El Fili eh. Pati ba naman yung matandang ginoong Pasta kailangan pang kilalanin. Ano naman kung abogado sya? Nakakaasar lang. Kapag ba nag-apply ng trabaho, itatanong kung sino si Crisostomo Ibarra at kaano-ano nya si Ginoong Pasta pati si Maria Clara? At bakit din sya nagpalit sa pangalang Simon. Diba? Hindi naman yan kailangan pero bakit pinag-aaralan pa. Dadgdag sakit sa ulo lang.

"Ano bang hindi mo naiintindihan sa physics?" tanong nya. With the corner of my eye, I saw her scanning pages. "Ay, mali pala. Ano lang ba ang nalalaman mo sa physics?"

Put--- nataya na! Panira ng diskarte sa laro ang batang 'to. Minamaliit nya talaga ako, ha? Samantalang sya 'tong napakaliit. Kung hindi ko lang talaga mahal ang mommy ko, matagal ko nang ginulpi 'tong kulot na katabi ko.

"Alam mo ba ang meaning ng Physics? Ang name and symbols ng metric prefixes?"

Ang dali-dali lang nun eh. T for tera, G for giga, M for mega and so on. Gusto kong ipamukha sakanya na alam ko ang sagot sa pangalawa nyang tanong pero di na ko kumibo. Busy ako sa nilalaro ko eh.

"Ang scientific method? Laws of reflection? Eh yung mass defect and binding energy? Yung fission, alam mo ba?" sunod-sunod na tanong nya. Nakakarindi ampotek!

"Alam ko na lahat nang yan," sagot ko sakanya habang naglalaro.

"Kaya pala puro palakol ka." Palakol, ibig sabihin alam nya na puro line of seven ang grades ko. Di na ko magtataka. "Sige nga, kung alam mo talaga lahat. What is nuclear binding energy? The fission? The mass defect?"

"Aish! Tumahimik ka na nga! Pinapasakit mo ulo ko eh!" reklamo ko.

"Ang reklamador mo! Atsaka, ulo ko ang pinapasakit mo. Ang hirap-hirap mong turuan dyan."

Pinause ko muna ang nilalaro ko at hinarap sya. "Edi wag mo kong turuan. Umalis ka na nga!" Nagsimula na ulit akong maglaro nang agawin nya ang iPad sa kamay ko.

"Lintek na!" Hinawakan ko ang braso nya at hinihila-hila para makuha sa kamay nya ang iPad ko. Pag ako talaga napikon dito.

"Mamaya ka na kasi maglaro! Mag-aral ka muna," sabi nya habang nakikipagbakbakan sa'kin. Kung hindi lang 'to babae, kanina ko pa talaga pinadugo mukha nito.

"Akin na! Akin yan eh!" Tinakpan ko ang mukha nya gamit ang isa kong kamay at pilit na kinukuha ang iPad ko, pero pilt nya rin itong nilalayo.

"Isa!" banta ko sakanya habang nakikipag-agawan sa sarili kong gamit.

"Ayaw!" parang batang sabi nya. Bata naman talaga sya--- hindi pala. Senior na rin nga pala sya. Batang isip lang. "Mag-aral muna tayo."

Hindi ko sya pinakinggan. Lumapit pa ko sa kanya lalo para maabot ang braso nyang naka-reach out palayo. Success! Nang maabot ko na, tinulak ko sya. Hindi naman malakas pero na-out of balance sya.

Asa naman sya na sasaluhin ko sya. Pero mabilis ang sumunod na nangyari. Bago pa man sya tuluyang matumba, hinablot nya ang shirt ko kaya ang resulta, pareho kaming natumba sa sahig. Langya! Nangdamay pa sa katangahan.

"Aray, ang sakit ng bungo ko," aniya habang nakapikit at iniinda ang sakit daw ng pagkakaumpog ng ulo nya sa sahig.

I don't know what got into me to stare at her face. Her eyes were shut with her mouth muttering something. Kahit pala mahirap, pwedeng magkaroon ng makinis at maputing balat. Bumagay din sakanya ang caramel-curled hair nya. Alam kong natural yan dahil mahirap lang sya. Walang perang pamparlor. Psh!

"Hoy, ano ba!" Nabalik ako sa mundo nang gumana na naman ang shutgun mouth ng babaeng 'to. "Sabi ko, umalis ka dyan sa ibabaw ko. Ang bigat-bigat mo eh!"

Nabigla ako nang ma-realize na nakapaibabaw ako sakanya... kanina pa, pero hindi ko ito pinahalata sakanya. Slow naman sya kaya hindi nya napansin.

"Mabigat ako dahil sa mga muscles ko unlike you na mabigat dahil sa fats." Bumalik na ko sa couch at kinuha ang iPad ko sa sahig. Swerte nya at hindi nagasgasan ito kundi malilintikan talaga sya, makikita nya.

"Anong sinabi mo?"

Kahit sa screen ng iPad ako nakatingin, sa kanya ako naka-focus at nakikita ko pa rin na nakatayo sya sa mismong harapan ko.

"Hindi ako mabigat ah!"

Tinignan ko sya mula ulo hanggang paa tapos sa mukha nya ulit. "Talaga lang, ah?" pang-aasar ko at kitang-kita ko kung paano sya mamula. Sa galit o dahil sa hiya? Bahala sya.

Tignan ko palang sya, alam kong mabigat na sya.

Hindi na sya umimik at maya-maya lang, naramdaman ko na ang bigat nya sa couch. Patalbog pang umupo.

"Di naman ako mabigat eh." Rinig kong bulong nya sa sarili nya. Baliw!

 

Pasimple ko syang tinignan. Naka-cross arms sya at naka-pout... ampuch--- umiwas din agad ako ng tingin. May itim na kapangyarihan ba sya? Bakit may kakaibang epekto ang pout nya?

I find it cute...

 

Naglaro na ulit ako pero... talaga naman! Hindi ako makapag-focus kaya bumubunggo-bunggo ang kotse sa kung saan saan. Nilipat ko ang tingin ko mula sa screen paangat sa harapan at nag-isip sandali.

Oo na! Gagawin na! Hindi ko mapigilan eh. Tinaas ko ang iPad ko at ipinangtakip sa gilid ng mukha ko, medyo binaba para makita ko sya.

Ganun pa rin ang pwesto nya. Nakatingin ng pa-diretso, naka-cross arms at naka-pout. Pa-minsan-minsan, may kung anong binubulong.

I laughed soundless watching her in that way. Dinibdib naman nya ang sinabi ko?

Tumingin sya sa direksyon ko kaya agad akong umiwas ng tingin.

"Bakit naka-ganyan ka?" tanong nya. Hindi ko makita ang mukha nya kaya hindi ko alam kung anong expression meron sya, but base on her tone, panigurado itsurang nagtatampo sya.

"Ano... ang... tinatakpan ko yung mukha ko para di kita makita." Kung kanina, mata ko lang ang hindi natatakpan ng iPad, ngayon buong gilid na ng mukha ko.

Dahil hindi naman nya ako nakikita, minumura mura ko ang sarili ko. Gago na ba ako para pagmasdan sya? Bukod kay Keith, sya palang ang babaeng di ko maiwasang titigan. Ano ba kasing meron sakanya at nagkakaganito ako sakanya?

Nung unang pagkikita naman namin, wala lang sya.

"Ba yan," malungkot na sabi nya.

Kumunot ang noo ko at gusto kong malaman kung ano na naman bang nasabi ko para maging ganun ang emosyon nya. Totoo naman na tinatakpan ko ang side ng mukha ko para hindi ko makita ang mukha nya. Para hindi nya mahalata na- okay -na natutuwa akong pagmasdan sya. Kapag naka-pout lang.

Oo, dahil lang yun dun. Nagmumukha kasi syang bata. You know, I love kids. Psh. Oo na, hindi totoo yun. Basta dahil lang sa pout nya kaya ako naku-kyutan sakanya. Si author nga kapag naka-pout natutuwa din akong pagmasdan sya. Yun nga lang, pekengkyoot sya kaya pekeng natutuwa din ako.

Aish! Ano ba 'to. Nahahawa na ko sa kabaliwan ng tutor ko. Masama ito.

"Ang bigat ko na nga tapos ayaw mo pa kong makita. Ganun na ba ko ka-panget?" she quried more like to herself.

At dahil dun, nakaisip ako ng isang nakakalokong idea. Mwahahaha! In-attract mo ko, ha? Pwes--- attract? Sya? Kadiri.

Binaba ko ang iPad at nilapag sa lap ko nang may nakakalokong ngiti sa labi. Hindi porket may kakaibang epekto ang pout nya, makakatakas na sya sa pangbubully ko.

"Soyu." Tinignan ko sya at sakto naman na nakatingin din sya sa'kin.

"Oh?"

"Roller coaster ka ba?"

Lumiwanag ang mukha nya. Mabilis na nawala ang lungkot sa mukha nya. Pambihira! Bilis magbago ng mood.

"Bakit?" excited na tanong nya at todo ngiti.

"Kasi makita palang kita, sukang-suka na ko eh," sagot ko at sinundan ng malakas na tawa.

Ano ka ngayon? Pa-ngiti ngiti ka pang kulot ka, huh?

Akala nya siguro cheesy pick-up line ang sasabihin ko sakanya. Bwahahaha! Laftrip!

Próximo capítulo