Hadlee's POV
"Wala naman tayong mapapala d'yan eh. Di tayo makakapasok Hadlee" pag-iingay ni Maureen.
Pinilit ko kasi siyang pumunta sa club, "Ano ka ba? Titignan ko lang kung nandiyan siya" sagot ko sa kanya, "D'ba nga bago na yung leader nila? Kaya wala na siya d'yan" pagpupumilit niya.
Nandito kami ngayon sa gilid ng Street Cheater's club at sinisilip ang mga taong pumapasok sa may pintuan. Maraming ilaw at punung-puno ng disco light hanggang sa labas. Sa dulo siya ng building kaya hindi gaanong kita. Pagdating ng 6 pm doon lang nagbubukas. They are the only group na hindi kontrolado ng other groups dahil lagi lang silang nasa club, nagbibisyo. Pero kontrolado nila ang mga babaeng biktima nila, "Gusto ko nga makita yung bagong leader nila baka mas gwapo" sabay ngiti kay Maureen.
"Ang landi mo!" sabi niya sa akin. Hindi ko na lang siya pinansin since alam ko naman na malandi talaga ako.
"Halika na!" pangungulit ko sa kanya.
"Ikaw na lang! Baka pasayawin pa nila tayo sa harap. Mag-isip ka nga. Kontrolado nila ang mga babae whether you like it or not. Kailangan mong sundin ang sasabihin nila" seryosong sabi ni Maureen.
Papunta na sana ako sa pintuan ng club kaso bigla akong bumalik kung nasaan kami ni Maureen kanina. Dahil may nakita akong hindi naman dapat naririto, "Akala ko bang pupunta ka? Ba't bumalik ka?" pagtatakang tanong ni Maureen.
Tumingin ako sa kanya tapos tumingin ako ulit sa pintuan ng club, "Anong ginagawa niya dito?" pabulong kong sabi.
"Sino ba?" sumilip din naman si Maureen.
Ilang segundo kaming nakatayo, bago nagsalita si Maureen dahil sa nakikita namin ngayon, "No way!! Hadlee? Tell me it's not him!" nanlaki ang mga mata namin dahil sa pagkabigla.
"Siya 'yon. Sigurado ako" tinignan ko pa ng maayos yung lalaki at hindi talaga ako nagkakamali.
That boy standing infront of that club was Sean Raven, Syden's twin. Nakatayo lang siya sa harapan ng Street Cheaters' club at nakatingin sa loob.
☸☸☸☸☸☸☸☸☸☸☸☸☸☸☸☸☸☸
Roxanne's POV
Nasa classroom lang ako ng Redblades right now. Wala naman kasi si Carson sa classroom nila kaya I don't need to be there. Nakaupo ako at may lumapit sa akin, "Hi Roxanne. How are you?" she greeted with an English tone.
"I'm the Queen as always. Anong kailangan mo Hazel?" I asked.
"It's just unusual na nandito ka sa room ng Redblades" she sat down beside me habang sinasabi 'yon.
"So ngayon kine-question mo na ang pagpunta ko rito?" mataray kong tanong.
Mukhang napahiya ko siya unintentionally kaya medyo lumayo siya sa akin. She's my member at tingin niya sa sarili niya close na kami for her to say things like that. Well, I don't consider anyone here as my friend. They are all just fools!
Sometimes, I'm being kind to her since kailangan ko pa siya sa Redblades.
"Any information about that girl? It's Bliss Syden, right?" pagmamataas ko sa kanya.
"Definitely yes. Base on my observation lagi niyang kasama ang mga Silent Alliance leaders" sagot niya.
I was holding a pen na pinapaikot sa table while asking Nicole, "So, you mean, palaging nakabantay sa kanya ang mga leaders?"
"Oo" sagot naman niya.
"What a lucky trash!" tumingin ako sa kanya at lumapit ako, "Napansin mo ba nung General Assembly sa Gymnasium? Lagi siyang tinitignan ni Clyde and he also mentioned na it makes him want to visit Silent Alliance, then he look to that stupid girl!!!?" na-confuse si Nicole sa sinabi ko.
"Why are you talking about Clyde!? Alam mong hindi magugustuhan ni Carson na marinig 'yan?" muntik na niyang nasigaw pero good to know na hindi niya ginawa dahil tumingin ako sa kanya ng sobrang sama.
"Are you perhaps opposing to my words?! You are so lucky na sa'yo ko sinasabi ang mga bagay na hindi mo naman deserve na marinig. Kaya sa bawat usapan natin, itikom mo ang bibig mo" yumuko na lang siya dahil sa sinabi ko. But at least alam niya kung saan siya lulugar when it comes to me.
"Watch her closely. When time comes, I'll torture her so bad hanggang sa lumuhod siya sa harapan ko para kaawaan ko siya. Understand?" pinag-taasan ko siya ng kilay at nakuha naman niya ang ibig kong sabihin kaya iniwan ko na siya. Simula ng ma-meet ko ang Syden na yon, kumulo na ang dugo ko.
All Redblades' members, tinitingala ako. That's why I'm the queen. Two kings are fighting over me. Gano'n ako ka-importante. Kaya whoever tries to steal my throne. I will make sure to make them kneel down infront of me.
'Cauz I'm the only one queen here.
I went directly to Blood Rebels' room. Noong nakita nila ako they gave way, subukan nilang hindi tumabi sa daraanan ko. Just one word, mawawalan na sila ng parte sa Blood Rebels. My boyfriend is willing to sacrifice anything just for me. Kapag nalaman niya ang namamagitan sa amin ni Clyde. They will totally kill each other, that's why I need to protect Clyde from my boyfriend. I just don't want na tumititig si Clyde sa ibang babae other than me. It should be always me. That's why I need to get rid of that girl para hindi na siya titigan ni Clyde ng ganon.
I really hate her!
They offered a chair for me kaya umupo ako. A member of Blood Rebels was approaching me holding a bottled water. But suddenly, natisod siya at natapon sa akin yung bottled water na hawak niya, "What the!!" natahimik lahat sila.
Bigla siyang lumuhod sa harapan ko at nagmakaawa, "Sorry, Roxanne! H-h-hindi ko sinasadya. P-please spare me!!"
Tinignan ko siya ng masama at halata naman sa mukha niyang takot siya dahil namumutla, "Look what you did to me?!" sigaw ko. Paulit-ulit siyang nagmakaawa pero hindi ko siya pinakinggan.
"What's happening here?" Lalo pa siyang nanginig at namutla ng marinig namin ang boses ni Carson. Lumapit siya sa akin at tinignan ang member niyang nakaluhod sa harap ko.
"This dress is so special to me. This is the only gift I treasure the most because you gave this to me right? But this man ruined it!" tinuro ko ang lalaki sa harapan ko at mababakas sa mukha ni Carson ang galit. Nilapitan niya ang lalaki. Hinawakan niya ang buhok ng lalaki na parang inaayos niya pero hinawakan niya ito ng mahigpit at iniharap sa akin.
"Don't worry now. I will teach him kung paano gumalang" sabi niya.
Then tumingin siya sa mga members niya kaya kinaladkad nila yung lalaki palayo sa amin habang yung lalaki naman nagmamakaawa at halos mawalan na ng hininga.
Well, he deserves that!
Tumingin siya sa akin and I hugged him, "You're so sweet. That's why I fall for you even more" sabi ko.
"Whoever tries to steal you away from me secretly. I will make sure na mamamatay ang taong 'yon. But I won't be the one to kill him. You love me right? So you will be the one to kill him bilang patunay na talagang mahal mo ako" sambit niya with his scary voice.
I even hugged him tightly dahil kinabahan ako sa mga sinabi niya. Humiwalay na ako sa pagkakayakap namin para magsalita, "You can't do that to me?" I said.
He smiled devilishly like he committed na talagang hindi niya kayang gawin 'yon.
"I can. I can always do what I truly want" mahina niyang sabi.
Then he kissed me.
Pero hindi ko nagustuhan ang sinabi niya.
☸☸☸☸☸☸☸☸☸☸☸☸☸☸☸☸☸☸
Syden's POV
Naglalakad lang ako sa hallway ngayon kahit alam kong dapat nasa dorm na ako ng ganitong oras. 7:05 pm na kasi. Dahil hindi ko pa nakikita ang kapatid ko mula nung nag-away kami, nag-aalala ako kung nasaan na siya. Minabuti kong maglakad na lang para hanapin siya, baka kasi napaaway na siya.
Hindi ko naman sadyang sigawan at awayin siya. Nagawa ko lang 'yon para paniwalain siya na hindi dapat mawalan ng pag-asa kahit anong mangyari. Kasalanan ko rin naman kung bakit kami ngayon nandito. Kung nag-ingat ako, hindi ako makaka-5th offense at higit sa lahat hindi sana siya nadamay. Ako lang siguro ang dapat mapunta dito sa Prison School pero dahil inabangan niya ako noong gabing dapat na akong ma-e-exit nadamay siya dahil magkasama kami.
"Hoy! Okay ka lang Sy? Lipad utak mo ah?" bigla akong kinausap ni Maureen na nasa likuran ko pala. Napatingin ako sa kanya sa pagkabigla, "Maureen? Anong ginagawa niyo dito?" tanong ko. Kasama niya rin si Hadlee.
"Eto kasing si Hadlee. Nagyaya sa club!" sabay snob kay Hadlee.
"Ha?! Anong club?!" tanong ko.
"Club. Yung maraming nag-iinuman, nagyoyosi at may sumasayaw sa harap" sagot ni Maureen, "I know, but you mean, as in club?!" gulat kong tanong.
"Oo nga! Club" sagot nilang dalawa.
"B-bakit may club dito? Hindi ba pinagbabawalan ng council? D'ba eskwela 'to?" tanong ko.
"Syden...pagdating sa eskwelang 'to walang imposible kaya masanay ka na" sambit ni Hadlee. Does it mean talagang pinabayaan na ng council ang mga estudyante dito kahit anong gusto nilang gawin?! Hindi talaga ako makapaniwala!
"Ikaw ba anong ginagawa mo dito?" tanong naman nila.
"Hahanapin ko lang si Raven. Hindi ko pa kasi nakikita" sabi ko naman.
"Ha?! Bakit? May nangyari bang hindi maganda?" tanong ni Hadlee.
Nagkamot ako ng ulo. Kahit nakakahiyang sabihin, sinabi ko na, "Ahh..kasi may konting misunderstansing lang pero don't worry mag-aayos din kame" nagtinginan silang dalawa kaya nagtaka ako, "Nakita niyo ba siya?" tanong ko.
Umiling lang sila, "Kapag nakita namin papapuntahin na lang namin sa dorm kaya don't worry Sy" sabi ni Maureen.
Nag-umpisa na silang maglakad pero humarap ulit sila sa akin , "Huwag kang magpagabi. Bumalik ka rin agad sa dorm ah?" ngumiti sila at nagpatuloy na sa paglalakad.
Saan na kaya napunta si Raven? Nag-aalala na talaga ako sa kanya.
Kahit madilim na tinuloy ko pa rin ang paghahanap sa kanya dahil hindi rin naman ako makakatulog kahit bumalik ako sa dorm. What if nakita siya nila Maureen at nasa dorm na siya?
Hindi pa rin ako sigurado kaya hahanapin ko pa rin siya. Total nandito na rin naman ako sa building. Medyo madilim sa hallway pero kahit papaano nakikita ko pa rin naman ang dinadaanan ko. Tuluy-tuloy pa rin ako sa paglalakad at nasa bandang dulo na ako ng building. May nakita akong isang classroom na may ilaw. Because of curiosity lumapit ako at medyo bukas ang pintuan pero parang may nag-aaway sa loob.
Tinignan ko ng maayos at nakakita ako ng isang lalaki, nakatayo siya, may kasama siyang dalawa pang lalaki, sa harapan nila may isa pang lalaki na nakaluhod at puno ng pasa. Binubugbog nila yung lalaking nakaluhod at duguan na ito. Naka-full black lahat sila. Nagmamakaawa ang lalaki pero hindi nila siya pinapakinggan, "Magtanda ka na sa kapabayaan mo!"
Pagkatapos noon, tinigilan na nila siya. Tumakbo na ako agad para hindi nila ako makita. Dire-diretso lang ako pero may nakita akong isa pang grupo na papalapit sa direksyon ko. Kung sasalubungin ko sila baka huliin nila ako, kung aatras naman ako makikita ako ng mga lalaking nambubugbog kanina. Tumigil na lang ako dahil hindi ko alam kung anong dapat gawin.
Naririnig ko ang bawat hakbang nila, nakakatakot at nanginginig na ang mga binti ko. Pinagpapawisan na rin ako.
Pero....
Biglang may humila sa akin galing sa isang kwarto, sisigaw sana ako pero tinapatan niya ako ng kutsilyo sa leeg. Nakatalikod ako sa kanya kaya hindi ko alam kung sino siya.
"Finally, nakita rin kita Bliss Syden" nakakatakot ang boses niya at lalo pa akong nanginig.
"A-anong kailangan mo?" nanginginig kong tanong sa kanya.
"Marami. Marami akong kailangan sa'yo. Subukan mong sumigaw kung gusto mong dumaloy ang kutsilyong 'to sa leeg mo" panakot niya.
"Sino ka ba?!"
"Kung gusto mo akong makilala, fine. Ako lang naman ang lalaking kausap ni Roxanne noong isang araw. Ako rin pala yung kahalikan niya. Especially, ako pala yung lalaking nanghahabol sa'yo dahil nalaman mo ang sikreto namin ng ex ko" pagkasabi niya no'n hindi ko agad nakuha ang ibig niyang sabihin.
Pero bigla kong naalala. Ibig bang sabihin nito. Ang leader ng Phantom Sinners ang lalaki sa likuran ko ngayon?
"I'm Clyde. Kilala mo naman siguro kung sino ako d'ba?" nakakatakot niyang sabi at nilapit niya ng konti ang kutsilyo sa leeg ko.
"Ano ba talagang kailangan mo sa akin?!" tanong ko.
"Agreement" sambit niya.
"Agreement? Niloloko mo ba ako? Para saan?" sarcastic kong tanong.
Nilapit niya ulit ang kutsilyo kaya dumikit na 'yon sa leeg ko, "Huwag mo akong lokohin!! Hindi mo alam kung ano ang pwede kong gawin sa'yo at hindi ako nakikipagbiruan kaya umayos ka" nanahimik lang ako at hindi nagsalita dahil baka patayin na niya ako.
"Don't tell anybody about Roxanne and me. If my rival find out about this. Ikaw ang una kong itatali sa punong 'yon. Remember the girl na nakatali sa Prison Tree noong isang araw. I did that to her. Kaya kalimutan mo na lang ang nalalaman mo kung ayaw mong matikman ang galit ko" dahil sa sinabi niya,pumiglas ako pero bigla niya akong hinarapan at kinulong sa braso niya.
Nakakatakot ang mga mata niya. Pero tinignan ko rin siya ng masama, "Ganyan ba kayo kaduwag ni Roxanne na hindi niyo maipag-sigawan sa mundo na mahal niyo pa rin ang isa't-isa" sagot ko naman.
Halata sa mukha niyang nainis siya at lalong nagalit sa akin,"Sasabihin ko sa leader ng Blood Rebels ang bulok na tinatago niyo ni Roxanne!!"
Di ko na napigilan ang sarili ko kaya ko sinabi iyon at tinulak ko siya para tumakbo palabas. Narinig ko ang sigaw ni Clyde na sobrang galit siya. Pagtingin ko sa likuran, hinahabol niya ako hawak ang kutsilyo. Galit na galit ang mga mata niya. Sa sobrang bilis kong tumakbo nanghina ang paa ko. Kaya nadapa ako. Hindi ko na binalak na tumakbo dahil pagod na rin ako at hindi ko na kaya. Kaya nahabol niya ako.
Pinilit niya akong itayo at halatang gusto niya akong patayin. Nanginginig ang buong katawan ko ng bitawan niya ang kutsilyo dahil sinakal niya ako, "T-tama na" pakiusap ko sa kanya.
Hindi na ako makahinga kaya hinahawakan ko ang kamay niya para alisin sa leeg ko kaso sadyang malakas siya. Lumuha ako dahil sa sobrang takot. Dumating ang mga kasamahan niya kaya binitawan niya ako. Napaupo ako dahil sa pagkakasakal niya sa akin.
Lumapit sa akin ang mga kasama niya at itinali ako, "Anong gagawin niyo!?" umiiyak kong sabi. Ngumiti lahat sila na para bang na-e-excite, "Maglalaro lang naman kami ng parang darts"
Tumingin sa akin si Clyde at ngumiti, "At ikaw lang naman ang target gamit ang kutsilyo" he smiled devilishly.
Dahil doon naiyak na ako. Gusto kong tumakas pero mahigpit ang pagkakatali sa akin and marami sila kaya mahuhuli rin ako, "You go first" binigay niya sa kasamahan niya ang kutsilyo at tinira ako. Humapdi ang braso ko dahil nadaplusan ng kutsilyo.
"Somebody help mee!!!" sigaw ko sa buong hallway dahil baka naman may makarinig sa akin.
Pero bago ako sumigaw ulit, tinakpan nila ng panyo ang bibig ko kaya wala akong nagawa kundi umiyak sa sakit at hapdi. Ilang lalaki ang tumira, may tatlong malalim na sugat ako at may saksak ako sa binti, tuluy-tuloy pa rin ang pagdurugo at tinitiis ko na lang.
"Finally, makakatira na ako" pinaikut-ikot ni Clyde ang kutsilyo sa kamay niya. Tinignan ko na lang siyang mag-aim at tuluy tuloy pa rin ang pagluha ko.
At nag-umpisa siyang magbilang.
"1"..,... "2" ..."3"
Pumikit ako para hindi na lalong matakot. Pero wala akong naramdamang sakit. Hapdi lang ang naramdaman ko sa may pisngi , I expected na mamamatay na ako, "Ano ka ba Clyde? Tandaan mo nasa Prison School tayo, hindi ka pa pwedeng pumatay" pagkamulat ko, It was the Blood Rebels group with their leader, Carson. Hinahawakan niya ang kutsilyo na hawak ni Clyde kanina at dumudugo ang kamay niya.
Ngumiti lang si Clyde at lumapit kay Carson, "Huwag kang makielam...sa away ng iba" sabi niya kay Carson. Makikita sa mga mukha nila na nag-iinit silang dalawa. Tumingin sa akin si Carson gamit ang nakakatakot niyang mga mata, "I'm just giving you a warning Clyde. Follow the rule, you can torture but you can't kill" habang sinasabi niya 'yon nakatingin siya sa akin.
Pagkatapos noon, nagkatinginan lang silang dalawa. Bago umalis ang Blood Rebels tinignan ako ulit ng leader nila gamit ang mata niyang walang emosyon. Unti-unti nanamang bumuhos ang luha ko dahil naramdaman ko nanaman ang mga sugat ko. Nabalutan na din ako ng dugo. Sa bawat pagpatak ng luha, tahimik lang si Clyde na tinitignan ang mga Blood Rebels na naglalakad sa hallway papalayo sa amin. Habang ako naman, unti-unting nahilo at nagdilim ang aking paningin.
To be continued...