webnovel

Chapter Seven

7

Jela's POV

A week passed.. Simula ng magkaharap kami ni Ralph. I never thought na magagawa ko magsalita sa kanya. Kahit papaano nabawasan ang bigat ng kalooban ko. Medyo okay na ako as of now.

"Hey Jel. Faster, we need to moved!! sigaw ni Jules.

Papunta kami isang mall, on sale kasi. Kasama ko si Jules at okay na kami. Kagagaling lang namin sa trabaho.

"Jules, wait lang hindi tayo mauubusan." I said habang hinihingal. Pinapatakbo na naman nya ako ng nakahigh heels. Halos matapilok na ako. Tumutulo ang pawis ko sa init. Nakapasok kami ng mall.

"Lets start with some appliances, diba may mga kailangan ka pa." said Jules habang hatak hatak ako.

"Yes yes." sagot ko habang pinupunasan ang pawis ko. Medyo madaming tao because its friday. Sahod ng tao at nagkataon sale pa. Syempre ang habol ng tao sale.

"BLAG!!!" nagulat ako sa nabangga ko. Napaatras ako ng bahagya. Panay hatak kasi si Jules hindi ko na alam kung ano yun nabangga ko. Nabitawan nya ako.

"Sorry Sorry.." sabi ko.

"Angela?" nagulat ako sa narinig at bahagya akong tumingin sa nabangga ko. I saw Jared.!

"Attorney! Ah Jared!" Gulat ko. He's not on his proper attire. Naka shorts at plain shirt lang sya. May dala syang bag ng groceries.

"Kamusta kana? tanong nya. Napangiti ako. Pasimple kong inayos ang buhok ko. Haggard kasi ako.

"I'm okay. " sagot ko. Nahihiya ako at naabutan nya akong ganun. Si Jules kasi!!

"JELA!!" nagulat ako kay Jules. Nasa likuran ko na pala sya.

"HEY!!!" nagulat ako ng batiin nya si Jared. Nagfist bump pa sila. Nagtataka ako.

"Magkakilala kayo?" tanong ko. Para kasing ang tagal na nila magkakilala.

"Oo. Ano ka ba! He's a childhood friend of mine." said Jules. Naguluhan ako lalo.

"Talaga!" ulit ko.

"Naalala mo. I told you to get a lawyer sa Avila. Sya sana yun irerefer ko. Kaya lang bumalik ka diba at sabi mo may nakaaway ka kamo kaya hindi na ako nagpumilit pabalikin ka dun." natawa ako bigla. So it means kay Jared pa din ako babagsak.

"She's my client!" said Jared. Napatingin bigla sa akin si Jules, confused.

"Really! How?" natawa kaming dalawa ni Jared.

"Long story Bro. Ikukwento ko nalang sayo next time." napakunot noo si Jules.

"Nga pala, bakit ka nag gogrocery? Nag asawa kana ba?" biglang tanong ni Jules. Wala pa ba syang asawa?

" Asawa! Wala nga akong girlfriend!" nagtawanan ang magkaibigan.

"Gusto ko kayo iinvite sana sa 7th birthday ni Jenica this coming week. Gusto ng bata, magswimming kami. Eh naisip ko iinvite kayo." said Jared.

"Bro, hindi ako pwede this week. May seminar ako. Si Jela nalang." said Jules sabay hawak sa magkabilang balikat ko.

"Okay lang ba? Magsama kana lang ng kahit sinong kaibigan mo so you don't get out of place." said Jared. Naisip ko si Amy na isama. Tumango ako. Hindi ako makatanggi kay Jared.

"Nice. Jenica would be so happy." he said at ngumiti. Nagpaalam na sya sa amin. Pinagmasdan ko lang syang makalayo.

Nagsimula na kami ni Jules na maglakad ulit.

"You know what. Jared is an ideal man." biglang sinabi ni Jules.

"Talaga? Paano mo nasabi?" tanong ko. Nacurious tuloy ako.

"Mapagpahalaga sa babae yan. Since we were on college. He's a hearthrob. Ayun lang di sya mahilig sa babae. Pero I remember he got a girlfriend. Nung highschool kami. He loved that girl so much that he choose to shift courses nung college kami masunod lang yun gusto ng babae."

"Talaga! Ginawa nya yun." tinanguan ako ni Jules.

"Yeah. But apparently, the girl transferred to States. Kaya ayun naghiwalay sila. No choice si Jared that time. He break up with that girl at halos gumuho ang mundo nya. I saw him crying because of that girl. Kaya nga hindi na ako nagtataka bakit hanggang ngayon wala syang girlfriend kahit na nakikipagdate naman sya."

Bigla akong nalungkot sa narinig ko.

"Hindi naman talaga pag aabogarsya ang gusto nun. Dahil lang sa babaeng yun kaya nag abogado sya. But you know what Jared really wants? He loves to bake.

"So gusto nya maging baker?" tumango si Jules. Mas lalo ko tuloy nakilala si Jared. Sayang naman kung tinalikuran nya yun gusto nya.

Hinatak pa ako ni Jules papunta sa ibang stall. Namili pa kami then nag stopby sa isang cafe. Yun kasi ang bonding namin ni Jules.

Matapos namin mamili. Sinamahan nya ako pauwi. Binaba lang nya ang mga pinamili ko pagkapasok nya sa loob ng bahay. Saka nagpaalam.

---

"We need to get some swimsuits!!"

said Amy. Napahawak ako sa noo ko. Birthday ang pupuntahan namin.

"Amy. Birthday ng bata yun.." pagpupumilit ko kay Amy. Nasa isang boutique kami. Inaya nya kasi ako mamili ng sabihin nya na pupunta kami sa birthday ng kapatid ni Jared.

Hindi ko naman akalain dadaan kami sa boutique. At ayaw nya umalis hanggat hindi kami nakakabili ng swimsuit.

"Ano ka ba! Magsuswimming din tayo. Did Mr. Pogi told you ilan days tayo dun?" she asked at nag isip ako.

"Parang 2 days ata." sagot ko. She grabbed a one piece swimsuit at binigay sa akin.

"Bagay sayo yan. Suutin mo ng may maattract sayo." nagulat ako. Napahawak ako sa binigay nya.

"Sira ka talaga. Hindi pa ako officially single." katwiran ko. Medyo daring naman itong binigay nya. Ano ba balak nyang gawin sa akin!

"But you'll be sooner.." she said at tinawanan ako. Wala na ako magawa kundi kunin ang binigay nya.

Pagkatapos namin mamili. Dumaan kami ng toy shop. Naisip namin laruan ang iregalo sa bata.

"Lets split." said Amy. Naghiwalay kami pagkapasok ng toy shop. Naisip ko na manika sana ang ibigay ko but I saw some hand made bracelets.

The bracelets are simple yet so attractive. Napansin ko kaagad yun malayo palang ako sa saleslady.

"How much is this?" tanong ko sa sales lady na nagpopromote ng bracelets.

"Hindi po sya binebenta Mam. You need to buy the whole kit so you can make your own bracelet." she said at tinuro ang kit sa ibabaw ng mga estante. Nilapitan ko yun. Its worth 500 pesos but I think magugustuhan ito ng bata.

"I'll buy one." I said at ngumiti ang babae sa akin saka ako inabutan ng isang box.

"There are directions Mam how to make a friendship bracelet." bigla nyang sinabi sa akin pagkaabot ng box.

"Friendship bracelet?" tanong ko. Tinanguan nya ako.

"There are different kind of bracelets you can make inside. Sister bracelets. Friendship bracelets or Lovers bracelets. Its up to you Mam what designs you want to try. Its all in the box." she said. Nagdecide ako kumuha ng dalawa. Balak ko gumawa pag uwi ko.

Nagkita kami ni Amy sa cashier. She holds a basket with full of dolls on it. I know Amy, she loves dolls unlike me noong bata ako, I love making handicrafts kaya siguro na attract agad ako sa mga bracelets na nakita ko. Sabay kaming nagbayad. Pagkabayad namin, dumiretso kami sa isang fast food.

"How is Ralph?" asked Amy. Hinihintay nalang namin yun tinake out namin pagkain. Wala ako maisagot dahil hindi ko naman talaga alam. One week na akong walang balita sa kanya. Siguro nagpapakasaya na sya sa buhay nya because after a month, were both officially single. No strings attached. No marriage contracts.

"Hindi ko alam." sagot ko habang nakatingin ako sa labas. Pinagmamasdan ko ang mga taong naglalakad.

"But your okay now?" she asked. Tumango lang ako. Hindi naman ako ang nagmatigas sa amin dalawa kaya hindi ako dapat makonsensya. Sya dapat itong mag isip ng mag isip why I need to broke up our marriage.

"Alam mo. Lets moved on.. Lets make some new memories." said Amy. Ngumiti ako. Yun talaga ang plano ko. Its time magfocus naman ako sarili ko. Magpaganda. Magpakasaya. Mag enjoy. And maybe makatagpo ako ng isang tao na mag aappreciate sa akin. Lahat ng mga bagay na hindi nakita ni Ralph sa akin.

"Heres you order Mam." nagulat kami ni Amy. Kinuha lang namin ang pagkain namin nakasupot na. Naghiwalay kami sa mall. Magkita nalang kami sa bahay sa araw ng birthday ni Jenica. Sabay kaming pupunta sa meeting place na pinag usapan namin ni Jared.

---

Jared's POV

Friday. Its my little sister's debut. Happy Birthday Jenica!!" sigaw ko sa kapatid kong tulog na tulog pa. Its already 4am in the morning. Sabay ihip sa torotot na hawak ko. I sound like a little kid kaysa sa kapatid kong ayaw pa gumising dahil gabi pa daw.

"Hey!! Wake up!!" sabi ko habang inuuga ko sya. Hinatak nya ang kumot at tinakip sa mukha nya.

"I'm still sleeping Kuya." she said. Natawa ako.

"Okay. If you say so.. Magpeprepare na ako for our swimming later." pagpaparinig ko. Bigla syang bumangon nang marinig ang swimming.

"Really!! Were going on a swimming!!" she said excited. Tumango ako. She hugged me at biglang tumalon sa kama.

"Yehey!!" she shouted. Bumaba sya ng higaan at hinanap agad ang bag nya.

"Mag eempake na ako Kuya!!" she said. Tumawa ako. Nilapitan ko sya at hinagkan sa noo.

"Okay. Aayusin ko na yun sasakyan natin. Then mga dadalhin." paalam ko sa kanya at lumabas ako ng kwarto nya. Kinuha ko ang phone ko para itext si Riggo. Kasama ni Riggo yun dalawang pamangkin nya. Then ininvite ko si Lyra and her younger sister. Lyra is my cousin. Sya nalang ang natitira kong cousin sa Pilipinas. Lahat sila nasa States na. I invited some classmates of Jenica but sure lang na makakapunta ay yun bestfriend nya si Aljon. Kaya ipinaalam ko nalang sa Mama nya para payagan. Then I ..

"Itetext ko o tatawagan ko?" I ask myself. Pinag iisipan ko kung itetext ko o tatawagan si Angela.

"I should call her." I said sabay pinindot ang call button.

"RRRRRIIIIIIINNNGGGGGG!"

Matagal bago nya nasagot. Tulog pa ata sya.

"Goodmorning!" I said.

"Hey.. Goooooooodd moorning.." She said. Natawa ako sa tono nya. Halatang kagigising lang.

"Did I wake you up?"

"No. I'm just about to. Tinatawagan na din ako ni Amy."

"Oh. Well. I just call to remind you to be at the Petron gasoline station. Yun malapit sa Avila. Around 6AM. Susunduin ko kayo dun.

"Yes. We will.

"Okay.. Ingat ha." I said. Gusto ko pa sya makausap kaya lang nahihiya na ako. Nagpaalam na ako after that.

Sinimulan ko ng ayusin ang mga dadalhin namin ni Jenica. It'll be a busy day for me.

---

iamnyldechan ❤️

Próximo capítulo