webnovel

Chapter 18(Bonding)

Mabilis na dumaan ang mga araw at halos isang linggo na muli ang nakalipas ngunit walang anino ni kaithleen ang dumating sa condo ni Nathaniel, hindi rin ito tumatawag sa kanya kung kaya naging buo na ang desisyon niya na talagang wala ng pag asa pa na mag kaayos na sila ng nobya.Masyado na nga siguro siyang naging tanga sa relasyon nila ng nobya ngunit ngayon ay tatapusin na niya.Ngunit kahit nakailang dial na siya ay hindi parin talaga niya ito makontak.Sa sobrang inis ay nahagis niya ang kanyang celphone.

Siya na lamang ba ang nag aayos ng relasyon nila ni kaithleen? Naihilamos niya ang kanyang dalawang palad sa kanyang mukha dahil sa labis na galit rito.

Kahit ilang beses pa niya intindihin ang nobya dahil sa pagmamahal niya rito ngunit talagang punong puno na siya.Noon pa ay siya na ang umiintindi rito lalo na pagdating sa trabaho nito.Minsan nga ay nagseselos siya ngunit wala naman siyang magawa dahil mahal niya ito.Hindi na siya makakahanap ng ganun kagandang babae kung ganda lamang ang pagbabasihan niya.

"eh paano naman si arriane, maganda naman si arriane ah hindi nga lang nag aayos kagaya ng kay kaithleen?"pang iinis ng isang bahagi ng isip niya.Minsan para din siyang baliw na inaaway ang sarili niya dahil sa parang lagi yata pumapasok sa isip niya si arriane.

"shit!!"napamura siya sa sarili ng bigla na lamang tumunog ang celphone niya.

Si arriane iyon kung kaya dali dali niyang pinulot ang celphone niya at saka sinagot ang nasa kabilang linya.

"Hi,bati niya rito.

"Hi Nath, uhm ask ko lang kong makakasama ka saamin today like what you said last week,, remember we're going to batangas.?"pahayag nito sa kabilang linya.

"oh my!! yeah!!yeah!!oh shit Im so sorry I almost forgot!"halos hindi magkaugagang wika niya saka mabilis na tumayo.Nakalimutan nga niyang sasama pala siya sa mga ito sa resort sa batangas kung kaya mabilis siyang nag pack ng kanyang gamit.

"can you wait for A while please..nagmamadaling sabi niya rito.

"yeah sure.. hintayin ka nalang namin sa lobby,, we're going down there'."

"hi tito, im waiting po".Narinig niyang sigaw ni Niel habang sa kabilang linya habang kausap niya si arriane.

Gusto pa sana niyang sagutin ang bata ngunit nagpaalam na siya rito dahil kailangan niyang magligpit ng gamit.

Bakit ba kasi niya nakalimutan iyon? Sabagay masyado nga kasi siyang naging busy lalo na at hindi sila okay ni kaithleen at hindi na rin sila nagkakausap ni arriane simula noong pumunta siya sa unit nito at doon nag dinner.Ang dami niya kasing inasikaso dahil kailangan niyang harapin ang mga negosyo niya sa US via online.Kaya tuloy ang pangako niyang sasama sa mag ina ay muntik na niyang makaligtaan.

Gaya ng inaasahan ay talagang napakasaya ni Niel na kasama siya, maging siya man

ay ganun din ang pakiramdam.Hindi niya maipaliwanag ang fondness na nararamdaman niya sa bata o dahil siguro naawa siya rito.Silang tatlo lang din ang magkakasama dahil ayon kay arriane ay hindi parin nakakauwi ang kapatid nito mula newyork dahil nag extend daw ito ng business seminar.

Si manang coreng naman ay umatake ang rayuma sa tuhod nito kung kaya hindi narin nakasama sa kanila.

"Ang saya ni Niel nuh?"siya na ang bumasag sa katahimikan na kanina pa namumuo sa loob ng pick up na sinasakyan nila.Siya narin ang nagdrive dahil kandong ni arriane ang anak nito.

"oo nga eh, ang saya niya, akala ko nga hindi ka makakasama dahil parang hindi kasi tayo nagbabanggaan sa lobby."pagbibiro nito na ikinatawa niya.

"oh im sorry,, ang dami ko rin kasing ginawa, saka busy talaga lately sa kaaasikaso ko sa business ko.Alam mo naman kahit andito ako sa pinas pero ang dami ko parin'g kailangan ayusin about my business in US."Tumango tango lamang ito sa mga sinabi niya.

"Si arriane naman ay hindi maiwasang masaktan kahit pa sabihing wala naman talaga siyang karapatan masaktan dahil hindi naman sila close friend ng binata.Ngunit hindi niya maiwasang isipin na baka palusot lamang iyon ng binata dahil syempre naroon ang nobya nito,kung kaya hindi niya napigilang magtanong.

"Anyway, how's kaithleen.?hindi ba siya magagalit pag nalaman niyang sinamahan mo kaming mag ina?"kunyari ay concern na tanong niya.

Matagal bago sumagot ang binata at halos dalawang beses pa ito na nagbuntong hininga.

"we're not okay."maiksing sagot nito.

"oh my!!sorry..

"No,, its fine.. medyo malabo na siguro na magkaayos kami this time.. hindi parin kami nagkakausap since noong pinag initan ka niya sa elevator."

"what!"so it means ako pa pala ang dahilan ng pag aaway niyo?"hindi makapaniwalang tanong niya.

"No"!hindi ikaw.. kaming dalawa ang may problema,medyo matagal na rin kami nagkakalabuan pero kung baga inaayos ko parin, pinipilit kong ayusin ang relasyon namin."paliwanag nito sa kanya.

"wow huh,ang swerte naman niya sayo".paghanga iyon at walang halong kaplastikan.Gusto pa nga sana niyang idagdag na.."ikaw lamang ang malas dahil habang wala ka ay nakikipagkarengkingan naman iyong nobya mo sa iba."ngunit isinaisip na lamang niya iyon.Ayaw niya naman kasing dagdagan ang sama ng loob nito sa nobya.Hayaan na lamang niya ito na ito mismo ang makahuli sa maharot nitong nobya.

"Anyway,I want to settle down with kaithleen, pero malabo na yata mangyari iyon."may lungkot ang tinig nito habang sinasabi iyon.Ngunit mas nasaktan siya dahil pag nagkataon na makasal ito sa babaeng iyon ay talagang tuluyan na siyang mawawala sa landas ng binata.Ngumiti siya ng mapait ngunit hindi niya iyon ipinakita rito,bagkus ay nagpatuloy siya.

"Magkakaayos din kayo.. baka busy lang"--sa ibang lalake".dagdag ng isang bahagi ng isip niya.

"maybe."kibit balikat lamang ang isinagot nito sa kanya.Ngunit mas hindi yata siya handa sa mga sumunod na itinanong ng binata sa kanya.

"well, ang lovelife ko mukhang alam na alam mo na ah,pero yung sayo share mo naman".Pang eenganyo nito na ikinatigil yata ng mundo niya.

"Naku.. boring yung lovelife ko"palusot niya saka itinuon ang paningin sa labas at hindi man lamang tinapunan ng tingin ang binata dahil natatakot siyang baka mabasa nito ang nasa mga mata niya.Iyong kahilingan niya na sana totoo na lamang ang lahat ng nangyayari na ito.Na sana isang buong pamilya nga sila at hindi lamang pasang awa ang atensiyon na binibigay nito sa kanila.

"are you okay?"biglang tanong nito nang hindi siya sumagot.

"yeah im fine".sagot niya..

"inaantok lang kasi ako.."hindi niya alam kung guni guni lamang ba niya ang biglang pagdilim ng anyo ng binata ngunit saglit lamang iyon.

"okay.. go on.. try to close your eyes and take a rest..mga 30 minutes ay nasa resort naman na tayo".dagdag pa nito ngunit tumango lamang siya at sinubukan niyang ipikit ang kanyang mga mata ngunit hindi naman siya matutulog.Sa halip ay pumapasok lamang sa isip niya ang mga bagay na kasama ang binata.AYaw man niyang maging assuming ngunit kahit sa panaginip man lamang ay makasama niya ito na walang iniisip kundi ito lamang at ang anak nila.Naalala niya ang sinabi ng matanda na karapatan ni Niel malaman ang katotohanan at malaman na si Nathaniel ang tatay nito.Ngunit kapag nasa aktong gagawin na niya ay parang bahag ang buntot niya at hindi niya masabi sabi sa binata ang totoo.

Malapit na ang dapit hapon ng dumating sila sa resort kung kaya nag check in agad sila ng cottage.Nag check in din ang binata sa katabi nilang cottage dahil hindi naman pwedeng magkasama silang tatlo sa iisang cottage.Good for 24 hour of staying iyon kung kaya susulitin nilang mag ina ang bawat oras.

"Tito Nathaniel, I Want to swim."pangungulit ni Niel ng makapagbihis ito ng damit pampaligo.Halos inabangan talaga nito ang binata sa cottage nito hanggang sa makabihis upang makipaglaro sa binata.

"Niel, be careful please".tawag niya sa anak na halos puno yata ng baterya at talagang napaka napakalikot.

"mommy.. halika na.."tawag nito sa kanya..

"Halika na arriane.."ang sarap nang tubig."si Natahaniel iyon na halos nakalublob na ang kalahating katawan sa tubig habang nakaagapay ang anak niya rito.Nasa harapan lamang kasi ng cottage nila ang kulay asul na pool, at halos nag aanyaya ito sa sinumang nagnanais na magtampisaw at magbabad sa tubig.

Matapos niyang naayos ang gamit nilang mag ina,ay nag ayos din siya ng sarili niya..Nagbihis siya ng bikini panty at bra kung saan talagang lutang ang pagiging sexy niya.Bagamat hindi man siya ang tipo ng babae na mahilig mag ayos at magkolerete sa sarili ay masasabi naman niyang naalagaan naman niya ang kanyang katawan at hindi makikitaan ng kalmot o piklat sa kanyang katawan.Kung kaya nga inggit na inggit ang ate niya sa kanyang katawan.

Matapos siyang maglagay ng cream ay lumabas na siya upang sabayang magtampisaw ang dalawa.

Halos mapamura si Nathaniel ng mapagmasdan ang kabuuan ng katawan ni arriane.Halos labas ang kaseksihan nito at lalo na ng makita niya ito ng malapitan ay mas lalo siyang humanga rito dahil kahit may anak na ito ay napanatili nito ang magandang pangangatawan lalo na at hindi niya iyon pansin tuwing nakakasama niya ito dahil panay maluluwag ang damit na suot nito.

"mommy here oh"!!sigaw ni Niel saka kinuha ang bola na itinapon nito kung kaya nabalik ang huwesyo niya.Pakiramdam niya kasi ay nag iinit ang katawan niya kahit pa nakababad na siya sa tubig..

"Tito catch!!sigaw ng bata kasabay ng paghagis nito ng bola ngunit hindi niya iyon nailagan at sapol siya sa mukha.

"oh my.."bulalas ni arriane na agad naman lumapit sa kanya.

"are you okay?"nag aalalang tanong nito sa kanya.

Hindi agad siya nakasagot lalo na at pakiramdam niya ay hinahatak siya ng anumang enerhiya papalapit dito.

"!im fine."wala sa sariling sagot niya.

"Niel naman be careful"narinig niyang saway nito sa anak.

""Its fine arriane.. magaan naman iyong bola."sagot niya na hindi parin mapigil ang pag iinit ng kanyang katawan .

"Huwag mo nang pagalitamg iyong bata."pagkasabi niya ay agad niyang hinuli si Niel upang mabaling dito ang atensiyon niya.Labis naman ang saya ng bata at halos hindi yata ito napapagod sa pakikipaglaro sa kanila ng mama nito.Silang tatlo na kasi ang halos nag lalaro ng bola habang nagtitili ang bata tuwing nahuhuli niya ito.Isa pa doon niya lamang nakita ang saya sa mukha ni arriane kung kaya masaya narin siya para rito.Alas syete na nang gabi nang umahon sila, ayaw pa nga sana ni Niel na umahon ngunit pagod narin naman ito saka gutom narin sila.Nagpadeliver na lamang sila ng food sa cottage nila kung kaya nanatili lamang silang naroon sa isang dining malapit sa pool.Nag order din ng wine ang binata kung kaya hindi napigil ni arriane ang sarili na mapainom.Nag enjoy sila sa pagkain at animo'y isa silang buong masayang pamilya.Si Arriane ay nag suot lamang ng malaking shirt upang maibsan ang panlalamig niya.Ngunit si Niel ay nanatiling walang pang itaas at nakasuot lamang ng maiksing short na kung saan ay bakat ang bahagi ng pagkalalake nito.Medyo may tama na si arriane kung kaya hindi niya maiwasang tapunan ng tingin ang bahaging iyon ng binata,pakiramdam niya ay bumabalik siya noong fifthteen pa lamang siya at halos pamilyar sa kanya ang nararamdaman niya ngayon.Si Niel ay inaantok narin dahil talagang napagod ito sa paglalaro kung kaya nagpaalam muna si arriane sa binata upang maasikaso ang kanyang anak.Ilang sandali pa lamang ay tulog na si Niel kung kaya tumayo si arriane upang magbihis na muna sana dahil kanina pa umiiba ang pakiramdam niya.

Próximo capítulo