~Tanghali~
"Kasabwat mo po ba si Kimberly sa paghihiwalay samin ni Jay?"
Tanong ni Jervin kay Aneska habang karga pa rin nito ang malamig na bangkay ni Yvonne at nakatingin na sa Diwata sakaniyang harapan gamit ang kaniyang kulay itim na mga mata. Napataas ng parehong kilay ang Diwata habang tinitignan na nito ang binata sakaniyang harapan.
"Saan mo naman nakuha ang tanong na iyan, hijo?"
Tanong pabalik ni Aneska kay Jervin sabay hawak na nito sa pisngi ng binata at patuloy pa rin itong tinitignan. Pinanlisikan na ng tingin ng binata ang Diwata, dahilan upang maalis na ang pagkakahawak ng Diwata sa pisngi ng binata.
"Nakita ko sa mga ala-ala ni Kimberly habang tinititigan ko siya kanina."
Sagot ni Jervin sa tanong sakaniya ni Aneska habang patuloy pa rin nitong pinanlilisikan ng tingin ang Diwata at karga pa rin nito ang bangkay ni Yvonne. Nanlaki na ang mga mata ng Diwata nang marinig ang sagot ng binata sakaniyang tanong at saka bahagya nang napaatras mula sa binata.
"Imposible…"
Hindi makapaniwalang tugon ni Aneska kay Jervin habang patuloy pa rin nitong tinitignan ang binata gamit ang kaniyang nanlalaking mga mata. Nagdikit na ang kilay ng binata nang marinig ang sinabi ng Diwata, dahilan upang mabilis na tinakpan ng Diwata ang kaniyang bibig habang patuloy pa rin nitong tinitignan ang binata sakaniyang harapan gamit ang kaniyang nanlalaki pa ring mga mata.
"Tama nga ako."
Kumento ni Jervin hay Aneska habang tinitignan na nito ang Diwata nang walang ekspresyon sakaniyang mukha. Napapikit na lamang ang Diwata, inalis na ang kaniyang pagkaka takip sakaniyang bibig, nagpakawala ng malalim na hininga at saka seryoso nang tinignan ang binata sakaniyang harapan.
"Nagawa ko lamang iyon upang protektahan ang kinabukasan ng angkan ng mga Alquiza. Dahil kung mayroon mang nangyari sa pamilya nila Isabelle at naroroon kayong pareho ay wala nang magtutuloy pa ng angkan ng mga Alquiza."
Sagot na ni Aneska sa tanong sakaniya ni Jervin habang patuloy pa rin nitong tinitignan ng seryoso ang binata at hawak na ang magkabilang balikat nito. Pumikit na lamang ang binata, huminga ng malalim at saka iminulat na ang kaniyang mga mata na bumalik nang muli sa orihinal nitong kulay.
"Iwan niyo na ako rito mga hija, diba ang sabi ninyo saakin ay mayroon pa kayong pasok mamayang ala una?"
Sabi ni Hongganda kila Ceejay at Angela habang nakaupo na silang tatlo sa sahig at pinapaypayan ng dalawang dalaga ang matandang babae na nasakanilang gitna. Napatigil sa pagpaypay ang dalawang dalaga at saka tinignan na nila ang isa't isa.
"Makakapasok ka pa ba matapos ng mga nangyari?"
Tanong ni Ceejay kay Angela habang tinitignan pa rin nito ang kaibigan. Umiling kaagad ang kaibigan at saka tinignan na si Hongganda.
"Hindi na lang kami papasok ngayon Madam Hong. Alam naming kailangan kami ngayon nila Jay at Jervin, lalu na't namatay si Yvonne."
Tugon ni Angela kay Hongganda habang tinitignan pa rin nito ang matandang babae at saka ipinagpatuloy na ang kaniyang pagpaypay rito. Bahagyang nginitian na lamang ng matandang babae ang parehong dalaga at ilang saglit pa ay bigla nang tumunog ang phone ni Ceejay, kaya't mabilis niya itong kinuha mula sakaniyang bulsa at saka sinagot na ang tawag sakaniya ni Jasben.
"Papasok kayo?"
Tanong kaagad ni Jasben kay Ceejay mula sa kabilang linya ng kanilang tawag.
"Hindi, e."
Sagot ni Ceejay sa tanong sakaniya ni Jasben habang tinitignan na nito si Hongganda na nakatingin na sakaniya. Ilang saglit pa ay lumapit na si Jervin sakanilang tatlo at saka tignan na ang matandang babae sa gitna ng dalawang dalaga.
"Madam Hong, pwede bang gawin lahat ng preparasyon sa paglibing kay Yvonne sa mansion mo?"
Malumanay na tanong ni Jervin kay Hongganda habang nakaluhod na ito sa harapan ng matandang babae at patuloy pa rin itong tinitignan.
"Tama ba ang narinig ko? Bakit ililibing si Yvonne? Anong nangyari?"
Sunod-sunod na tanong ni Jasben kay Ceejay mula sa kabilang linya ng kanilang tawag. Napabuntong hininga na lamang ang dalaga bilang tugon nito sa kaibigan na kaniyang kausap sakaniyang phone. Tumango na lamang si Hongganda bilang tugon nito sa tanong sakaniya ni Jervin at saka sinubukan nang tumayo. Agad naman siyang inalalayan ng dalawang dalaga habang ang binata nama'y hawak na ang phone ng kaibigan.
"Nasaan na ang bangkay ni Yvonne, hijo?"
Tanong na ni Hongganda kay Jervin habang nakatayo na ito at saka tinitignan nang muli ang binata sakaniyang harapan. Hindi sinagot ng binata ang tanong sakaniya ng matandang babae sapagkat tinignan niya lamang ang direksyon na kinaroroonan ni Aneska na siya nang may karga sa malamig na bangkay ni Yvonne at naglalakad na ito papalapit sakanila. Nang tumingin na ang matandang babae at ang dalawang dalaga sa tinitignan ng binata at agad na naluha ang matandang babae habang ang dalawang dalaga nama'y napabuntong hininga na lamang sila pareho at saka malungkot nang tinignan ang malamig na bangkay ng kanilang kaibigan at kaklase.
"Hoy! Sagutin niyo ako!"
Sigaw na ni Jasben mula sa kabilang linya ng tawag nilang dalawa ni Ceejay. Agad namang napatingin si Jervin sa phone na kaniyang hawak at saka inilapit na ito sakaniyang tainga.
"Alam mo kung paano pumunta sa mansion ni Madam Hong?"
Tanong na ni Jervin kay Jasben habang tinitignan nang muli nito ang malamig na bangkay ni Yvonne sa bisig ni Aneska at malapit pa rin sakaniyang tainga ang phone ni Ceejay.
"Oo. Ano ba kasi ang nangyayari? Bat kasi di niyo na lang ako deretsuhin, ha?"
Inis na sagot at tanong ni Jasben kay Jervin mula sa kabilang linya ng kanilang tawag. Napabuntong hininga na lamang ang binata.
"Mas mabuti nang malaman mo nang harap-harapan kesa sa tawag lang. Pumunta ka na lang doon sa mansion ni Madam Hong para malaman mo."
Sagot na ni Jervin sa tanong sakaniya ni Jasben sabay putol na ng kanilang tawag. Napabuntong hininga nang muli ang binata at saka ibinalik na kay Ceejay ang phone nito. Naglakad na ang binata papalapit sa kinaroroonan nila Jay at saka tinignan na sila.
"Ano iyon Jervin, hijo?"
Tanong ni Jacqueline kay Jervin habang malungkot na nitong tinitignan ang binata na nakatayo na sakaniyang harapan. Agad na napatingin na rin sakaniya sina Kimberly at Jay at saka inabangan na ang kaniyang isasagot.
"Pwede ba kayong tumulong sa preparasyon ng paglibing kay Yvonne?"
~ Everyone deserves to know the truth, even if it’ll only hurt them. ~
Hello po~!! Please vote, rate and support my story!! Maraming Salamat po sa pagbabasa ng story ko. Kung nagustuhan niyo po ang story ko, may iba pa po akong ginawang story. "Love Yourself: Wonder” po ang title ng finished story ko. Please read, vote, rate and support my other story!! BTS Fan-Fic po siya~ Sana po magustuhan niyo!!
Always wash your hands, stay at home and stay healthy po para maiwasan ang COVID-19~!!