webnovel

Chapter 8

Habang binabasa ni Tanaga ang kontrata, napakunot ang kanyang noo nang makita ang isang parte na hindi niya nagustuhan. Ito ay ang nakasaad na kung sakaling sa una nilang pagtatalik, sila ay makabuo na ng isang bata, hindi na sila muling magsisiping pa.

'Umm? Kailangan ko itong baguhin bago ko pa pirmahan sa kanya...' sabi niya sa kanyang sarili.

Tumayo si Tanaga at tinawagan niya ang kanyang sekretarya upang baguhin ang nakasulat sa kontrata. Mga ilang minuto lang ay natanggap na ni Tanaga ang bagong kontrata na nakasaad ang gusto niyang mangyari. Binasa niya itong maigi. Siguradong pag ito ay mabasa ni Ashley, hindi siya magdadalawang-isip na pirmahan ito.

Maya-maya lang ay nakarinig ng katok sa pintuan si Tanaga. "Come in!" anya ni Tanaga habang inaayos niya ang kanyang pwesto na para bang isang teenager na excited makita ang kanyang crush.

Dahan-dahang bumukas ang pintuan at humarap sa kanya ang babaeng hindi nagpatulog sa kanya sa nakaraang gabi. Kaya tuloy iritadong-iritado sya nang magising kinaumagahan.

"If there's nothing else, I will go and prepare your lunch, sir!" sabi ng mayordomo na may sikretong ngiti sa kanyang mukha.

Tumango lang si Tanaga at itinaas ang kamay para paalisin ang mayordomo. Inantay niya na makaalis ito bago inimbita si Ashley na umupo.

"Pasok! Hindi kita kakainin!" Utos ni Tanaga kay Ashley, na nag-aantay lang kung ano ang inuutos sa kanya.

Dahan-dahang lumapit si Ashley kung saan nakaupo si Tanaga at umupo sa bakanteng upuan sa harapan ng lamesa. Sabay pilipit ng kanyang mga kamay at tingin sa kanyang mga paa.

Ilang minuto ang nakaraan na hindi nagkikibuan ang dalawa. Habang hindi nagsasalita si Tanaga, si Ashley naman ay kinakabahan at bumilis ang kabog ng dibdib nito.

'Ano ba ito, Panginoon...Hindi naman po ito ang pangarap ko eh! Gusto ko lang naman pong makatulong sa pamilya ko...Ba't nyo naman po akong pinabayaang mapasok sa ganitong sitwasyon?' Tahimik na nagrereklamo si Ashley sa panginoong Diyos, na hindi niya na-malayang pinagmamasdan siya ng malalim ni Tanaga na nakakunot ang noo.

"Ahem, ahem, kung tapos ka nang magdasal, pwede na ba tayong magsimula?" biro ni Tanaga, pero ang mukha niya'y seryosong-seryoso at hindi man lang ngumiti.

'Well, handa man ako o hindi… mangyayari at mangyayari pa rin naman ang kung anuman itong na-pasukan ko,' isip ni Ashley bago tumango at tumingin ng diretso sa kaharap na para bang siya ay bibitayin na.

"Hahaha! Hahaha! Hahaha!" lakas ng tawa ni Tanaga na naririnig hanggang sa labas ng opisina. Nabigla tuloy ang katulong na naglilinis sa labas ng pintuan at tumakbo ng mabilis papunta sa kusina para ipaalam sa mayordomo.

"Ano?! Narinig mong tumawa si Sir? Sigurado ka? Hindi ka namamalikmata? " Hindi kapani-paniwala ang mayordomo sa sinabi ng katulong. Ang huling araw na narinig niyang tumawa si Tanaga ay noong buhay pa ang kanyang mga magulang, mga sampung taon na ang nakaraan… Hindi namalayan ng mayordomo na meron na palang luhang pumatak sa kanyang mga mata dahil sa tuwa .

"Maraming salamat po, Panginoong Diyos at nakilala niya ang batang si Ashley. Kung siya na po ang magbibigay ng kaligayahan sa 'king amo, gagawin ko po ang lahat at sisiguraduhing hindi siya mawawala sa buhay ni Tanaga.' Pangako ng mayordomo sa sarili habang tuloy pa rin ang pag-patak ng luha sa kanyang mga mata.

Habang ang mayordomo ay nagmumuni-muni, bigla niyang naalala na kaya pala siya nasa kusina ay para magpahanda ng tanghalian. Dali-dali niyang inutusan ang kusinero at ang katulong nito na maghanda ng mga masasarap na pagkain ng mabilis. Sabay kinuha ang pang-palamig na pinahanda niya at siya mismo ang nagdala imbes na ang katulong.

Dahan-dahang binuksan ng mayordomo ang pintuan na hindi na kumatok dahil gusto niyang masaksihan kung ano ang ginagawa ng dalawa na di siya namamalayan. Laking gulat na lang nya na makita...

Mga kababayan, maraming salamat po sa pag tangkilik nitong aking munting nakayanan.

Kung mag-kakaroon po ito nang maraming mambabasa, ay ipapagpatuloy ko po ang pag-susulat.

Boto, review, comment, lang po ang hinihiling ko para malaman ko kung dapat ko po itong ipag patuloy.

Maraming salamat po!

AJZHENcreators' thoughts
Próximo capítulo