webnovel

Date

Abala si Yen sa kakahanap ng maisusuot nang pumasok si Gerald sa kwarto nila ni Jesrael. Doon ay magkasama silang mag ina. May dala itong kahon na inilapag nito sa kama.

" I want you to be beautiful tonight. " ani Gerald na kung hindi niya alam na bading ay baka naihi na siya sa kilig. Kinuha nito ang suklay sa tokador at minuwestra nitong umupo siya sa harap ng salamin.

Sheeeeet sayang talaga siya. Sabi ng kanyang konsensiya.

Tumalima naman si Yen at pagkuway inayos nga ni Gerald ang kanyang hairdo.

" Pati pala hair and make up kinakarir mo. " sabi ni Yen dito.

" op korz!! kailangan yon sa buhay. Hindi puro pera lang. Paminsan minsan ay kailangan mong magmaganda ate..." malanding tugon nito.

" alam mo di ko talaga alam kung babae ka ba talaga ee. nag-iisa ka sa mga babaeng kakilala ko na wala man lang yatang interes magpa-parlor. May pera naman." dugtong pa nito.

Natikom ni Yen ang bibig. Hindi naman sa wala siyang interes. Talagang hindi na niya mabigyan ng panahon sa dami ng ginagawa niya at sa pagiging ina niya at asawa tuwinang uuwi siya. Pero hindi naman niya napapabayaan ang sarili. Hindi naman masagwa amg itsura niya at natural pa din ang kanyang ganda. Kahit hindi siya mag effort ay talaga namang maganda na siya.

Napangiti siya sa naisip. Kung hindi siya maganda ay hindi siya mapapansin ni Jason.

Ilang sandali lamang ay hindi na niya halos makilala ang sarili. Napakaganda niya. Na-amaze siya sa ginawang make up ni Gerald. Nakangiti siyang tumayo at nilingon ang kaibigan na nagbubukas ng kahon na nakapatong sa kanyang kama.

" wow! " nanlaki ang kanyang mga mata sa nakitang gown??

" saan tayo pupunta?"

" sa party." malanding sagot pa din ni Gerald na bahagya pang bumali ang bewang at tumikwas ang mga daliri. Sa kanya lang ito nakakapag ladlad kaya hinahayaan ni Yen ang kaartehan nito.

" isuot mo na para makita natin kung sakto. " sabi nito.

Inilabas din nito ang kahon ng sapatos at inilapit sa kanya.

"Eto yung susuutin mo, at yung bag...hermes yan te." anito.

" mahal ito ah."

" wag kang mag alala babayaran mo ko. hahaha nasa ibabaw ng tokador ang accesories mo.Magbibihis din ako."

Pagkatapos ituro ni Gerald ang mga gagamitin niya ay lumabas ito ng kwarto.

Natigilan si Yen at pinagmasdan ang damit na ibinigay nito. Kulay itim iyon. Off shoulder, pencil cut, above the knee anupa't kitang kita dito ang magandang kurba ng kanyang katawan. Maging ang perpektong pagkakahubog ng kanyang mga hita at binti. Nanganak na siya pero sa isang taong lumipas ay tila dalaga pa rin ang kanyang hubog. Sa itsura niya ay hindi mo aakalain na may anak na siyang one year old. Nakita na niya ang kahon ng sapatos. Stilleto iyon. Sanay naman siyang mag suot niyon kaya kayang kaya niya itong dalahin. Matapos isuot ang mga aksesorya niya sa katawan ay umikot siyang muli sa salamin. Hindi talaga siya makapaniwala. pakiramdam niya ay gusto niyang maging gayon ang kanyang itsura. Araw araw. Kagalang galang at mukhang mayaman. Teka, may ari siya ng dalawamg kompanya at mayaman siya. Natawa siya sa naisip. Nasa ganoon siyang tagpo nang muling magbukas ang pinto.

" perfect!! " napapalakpak si Gerald habang sinusuyod siya nito ng tingin.

" beautiful." nakangiti nitong sabi.

" I told you, you must learn to make yourself more beautiful. Para maintimidate naman ang mga echoserang frog na nakapaligid. Hindi masama maging simple pero hindi din masamang maging elegante araw araw kung meron ka namang means"

Tiningnan lang ito ni Yen at hindi na siya sumagot. Angkop nga naman sa kanya ang gayong itsura dahil isa siyang C.E.O. Pero wala naman siyang naalalang tagpo na mukha siyang gusgusing humarap sa mga bonggang clients nila. Hindi nga lang ganoon kabongga katulad ng ayos niya ngayon. Sana ay kasama nalang niya si Gerald para meron siyang taga ayos. Muli ay napangiti siya sa naisip.

" saan ba tayo pupunta? "

" my goodness sister, ilang buwan ka na bang C.E.O ng Villaflor? Hindi ka pa ba nagagawi sa mga ganitong event?"

Napanganga si Yen. Minsan na siyang dinala ni Rico sa gayon at talagang nababagot siyang manood ng mga prestihiyosong tao na nagpapangudngod ng kanilang kasuotan at yaman. Makikipagpabonggahan at magpapalakasan kung sino ang may mas pinaka malaking impluwensiya. Nauumay siya. Pero totoo...ito ang isa sa paraan para makakilala ng mga bagong tao at makapag tatag ng koneksiyon. Lalo sa larangan ng negosyo.

Isang 5 star hotel sa city ang kanilang pinuntahan. Doon ay nakita ni Yen na nagkatipon ang iilang tao. Konti lang ang kilala niya sa mga ito. Pero sigurado siya na ang mga naroon ay masasabi niyang may mga sinabi talaga.

Habang naglalakad papasok sa venue ay nakakapit si Yen sa braso ni Gerald nang may lalaking lumapit sa kanila. Halos nasa kaedaran nila o mas matanda sa kanila ng ilang taon? Hindi siya sigurado. Basta parang nasa early thirties din ito. May itsura ito. At maihahalintulad mo sa isang aktor o modelo. Gwapo. Maganda ang tindig at balingkinitan. Makinis ang balat, kutis mayaman. Malilinis ang kuko at ang mga kamay ay tila walang kalyo. At mukhang mabango.

" hi! " bati nito sa kanila. Una nitong kinamayan si Gerald at tiningnan siya nito.

" she's my date tonight. Yen Reyes... the C.E.O of Villafor and YMR." pakilala ni Gerald kay Yen habang pasimpleng pinipisil ang kanyang daliri.

Ngumiti ito kay Yen

" nice to meet you Miss Yen. I am Gabriel. Call me Gab." inabot nito ang kanyang kamay at kinamayan siya.

Tama si Yen. Malambot nga ang kamay nito at walang baku-bako. Tila hindi nito nadanas na humawak o magtrabaho ng mabigat. Sa kabilang banda ay naaamoy niya na may kakaiba dito. Muling bumaling ang tingin niya kay Gerald na patay malisya lang at tila relaks na relaks lang ito.

" so...ikaw pala ang bagong presidente ng Villaflor? amazing!"

Hindi alam ni Yen kung papuri ba ang sinabi nito, o insulto. Bahagya lang tumango si Yen.

" how are you related to tito Rico? "

Mali ay tiningnan niya ang lalaki bago magsalita. Hindi siya mahihiyang magsabi na katulong lang siya ni Rico dati. Dahil yon naman talaga ang totoo. Pero bago pa man niya maisatinig ang sasabihin ay may babaeng may edad na sumulpot at sumabat sa kanilang usapan.

" you must be Yen...the long lost daugther of Rico.." sabi nito.

Natigilan si Yen sa sinabi ng babae. May edad na ito at maili-level niya ito kay Rico. Palagay niya ay hindi nagkakalayo ang edad nito at ni Rico at ng kanyang ina. Pero yung sinabi nito ay nahpakunot ng kanyang noo. Sasagot sana soya nang muli itong nagsalita.

" you look like your mother but your eyes...yan ang namana mo kay Rico."

Tumawa ito ng mapait at muling bumaling sa kanya.

"You've been through a lot. Sana ay mapatawad mo ako. At ng iyong ina. Ni Criselda..."

Napanganga si Yen. Kilala nito ang kanyang ina?? Naguguluhan siya sa sinasabi nito pero nais niya pa itong mapakinggan. Tila may nalalaman ito tungkol sa kanyang nakaraan.

" kilala niyo po ang mama ko? " tanong ni Yen dito.

" yes iha. Si Criselda ay kaklase ko sa college. Halika, maupo tayo." itinuro nito sa kanya ang isang bakanteng lamesa at pinaupo siya doon.

" alam ko na hindi ito ang tamang lugar para dito pero iha, nais kong humingi ng tawad saiyo at sa iyong ina. Dahil sa akin kung bakit naghiwalay sina Rico at Criselda. At dahil doon ay dumanas ka ng hirap. Patawarin mo ako iha. Matanda na ako, at nais ko ng mapayapang buhay. Kung magkakaroon lamang ako ng pagkakataon na makausap ang iyong ina."

" hindi ko po kayo naiintindihan. " nakakunot ang noo ni Yen.

Talagang hindi niya maunawaan ang sinasabi nito. Papaanong naging boyfriend ng nanay niya si Rico? Walang naikukwentong ganon sa kanya ang kanyang ina. At sa pagkaka alam niya ay si Berto na matagal na niyang manliligaw ang boyfriend nito kaya nga ito ang asawa ng kanyang ina. Sigurado siya doon dahil madalas tudyuin ni Criselda si Berto ng mga ginagawa nitong pasimpleng sulyap sa nanay niya noong high school sila. Kapag nagbibiruan ito noong bata bata pa siya. Kaya alam niyang si Berto ang Matagal na boyfriend ng kanyang ina.

" nahumaling ako nang husto kay Rico noon. Si Rico ang first love ko. Bata pa ako noon at mapusok. Palagi kong sinusundan si Rico. Kahit saan sila gumimik ng barkada niya ay naroon ako. Magsilbi akong only flower among thorns noon dahil sa grupo nila ay nag iisa akong babae. Kinaibigan ko Rico at umasa ako na mapapansin niya ako. Pero hindi. Nagtagpo sila ni Criselda at nabuntis niya ito. Ibinahay niya si Criselda at ikaw." kwento nito.

Sa kasong iyon ay pasimpleng dumistansiya sina Gerald at Gabriel. Nakiumpok ito sa ibang lamesa at doon nakipagkwetuhan. Si Yen ay naiwan na namamangha sa sinasabi ng babaeng kaharap.

"Noong mga panahong iyon ay magkasundo ang aming mga magulang. Natuwa ako nang mapag usapan nila na ipakakasal na lamang ako saiyong ama. Ngunit noong araw na iyon ko din natuklasan na May anak na si Rico kay Criselda. At tinatago niya ito sa condo niya. Nabigla ako at hindi ako makapaniwala. Sinundan ko siya noon sa condo niya para sana ibalita ang usapan ng aming mga magulang. Pero nakita ko kayo ni Criselda. Sanggol ka palang noon. Inakala ko na baka mali lamang ako ng iniisip. Pero nang marinig ko nagtatalo sila ay nakompirma kong totoo nga. Itinatago kayo ni Rico sa condo dahil hindi pa siya handang maging ama."

Hindi alam ni Yen ang sasabihin. Hindi niya alam kung ano ang magiging reaksiyon. Hindi siya galit. Pero wala siyang maitawag sa damdamin na nararamdaman niya ngayon. Nabigla? Hindi niya alam. Hindi niya din maintindihan kung papano nangyaring wala siyang alam.

Isiniwalat ng babae ang nangyari 30 years ago. Ang sabi ni Sylvia ay lumayas daw ang kanyang ina. Hinanap daw ito ni Rico kung saan saan. Nadepress daw si Rico noon at dahil doon ay hindi natuloy ang kasal. Sagad daw ang galit ni Rico sa kanya at hanggang ngayon ay hindi pa rin daw siya nito napapatawad. Natuklasan din daw ng mga lola niya ang existence niya. Hindi naman daw nagalit ang mga ito bagkus ay ipinahanap daw sila ng mga magulang ni Rico ngunit mahusay daw magtago si Criselda. Hindi nila ito natagpuan. Hanggang sa napunta siya kina Rico pumasok na kasambahay, saka palang daw nila natunton si Criselda. Pero may asawa na din ito.

Próximo capítulo