Chris
Isang malawak na lupain ang sumalubong sa akin nang ako'y makababa sa paliparan ng Busuanga, Coron Palawan. Napapalibutan ito ng bulubundukin at nagbeberdihang mga punong kahoy, ang iba namang mga bundok rito ay kapansin-pansin ang kulay na animo'y Chocolate Hills, lalo na kapag nasa himpapawid ka.
Summer ngayon kaya nagtutuyuan ang ibang parte ng mga halaman at mga punong kahoy rito sa mga kabundukan, ramdam ko ang init ng sikat ng araw ng ito'y tumama sa aking mga balat.
"Good afternoon Sir, welcome to Coron Palawan!" Ang bati sa akin ng tatlong binibini na naka abang sa aming mga passenger na kabababa lamang ng eroplano. Gumanti ako ng ngiti, atsaka kami iginaya ng mga ito papunta sa kung saan naka park ang mga van na susundo sa mga turista at mga kamag anak nila ng mga katulad kong kalalapag lamang.
Nang makita ko ang white board na may nakasulat na pangalan ko ay lumapit na ako roon.
"Magandang hapon ho, Sir! Ako po si Garry, driver ng van na sasakyan ninyo patungong Coron town. Maligayang pagdating po sa Coron Palawan." Ang pagbati sa akin ng di katandaan na lalaki atsaka ako pinagbuksan ng pintuan ng van, ngumiti ako sa kanya saka tumango at sumakay na ng tuluyan sa loob ng sasakyan.
Mga ilang sandali lamang din ay punuan na ang van, kasabay ang ilang mga turista na patungo rin sa town ng Coron ang nasa loob narin ng sasakyan. Kung kanina ay mag-isa palang ako, I think ngayon nasa sampo na kami ang nasa loob.
Pinaandar na ni manong ang sasakyan at nag simulang ng umusad para umalis. Inayos ko ang cap na suot ko at pati na rin ang aking sarili atsaka tuluyang pumikit.
Iidlip na muna siguro ako sandali. Ang sabi ko sa aking sarili.
Nagising na lamang ako dahil sa sunod-sunod na tapik sa aking balikat.
"Sir, nandito na ho tayo sa hotel ninyo." Sandaling iginala ko ang aking paningin sa labas ng bintana ng sasakyan. Mag-isa na lamang pala ako. Napatingin ako kay manong driver na abala sa pagkuha ng mga gamit ko.
"Pasensya na ho kayo Sir, mukhang napahimbing po ang pag tulog ninyo kaya hindi ko na muna kayo ginising." Paghingi nito ng paumanhin.
Ngumiti lang naman ako atsaka isinukbit na sa balikat ko ang backpack na nasa lap ko at lumabas na ng van, habang si manong naman ay akay-akay ang aking maleta. Iginaya niya ako papasok ng Hotel.
"So pano sir, mauna na ho ako. Mag enjoy po kayo sa dito sa Coron." Pagpapaalam ni manong. Muli ay tinapik ako nito sa balikat. Gumanti na rin ako rito saka tumangong muli.
"Salamat manong ha." Pag papasalamat ko sa kanya at aabutan pa sana ito ng tips ng mabilis niya iyong tanggihan.
"Naku, wala ho yun Sir! Hindi na rin po kailangan niyan." Sabay kamot nito sa kanyang batok. "Trabaho ko talaga ang ihatid kayo ng safe. Hehe. At walang anuman sir. Sige ho, mauna na ako." At tuluyan na nga siyang tumalikod pabalik sa sasakyan.
Napahinga ako ng malalim habang napapailing na lamang sa aking sarili. Hindi kasi lahat ng tao eh kagaya ni Manong. Sandaling napasulyap muna ako ulit sa sasakyan nito bago pumasok na rin sa reception area ng hotel.
"Good afternoon Sir!" ang bati sa akin ng isang babae at ang dalawa nitong kasamahang lalaki.
"Good afternoon." Pagbati ko rin pabalik sa mga ito atsaka ngumiti ng tipid. "May I have my room reservation? Mr. Christian Ocampo, please!"
Pina sign ako ng frontdesk officer sa registration form at saka ibinigay na nito sakin ang susi ng kwarto ko.
"This way sir." Sumunod ako sa isang staff na lalaki, buhat buhat nito ang maleta ko na medyo may kalakihan. Ilang sandali lang din ay huminto na kami sa tapat ng Room na may number 101.
I thanked him. At sinabi pa nito na kung may kailangan man raw ako ay tawagin ko lang sila through intercom na nasa loob ng kwarto ko. Pagpasok ko sa aking room at nang maipasok ko lahat ng bagahi ko ay pabagsak akong nahiga sa kama.
Tinignan ko ang orasan na suot ko, it's already three twenty-five in the afternoon. Actually, I really don't know why I am here in Coron. All I want to do is relax, refresh my mind, and forget everything I want to forget. But the question is, am I ready to forget everything? Am I ready to forget everything about her? I hope so.
Napalunok ako at mariing ipinikit ang aking mga mata mata, those her beautiful and sparkling eyes, the angelic face of her, her wonderful smile that always makes me smile out of the blue, her pointed nose and her voice and...
"Damn it! F*ck!" Padabog akong bumangon at nag tungo sa banyo. Maliligo na lamang siguro muna ako para makapaglibot. Para naman kahit papano makapag libang ako.
Pagkatapos kong maligo, magbihis at makapag ayos ay lumabas na ako ng hotel. Di ako sumakay ng tricycle o kahit na ano. Sinubukan ko nalang munang maglakad. I think mas okay ang maglakad kaysa ang makipagsisikan sa maliit na sasakyan. Madilim narin ang paligid kaya ang mapapansin mo ang mga nagtitinda ng mga barbeque sa side walk, mga taong paroon at parito dahil sa pauwi na sa kani-kanilang tahanan, mga resto bars na nagsisimula na sa kani-kanilang programa na may iilang guest narin at customers.
Naglakad pa ako ng konti, hanggang sa makarating ako sa tapat ng isang resto bar malapit sa bayan. Medyo marami ng tao, ngunit hindi ito kagaya sa manila na malaki at pang malakasan talaga. Medyo makipot lang siya ngunit kakasya naman sa fifty hanggang eighty na tao.
Pumasok ako rito at dumiretso sa bar counter. May nagtutugtog na banda, ang ilan namang mga nadoon ay sumasayaw na, mga turistang pilipino maging ang mga foreigner, ang iba naman nakaupo man sa kanya-kanya nilang mga silya ngunit sumasabay naman sa beat ng kanta at sumasabay sa lyrics nito.
Umorder ako ng isang baso ng beer, wala rin naman talaga akong balak maglasing. I just only want to clear my mind. Hindi ko alam kung hanggang kailan ako magtatagal dito sa islang ito.
Mayroon kaming lupain dito, binili iyon ng aking mga magulang noong bata pa lamang ako. May nakatayo narin namang bahay roon at may nag aalaga naman o taga linis, pero mas gusto ko na munang dumito sa Town ng Coron. Besides, ayoko rin naman na malaman nila na nandito ako.
Hindi ko namalayan na nakakatatlong baso na pala ako ng beer, kung kanina mabibilang mo pa ang taong nandito sa bar, ngayon ay siksikan na. Dumadami narin ang lasing sa paligid ko.
Napadako ang tingin ko sa babaeng nasa harapan ko, na halata mong kanina pa nagpapacute sa akin. I ignored her. Hindi naman sa snob akong lalaki, hindi lang talaga ako katulad ng iba diyan na porke't may palay ay tutukain na kaagad.
I hate flirtings. I am not that kind of man, dude. Malaki ang respeto ko sa mga babae, hindi ako bastos kagaya ng iba, pero may iilan din namang mga babae na nakakainis lalo na yung mga babaeng walang magawa kundi ang magpacute, magpapansin or in the other word kaladkarin. I hate that kind of woman. Minsan sila rin ang dahilan kung bakit dumadami ang mga manyakis ngayon, mga nararape. Tsk! Napapailing nalang ako sa iniisip ko.
Woman now a days.
Iisang babae nalang ata ang kilala kong hindi ganun. Isang babaeng kailan man ay hindi na magiging akin. Ipinilig ko ang ulo ko.
Enough for this Chris. Sabi ko sa aking isipan.
Pagkatapos kong lagukin ang beer na naiiwan sa aking baso ay tumayo na ako, nagbayad ng bills atsaka lumabas na ng bar. Maglalakad nalang siguro ulit ako. Nakakatamad magcommute, malapit lang naman ang hotel kung saan ako naka check in, galing dito sa town.
Ngunit hindi pa man ako tuluyang nakakalayo sa bar na pinanggalingan ko ay bigla na lamang tumunog ang phone ko. Si Nikki. Natigilan ako. Napalunok at tinitigan lang ang screen ng phone ko hanggang sa mag end ang call dito.
"F*ck! F*ck! F*ck!" Napapamura na lamang ako sa aking sarili. Napapasabunot sa aking buhok. Pinagtitinginan nadin ako ng iilang mga dumadaan at mga nakakasalubong ko. Ini-open ko ang text message na dumating sakin na galing parin sa kanya.
"Please, talk to me Chris! Where are you?" Hindi ko pa man natatapos basahin ang unang text ay may dumating na naman na bago.
"Everyone's looking for you Chris! I'm worried. Asan ka ba?" Napapahigpit ang pag hawak ko sa aking cellphone. Hindi na ako nag-abala pa sa pag reply at ibinalik na sa bulsa ng pants ko ang cellphone.
No one can find me here. No one. At nagpatuloy na sa paglakad.
"Hi." And then a beautiful girl suddenly appeared right in front of me and greeted me. And I think my whole world stops when she smiles at me. Damn. What's happening to me.