Sinumpang kambal ang hudyat ng pag sisimula at pag tatapos.
Dalawang sanggol sa sinapupunan ng iisang ina. Dalawang sanggol na mag kahiwalay ng katawan. Ngunit iisa ang tinitibok ng kanilang puso.
Tibok na mag sisimula ng lahat. Magiging pula ang dagat. Mababalot ng kadiliman ang sanlibutan. Isang papatay isang mamatay.
Sino ang mag sisimula?
Sino ang mag wawakas?
At sino ang papagitna?
*****************
Binuksan ko ang mata ko at tinitigan ang mga paa ko na naka lubog sa bath tab ko. Andito ako ngayon sa banyo ko at nag hihilamos.
Kakarating ko lang kasi sa bahay at naka ugalian ko na dumaretsyo agad sa banyo para maligo o mag hilamos.
Naalala ko bigla yung nangyari kanina nung hinatak ko si Hazel papalayo dun sa resto kung asan si Zero at yung babae.
"Sino kaya yun? Gf nya?" Puno ng curiosity na tanong ni Hazel sakin habang namimili na sya ng damit nya.
"Aba malay ko ba!!!" Naiinis na sabi ko sa kanya. Sa totoo lang hnd ko rin alam bakit naiinis ako. Ano ba tong nararamdaman ko.
"Galit ka? Parang gusto mo na akong kainin ng buhay ah" Taas kilay na sabi nya sakin.
"Hindi no, bakit naman ako magagalit?" Sabi ko at tumalikod na ako at tumingin tingin sa mga naka display na gown sa shop na pinuntahan namin.
Naramdaman ko na nag lalakad papalapit sakin si Hazel at pumunta sa gilid ko kaya napatingin ako sa kanya.
"Selos ka no?" nanunuksong sabi nya sakin.
"HINDI AH!!" malakas na sabi ko.
Napahawak tuloy ako sa bibig ko at napatingin sa paligid namin. Lahat ng tao sa boutique napatingin samin. I mean sakin lang pala.
"Grabe hindi ka nga nag seselos. Hindi man kahit konti." Sabi nya at natatawang iniwan ako at tinuloy na nya ang pag titingin tingin ng mga gown at ako naman at hinihiling na sana itago ako ng mga gown dito at nakakahiya.
***
Napapikit ako ng mariin ng maalala ko yung nangyari kanina at yung pang aasar pa sak8n ni Hazel nung pauwi na kami.
Bakit kasi ganto reaction ko sa nakita namin. Ano naman kung may kasama syang babae diba. Ano naman kung girlfriend nya kasama nya.
Pero nung biglang pumasok sa isio ko na puwedeng karelasyon nya yung kasama nya kanina, parang may mali sa pakiramdam ko.
Hay ewan bahala na. Sabi ko sabay lubog ko sa tubig.
Dahil basa na rin naman yung buhok ko kaya naligo na akonang tuluyan.
After ng ilang minuto ay natapos na rin ako at nag suot ng pantulog ko. Lumabas na ako ng banyo habang pinupunansan pa ng towel ang ulo ko. Mas gusto ko kasi gumamit ng towel kesa hair dyer.
Umupo ako sa kama ko at tinuloy ko na yung pag tutuyo ng buhok ko.
Napatingin ako sa mesa at nakita ko yung hair pin na binili ko kanina. Ang ganda nya talaga. Buti na lang at binili ko sya.
Tatayo na sana ako ng mahagip ng mata ko yung paper flower na naka patong sa mesa ko. Ito yung nakita ko dati sa bintana ng kwarto ko pero parang may naiba.
Tumayo ako at sinabit ko na yung towel ko sa lagayan nya at lumapit sa lamesa ko at kinuha ko yung paper flower.
Nung last na tingin ko dito sure ako na kulay puto to as in puti lang lahat.
Pero ngayon yung center part ng talulot ng bulaklak kumukulay pula.
Hindi ko nman maalala na nilagyan ko ng kulay to para maging mamula mula yung gitna.
"Ahh sa dugo ko." mahinang sabi ko.
Naalala ko na na paper cut nga pala ako non tapos tumulo dito siguro yung dugo ko. Pero parang hindi naman dugo tong nag pakulay kasi hnd ganto ang kulay ng dugong natuyo.
Well bahala na, hindi ko naman kaylangan isipin pa yun.
Binaba ko na yung paper flower at humiga na ako.
Nung maramdaman ko na parang humahapdi nanaman yung bandang likuran ko. Kaya umupo muna ako.
Naglakad ako papalapit sa salamin para tignan ko sana yung likod ko kung san banda yung humahapdi kaso hindi ko masyadong makita.
Kaya kinuha ko yung phone ko para sana kuhanan ng litrato yung likod ko baka sakaling makita ko kung ano yung humahapdi.
Pero hindi ko pa nga na itatapat sa likod ko yung phone ko nang makarinig ako ng malakas na tunog sa labas ng bahay namin.
Tumakbo ako sa may bintana ko para silipin kung ano yung narinig ko, pero wala naman akong makitang tao. Tumingin ako sa paligid maliban sa parang mga usok sa bandang gate namin wala namang iba.
Napapakamot na lang ako na nag lakad pabalik sa higaan ko at umupo na.
Hihiga na sana ako nang maalala ko na naiwan ko pala sa kusina yung phone ko. Kaya tumayo na ako at nag lakad palabas ng kwarto ko.
Babalik na sana ako sa kwarto ko nung nakuha ko na ang phone ko ng mapansin ko nakabukas ang sliding door namin papuntang garden at nakita kong nakatayo si tita na parang may kausap sya.
Lumapit ako sa kanya at naririnig ko nga na nag sasalita sya pero hindi ko masyadong maintindihan ang sinasabi nya dahil sa distansya ko sa kanya. Kaya mas lumapit pa ako sa kanya at nung malapit ma ako sa may sliding door mas naging malinaw na yung salita nya.
"Oo ako na ang bahala, salamat sa tulong mo ngayong gabi." rinig kong sabi nya habang nakatingin sa bandang gate namin.
Kaya nag lakad pa ako para sana tignan kung sino ang kausap nya.
"Tita sino po kausap nyo?" Sabi ko nung nakalabas na ako at malpit na ako sa kanya
Nagulat naman na lumingon sakin si tita. "Ah, Yuki ikaw pala. Nagulat naman ako sayo." Nakangiting sabi nya sakin.
"Ah, kausap ko lang yung guard ng subdivision natin. Mukha kasing may mga aso ata na nakawala sa bahay nila at nag iingay jan sa may gate natin." Nakangiting sabi niya sakin. Napansin ko nga na may hawak siyang phone sa kamay nya.
"Aso po tita? Eh ang lakas po ng tunog kanina, napasilip nga po ako eh kala ko kasi kung ano yung narinig kong tunog pero wala naman po akong nakitang kahit na ano kahit aso nga po wala ako napansin nung sumilip ako sa bintana ko po" Nag tatakang sabi ko sa kanya
Napatingin ako sa may gate namin na nakasara na nang may napansin akong parang anino sa may siwang sa ibabang bahagi ng gate namin. Lalapit na sana ako ng may marinig akong umalulong na aso.
Napatingin naman ako bigla kay tita nung narinig ko yung mahinang pag tawa nya.
"See, sabi sayo may aso eh" natatawang sabi nya sakin.
"Aso ba yon tita, bakit ganon yung tunog ng tahol nya. Parang paos na aso na hindi ko maintindihan." Lalakad na sana ako para silipin sa labas pero hinawakan na ni tita ang braso at banayad na akong hinatak pabalik ng bahay.
"Naku gabi na at wag mo na silipin yung aso, baka kasi sobrang pagod na yung aso kakasunod, tapos marami pa syang pusa na hinahabol kaya yun napaos na at pagod pa. Marunong din naman mapagod ang mga aso lalo na pag may pinoprotektahan silang importante sa kanila." Sabi ni tita na halatang nag pipigil ng tawa.
Mag sasalita pa sana ako pero hindi ko na natuloy dahil tumahol nanaman yung aso pero ngayon tunog galit na.
Kung kanina nag pipigil pa si tita ng tawa pero ngayon tumawa na sya ng malakas habang ako naman nag tataka kung bakit tumatawa si tita. Siguro ganto lang talaga pag nag kakaidad na nagiging weird haha.
Hey! it's me again. Trying to write and finish this story..... Sana nandyan pa rin kayo.