webnovel

Sapantaha

"Kuya Gene, huwag ka ng sumunod dito sa Zurgau! Pabalik na ng Maynila si Congressman!"

Tinawagan ni Joel agad si Gene ng makumpirma nya na sa Maynila nga ang landing ng private plane na ni rentahan ni Congressman Sanchez.

Gene: "Kamusta dyan? Si Kuya Anthon?"

Joel: "Hindi pa namin nababawi ang bata at wala kaming ideya kung nasaan sya!

Si Kuya Anthon at kasama nila Enzo ngayon. Doon sya dumiretso matapos dalhin sa ospital ang asawa nya!"

Magpahanggang ngayon, hindi pa rin makapaniwala si Joel na may asawa na ang Kuya Anthon nya at hindi si Ate Issay nya yun. Tapos ay may anak na sila.

Ngayon lang nya nalaman ng hingan sya ng tulong ni Gene para itrace ang isang signal.

Nang malaman nya ang pangyayari, agad itong nagprisintang pupunta sa Zurgau.

Hindi kasi pwedeng iwan ni Gene agad ang trabaho nya dahil may malaking kaganapan sa Maynila pero alam nyang susunod ito.

Gene: "Sige ako ng bahala kay Congressman! Ako ng pipiga sa hayup na yun!"

Pagkatapos kausapin ni Joel ang kapatid sa cellphone, si Major naman ang kinausap nya.

Joel: "Major, kailangan ko ang tulong mo!"

Major: "Bakit Joel anong nasa isip mo?"

Malaki ang respeto nito kay Joel hindi lang dahil sa kapatid sya ni General kung hindi dahil minsan na rin sya nitong natulungan.

Joel: "Kailangan natin bantayan ang karagatan!"

Major: "May mga tao na ako na pinapunta sa pantalan!"

Joel: "Hindi lang ang pantalan, pati mismong karagatan!"

Major: "....."

Joel: "Maraming daan dito palabas ng bansa! May iba akong kutob sa nangyayari, mukhang hindi lang ito simpleng kidnapping!"

"Pabalik na ng Maynila si Congressman Sanchez, matapos nyang makatanggap ng money transfer!"

Major: "Bakit sya bumalik agad?"

Joel: "Yun ang gusto kong malaman! Bakit iniwan nya ang bata na parang gusto nyang ipahiwatig na wala syang kinalalaman sa pagkidnap sa bata?"

Major: "Pero mismong ang ina ng bata na si Yasmin ang nagsabi na nadinig nya na pinaguusapan nila ang bata!"

Joel: "Tama! Pero kung hindi natin nailigtas si Yasmin, hindi natin makokonek si Congressman sa kidnapping ng bata!"

Tama si Joel.

Major: "Mukhang ibang tao ang pinaki kilos nya!"

Joel: "At ano ang ibig sabihin ng money transfer? Para saan? Bakit ilang beses syang may ganitong transaksyon?"

Major: "Yung magasawang pinasahan ng waiter sa bata nasa custody na at ini interrogate na!"

May kumatok na isang sundalo.

"Sir, may gustong kumausap sa inyo! Gio daw po!"

Major: "Si Gio? Yung bodyguard ni Ms. Isabel?"

"Opo!"

Sagot ng sundalo.

Joel: "Sige papasukin mo!"

Gio: "Sir Joel, Major!"

"Eto po ang cellphone na nakuha namin sa isa sa mga tauhan ni Congressman!

Natanggal ko na rin ang password nya!"

Nagtataka man kung paano napunta sa kanya ang cellphone at kung paano nito natanggal agad ang password, hindi na sila nagtanong! Saka na! Oras ang kalaban nila kaya kinuha nila ito at binuksan.

Naroon sa cellphone ang text ng lahat ng kausap ni Congressman.

Gio: "Sir, cellphone yan nung kanang kamay ni Congressman Sanchez na si Leroy!"

Agad na tinawagan ni Joel ang tauhan nyang si Asul.

Joel: "Asul, may ipapa check ako sa iyong numero, ikaw ng bahala!"

Gio: "Sir, meron pa kayong dapat malaman tungkol kay Congressman Sanchez!"

Joel: "Ano yun?"

Gio: "Nangunguha sya ng mga bata, tatlong buwan pababa tapos ibinebenta nya sa mga foreigners nyang kliyente!"

Nagulat sila ng madinig ito.

Major: "Paano mo nalaman?"

May pagdudang tanong niya.

Gio: "Pinakalkal po ni Sir Miguel ang lahat ng illegal activities ni Congressman at ng malaman nya na isa ang child selling sa illegal activities nya, pinapunta nya po ako agad dito para sabihin sa inyo!"

Kinalibutan si Joel ng marinig ang sinabi ni Gio. Iyon din ang sapantaha nya kanina.

Hindi sya nagdududa sa sinabi ni Gio dahil kilala nya si Miguel, malawak ang resources nito.

Masasabing ang pamilya nya ang numero unong pinaka mayaman at pinaka maimpluwensa sa bansa.

Pero bibihira ang nakakaalam nito.

Joel: "Kailangan malaman natin kung saan nagmula ang money transfer!"

Gio: "Sir, pinaiimbestigahan na po yan ni Sir Miguel para daw po makapag concentrate kayo sa paghahanap sa bata!"

Joel: "May ideya ka ba?"

Gio: "Sa ngayon po na nailipat na ang pera kay Congressman, ibig sabihin nun tapos na ang transaksyon nila sa bata! Nasa buyer na ang bata!"

'Jusko makikita ko pa ba ang pamangkin ko?'

Gio: "Pero... may posibilidad na hindi pa ito nailalabas ng bansa!"

Major: "Paano mo natitiyak?"

Gio: Dahil may isa pa silang transaksyon! Kailangan nilang matulungang mailabas ang bata bata sa bansa!"

"Ganito makipag transaksyon si Congressman, sigurista sya. Para kung sakaling hindi makalabas ang bata, wala syang problema dahil kumita na sya! At hindi rin sya madaling maituturo dahil hindi sya ang nakikipag transaksyon!"

Natahimik silang pareho. Nagpupuyos ang galit nila kay Congressman.

Próximo capítulo