webnovel

♥ CHAPTER 12 ♥

Clyde's POV

Nagkita nanaman kami ni Roxanne sa abandoned laboratory at alam ko na kung bakit niya ako pinatawag.

Nakaupo siya at nakaharap sa bintana as usual.

"Roxanne?" mahinhin kong sabi sa kanya dahil siguradong mas galit siya sa akin ngayon kumpara noong isang araw dahil sa ginawa kong pag-defend kay Syden sa Prison Tree.

Kumuha ako ng upuan at umupo ako sa tabi niya. Tinitignan ko lang siya pero siya naman malayo pa rin ang tingin sa labas at hindi ako tinitignan. Nag-aapoy ang mga mata niya base sa nakikita ko.

"Why did you do that?" galit niyang tanong.

Tumingin ako sa kanya at nagkunwaring wala akong alam sa tinatanong niya.

"Did what?" tanong ko.

Halatang lalo kong napainit ang ulo niya sa tanong ko dahil tinignan niya ako ng masama.

"Huwag kang magpaka-inosente! Alam mo kung ano ang ibig kong sabihin?!" tumaas na ang boses niya kaya hindi ko na siya tinignan at yumuko na lang ako.

"Why did you save that stupid girl?! You know that I was the one punishing her!!" pagsusungit niya.

This time tumingin ako sa kanya ng diretso,

"Because...I promised to protect her from you" sambit ko ng malumanay.

Kumunot ang noo niya sa pagtataka at natawa,

"What did you just say?! Protect her from me?" masungit niyang tanong.

Sasabihin ko na sa kanya ang totoo. Bahala na kung anong sasabihin sa akin ni Roxanne.

Sana naman pakinggan niya ako.

Hinarapan ko siya para magsalita,

"Okay…I just need you to listen to me" pahayag ko.

Medyo nanginginig ako dahil baka may masabi akong hindi maganda at lalo niya akong kamuhian

"Bakit ko naman kailangang makinig sa'yo?" pagsasalungat niya.

"Para maintindihan mo kung bakit ko ginawa 'yon. Pwede ba alisin mo muna ang pagseselos. Hear me first, okay?" pahayag ko.

Nagbuntong hininga siya pero nakatingin pa rin sa akin ng masama.

"Selos? Sinong nagsabing nagseselos ako?" sambit niya.

Sa inaakto niya ngayon halata namang naiinis siya sa akin dahil nagseselos siya. Hindi niya naman kailangang i-deny 'yon eh.

"I'll explain everything okay. Pwede bang makinig ka muna sa akin?" medyo lumakas ang boses ko pero hininaan ko rin dahil baka lalo siyang magalit at hindi ako pakinggan.

Hindi niya ako sinagot pero nakatingin pa rin siya sa akin.

Sa wakas, makikinig na rin siya.

Nagbuntong hininga muna ako bago ako nagsalita.

"Sinali ko si Syden sa Phantom Sinners-"

magsasalita pa sana ako pero sinabatan niya ako.

"What?!" pagsasalungat niya.

D*mn! Naiinis na talaga ako!

Nagkamot ako ng ulo na para bang nasisiraan  na ako. Kakasabi ko pa nga lang na makinig muna siya tapos ito nanaman. Nagrereact nanaman siya.

"Sinali ko siya sa Phantom Sinners dahil may pangako siya sa akin na hindi niya ipagsasabi ang secret relationship natin" pahayag ko.

Halata namang nagulat siya dahil nanlaki ang mga mata niya.

"Wait!? Alam niya ang namamagitan sa atin?! Paano?" gulat niyang tanong.

"Natatandaan mo pa ba nung nag-uusap tayo sa likod ng school building? Aalis ka na sana pero nakita mong naglabas ako ng kutsilyo kaya napahinto ka. Pero sabi ko sa'yo umalis ka na tapos may hinabol ako? Siya 'yon. Si Syden yung hinabol ko dahil nakita niya tayo no'n na patagong nag-uusap at narinig niya ang tungkol sa relasyon natin" explain ko sa kanya.

"Baka sabihin niya kay Carson!?" nagpanic siya dahil doon kahit hindi na niya dapat ipag-alala.

"I threatened her and she promised me at mukhang naintindihan niya naman kung bakit natin ginagawa 'to kaya hindi ka na dapat mag-alala" sabi ko.

Mukha naman naginhawaan si Roxanne kaya umupo na siya ulit ng maayos.

"That girl ! That's why I really hate her!"

sabi niya.

Tumingin siya sa akin,

"Kinuha mo siya sa amin dahil sabi mo, you'd be the one to punish her. Anong ginawa mo sa kanya?" tanong niya.

"Nothing. Pinaalis ko lang siya" sagot ko.

"Fine. For now, iintindihin muna kita. Pero sa susunod, huwag ka ng makielam sa Redblades. Alam ko kung ano ang ginagawa ko. Siguraduhin mo lang na talagang mapagkakatiwalaan siya. Kung magkakaroon siya ng koneksyon sa mga Blood Rebels, ilayo mo na siya at patahimikin mo na!" mataray niyang utos.

"But I can't kill her" pagsasalungat ko.

Tumingin siya sa akin, at nakikita ko ang mapanloko niyang ngiti.

"You know me Clyde. Ako ang bahala sa'yo, you won't be punished. Kahit ilang beses kang pumatay, maililigtas kita" ngumiti siya ng sobrang sama and I did the same.

She has a connection inside the council kaya niya sinasabi 'yon. This is one of the reason kaya mahal na mahal ko siya, lagi kaming nagkakasundo.

Blood Rebels was supposed to be the most powerful group but with the help of Roxanne, he asked Carson to stop punishing the students kaya Phantom Sinners caught the attention of the students, mas kinatakutan kami ngayon at pinagtatawanan na lang ang Blood Rebels.

Poor Blood Rebels!

☸☸☸☸☸☸☸☸☸☸☸☸☸☸☸☸☸☸

Syden's POV

"Anong ginawa nila sa'yo?" pagkapasok ko pa lang sa classroom, sila na agad ang bumungad sa akin at nag-aalala nanaman sila.

Umupo muna ako at sumunod sila sa akin bago ko sinagot ang tanong nila.

"Itinali lang naman ako sa Prison Tree" seryoso kong sabi.

"Tapos? Anong parusa ang ginawa nila sa'yo?" tanong naman ni Raven.

"Nakaalis din ako agad kasi dumating si Clyde"

"HA?! Si Clyde? Ibig mo bang sabihin niligtas ka niya? Bakit?" gulat na tanong naman ni Icah. Si Raven, Maureen at Hadlee naman, nabigla rin sa sinabi ko.

"Sabi niya kasi, proprotektahan niya raw ako sa Redblades dahil kapag nalaman ni Roxanne na sumali ako sa Phantom Sinners pag-iinitan daw ako ni Roxanne" sagot ko.

Hindi sila makapaniwala sa ginawa ni Clyde.

"A-anong sabi ni Roxanne ng iligtas ka ni Clyde?" tanong ni Maureen.

Lahat sila nakabaling ang buong atensyon sa akin.

"Galit siya" sabi ko.

"Pero mag-iingat ka pa rin sa Redblades. Huwag kang mag-depende kay Clyde. You don't know kung hanggang kailan ka niya maproprotektahan. Siguradong lalo kang pag-iinitan ni Roxanne" sabi ni Icah.

Hindi pa siguro alam ni Roxanne na may kasunduan kami ni Clyde kaya gano'n na lang ang galit niya sa amin kanina.

"Hindi naman ako kaagad sumusuko sa kahit na anong laban. Kaya huwag kayong mag-alala sa akin" sabi ko.

Ayaw ko kasing makita sila na palaging nag-aalala sa akin.

Pero bigla kong naalala na may sinabi sa akin ni Clyde, hindi ko matandaan at nakalimutan ko kung ano ang sinabi niya sa akin. May sinabi siya sa akin kaya pilit kong inaalala kung ano 'yon.

Tumingin ako sa bintana para isipin ng mabuti kung ano 'yon.

....

Umabot din ng ilang minuto ang pag-iisip ko at ang mga kasama ko may pinag-uusapan, hindi ko naman napakinggan dahil nga lipad ang utak ko.

Naaalala ko na paunti-unti.

Hu-wag...i-pag-sa-bi.....

Ahhhh!! Oo natatandaan ko na.

Hinarapan ko ang mga kaibigan ko pati na rin si Raven para sabihin ang isang napakahalagang bagay.

"Can you do me a favor?" tanong ko sa kanila.

"Ano naman 'yon?" tanong ni Hadlee.

"Please, don't tell anybody about this" tumingin muna ako sa paligid ng classroom at lumapit sa kanila.

"Huwag niyong sasabihin na member ako ng Phantom Sinners. Baka raw kasi pahirapan ako ng mga students...at kayo din kapag nalaman nilang kasama ako sa Phantom Sinners? Dahil puro lalaki sa Phantom Sinners, lalaitin daw ako at hindi sila maniniwala sa akin. And baka mabulgar ang sikreto nila ni Roxanne. Kaya sa atin lang 'to ah?" pahayag ko sa kanila.

Nagtinginan muna sila bago nagsalita si Raven,

"Don't worry, we won't say anything"

"At hindi naman namin binabalak na ipagsabi dahil alam naming delikado" wika ni Maureen.

Tumango lahat sila at ngumiti.

Buti naman. At least safe na'ko.

Napatingin ako sa bintana at may mga estudyanteng tumatakbo at nagpapanic. Nakita rin sila ng mga estudyanteng kasama namin sa classroom kaya nagpanic lahat sila at nagsilabasan. 

Naiwan kaming lima sa loob.

"A-anong nangyayari?" tanong ko kila Icah.

Nakatingin rin sila sa labas habang nakikita naming nagtatakbuhan ang ibang estudyante.

"Hindi ko rin alam. Mas mabuti pang sundan natin sila para malaman natin" sagot ni Icah.

Tumayo kaming lahat at sinundan ang mga estudyanteng nagpapanic at tumatakbo. Sinundan namin sila hanggang sa labas ng building. Papunta sila kung saan maraming puno. Maraming puno pero lahat sila nakapaikot lang sa pinakamalaking puno which is the Prison Tree. Nagbubulungan at may pinag-uusapan. Kami naman hindi namin makita kaya nakipagsiksikan kami sa kanila hanggang sa marating namin ang pinakaharap.

May isang lalaki, nakagapos sa isang upuan sa baba ng Prison Tree. Mahigpit ang pagkakatali sa kanya. Sumisigaw siya at nagmamakaawa pero walang tumutulong sa kanya. Hindi namin makita ang itsura niya dahil nakatakip ng kulay itim na tela ang buong mukha niya, pero halatang natatakot siya dahil sa kilos at galaw niya habang nakagapos.

May pumuntang lalaki sa harapan ng lalaking nakagapos, may bitbit itong isang timba na hindi namin matukoy kung ano ang laman. Nakangisi lang ang lalaki habang tinitignan niya yung nakagapos sa harapan niya na para bang na-e-excite siya sa gagawin niya.

Tinignan niya muna lahat ng nakapaikot sa Prsion Tree at tinanggal niya ang takip ng timbang hawak niya.

Dahan-dahan niya itong ibinuhos sa nakagapos na lalaki at natukoy naming 'honey' ang laman ng timba.

"H-hindi ko sinasadya! Pakawalan niyo ako!" sigaw ng lalaking nakagapos habang binubuhusan siya ng honey.

Pagkatapos niyang ibuhos ang honey, ibinalibag niya sa banda namin ang timba kaya napaatras kami. Tumingin siya sa puno na para bang may hinihintay. Pagkatapos no'n nilayuan na ng lalaki ang nakagapos sa harapan niya at tumabi siya sa amin. Nakakatakot ang itsura niya at sumabay pa ang kulay itim niyang damit.

Napatakbo lahat ng estudyante dahil sa nakita namin.

Natakot kami.

Nagulat.

At nanginig.

Nagsitakbuhan lahat sila dahil nagsilabasan ang mga honey bee mula sa itaas ng Prison Tree. Yumuko lang ako at tinakpan ang tainga ko, dahil binuhusan ng honey ang lalaking nakagapos sa harapan ko, pinuntahan siya ng mga honey bee at pinapak.

Ginusto ko mang tumakbo pero hindi ko nagawa dahil mas nanaig ang awa ko sa kanya kaysa sa matakot sa mga honey bee.

"T-tulungan ni-yo ako!" pagmamakaawa niya. Pinapapak siya at nag-uumpisa na ring mamaga ang buong katawan niya.

Nilapitan ko siya kahit natatakot ako dahil pinili kong maawa kaysa sa matakot sa kanya. Kaya nilakasan ko ang loob kong lapitan siya.

Aalisin ko sana ang takip niya sa mukha para painumin siya kahit na kinakagat ako ng ibang honey bee.

Pero may humablot sa kamay ko at hinawakan niya ako ng sobrang higpit, mas mahigpit pa sa pagkakahawak ni Clyde sa akin noong isang araw.

"Gusto mo bang ikaw ang isunod ko?!" tanong niya sa akin.

Hindi ko namalayang kasama ko pa lang naiwan ang lalaking may hawak ng timba kanina. Nakakatakot ang itsura niya kaya nanginig ako.

"Boss, anong gagawin natin sa isang 'to?" sambit niya.

Sinong kausap niya?

Biglang may lumabas sa likuran ng Prison Tree at nanlaki ang mata ko nang makita ko siya. Lalo pa akong naginig sa takot at naramdaman kong nanghina ang paa ko.

Sinubukan kong tumakas pero sadyang malakas ang humahawak sa akin dahil nakita ko kung sinong boss ang tinutukoy niya.

"Itali mo rin Dustin at buhusan ng honey" normal niyang sabi.

"S-sandali ano ba? W-w-wala naman akong ginagawang masama!" pagmamakaawa ko sa kanila.

Tinanggal niya ang lalaking nakagapos sa upuan at pinilit akong iupo doon habang tinatali niya ako.

"Isang tanong isang sagot. Kilala mo ba kung sino ako?!" tanong ng boss niya sa akin.

"O-oo" sagot ko habang tinatali pa rin ako ng kasama niya.

Hindi ako mapakali at ang bilis na rin ng tibok ng puso ko na parang maaatake ako sa puso.

"Kung gano'n. Bakit ka nakikielam? Kung kilala mo pala kami?!" galit niyang sabi.

Naawa lang naman ako sa kanya kaya ko binalak na tulungan yung lalaking nakagapos kanina.

"N-naawa lang naman ako sa kanya!" masungit kong sabi habang tapos na akong igapos sa upuan.

"Tignan mo nga siya!" hinawakan niya ang pisngi at hinarap ako sa biktima nila kanina.

"Ngayon ba? Naaawa ba siya sa'yo?!" naalis ang takip sa mukha ng lalaking nakagapos kanina at nakatingin lang siya sa akin. Dahil naalis niya rin ang tali sa kamay niya, tumakbo siya at iniwanan ako.

Hindi na lang ako nakakibo sa nangyari dahil hindi ko alam kung bakit pa ako naawa sa kanya. Tapos ngayon tinakasan niya lang ako.

"Hindi naman siya naawa d'ba?" binitawan na niya ang pagkakahawak sa magkabilang pisngi ko.

"Hindi rin naman kayo naawa sa kanya d'ba?" habang sinasabi ko 'yon, tinignan ko siya ng sobrang tapang.

Tinignan nila akong dalawa at alam kong nagalit ko sila kaya tinanggal na niya ang pagkakatali sa akin at pinilit niya akong itayo. Tinulak niya ako against the tree at ikinulong ako sa braso niya.

Lumapit siya sa tainga ko pero ako diretso parin ang tingin.

"Don't underestimate Blood Rebels. Baguhan ka lang kaya hindi mo pa kami talagang kilala. Kung nakikita mong masama ang Phantom Sinners...mas masama kami sa kanila kaya huwag mo kaming binabangga, dahil kami, walang sinasanto!!" sinabi niya 'yon ng mahina at dinig na dinig ko sa boses niya ang pagkamuhi at sobrang poot.

Mas nakakatakot pa rin talaga si Carson kaysa kay Clyde. Boses niya pa lang nanginginig na ako.

Pero sa nakikita ko sa mga mata niya, hindi ko maiwasang maawa dahil sa ginagawa sa kanya ni Clyde at Roxanne. Masasabi kong hindi ko na magugustuhang sabihin sa kanya dahil kapag nalaman niya, kawawa lahat ng estudyante dito sa PS. Iba ang ugali niya kumpara kay Clyde. Kahit hindi ko siya nakasama, alam kong iba ang ugali niya dahil sa kilos at galaw niya, mapapansin mo na.

"Kung hindi ako dapat maawa. Sabihin mo nga, hindi rin ba ako dapat na maawa sa'yo?" habang sinasabi ko 'yon, naluha ako pero nanatili pa ring matapang ang mukha ko.

Parang nagdadalawang-isip kasi ako tungkol sa pinag-usapan namin ni Clyde. Naaawa ako kay Carson dahil wala siyang alam. Gustong-gusto kong sabihin sa kanya pero ayaw kong magkagulo kaya mas mabuti sigurong manahimik ako.

Nagtaka silang dalawa sa sinabi ko pero nasa mukha pa rin nila na sobrang naiinis at galit na sila sa akin.

"Layuan mo siya!!" biglang lumitaw si Roxanne at tinulak ako ng malakas kaya nasubsob ako sa harapan ng Prison Tree.

Sobrang sama ng tingin niya sa akin na parang gustung-gusto niya akong sabunutan.

"Carson!! Hindi ka dapat lumalapit sa mga basurang katulad niya!" sigaw niya kay Carson habang nakatingin sa akin.

Si Carson naman matapang pa rin ang mukha. Lumapit siya sa akin at itatayo sana ako ulit ng sapilitan dahil nagalit siya sa sinabi ko pero biglang may humablot nanaman sa kamay ko kaya napatayo ako at tinulak niya palayo si Carson.

"Pwede ba layuan niyo ang member ko??!" sigaw ni Clyde sa kanila.

Nabigla si Carson at ang member niya sa harapan ko pero si Roxanne hindi.

Siguro alam na niya, dahil wala siyang naging reaksyon.

"What?! Are you kidding?! Phantom Sinners may babaeng member?!" sarcastic na tanong ni Carson.

"So what kung may babae?! Grupo ko 'yon at ako lang ang pwedeng magdesisyon kung sino ang isasali ko!" sagot niya.

"At huwag na huwag niyo siyang lalapitan. Binabalaan ko kayo Blood Rebels!" dagdag niya pa. Ako naman, nanahimik na lang sa likuran ni Clyde.

Lumapit si Carson sa tapat niya at nag-tinginan silang dalawa na para bang gustong mag-away. Habang nagtitinginan silang dalawa, si Carson tumingin sa akin ng sobrang sama.

"Tara na!" galit na sabi ni Clyde. Hinila niya rin ako papalayo sa kanila.

Aalis na sana kami pero tumigil si Clyde kaya napatigil din ako.

Tinignan niya si Roxanne at si Roxanne nakatingin din sa kanya na parang nag-uusap ang mga mata nila. Ako naman tumitingin kay Clyde at Roxanne. Si Carson naman nakatingin ng sobrang sama sa akin kaya umiiwas ako ng tingin sa kanya.

Pagkatapos ng ilang segundo, umalis na si Clyde kaya sumunod ako sa kanya.

To be continued...

Próximo capítulo