Hi guys!
Kung binabasa n'yo ito ngayon, maraming salamat dahil narating n'yo ang dulo ng istoryang ito. Nahikayat talaga akong tapusin itong istorya na ito ngayong taon hangga't nasa bakasyon pa rin ako (08-02-19). Maraming salamat sa walang-sawang suporta; sa votes n'yo, sa mga komento (binabasa ko talaga lahat), at sa pag-aabang nito.
Kung mapapansin n'yo ay bitin nga (gano'n talaga ako gumawa ng wakas ng mga istorya), pero nasisiguro kong gagawan ko ng kasunod na istorya ito, isang BOOK 2 upang subaybayan kung ano nga ang nangyari kay Kariah/Nevada/Tashia matapos mawala ulit sa kaniya ang taong tinuring na niyang mundo.
Pero sa kabila ng tagumpay kong matapos ito ay alam ko namang maraming pagkakamali akong naiwan sa takbo ng istorya na hindi ko pa magawang balikan at ayusin ngayong marami pa akong on-going. Balang araw ay aayusin ko rin ito at bibigyan ko kayo ng mas magandang bersyon. At hindi ko ito magagawa ng maayos kung hindi n'yo ako tutulungan.
Kung kaya't nais kong hingiin ang inyong komento, reaksyon, opinyon sa istorya dahil sa malaki ang maitutulong nito at paniguradong magagamit ko talaga ito sa pag-re-revise.
1) Nagustuhan n'yo ba ang kuwento? Bakit?
2) May senaryo ba kayong hindi ginusto o kuwestyonable?
3) May mga tanong pa ba kayo na hindi nasasagot? Ano yun?
4) May natutunan ba kayo? Ano naman yun?
5) At ano naman ang pinakapaborito mong eksena?
Maraming salamat! See you sa susunod at ibang mga istorya.
Twitter; Instagram; Fb page; Wattpad: XenontheReaper
Subscribe to my YouTube channel: xenon's Vlogs
- Xenon
/08-02-19/