webnovel

Magaaral Muli

Sa apartment.

Naghanda ng munting salo salo si Madam Zhen bilang pasasalamat.

Pagdating ni Issay sa apartment nya, bukod kay Nicole at Vanessa, naroon din si Mama Fe, Gene at Joel na masayang naguusap tungkol sa nangyari kanina.

Issay: "Oh? Anong meron? Mukhang may party. Sinong may birthday?"

Sabay sabay syang binati ng mga ito ng makita sya.

Nang dumapo ang tingin ni Issay kay Nicole, naalala nya ang usapan nila ni Miguel sa kotse.

'Hmmm... kaya nya siguro napagkamalang anak namin ito dahil pareho sila ng mata!'

Kinabahan si Nicole ng mapansin nyang pinagmamasdan sya ni Issay.

'Jusko, bat nya ako tinitingnan ng ganyan? May nagawa ba?'

Naiilang itong yumuko sa takot na baka mapagalitan.

Madam Zhen: Ayan, salamat naman dumating din si Issay!"

Tuwang tuwa nitong sabi na may bitbit na pagkain.

Mama Fe: "Ano na naman yan Zhen? Puno na ang lamesa!"

Madam Zhen: "Haaay Fe, hayaan mo na ako! Natutuwa lang ako sa nangyari ngayong araw! At dahil iyon kay Nicole at kay Issay! At sa tulong na rin ninyong lahat!"

"Salamat sa inyong dalawa. Kung hindi dahil sa inyo malamang hanggang ngayon hindi ko pa rin alam ang nangyayari sa anak ko!"

At inakap nito si Issay at Nicole.

Joel: "Tapos, ano na ngayon ang nangyari? Di nyo pa tapos ikwento e!"

Issay: "Totoy ikaw ba yan? Bat nabawasan ang kapogian mo?"

Joel: "Ate Issay, Joel naman! Akala ko close na tayo! Hmp!"

Pagmamaktol nito.

Issay: "Oo naman Joel, close tayo! Salamat sa'yo!"

At inakap nito si Joel na pilit pinipigilan ang luha.

"Pero sa susunod na gawin mo ulit yan magagalit na ako sa'yo!"

"Huwag na huwag mong hahayaan na saktan ka ulit ng ganun ninuman ng dahil sa akin!"

Tumango si Joel.

Vanessa: "Tama na yan Friendship! Bitiwan mo na ang Jowa ko at ituloy mo na ang kwento!"

Issay: "Sige!"

"Una, nawala na ang suspension ni Erica! Ibig sabihin pwede na syang pumasok ulit sa school, pero dahil sa sinabi ni Madam Zhen na ayaw na nyang pabalikin si Erica sa school, mayroon kaming suggestion na sana magustuhan nyo!"

"Ano yun?!"

"Bilisan mo na wag mo na kaming bitinin!"

Issay: "Home schooling!"

Madam Zhen: "Ano yung home schooling?"

Issay: "Ibig sabihin hindi na kinakailangang pumasok ni Erica sa school. Dito na sya magaaral sa bahay!"

Mama Fe: "Paano yun pupunta rito ang teacher nya para turuan sya?"

Issay: "Hindi po Mama Fe. May isa pong magtuturo kay Erica. para din syang may klase pero dito nga lang sa bahay. Tapos pag may exam saka lang sya pupuntahan ng teacher para bigyan sya ng exams!"

Joel: "Kanino ideya yan? Ang galing! Pwede pala yun! Bakit walang ganyan nuong nagaaral pa ako?"

Lahat: "...."

Vanessa: "Ano naman nangyari kay Ms. Lagundi?"

Issay: "Ayun nakapagpiyansa na sya! Pero sabi ni Miguel wag na raw kayong magaalala dahil kilala nya ang ama ni Ms. Lagundi. Malupit ito pag may ginagawang kasalan ang anak kaya tyak nyang dinala na nya ito sa probinsya nila. Saka malaki ang posibilidad na matanggalan sya ng lisensya para magturo!"

Vanessa: "Hindi ko akalain na may mga ganyan pa lang klaseng tao!"

Gene: "May mga tao talagang pakiramdam nila sa sarili nila diyos sila at ang mga tao sa paligid nila ay mga langgam lang na pwede nilang tirisin!"

"Ano naman ang nangyari dun sa principal?"

Issay: "Pinag bigyan ko na, nagmakaawa eh! Mukhang natuto naman ng leksyon nya! Saka mahirap maghanap ng kapalit!"

"Teka asan si Nicole?"

Umakyat sa taas si Nicole ng makitang nagkakasayan sila. Natatakot kay Issay.

Vanessa: "Nicole, bumaba ka dito hinahanap ka ni Issay!"

Nicole: "Ba..bakit po?"

Issay: "Anong ginagawa mo dyan sa taas bumaba ka dito!"

Natataranta itong bumaba ng hagdan.

Issay: "Halika dito lumapit ka! Maguusap tayo!"

Napalunok si Nicole. Parang gusto ng maiyak sa takot. Inisip kung anong nagawa nyang mali pero wala syang maalala.

Nakatungo itong humarap kay Issay.

Issay: "Maupo ka kaya! Ang tangkad mo, mahirap tumigala!"

Dahil wala ng maupuan kung hindi sa tabi ni Issay, nagaalangan itong maupo. Pero naupo na rin ng makitang inaantay syang maupo ni Issay.

Issay: "Amina yang kamay mo!

Sa susunod huwag kang basta basta manampal, naintindihan mo!"

Sabay kinuha ang tsinelas at pinalo ang kamay nya na agad naman nyang binawi ng maramdaman ang sakit.

Issay: "Hindi tama na basta ka nalang manakit ng tao kahit sya pa ang may kasalanan! Naintindihan mo ba ako!"

Nicole: "Opo! Pangako po hindi ko na po uulitin!"

Naiiyak na ito. Hindi naman masakit ang palo pero naiiyak talaga sya.

Mas masakit pa nga mamalo ang Papa nya pero hindi nya alam bat mas malaki ang takot nya kay Issay.

Issay: "At isa pa, simula ngayon ikaw na ang resposable sa pagaaral ni Erica!"

Nicole: "Po?"

Issay: "Mula ngayon dito na magaaral si Erica sa bahay, home schooling, at ikaw ang magtuturo sa kanya! Ikaw na ang magiging teacher nya. Maliwanag ba?"

Nicole: "Naintindihan ko po!"

Issay: "Habang tinuturuan mo si Erica gusto ko bumalik ka na rin sa pag aaral mo! Kaya mo ba?"

Nicole: "Po? Opo, Opo kakayanin ko po!"

At tuluyan na itong umiyak pero ayaw nyang ipahalata kaya tumakbo kay Madam Zhen at umakap.

Naiintindihan ni Madam Zhen ang dahilan ng ikinilos ni Nicole.

Minsan ng naikwento nito kay Issay na gustong magaral ulit ni Nicole pero ayaw nyang malaman ni Issay dahil baka ipaalam sa ama pauwiin pa sya.

Gusto nito kung magaaral sya, sa sariling sikap nya at hindi aasa sa ama.

Kaya ng sabihin ni Issay na babalik sya sa pagaaral, alam ni Madam Zhen na natutuwa ito pero hindi alam kung papaano sasabihin kay Issay.

Nag 'thank you' si Madam Zhen kay Issay ng walang tunong.

Sumasagot lang ng ngiti si Issay. Matagal na nyang iniisip kung papaano nya tutulungan si Nicole makabalik sa pagaaral.

Kaya ng sinuggest nya ang home schooling ni Erica si Nicole ka agad ang naisip nitong ilagay. Upang magkaroon ng dahilan para bumalik din ito sa pagaaral.

Yun nga lang kailangan sabihin ni Issay sa ganitong paraan para hindi ito tumanggi.

Issay: "Huwag ka ng umakyat sa taas, dito ka muna! Bukas aalis ako kaya masosolo mo na ang bahay!"

Mama Fe: "Bakit, saan ka pupunta?"

Issay: "Mag che check in po kami sa hotel ng maaga para sa anibersaryo!"

Mama Fe: "Pero diba sa isang araw pa iyon?"

Issay: "Kailangan po kasi naming mag check in ng maaga para po makapahinga ng mabuti si Ate Belen ng hindi ma stress!"

Madam Zhen: "Bakit anong nangyari kay Belen?"

Issay: "Wala naman po bilin lang ng duktor para daw hindi ma stress ang baby nya!"

Lahat: "Ano?! Buntis si Madam Belen?!"

Biglang napatayo si Gene at patakbong lumabas.

Mama Fe: Anong nangyari dun?"

Nagtataka ang lahat maliban kay Issay.

Napakagat na lang ito sa labi.

'Patay! Lagot ako kay Ate Belen!'

Próximo capítulo