webnovel

Chapter 9

Para akong nanalo sa lotto! Lord totoo ba ito? Gusto din ako ni Aza? Alam ko po mali ang pinasok kong relasyon pero masisisi niyo ba ako? Ngayon lang ulit tumibok ang puso ko ng ganito, at sana hindi na tumigil pa. Ayokong madaliin si Aza pagdating kay Franco dahil alam kong ang haba ng pinagsamahan nila pero sana hindi ako maghintay ng matagal para maisigaw ko na sa buong mundo ang tungkol sa amin. Gusto ko sanang ikwento kanila Nanay ang nangyari pero alam kong hindi sila matutuwa na ang anak nila ay isang kabit, dahil ayun naman talaga ang tawag doon hindi ba? Third party, sabit, kabit, pangalawa.

Pangalawa lang ako sa buhay ni Aza pero gugustuhin ko na yun kaysa naman mawala ako sa buhay niya.

Dumiretso na ako sa kwarto para magpahinga pagkatapos iabot kanila Nanay ang brownies na bigay ni Aza. Bago matulog ay tinext mo muna si Aza para mag good night at magpasalamat, maya maya lang nag ring na ang telepono.

"Aza?"

"Good night Migs. I'll see you tomorrow."

"Good night din. Sweet dreams."

---

I never in my life imagined that I will be a cheater. I'm a hopeless romantic and cheating makes me throw up, pero ngayon, I failed myself. I can't help it, Miguel is something else..he makes me feel feelings I never felt before. He makes me feel at home..and I never felt that with Franco or maybe I did once, at habang tumatagal..unti unting nawawala.

Sa ngayon magtitiwala muna ako kay Miguel and will enjoy our time together. Saka ko na haharapin ang consequences pagbalik ni Franco.

---

Maaga akong pumasada dahil may date kami ni Aza mamayang gabi. Ito ang first date naming dalawa, sana hindi na din ito ang huli. Naisip ko na dumaan sa dangwa para bilhan siya ng bulaklak, sana matuwa si Aza. Umuwi ako ng maaga para mag ayos.

"Mukhang may date si Kuya ah." Pang aasar sa akin ni Michelle.

"Akala ko ba kaibigan mo lang, bakit may date na nagaganap? Hiwalay na ba sila nung jowa niya Kuya?"

"Alam mo Michelle ang dami mong tanong. Plantsahin mo nga itong pantalon ko, gusot. Baka ma late ako sa date namin ni Aza."

"Hay naku kuya, ingat ingat din ah."

"Alam ko, sige na plantsahin mo na."

Nagpaalam ako at umalis na ng bahay. Pagdating ko sa Condo, naka ayos na din pala si Aza. Kumain ka sa isang restaurant sa Quezon City at dumiretso sa QC Circle para umupo at magpahangin.

"Thank you sa date, Migs."

"Wala yun, sana nga pumayag ka ulit na lumabas tayo eh. Sana hindi na ito ang huli."

"Oo naman."

Gusto kong hawakan ang kamay ni Aza, at mukhang napansin niya din ito kaya siya na ang humawak sa kamay ko.

"Hindi pa kami nag uusap ni Franco, Miguel. Pero promise, kakausapin ko din siya tungkol dito huwag lang muna sa ngayon, kung ayos lang sayo."

"Sabi ko nga, handa akong maghintay."

Sumandal si Aza sa akin. Kahit malamig ang hangin, mainit ang pakiramdam ng puso ko sa pagmamahal na pinapakita ni Aza.

"Mahal kita Aza."

Tumingin siya sa akin at ngumiti.

"I love you too."

Nasundan pa ng maraming date ang naging date namin ngayon. Pumunta din kami sa mga Museum sa Maynila dahil mahilig sa arts at crafts si Aza, sinamahan naman niya ako sa mga basketball games dahil hilig ko ito. Hindi na rin nababanggit ni Aza si Franco, umaasa akong wala ng namamagitan sa kanilang dalawa.

Dumating na ang araw ng birthday ko at ang araw ng pagpunta namin ng Baguio. Hindi namin ginamit ang taxi ni tatay dahil isang linggo ako mawawala, naghanap muna kami ng papasada para kumita naman. Nag commnute kami ni Aza kaya madaling araw pa lang ay umalis na kami. Ito ang unang beses na luluwas ako ng maynila, masaya ako dahil kasama ko ang girlfriend ko na si Aza.

"Are you excited Migs?"

"Oo naman, lalo na kasama ko ang girlfriend kong maganda."

"Bolero."

"I love you."

"I love you too." sagot ni Aza sabay halik sa labi ko.

Halos kalahating araw pala ang biyahe papuntang Baguio, buti na lang at first class bus ang sinakyan namin. Pagdating namin sa hotel ay kumain muna kami bago mamasyal. Kung saan saan ako dinala ni Aza pero ayos lang basta hawak niya ang kamay ko. Sobrang lamig sa Baguio pero basta yakap yakap ako ni Aza, hindi ko ramdam.

"Sana lagi tayong ganito Migs."

"Pangako, hindi ako magbabago."

Hawak kamay kaming namasyal sa burnham park, nag horse back riding at kumain ng strawberry taho, yung camera ni Aza puro picture na naming dalawa, pag uwi sa maynila ipapaprint ko yun para idisplay sa kwarto.

Habang inaayos ko ang kama namin sa kwarto, lumabas si Aza ng naka tuwalya lang, sanay naman akong makita siyang ganito dahil natutulog na din ako sa unit niya nitong mga nakaraang araw pero may kakaiba ngayong gabi. Alam kong liberated si Aza, laki siya sa Amerika, at alam niya ang kakayahan niya at karapatan bilang isang babae.

"What Migs?" tanong ni Aza sa akin dahil bigla akong napahinto sa pag aayos ng kama. Ngumiti siya at tumabi sa akin.

"What's wrong?"

"Wala naman, ikaw kasi eh."

"Bakit ako?"

"Wala, ang ganda kasi ng girlfriend ko."

Yumakap sa akin si Aza at pagkatapos nun, hindi ko alam kung bakit nakahiga na kami sa kama, at dahil lalaki ako at babae siya, minahal namin ang isat isa.

Nagising ako, wala sa tabi ko si Aza. Nasaan kaya yun? Nagsuot ako ng tshirt at lumabas sa kwarto, nagtitimpla ng tsokolate ang girlfriend ko.

"Hey babe, hot chocolate?"

"Sige, salamat."

Yumakap ako kay Aza habang pinagtitimpla niya ako. Nakakatuwa, para na kaming mag-asawa, paano na lang kapag totoong kasal na kami? Sigurado ako, hindi ko na pakakawalan si Aza.

"I love you, Aza."

"I love you too, Miguel."

Bukas pagbalik namin ng Maynila babalik na naman ako sa trabaho, si Aza naman itutuloy na ulit ang mga projects niya na nakaabang. Hindi pa namin napag uusapan si Franco simula nang magkaroon kami ng espesyal na relasyon, hiwalay na ba sila? Pwede ko na bang angkinin si Aza?

"Ayoko pa umuwi pero kasi yung appointment ko sa Manila hindi pwedeng iurong."

"Ayos lang, Aza. Pwede naman tayo umalis ulit eh kapag hindi ka na busy."

"Next time mag beach tayo?"

"Sige ba, namiss ko na din maligo ng dagat."

Sinulit namin ang mga huling oras namin sa Baguio, bumili din kami ng pasalubong para kanila Nanay. Ang saya ko, sana hindi na ito matapos.

---

Miguel really knows how to make me smile. We made love last night, and I don't regret it at all. Alam ko na sobrang laki na ng kasalanan ko kay Franco for sleeping with another man but I can't help but surrender myself to my Miguel. God in heaven I know mali ito, but with Miguel, it feels so right. Kanina pa tumatawag si Franco sa akin, hindi ko sinasagot dahil hindi ko alam kung paano. Ano sasabihin ko sa kanya? That I cheated on him? Pero hindi ba he cheated on me multiple times before? That makes us even then, pero still, mali pa din.

"Tulala ka dyan, ano iniisip mo?"

"Nothing babe. Natatakot lang ako sa appointment ko bukas."

"Naku, kayang kaya mo yun. Ikaw pa ba?"

"Binobola mo naman ako eh"

"Seryoso ako, Aza. Naniniwala ako sa talento mo."

I decided to change the topic kasi hindi naman talaga ako natatakot sa appointment ko, natatakot ako baka kasi pag-uwi namin ng Manila, biglang salubungin ako ni Franco. What will I do then? What will I say?

"Let's get ready Miguel para maaga tayo makauwi sa Manila. For sure namimiss ka na nila tita."

"Panigurado ikaw din. Tuwang tuwa sila sayo eh."

Próximo capítulo