webnovel

♥ CHAPTER 97:2 ♥

Pagkatapos nilang malagyan ng pagkain ang mga plato namin at wine ang baso namin ay inumpisahan na naming kumain. Habang kumakain kami ay napatingin ako sa paligid para tignan kung may mangyayari bang hindi maganda pero sa ngayon, mukhang wala pa. Tinignan ko si Dean na kumakain sa tabi ko at mukhang napansin niya ako kaya napatingin siya sa akin, "What? Is there something wrong?" tanong nito sa akin at nakita kong nag-aalala siya kaya umiling ako at ngumiti, "Nothing" maikli kong sagot dito, "Are you sure?" muli niyang tanong kaya tumango ako, "Yah, don't worry" saad ko at itinuloy ko na ang pagkain kaya ganon na rin ang ginawa niya.

Totoo nga yung sinabi ni Ms. Freud kanina na first-class foods ang inihanda nilang pagkain kaya masarap ang mga ito. Kahit na mayaman kami ay hindi pamilyar ang mga pagkain na kinakain namin ngayon dahil mukhang sikat lang ang mga pagkain na ito sa ibang bansa dahil sa ingredients at lasa pa lang, ibang-iba na.

Habang kumakain kami ay napapatingin din ako kay Nash na tinitignan kaming dalawa. Nag-uumpisa na rin akong kabahan dahil hindi ko alam kung kailan lilitaw ang kalaban. But I still want to spend this night together with him.

Napansin kong tumitingin rin si Dean sa paligid kaya siya naman ang tinanong ko, "Parang ikaw ata ang hindi okay. May problema ba?" tanong ko dito na nginitian lang ako, "Nothing sweetie" saad nito kaya tumango na lang ako at muling kumain.

"This food tastes good. High-class nga talaga" dinig kong sabi ni Raven na nasa tabi ko lang kaya napatingin ako sa kanya, "Nakakatikim rin naman tayo ng pang-mayaman na pagkain pero hindi katulad nito" sambit ko kaya pareho kaming natawa.

"This one is what we call  the Nova Scotian Lobster Rolls. Canadians really love this dish that's why it became one of the best dishes in Canada" saad ni Dave kaya tinignan namin siya habang nakatingin siya sa pagkaing kinakain niya, "So nakatikim ka na pala ng ganitong pagkain before?" tanong ko ditto kaya tinignan niya ako.

"Well yeah, pero ito lang isa ang alam ko sa lahat ng pagkaing inihanda sa atin"

"Of course, alam niya 'yan just because his father has a restaurant business in Canada. One of the biggest restaurant there" sambit ni Dustin na ikinabigla ko na lang, "Wow! Really?!"

Ngumiti na lang si Dave dahil sa tanong ko, "Well, this one is Pasta Con Pomodoro E Basilico" pagsasalita ni Nash kaya napatingin kami sa kanya na itinuturo naman yung kinakain niya. Pare-pareho lang naman kami ng kinakain pero syempre iba-ibang pagkain ang una naming kinakain, "It is the most basic and simplest cooked pasta sauce in Italy and they always pair this up with this wine" sabay turo niya doon sa wine na nakalagay sa baso namin. So basic pa pala 'yon sa lagay na 'yon?

"And this wine is the Radius Red Blend, a popular red wine from Washington and anyone who drinks red wine will surely love it" saad naman ni Dustin bago ininom yung wine. 

"Nash, how did you know this food?" tanong ko naman kay Nash habang nakatingin sa itinuturo niyang pagkain gamit ang tinidor. 

"My mother is a Filipina and my father is an Italian. He's a famous cook in Italy and...tuwing umuuwi siya pinagluluto niya kami ng ganito" sagot nito. 

"That's cool Nash! My father never did something like that" sagot ni Dustin at ngumiti na lang ito.

"And how about these two?" tanong naman ni Caleb habang itinuturo din yung soup at yung dessert gamit ang tinidor. Napatingin kaming lahat sa kanya at parang walang gustong magsalita dahil nagkakatinginan lang habang si Dean naman, kumakain lang.

"They call it Bisque de Crevettes or for short Shrimp Bisque, from the Charente region of western France and one of the best soup in the world" nabigla na lang ako ng sabihin ni Dean 'yon dahil ngayon ko lang narinig ang salitang 'yon sa buong talambuhay ko pero muli siyang nagsalita at itinuro yung dessert, "This is Pistachio Panna Cotta, it is a dessert made with gelatin, cream and milk. It is also an Italian dessert" natulala na lang ako dahil ni isa sa mga kinakain namin ngayon ay hindi pamilyar sa akin. 

"When did you try those?" tanong ko sa kanya kaya tinignan niya ako.

Parang nag-isip muna ito bago sinagot ang tanong ko at ipinatong ang hawak niyang tinidor sa plato niya, "Well....when we had a vacation in Hotel Belvedere, Riccione, Italy" saad nito na mas ikinabigla ko. Feels like ako ang pinakamahirap sa kanila kaya nagtitinginan na lang kami ni Raven. 

"Seriously?! That's one of the most expensive hotel in the world!" sambit ko at napangiti na lang siya. 

"I think that's 1 million per night. Am I right Dean?" tanong ni Nash sa kanya at parang normal na lang sa kanila na pag-usapan ang ganon kalaking pera.

"Yes, but we had to pay more than that" sagot niya.

"What do you mean more than that?" tanong naman ni Oliver na nabigla din dahil sa pinag-uusapan. Hindi nagsalita si Dean pero muling nagsalita si Nash, "Wait?  Do you mean you had to pay 2 million per night?"

"What?! That's absurd dude- " natahimik na lang si Caleb ng biglang magsalita si Dean, "Yes"

"2 million per night?! Seriously?!" hindi makapaniwalang tanong ni Caleb, ganon rin naman ako. Oo mayaman kami, but we can't afford that kind of payment.

"So you paid for the VIP area?" tanong naman ni Stephen kaya tinignan siya ni Dean, "Oo" maikling sagot nito. Si Caleb, Raven at ako lang ang nagulat sa narinig namin at parang kami na lang ang hindi nakakaalam na ganon sila kayaman para magbayad ng 2 million every night.

"Seriously muffin?! Anong klasing pamilya ba ang kinalakihan mo?!" tanong ko dito at ngumiti na lang siya, "You won't love to hear his family" saad naman ni Dave na nakaupo na ng maayos at halos lahat sila, ubos na ang kinakain nila at plato ko na lang ang natirang may laman.

"Bakit naman? Let me hear something about your family" saad ko dito habang nakangiti pero nilapitan niya ako, "Not now sweetie, remember it's our night" sambit niya kaya napabuntong-hininga na lang ako, "Fine"

"I'll just fix myself" saad nito bago tumayo kaya nagtaka ako. I should be the one to fix myself, right? Maayos naman ang itsura niya kaya nakakapagtaka kung ano pang kailangan niyang ayusin.

Bago ito makaalis ay hinawakan ko ang kamay niya kaya napatingin siya sa akin, "You said you won't leave me?" sambit ko sa kanya at naalala ko rin na hindi ko rin siya dapat iwanan.

"I'll come back sweetie" aalis na sana siya pero mas hinigpitan ko pa ang pagkakahawak ko sa kamay niya kaya muli siyang napatingin sa akin kaya tumayo na ako, "I'll just go with you"

"No, just stay here. Babalik din ako don't worry" saad nito at hinawakan ang isa kong pisngi, "Promise?" tanong ko dito.

"I promise" sagot niya kaya tinalikuran na niya ako at nabitawan ko ang kamay niya.

Muli akong napatingin sa lamesa at may tira pa akong pagkain pero busog na ako kaya hindi ko na naubos. Napansin kong nabawasan ang mga nakasinding ilaw at bigla silang nag-play ng romantic na kanta kaya nagpuntahan ang iba sa gitna at nag-umpisang sumayaw. Vipers are just seating here. Seryoso ba talaga sila na uupo lang sila dito buong gabi?  Uminom na lang ako ng tubig at nakulangan ako kaya tumayo ako para manghingi ng tubig, "Saan ka pupunta?" tanong ni Raven.

"Kukuha ako ng tubig" saad ko dito. Napansin kong tumayo siya at kinuha niya yung baso na hawak ko, "Ako na lang ang kukuha" sambit niya kaya napatango na lang ako. Muli akong napaupo at tinignan ang paligid hanggang sa marinig ko na lang na may nabasag kaya muli akong napatingin sa direksyon ni Raven.

Nakita kong nasa sahig na ang hawak niyang baso kanina at nakita ko ang kaharap niyang babae kaya agad ko silang nilapitan. Dahil sa lakas ng music ay hindi gaanong narinig 'yon at iilan lang kaming nakarinig sa nangyari.

"What happened?" tanong ko habang nakatingin sa nabasag na baso.

"I-i'm sorry. H-hindi ko sinasadya" narinig kong sabi ni Leigh kay Raven at kinakabahan siya.

"It's fine" sagot naman ni Raven. Mukha kasing nagkabanggaan sila kaya nabitawan ni Raven yung basong hawak niya.

"Okay lang ba kayo?" tanong ko sa kanilang dalawa habang tinitignan silang pareho dahil baka nasugatan sila. Nakita kong tumango si Leigh at alam kong pinilit niyang ngumiti kahit na kinakabahan siya. Just because my twin brother is a Viper kaya hindi na ako magtataka kung bakit natatakot sa kanya si Leigh.

"S-sorry talaga. Hindi ko talaga s-sinasadya" dagdag pa ni Leigh habang hindi siya makatingin ng diretso kay Raven.

"It's just an accident so you don't have to apologize" sagot naman niya dito.

"What's important is walang nasaktan kaya pwede ba tignan mo kami Leigh?" sambit ko sa kanya dahil nakayuko siya. Dahan-dahan itong tumingin sa aming dalawa ni Raven at namangha na lang ako ng makita ko siya. She's so beautiful.

"Nakita mo ba sina Icah?" tanong ko sa kanya.

"May lumapit sa kanilang dalawa ni Maureen at inaya silang sumayaw"

"How about you? Wala ka bang kasayaw?" tanong ko sa kanya.

"No. I'm not interested" sagot nito.

"But do you like someone?"

"Wala akong gusto" sagot niya at bahagyang ngumiti. Napansin ko naman si Raven na tumalikod na para bumalik sa table namin at may naisip ako, "How about my twin brother and you?" saad ko na siniguradong maririnig nilang dalawa.

"What?" muli akong tinignan ni Raven at nginitian ko siya.

"I-i mean wala naman kayong kasayaw, then why don't you just dance together?" sambit ko sa kanila. Good idea.

"N-no thanks" bahagyang ngumiti si Leigh at tumalikod na para umalis kaya agad kong nilapitan si Raven at nagtataka siyang nakatingin sa akin, "Get her" saad ko dito.

"What are you saying?!"

"Tsk! Huwag mo nga akong lokohin. We're twins remember, I know that look. You want to ask her right?" tanong ko dito.

"Wala akong alam sa sinasabi mo"

"Do it or lose the chance. This is your only chance" dagdag ko pa. Nagkatinginan kami ng matagal at alam kong nagandahan siya kay Leigh kaya mas sinamaan ko pa siya ng ngiti, "Ngayong gabi lang naman, ano pa bang inaarte mo dyan?" saad ko kaya iritado niya akong tinignan at napabuntong-hininga siya, "Fine" nakita kong hinabol niya si Leigh at nagkausap sila pero hindi ko na narinig dahil medyo malayo. Medyo matagal silang nag-usap hanggang sa makita ko na lang na inilahad niya ang kamay niya at parang nagdadalawang-isip si Leigh pero dahan-dahan niya ring hinawakan ang kamay ni Raven. Nakita kong papunat sila sa gitna at napatingin sa direksyon ko si Raven. Ngumiti ito na parang hindi makapaniwala kaya nginitian ko siya at muling umupo. Tinignan ko ang paligid dahil hanggang ngayon ay wala pa si Dean at hindi pa bumabalik. 

Muli akong tumayo para hanapin siya dahil talagang nag-aalala na ako at saktong pagkatayo ko ay siyang pagkatapos ng isang kanta kaya muling nagbago ito at mas dumami pa ang mga sumasayaw sa gitna. Marami akong nakabanggaan at pinilit kong makipagsiksikan para lang mahanap ko siya hanggang sa makasalubong ko si Hadlee, "Oh Sy, bakit nandito ka? Hindi ba kayo sasayaw ng boyfriend mo?" tanong niya.

"Hinahanap ko siya at hindi ko siya makita, paanp kami sasayaw?"

"Ahh ganon ba?" tinignan niya rin ang paligid kagaya ng ginagawa ko ngayon pero muli akong napatingin sa kanya, "Ikaw? Bakit nandito ka? Wala bang nagyaya sa'yong sumayaw?" tanong ko sa kanya. Habang tinitignan ko kasi ang paligid, napansin kong may kasayaw sina Icah at Maureen maliban sa kanya.

"Meron pero tinanggihan ko" sambit na ipinagtaka ko.

"Bakit naman?"

"Isang tao lang naman ang hinihintay ko pero mukha atang wala siya dito. Isa pa, imposibleng yayain niya ako dahil hindi niya naman ako kilala"pahayag niya na parang nadismaya.

"Sino ba? Malay mo matulungan kita?"

"Don't worry about me. Just find your boyfriend, time is running don't waste it" sagot niya sa akin at napatingin sa direksyon kung saan nakaupo ang mga members. Tinignan ko rin sila na nilalapitan ng ibang babae at ang iba'y nahihiyang lapitan sila. Napansin ko rin na may nilapitan sina Stephen at Caleb kaya ngayon nasa gitna na rin sila.

"Oh. My. Gosh. Tell me It's not him Sy" saad nito habang nakatingin pa rin sa table namin at parang nabigla siya.

"Ha? Sino?" tanong ko ng may pagtataka.

"You didn't tell me na member siya ng Blacl Vipers. Kaya pala nag-iba ang pamamalakad ng club ngayon" saad nito na parang hindi makapaniwala at medyo natulala. Isa lang ang tinitignan niya sa mga members pero hindi ko matukoy kung sino.

"Hadlee? What are you talking about? Bakit napunta sa club ang usapan?" tanong ko dahil tulala pa rin siyang nakatingin doon at dahan-dahan niya akong tinignan, "Remember my crush na ikinwento ko sa inyo dati nila Icah at Maureen? I don't know his name but I know his face. I saw him once at doon ko siya nagustuhan. I even heard that night that he's the leader of Street Cheaters' club but I knew his name nitong mga nakaraang araw lang"

"Then what's his name?" seryoso kong tanong at kinakabahan na ako sa kanga.

Matagal muna kaming nagkatinginan bago niya sinagot ang tanong ko, "His name is Nash" saad nito na ikinabigla ko. Natigilan na lang ako at napalunok, "A-are you sure?"

"Siya nga 'yon. He's Nash and he is the leader of that club"

Sa mga oras na ito ay nag-uumpisa na akong malito kaya muli ko siyang tinanong, "If he's the leader, bakit nandito siya at kasama sa Vipers?"

"That's the question na hindi ko alam sagutin. Pero nag-iba ang pamamalakad ng club ngayon at sigurado akong may pumalit sa pwesto niya o umagaw at 'yon ang hindi ko alam"

"Sigurado ka ba talaga?"

"Oo. Siguradong-sigurado ako Sy" nang sabihin niya 'yon ay ako naman ang natulala. 

Next...

Próximo capítulo