webnovel

-HEART FOR RANSOM- 2

HEART FOR RANSOM

Part 2

"Ako? Magiging katulong niyo?!," sigaw ko sa kanya. Akala ko kasi no'ng pinag-aayos niya ako, yung formal. Nagulat nalang ako nang tumambad sa akin ang isang uniporme ng katulong.

"Yes. Para hindi makahalata ang anak ko," sagot naman niya.

"Wala bang nanay yan? Gagawin nyo pa akong nanny," maktol ko.

Inihagis niya sa akin ang isang litrato. Nanlaki ang mga mata ko.

"He's my son, Paulo Cassius Ruiz Jr.", pagpapakilala niya.

Napatingin ako sa kanya. "Mukhang bata pa naman kayo, ilang taon na ba kayo? Parang magkapatid lang kayo"

"Anak ko siya sa pagkabinata. He's turning 22 this year. Iniwan siya ng nanay niya sa akin pagkapanganak niya," paliwanag niya.

Tumango-tango ako nang biglang may marealize.

"Wait, gusto niyo ba akong maging jowa ng anak nyo?!," nahihintakutang tanong ko.

Ngumiti siya. "Exactly. I think my son is not into serious relationship. You'll be his personal maid so that you can make him fall inlove with you"

Yan ang huling pinag-usapan naman ni sir bago kami umalis papuntang bahay nila.

Pagkarating namin, tumambad sa akin ang malapalasyong bahay. Sobrang yaman pala ni sir.

Swerte ko pala pag napangasawa ko yung anak niya. Jackpot agad wala ng balikan sa Tondo ang peg. Napangiwi ako sa mga naiisip ko.

"What's wrong?," napansin pala niya ako. Kaagad akong ngumiti at umiling.

Sa loob, sinalubong kami ng isang may edad na babae. Mukhang mayordoma ng bahay.

"Nana, this is Miyaka. Siya po yung sinasabi ko sa inyong bagong personal maid ni Cassius and Miyaka, this is Nana Soledad," pagpapakilala niya.

Makahulugang ngumiti naman ang babae.

"Magandang bata. Nana nalang din ang itawag mo sa sakin, Miyaka," mukhang mabait siya.

"Salamat po Nana," sagot ko. Yung word na 'maganda' lang yata ang narinig ko.

"Nana, where's my son?," tanong niya sa matanda. Ipapatawag na sana ito sa mga katulong nang saktong pababa siya ng hagdan.

"Son, come here," tawag sa kanya ni Sir.

Kaagad na lumapit ang lalaki.

"Where are you going?," nakabihis kasi ito ng pang-alis samantalang gabi na.

"Clubbing," tipid na sagot nito. Pinagmasdan ko siya. He's wearing a simple V-neck white shirt and a fitted maong pants. Sa sobrang fitted, bakat yong ano. And wait, nakatuck in ba dapat?

"Eyes up here, miss," boses niya na nakapagpabalik sa akin. Napatingin din sa akin yung tatay niya kaya nahiya ako.

Tumikhim si sir. "Son, this is Miyaka. Your new personal maid," pakilala niya ulit na parang inemphasize pa ang mga salitang "personal maid".

Makahulugang ngumiti din ito. Nginitian ko siya pero inirapan lang ako.

"Nice to meet you, Sir Cassius," sabay lahad ng kamay. Tinanggap naman niya.

Napalaki ako ng mata nang may mapansin sa paraan ng pagkahawak niya sa kamay. Sinundan ko rin ng tingin nang bitawan niya ako at ilagay sa bulsa ang kamay niya.

Napangisi ako. Mukhang alam ko na kung bakit wala pa siyang nagiging jowa. Aalamin ko kung totoo nga ba ang haka-haka ko. Humanda ka sa akin, Cassius!

-------

Update every Saturday

Próximo capítulo