webnovel

Supreme Court of Wizards & Witches 6

~Gabi~

"Jervin hijo, dumating na ang oras."

Sabi ni Jacqueline kay Jervin na nakaupo sa mahabang sofa na naroroon sa silid na iyong, nang pumasok na ito sa silid na kinaroroonan ng binata sa loob ng gusali ng Supreme Court of Wizards and Witches. Tinignan lamang ng binata ang matandang babaeng tumawag sakaniya, tumayo na mula sakaniyang pagkakaupo at saka naglakad na patungo sa pintuan kung saan nakatayo ang matandang babae.

"Sigurado ka bang ayos ka lang? Tila'y pawang mayroon kang malalim na iniisip, hijo."

Sabi ni Jacqueline kay Jervin nang makalapit na ito sakaniya sa pintuan habang tinitignan na niya ito nang mayroong bakas ng pag-aalala sakaniyang mukha. Agad na tinignan ng binata ang matandang babae na nakatayo na sakaniyang harapan, ngumiti at saka tinanguan na ito.

"Wag mo na akong alalahanin Madam Jacqueline… ayos lang po ako."

Nakangiting tugon ni Jervin kay Jacqueline habang patuloy pa rin nitong tinitignan ang matandang babae at ilang saglit pa ay nagsimula na itong maglakad papalayo rito at sa silid na kaniyang kinaroroonan kanina. Ngunit bago pa makalayo ng tuluyan ang binata mula sa matandang babae ay tumigil ito sakaniyang paglalakad at saka tinignang muli ang matandang babae na naglalakad na papalapit sakaniya.

"Nasan si Jay?"

Tanong ni Jervin kay Jacqueline habang patuloy pa rin nitong tinitignan ang matandang babae.

"Hinihintay ka na ng iyong kapatid sa hukuman kung saan gaganapin ang pagtatalaga saiyo bilang isang hari."

Sagot ni Jacqueline sa tanong sakaniya ni Jervin nang makatayo na ito sa harapan ng binata na hinihintay siya. Tumango na lamang ang binata sa matandang babae at saka nagsimula nang muli maglakad, agad na sumunod na lamang ang matandang babae at nanahimik na lamang ang dalawa sakanilang paglalakad patungo sa hukuman na paggaganapan ng seremonya.

"Bakit parang wala na rito si ate Hongganda? Morgan, alam mo ba kung saan na nagtungo si ate Hongganda?"

Tanong ni Rhiannon sa mangkukulam na kaniyang kasamang nakatayo sa puwesto ng judge na si Morgan, habang tinitignan niya ang mga salamangkero't mangkukulam na dumalo sa seremonyang gaganapin sa gabing iyon na kung kelan ay muli nang nagpakita sakanila ang Luna. Agad siyang tinignan ng mangkukulam at saka nilapitan na ito.

"Umalis na po siya kanina pa. Babantayan niya raw pong muli ang bangkay ni Yvonne sapagkat uuwi na ang mga kaibigan nitong mangkukulam."

Sagot ni Morgan sa tanong sakaniya ni Rhiannon at mabilis nang lumayo mula sa eleganteng matandang babae. Napatango na lamang ang eleganteng matandang babae sa kaniyang kasamang mangkukulam at naghintay nang muli. Ilang saglit pa ay unti-unti nang nagbukas ang pintuan ng hukumang kanilang kinaroroonan at nasilayan na sa wakas ang binatang kanilang itatalaga bilang kanilang hari.

Lumipas ang mahigit isa't kalahating oras at natapos na rin ang ritwal na kanilang isinalaysay. Ilang saglit pa ay umalis na sina Rhiannon at Morgan sakanilang puwesto at naglakad na papalapit kay Jervin na nakatayo sa gitna ng hukumang kanilang kinaroroonan. Nang makalapit na ang eleganteng matandang babae sa binata ay tumayo na rin sa tabi nito ang mangkukulam na kaniyang kasama habang mayroon na itong hawak na libro at panulat.

"Jervin Alquiza. Mula sa gabing ito ay ikaw na ang magsisilbing pinuno ng mga salamangkero't mangkukulam sa buong mundo. Sa oras na pirmahan mo na ang Libro ng mga Pinuno ay hindi ka na maaaring bumaba saiyong posisyon."

Sabi ni Rhiannon kay Jervin habang tinitignan na nito ang binata sa mga mata nito. Huminga muna ng malalim ang binata at saka kinuha na ang panulat mula kay Morgan. Agad namang ibinuklat ng mangkukulam ang librong kaniyang hawak sa blangkong pahina at saka tinignan na ang binatang pipirma roon. Nang makapirma na ang binata ay nagliwanag na ang kaniyang pirma, dahilan upang lumiwanag ang hukumang kanilang kinaroroonan.

"Mga salamangkero't mangkukulam! Ang ating hari, si Haring Jervin Alquiza!"

Sabi ni Morgan sa mga salamangkero't mangkukulam na naroroon sa hukuman nang maisara na niya ang librong kaniyang hawak. Nagsihiyawan ang mga salamangkero't mangkukulam na naroroon sa hukumang iyon, habang si Rhiannon nama'y seryoso lamang na tinignan ang binata.

"Ikaw ang pinaka makapangyarihang salamangkero, kaya mong gawin ang anumang gustuhin mo."

Bulong ni Rhiannon kay Jervin habang patuloy pa rin nitong tinitignan ang binata.

*Makalipas ng limang araw*

"Paalam na Yvonne hija."

Sabi ni Hongganda sa bangkay ni Yvonne habang dahan-dahan na nitong inilalapag ang kamang hinihigaan ng yumaong dalaga nitong nakalipas na limang araw sa lupa na malapit sa pinaglibingan ng kaniyang lola. Nang mailapag na ng matandang babae ang kama ay nanahimik na sina Liyan, Hendric, Anna, Justin, Josh, Felip, Paolo, Vester, Lyka, Jacqueline, Kimberly, Jay, Angela, Jasben, Ceejay, Aneska, Timea, Dezso, Isabelle, Rhiannon, Malaya, Melanie at Jervin.

Lumipas ang ilang segundo ay tahimik na lumapit si Jervin sa bangkay ni Yvonne at saka hinawakan ang malamig na kamay nito sa huling pagkakataon. Tahimik na tinitignan niya lamang ang mukha nito at ilang saglit pa ay dahan-dahan nang binitawan ang kamay nito at bumalik nang muli sakaniyang puwesto. Hindi na napigilang umiyak ng iba, habang ang iba nama'y pilit pa ring pinipigilan ang kanilang pag-iyak.

"Nawa'y nasa mabuti ka nang kalagayan ngayon hija kasama ang iyong yumao na ring lola."

Sabi ni Jacqueline kay Yvonne habang tinitignan nito ang bangkay ng dalaga gamit ang kaniyang lumuluha nang mga mata. Nang nanahimik nanamang muli ang lahat ay tinignan na sila ni Hongganda at itinuon na ang kaniyang pansin kay Jervin na patuloy pa ring tinitignan ang bangkay ng dalaga.

"Jervin hijo, gusto mo ba akong tulungan sa paglibing sakaniya?"

Tanong ni Hongganda kay Jervin habang tinitignan na nito ang binata gamit ang kaniyang naluluha nang mga mata. Agad na tinignan siya ng binata gamit ang walang emosyon nitong mga mata at saka tumango na lamang. Ilang saglit pa ay tumayo na ang matandang dalaga sa tabi ng binata at saka itinapat na nilang pareho ang kanilang mga kamay sa kamang hinihigaan ng bangkay ng dalaga at dahan-dahan na itong ibinabaon sa lupa. Mas lalu nang nagsilakasan ang paghagulgol ng mga umiiyak roon. Ngunit noong malapit na nilang mabaon ang dalaga ay mayroong biglang naalala ang binata.

"Kaya mong gawin ang anumang gustuhin ko."

Sabi ni Jervin sakaniyang sarili at saka pumikit na. Makalipas ng isang minuto ay iminulat na niyang muli ang kaniyang mga mata ay nasilayan niya ang pamilyar na kisame at mayroon siyang nararamdaman sakaniyang hita, nang tinignan niya iyon ay naka patong ang ulo ni Yvonne roon at mahimbing na natutulog.

"Eto ung araw na nag check-in na dito sila Dalis."

Mahinang sabi ni Jervin sakaniyang sarili habang tinitignan na nitong muli ang kisame gamit ang kaniyang nanlalaking mga mata.

~ Be yourself ang let the right ones love you as you are. ~

Hello po~!! Please vote, rate and support my story!! Maraming Salamat po sa pagbabasa ng story ko. Kung nagustuhan niyo po ang story ko, may iba pa po akong ginawang story. "Love Yourself: Wonder” po ang title ng finished story ko. Please read, vote, rate and support my other story!! BTS Fan-Fic po siya~ Sana po magustuhan niyo!!

Always wash your hands, stay at home and stay healthy po para maiwasan ang COVID-19~!! Happy New Year!!

iboni007creators' thoughts
Próximo capítulo