Nagsimula na ang fashion show at isa't isang rumampa ang mga model sa runway. Natuwa ang lahat at nagustuhan ang show at ang mga disenyo ni Mrs. Garcia, pati na rin ang mga gawa ni Sato. Dahil tatlo ang outfit na irarampa ni Ann, naka-rampa din siya bago ang finale.
Nang matapos na lahat ng modelo na hindi kasama sa finale, oras na para sa pag-wakas.
Kabang-kaba si Ashley na ikot siya ng ikot sa kwarto kung saan siya nag-iintay. Kung di lang gawa ni Sato ang susuotin niya sa harap ng mga elitista, tatangge siya, para malaman ng lahat na hindi siya modelo kung di isang businesswoman.
Sa kasamaang palad, hindi niya ito magawa sa kanyang dating assistant. Masyadong malaki ang kanyang utang sa kanya.
"Mrs. Jones, nakamamangha ka!" Puri ni Sato habang nag-iintay sila sa pagkataon ni Ashley para rumampa.
Apoie seus autores e tradutores favoritos em webnovel.com