webnovel

Eskwelahan 9

~Hapon~

"Wala pa si Yvonne?"

Tanong ni Jervin kay Melanie nang makalapit na ito sa kaibigan. Napatigil sa pagpindot ang kaibigan sakaniyang phone at saka tinignan ang binata.

"Wala pa. Baket?"

Sagot at tanong ni Melanie kay Jervin habang nakatingin pa rin ito sa binata. Biglang napabuntong hininga ang binata at saka tumingin-tingin sakanilang silid-aralan.

"Malapit na mag ala-una… bakit wala pa rin siya?"

Tanong ni Jervin sakaniyang sarili habang natataranta na ito sa harapan ni Melanie. Nagtaka ang kaibigan sa inasta ngayon ng binata at hindi na rin nito napigilang tumingin-tingin sakanilang silid-aralan.

"Oh! Tamayo!"

Tawag ni Melanie kay Yvonne sabay taas nito ng kaniyang kamay upang makita siya ng dalaga. Mabilis na naglakad papalapit ang dalaga patungo sa kinaroroonan nila Jervin at ng kaibigan.

"Kamuntikan ka na ma-late."

Kumento ni Melanie kay Yvonne habang natatawa ito ng bahagya. Nginitian lamang ng dalaga ang kaibigan, samantalang si Jervin naman ay kakaiba ang tingin sa dalaga.

"Buti nga nakaabot pa, e."

Sagot ni Yvonne kay Melanie habang nakangiti pa rin ito sa kaibigan. Tumunog na ang bell na nagsisilbing palatandaan na umpisa na ng klase. Nagkakagulo pa ang mga estudyante sa loob ng silid-aralan ng dalaga, binata at ng kanilang kaibigan habang naglalakad na papasok ang kanilang guro sa unang asignatura.

"Good afternoon, class!"

"Good afternoon, mam!"

"Upo! Upo!"

"Upo't kalabasa!"

"Hahahaha! Payag ka mam! Ginaganyan ka lang ni Albin!"

"Manahimik ka nga Pelayo!"

"Basta ipasa mo ako, tatahimik ako mam!"

"Magpasa ka muna ng mga seatworks mo at group activities!"

"Mag-iingay ako dito mam!"

"Mag-ingay ka! Wala akong pake sayo!"

"Oooohhh!"

"Pano ba natanggap bilang teacher yan?"

Mahinang tanong ni Yvonne habang nakaupo na ito sa pagitan nila Jervin at Melanie.

"Teacher ba talaga yan o estudyante?"

Tanong naman ni Melanie sakaniyang sarili habang tinitignan ang kanilang guro na nag-aayos ng projector nito. Napabuntong hininga si Jervin habang nakatingin din ito sakanilang guro sa harapan.

"Ang ingay naman."

Mahinang Kumento ni Jervin sabay kuha ng kaniyang phone mula sakaniyang bulsa at nagsimula nang maglaro rito.

"Hoy magsitahimik na kayo!"

"Ayaw nga namin~!"

"Hahahaha! Sira ulo ka Bueno!"

"Bueno!"

"Mam!"

"Manahimik ka!"

"Opo, mam!"

"Hahahahaha! Bibigay ka rin pala, e!"

"Pelayo! Isa ka pa!"

"Pasa mo na kasi ako mam!"

"Grade 12 ba talaga 'tong mga 'to?"

Mahinang tanong ni Melanie sa hangin habang masama ang kaniyang tingin sakanilang dalawang kaklase.

"Dapat pala nag-cutting na lang ako."

Mahinang sabi ni Yvonne sakaniyang sarili habang nakatulala. Nang marinig iyon ni Jervin ay agad niyang nilingon ang dalaga.

"Wag mo naman akong iwan dito pag magka-cutting ka ulet."

Mahinang sabi ni Jervin kay Yvonne habang nakatingin pa rin ito sa dalaga. Mabagal na nilingon ng dalaga ang binata at sakanginitian ito.

"Hindi kita iiwan dito sa palengke."

Mahinang sagot ni Yvonne kay Jervin habang nakangiti pa rin ito sa binata. Hinawakan ng binata ang balikat ng dalaga sabay tango nito sakaniya.

"Isa kang anghel na nahulog dito sa lupa."

Sabi ni Jervin kay Yvonne sabay bitaw na nito sa balikat ng dalaga at tingin na sakanilang guro. Biglang tumunog ang phone ni Melanie kaya't agad nitong tinignan kung sino iyon.

"Tamayo!"

Masayang tawag ni Melanie kay Yvonne nang masilayan nito ang dahilan ng pagtunog ng kaniyang phone. Agad na nilingon ng dalaga ang kaibigan at saka nginitian ito.

"Ano un Melanie?"

Tanong ni Yvonne kay Melanie habang nakangiti pa rin ito sa kaibigan. Tinignang muli ng kaibigan ang kaniyang phone bago ibalik muli ang kaniyang tingin sa dalaga.

"Naaalala mo pa ba ung lalaking kinwento ko sayo nung isang araw? Ung bago kong crush?"

Sabik na tanong ni Melanie kay Yvonne habang nakangiti pa rin ito sa dalaga. Tumango lamang ang dalaga habang nakangiti pa rin ito sa kaibigan.

"Nagkita ulit kami sa mall nung wednesday tapos dun na siya nagpakilala sakin ng maayos! Tapos meron na akong number niya tas simula nung wednesday ay lagi na naming tinetext ang isa't isa! First time to nangyari sakin!"

Masayang kwento ni Melanie kay Yvonne habang tinitignan nito ang kaniyang phone. Ngumiti lamang ang dalaga sakaniyang kaibigan ngunit kinakabahan na ito sa loob.

"A-ano raw p-pangalan niya?"

Nauutal na tanong ni Yvonne kay Melanie habang pinipilit ang sarili na hindi ipakita ang kaba sa kaibigan.

"Jay. Jay Martinez."

Sagot ni Melanie sa tanong ni Yvonne sakaniya habang patuloy pa rin niyang tinitignan ang kaniyang phone. Nanlaki ang mga mata ng dalaga habang tuloy-tuloy na ang pagtulo ng pawis dahil sa narinig nito mula sa kaibigan. Mabilis naman na napalingon si Jervin dahil sakaniyang narinig. Tinignan niya ang kaibigan habang nanlalaki ang kaniyang mga mata at saka tinignan niya kaagad ang reaksyon ng dalaga rito.

"Yvonne."

Tawag ni Jervin kay Yvonne at akma na sana niyang hahawakan ang balikat ng dalaga, ngunit…

"Anonuevo."

Tawag ng guro kay Jervin kaya't imbis na hawakan ng binata ang balikat ni Yvonne ay pinili na lamang niyang tumayo.

"Ano ang dapat gawin during earthquake?"

Tanong ng kanilang guro kay Jervin. Hindi kaagad sumagot ang binata dahil nag-aalala ito kay Yvonne.

"Duck, cover and hold."

Simpleng sagot ni Jervin sa tanong ng kanilang guro sakaniya. Nangiti ang guro sa binata.

"Tama!"

Kumento ng guro kay Jervin habang papaupo na ang binata. Nang mabaling na sa iba ang atensyon ng kanilang mga kaklase ay dito na hinawakan ng binata ang balikat ni Yvonne para iparamdam rito na naroroon na siya sa tabi ng dalaga upang protektahan siya.

"Andito na ako. Wag mo na siyang alalahanin."

Bulong ni Jervin kay Yvonne habang hawak pa rin nito ang balikat ng dalaga. Mabagal na nilingon ng dalaga ang binata habang nangingilid na ang mga luha nito.

"Salamat."

Mahinang pasasalamat ni Yvonne kay Jervin sabay ngiti nito sa binata. Nginitian naman pabalik ng binata ang dalaga.

"Cutting tayo sa second subject."

Pag-aaya ni Jervin kay Yvonne habang nakangiti pa rin ito sa dalaga. Natawa ng bahagya ang dalaga sa sinabi sakaniya ng binata at saka tumango.

"Sige. May gusto rin akong Sabihin sayo, e."

Sagot ni Yvonne kay Jervin habang nakangiti pa rin ito sa binata.

"Kaya maagang tumatanda si kuya Josh, e."

Mahinang kumento ni Justin mula sa bulsa ng blouse ni Yvonne. Natawa na lamang ang dalaga at si Jervin dahil sa sinabi ng dwende.

"Alam mo naman ung dahilan kuya Jah, e."

Mahinang sabi ni Yvonne kay Justin habang nakatingin na ito sa bulsa ng kaniyang blouse. Ngumiti lamang si Jervin, ngunit agad din itong nawala nang may makita siyang kakaiba sa katawan ng dalaga.

"Anong nangyari dyan, Yvonne?"

Hello po~!! Please vote, rate and support my story!! Maraming Salamat po sa pagbabasa ng story ko.

Kung nagustuhan niyo po ang story ko, may iba pa po akong ginawang story.

"Love Yourself: Wonder” po ang title ng finished story ko. Please read, vote, rate and support my other story!! BTS Fan-Fic po siya~ Sana po magustuhan niyo!!

Always wash your hands, stay at home and stay healthy po para maiwasan ang COVID-19~!!

iboni007creators' thoughts
Próximo capítulo