webnovel

Eksena

Roland: "Hindi pa tayo tapos!"

Belen: "Bitiwan mo ako! Wala na tayong dapat pagusapan Kuya Roland dahil sarado ang utak mo, ayaw mong tumanggap ng katotohanan kahit na nasa harapan mo na!"

Nasa gitna na sila ng mall ng maabutan sya ni Roland at marami ng taong naka pansin sa kanila.

Roland: "Gusto ko lang naman malaman kung nasaan ang pera na dapat para sa ama ko!"

Hindi pa rin nito binibitiwan ang kamay ni Belen at kumakapal na ang tao.

Belen: "Malay ko sa pera ng ama mo! Bakit hindi mo tanungin ang mga pinagkakautangan nya sa sugal baka nasa kanila! Bakit ba laging kami ang tinatanong mo tungkol dyan? Ni minsan wala naman kinukuhang pera ang nanay ko sa inyo at kayo pa nga itong madami ang utang sa pamilya ko, kaya pwede ba tumigil ka na sa kahahanap ng pera ng ama mo sa amin!"

Sa dami ng tao na nanonood sa kanila may mga nakakilala kay Roland.

"Hindi ba yan yung nambugbog at nagsabi na mga salot ang bakla?"

"Bakit ba gumagawa na naman ng eksena yan?"

"Sino naman kaya ang babaeng yun na ayaw nyang bitawan, kawawa naman?"

Nadinig ni Belen ang bulong bulungan.

Belen: "Kuya Roland, hindi porket mag pinsan tayo may karapatan ka ng pwersahin ako! Hindi pa ba sapat na pinag tulungan nyong gulpihin ang pamangkin ko pati ako gusto mo na rin saktan?!"

Malakas at may diin ang boses nito para marami ang makarinig.

Roland: "Napipikon na ko sa'yo Belen! Kinuha ng magaling mong ina ang pera na dapat ay sa ama ko! Kaya anong pinagsasabi mong wala kayong kinukuha?"

"Ngayon kailangan kong malaman kung nasaan iyon at hindi kita titigilan hangga't hindi mo sinasabi! Kaya sasama sa akin!"

Naghihilahan na sila.

Belen: "E, kung ayaw kong sumama sa'yo anong gagawin mo sa akin? Katulad din ba ng ginawa mo sa asawa ng kapatid ko kaya sya napa anak ng disoras nuon at naging dahilan ng kanyang pagkamatay?"

Nagpupuyos sa galit Roland ng madinig ang tungkol kay Jengjeng.

Kaya sa inis nya, bigla nitong hinatak si Belen at pwersahan na inakbayan.

Roland: "Sa ayaw at sa gusto mo sasama ka sa akin! Maliwanag!"

Nanlilisik ang mga mata nitong sabi.

"Sir bitiwan nyo sya!"

Sabi ng isang padating na gwardiya.

Napahinto si Roland ng makitang makapal na ang tao sa paligid at sunod sunod ang gwardiya na padating.

Inalis ni Roland ang galit sa mukha at pinilit kumalma pero nakaakbay pa rin kay Belen.

Roland: "Mga Sir, magpinsan kami, Hehe! At kailangan lang namin magusap! Na miss ko kasi itong pinsan ko! Hehehe!"

Nakangiti nitong sabi sa mga gwardiya.

Tiningnan nila ang babaeng hostage nito.

"Mam kilala nyo po ba sya?"

Tanong ng isa pang guwardya na malapit kay Belen.

Belen: "Ang dami mong pwedeng itanong yan ang itatanong mo! Hindi mo ba nakikitang nahihirapan ako!"

"Gusto ko lang hong malaman kung mag kamaganak kayo?"

Belen: "Bakit? Sa tingin mo kung may kamaganak kang ganito gugustuhin mo pang maging kamaganak!"

"Tumawag ka ng pulis! Ngayon din!"

"Mam aayusin ho natin ito wag kayong magaalala!"

Nagtataka na si Belen.

'Anong bang ginagawa ng gwardiyang ito, ako ang hostage parang ako ang inaareglo!'

Belen: "Tawagin nyo ang manager ng mall na to!"

Utos nya sa iba pang gwardiya na naroon.

"Mam inaayos na po natin ang lahat!"

Patuloy syang kinakausap ng gwardiyang malapit sa kanya.

Belen: "Inaayos? Ako ang hostage bakit hindi sya ang kinakausap mo?"

Hindi mahina ang utak ni Belen para hindi makita ang simpleng tinginan ng gwardiya at ni Roland.

Marahil ay may pinaplano ang mga ito na sila lang ang nakakaalam.

"Mam pwede bang sumama na lang kayo para matapos na ito, dumarami na ho ang tao!"

Belen: "At bakit ako sasama? Hindi ako ang nanggugulo dito kundi sya pero bakit parang gusto mo akong sumama sa kanya?"

Nagtataka na rin ang ibang gwardiya. Kaya may tumawag na sa manager.

Napansin ito ng gwardiya na nakikipagusap kay Belen kaya bago dumating ang manager Kailangan maialis na ang dalawang ito dito.

Kaya nilapitan nya ang dalawa at inakbayan si Belen sa bewang. Kung titingnan nga naman ng iba, akalain nilang inaalayan lang nya ito.

"Sumunod na lang ho kayo sa akin Mam!"

Malakas nitong sinabi para madinig ng mga naroon.

Nahimasmasan naman ang mga taong nanonood ng makitang nilapitan na sya ng gwardiya para alalayan.

Lingid sa kaalaman nila may nakatutok na matalim na bagay sa tagiliran ni Belen bukod sa baril nito at hindi pa rin inaalis ni Roland ang pagkaka akbay sa balikat nya.

"Sumunod na lang tayo Mam para matapos na ito!"

At unti unti na syang hinila para lumakad pero hinarang sya ng mga kasama nyang gwardiya.

"Bitiwan mo si Madam, Ortiz!"

Nagulatang ang gwardiya na tinawag na Ortiz ng tutukan sya ng baril na kasamahan nito.

Sya si Ortiz. Hindi sya dapat nandito sa araw na ito dahil day off nya. Pero inalok sya ng trabaho ni Roland. Sinabi lang nito na may kailangan syang alalayan na babae na mailabas sa mall, medyo matigas ang ulo nito kaya kailangan nya ng tulong. Sinabi nya rin dito na pinsan nya ito kaya wag syang magaalala wala syang magiging problema.

Hindi lang ito ang unang beses na nagtrabaho sya kay Roland kaya kilala na nya ito at isa pa malaking halaga ang matatanggap nya at nagbigay na ito ng down payment.

Ortiz: "Ano bang ginagawa nyo? iniaalis ko lang naman sila dito dahil baka magkagulo! Kaya ibaba mo ang baril mo!"

Pero hindi sumunod ang gwardiya at pinalibutan na sila.

Nagpapanik na si Ortiz. Hindi nya inaasahan ito.

Dali dali naman bumaba ang manager pagkatapos nyang makuha ang tawag at sinabi sa mga ito na wag na wag paalisin sila at ang gwardiya.

Natanaw na nya sa taas na si Belen ang hostage kaya natakot ito.

Manager: "Anong ibig sabihin nito? Bakit mo hino hostage si Madam Belen?"

Tanong nya kay Ortiz na ayaw bitawan si Belen.

Tila napa itong ang dila ni Ortiz.

'Naloko na! Bakit kasi hindi na lang sumama ng maayos itong babae! At sino itong Madam Belen at kilala sya ng manager?'

Próximo capítulo