~Madaling araw~
"Gano na kaya karami ung mga luhang nabuhos natin?"
Natatawang tanong ni Yvonne kay Jervin habang nakahiga ang dalawa sa kama ng binata at saka nakatingin lamang sa kisame ng silid na kanilang kinaroroonan. Natawa na rin ng bahagya ang binata dahil sa itinanong sakaniya ng dalaga na naka patong ang ulo sakaniyang braso.
"Sa tingin mo ba Jervin, malalampasan natin 'tong pinagdaraanan natin ngayon?"
Tanong muli ni Yvonne kay Jervin sabay tingin na nito sa binata nang mayroong pag-aalala sakaniyang mukha. Tinignan na rin ng binata ang dalaga at saka ginulo ang buhok nito gamit ang kaniyang isang kamay nang mayroong ngiti sakaniyang mga labi.
"Siguro… kung magkasama tayong dalawa."
Nakangiting sagot ni Jervin sa tanong sakaniya ni Yvonne sabay tingin nang muli nito sa kisame ng silid na kanilang kinaroroonan. Napangiti na rin ang dalaga dahil sa sinagot sakaniya ng binata at saka ibinalik na rin ang kaniyang tingin sa kisame.
"Anong oras na pala?"
Tanong muli ni Yvonne kay Jervin habang nakatingin pa rin ito sa kisame nang mayroong ngiti sakaniyang mga labi. Mabilis na inabot ng binata ang kaniyang phone mula sa itaas na bahagi ng kaniyang kama at saka binuksan na ito.
"4:03 am."
Simpleng sagot ni Jervin sa tanong sakaniya ni Yvonne nang makita na ang oras sa screen ng kaniyang phone sabay balik na muli nito sa pinag lalagyan nito kanina. Nanatili lamang na ganuon ang posisyon ng dalawa hanggang sa maka tulog na ng mahimbing ang dalaga habang naka patong ang ulo nito sa braso ng binata. Napabuntong hininga ang binata nang mayroon pa ring ngiti sakaniyang mga labi.
"Sana hindi na magbago pa kung ano ang nangyayari sating dalawa ngayon."
Nakangiting sabi ni Jervin kay Yvonne habang tinitignan na muli nito ang dalaga at saka malumanay na hinihimas ang pisngi nito gamit ang likuran ng kaniyang mga daliri sabay marahang hinalikan ang noo nito.
Makalipas ng anim na oras ay mayroong paniki na pumasok sa bintana ng silid ng dalawa at nagpalit ng anyo bilang si Lyka. Nang inikot niya ang kaniyang tingin sa loob ng silid ay agad na nakakuha ng kaniyang pansin ang nakahigang binata sa kama nito at mahimbing na natutulog. Inikot muli ng Bampira ang kaniyang tingin sa loob ng silid upang hanapin ang dalaga ngunit nabigo itong makita ang dalaga, kaya't naisipan na lamang nito na kunin ang kaniyang phone mula sakaniyang bulsa, maupo sa sofa at hintayin na magising ang binata. Nang muling nilingon ng Bampira ang nakahigang binata ay nakakita ito ng isa pang pares ng binti, kaya't naisipan nitong lumapit doon upang tignan kung sino iyon ay mabilis na nanlaki ang mga mata nito at tinakpan kaagad ang kaniyang nakabukang bibig.
"H-hoy! M-magkatabi kayong natulog kagabi?!"
Gulat na tanong ni Lyka sa dalawang natutulog habang tinitignan pa rin nito ang dalawa gamit ang kaniyang nanlalaking mga mata at tinatakpan pa rin niya ang kaniyang bibig gamit ang kaniyang kamay. Si Yvonne ang unang nagising sa dalawa at saka dahan-dahan na itong naupo habang nakahawak na sa hita ni Jervin na mahimbing pa ring natutulog. Bago tignan ng dalaga ang matalik na kaibigan ay kinusot muna niya ang kaniyang mga mata habang nakabusangot ito.
"Anong problema mo? Natutulog pa kami, e."
Reklamo ni Yvonne kay Lyka sabay tingin na sa matalik na kaibigan habang nakabusangot pa rin ito, papikit-pikit ng mga mata at nakahawak pa rin sa hita ni Jervin. Pinanlakihan lamang ng mata ng Bampira ang dalaga nang mapansin nito kung saan nakahawak ang dalaga, kaya't mabilis nitong inalis ang kamay ng dalaga mula sa hita ng binata at saka hinila na ito papalayo roon.
"Natulog kayo ni Jervin nang magkatabi?"
Pabulong na tanong muli ni Lyka kay Yvonne habang hawak na nito ang balikat ng dalaga at saka pinanlalakihan pa rin ito ng mga mata. Nakabusangot pa rin ang dalaga habang nakatingin sa matalik na kaibigan, ngunit noong maunawaan na nito ang tinatanong sakaniya ng matalik na kaibigan ay dahan-dahan nang nanlaki ang mga mata nito, tinakpan ang kaniyang bibig gamit ang kaniyang kamay, deretsong tinignan ang matalik na kaibigan sa mga mata nito at saka itinuro si Jervin na mahimbing pa rin na natutulog sa kama nito. Mabagal na tumango ang Bampira sa dalaga bilang tugon nito rito habang nanlalaki pa rin ang mga mata nito.
"Seryoso ba?"
Mahinang tanong pabalik ni Yvonne kay Lyka habang tinatakpan pa rin nito ang kaniyang bibig gamit ang kaniyang kamay at unti-unti na itong napapangiti. Nag-aalala namang tinignan ng Bampira ang dalaga at saka inalog na ito upang ibalik ito sakaniyang katinuan.
"Umayos ka nga! Bawal un! Bawal pa un!"
Pasigaw na bulong ni Lyka kay Yvonne habang patuloy pa rin nitong inaalog ang dalaga nang mayroong pag-aalala sakaniyang mukha. Mabilis na nawala ang ngiti sa mga labi ng dalaga at saka seryosong tinignan ang matalik na kaibigan.
"Sira ulo ka ba? Sa tingin mo ba ganun akong babae?"
Inis na tanong ni Yvonne kay Lyka habang pinanlilisikan na nito ng tingin ang matalik na kaibigan. Napabusangot na lamang ang Bampira dahil sa itinanong sakaniya ng dalaga sabay alis na ng kaniyang pagkakahawak sa balikat nito at saka nag cross arms na.
"Hindi ko naman kasi kilala yang sinama mo kaya't natural lang sakin na mag-alala para sayo because you're my best friend."
Pagdadahilan naman ni Lyka kay Yvonne habang nakanguso na ito sa dalaga at naka cross arms pa rin. Ilang segundo pa ang lumipas ay nagising na rin si Jervin at dahan-dahang naupo sakaniyang kama habang kinukusot ang kaniyang mata.
"Anong oras na?"
Inaantok pang tanong ni Jervin sa dalawang dalaga habang nakatingin na ito sakanila at papikit-pikit pa rin ang kaniyang mga mata. Sabay na lumingon ang dalawang dalaga sa binata at saka muling tinignan ang isa't isa. Naglakad na si Lyka pabalik sa sofa kung saan niya iniwan ang kaniyang phone at saka binuksan ito upang tignan kung anong oras na.
"10:08 na ng umaga. Bakit?"
Sagot at tanong ni Lyka kay Jervin sabay tingin nang muli sa binata at saka inilagay na sakaniyang bulsa ang kaniyang phone. Hindi sinagot ng binata ang tanong sakaniya ng Bampira, sapagkat ay humiga ulit ito sakaniyang kama habang si Yvonne nama'y tinitignan pa rin ang kaniyang matalik na kaibigan.
"Lyka."
Tawag ni Yvonne kay Lyka habang nakatingin pa rin ito sa matalik na kaibigan, dahilan upang makuha ang atensyon nito.
"Bukas magtatrabaho na ako, ha~"
"Ako rin! Magtatrabaho na rin ako bukas, Lyka!"
~ You should live your life to the fullest with the people you love the most. ~
Hello po~!! Please vote, rate and support my story!! Maraming Salamat po sa pagbabasa ng story ko. Kung nagustuhan niyo po ang story ko, may iba pa po akong ginawang story. "Love Yourself: Wonder” po ang title ng finished story ko. Please read, vote, rate and support my other story!! BTS Fan-Fic po siya~ Sana po magustuhan niyo!!
Always wash your hands, stay at home and stay healthy po para maiwasan ang COVID-19~!!