Maundy's POV
"MONAAAY! SORRY NA!" sabay-sabay na sabi ng tatlo.
"Ang mahalaga 'di ba umamin ka na, 'di ka na mahihirapan sa pagtatago niyan," sabi pa ni Clarice.
"Troot cake!" pagsang-ayon ng Bruhang si Rosas na kanina pa talaga ako tinutukso-tukso!
"Manahimik nga kayo," inis ko kunyaring sabi at para naman silang hindi maamong tuta na sumunod sa sinabi ko. "Nyeta kayo, napaamin ako. Mighad! Hiyang-hiya ako, pero..."
"PERO, ANO?!" sabay na naman nilang tanong. Pagpasensyahan niyo na, nasanay sa sabayang bigkas 'tong mga 'to.
"Chill. Iyon na nga, nahihiya talaga ako, I felt the awkwardness, pero...masaya ako, masayang-masaya," nakangiti ko talagang sabi.
"OMG!" oh, sabayang bigkas na naman. Hay!
"Monaaay, kinikilig ako!" sabi pa ni Joy.
"At bakit naman? Ikaw ba 'yong ginusto ko at ikaw ang kinikilig diyan?" pabalang kong tanong.
"Heh! Kinikilig ako sa love story niyo."
"Ayan, sa ibang love story na lang kinikilig," singit ni Rosas na talagang halata sa tono ng pananalita ang panunukso.
"Palibhasa iniwan ng baklang si Jazz kaya walang love life," sagot naman ni Joy. Hahaha, foul!
"Che! Ilunod ko sa dagat 'yang Spade mo, eh," mataray pang sagot ni Rosas.
"Try mo, hahanapin ko si baklang Jazz at—"
"At ano?!" gulat na gulat talagang tanong ni Rosas. "Ilulunod mo rin sa dagat?" dagdag pa niya.
"Hindi, hahalayin ko, mainggit ka," sagot ni Joy at ayan ang Bruha todo simangot.
"Napakatalino!" natatawa kong sabi.
"Pero, mabalik tayo sa'yo, Monay," biglang sabi ni Clarice. Super seryoso naman ang Bruhildang 'to ngayon. "Ano na ang mangyayari sa inyo ni Chal Raed? I mean, kailan mo planong sagutin?" this time, nakangisi na siya. Binabawi ko na 'yong super seryoso siya, kasi hindi pala! Huta! Balik panunukso na naman 'to. Bahala na nga.
"Hindi ko pa alam. Kakaamin ko lang tapos sasagutin ko na agad? Papahirapan muna, kung susuko edi tapos, kung gumugora at lumalaban pa rin, edi sasagutin na," sagot ko naman.
"Charot! May lahing Maria Clara, pinay na pinay!" natatawang sabi ni Joy. Loka-loka!
"Ligaw-ligaw pang nalalaman, mamatay rin naman," sabi pa ni Rosas.
"WALA KA KASING LOVE LIFE!" sabayang bigkas naman kami nina Joy at Clarice. Galing!
"Duh! Says who? Pakita ko pa sa inyo convo namin, and take note, ako lang ang may alam kung asan siya. Don't underestimate the beauty of Rose Madrigal, people," talagang taas noo niyang sabi!
"Hoy, iba ka, Te! Ikaw lang may knows saan si Baklang Jazz!" wow na wow talagang sabi ni Clarice.
"Syempre, Fafs ko siya," sagot naman ni Rosas.
"Ikaw na! May pa text-text pa kayong nalalaman, mamatay rin naman," pagbabalik ko pa sa sinabi niya.
"Che! Ilunod ko sa dagat 'yang Chal Raed mo nang wala ka nang soon-to-be jowa," sagot niya.
"Mauuna ka munang malulunod saka mo siya malulunod," sabi ko.
"At bakit lulunurin mo 'ko para sa Chal Raed mo, ha?"
"Oo naman. Ikaw ba ang soon to be jowa ko para ikaw ang ma save? Hala, ilulunod ko na lang ang sarili ko, no."
"AYIIIIEEEE!"
"Ano na naman? Ba't may pa-ayiiieee?" inis ko kunyaring tanong.
"Kiniclaim na soon-to-be jowa si Chal Raed."
"Shut up, Joy, sa'n pa ba kasi papunta?" nakangiti kong tanong at ang mga bruha todo hampas sa'kin! Nyeta, mas kinikilig pa sila?! "Tama na nga, tara na balik na tayo sa resto at gutom na ako, 'di pa pala tayo kumakain, nyeta kasi kayo," tumayo na ako mula sa pagkakaupo sa mga buhangin, pero ang tatlo ay nanatiling nakaupo, "hoy, tara na!"
"Gutom nga ba, o may gustong makita?" mapanuksong tanong ni Clarice.
"Iyong tiyan ang gutom, o 'yong mga mata?" tanong naman ni Rosas.
"Eh, kung ihawin ko kayo ora mismo?" nakangiti kong tanong. "Ang dami pa namang nag-iihaw riyan sa tabi-tabi, ang dali lang makisingit," pagpaparinig ko at ayan, sabay-sabay na napatayo ang tatlo.
"Ikaw kasi, Rose, alam mong gutom na si Maundy Marice Alonzo, eh, dami mo pang kuda," sabi pa ni Joy.
"Kasalan ko ba? Si Clarice kasi, eh, binubulungan ako na tuksuhin daw muna si Maundy Marice Alonzo," sagot naman ni Rosas.
"La? Ako pa? Si Joy kaya ang nagplano na tuksuhin muna si Maundy Marice Alonzo, mapambibtang ka, ha," sabi naman ni Clarice.
Haaay! Mapapabuntong-hininga ka na lang talaga ng mas malalim pa sa deepest! Ba't ba naging best friend ko pa 'tong mga 'to, Mother Earth?!
"Tara na, Maundy Marice Alonzo, tama na ang pagtitig sa'kin, alam kong maganda ako," muling usal ni Rosas at marahan pa akong tinulak.
"Bitawan mo 'ko, baka mahawa ka sa kagandahan ko, hindi ko 'to sinishare sa mga feeling nagmamaganda," pagbibiro ko pa at agad napangawa si Rosas, napatingin pa nga 'yong ibang tao sa amin, eh, kaya sa kahihiyan ay tumakbo kami para iwan siya, pero syempre binalikan namin agad at vinideo 'yong pag ngawa niya. Bright idea, right? HAHAHA!
***
Gabi na, pero napagpasyahan ng iba—hindi mali—napagpasyahan ng tatlong bruha na mag night swimming daw kami, wala na akong nagawa kun'di ang sumang-ayon dahil lahat sila gumura sa gusto ng tatlo. Anong laban ko, 'di ba? Hindi sila kayang talunin ng ganda ko, eh. Sad! Kaya ayan pumirmi lang ako rito sa pwesto ko dahil sobrang lamig talaga, 'di ako sanay.
"Hey, let's join them," pag-aya pa sa'kin ni Chal Raed. Pero, nyeta, na stuck talaga 'yong paa ko rito sa nilulubluban ko, ang lamig talaga!
"H-Hindi na, aahon na rin ako maya-maya kaya 'di na ako magpapakalayo pa," palusot ko pa kahit talagang 'di lang ako makagalaw dahil sa lamig. Dapat kasi nag jacket ako—ay mababasa rin pala, 'no? Tanga ka, Maundy!
"Then, I'll stay here with you," aniya at pumwesto nga siya sa harapan ko. Nagulat ako nang kunin niya 'yong dalawa kong kamay at marahan 'yong hinawakan. "You're shaking, nilalamig ka ba? You should have say no nang mag-aya silang mag nag night swimming, I can stay with you in the Kubo."
"Hindi, okay lang," huta, naawkward ako, promise! Pero siya, kalma lang! Ako, tense na tense na kaya nga over 'yong panginginig ng kamay ko!
"Mon, favor please."
"Apple or grapes?"
"Pabor kasi, pabor."
"Alam ko. Ano 'yon?" bilis maasar, eh.
"Can you tell me you like me once more, please?"
Mighad!! Ano ba 'to? Bakit gan'to? Pakiramdam ko may biglaang oral recitation na nangyayari tapos 'di ako nag-aral kaya super kinakabahan ako! Huta naman this!
"It's okay if you can't, I can wait," aniya at dahan-dahang iniwas 'yong paningin niya.
Maundy naman kasi, eh! Ewan ko sa'yo! Nasabi mo nga kanina, tapos ngayon 'di na? Nakakainis ka, self!!
"C-Chal Raed," tawag ko sa kanya kaya muli siyang napatingin sa'kin. Huta! Kailan ba 'ko masasanay na super duper gwapo niya sa malapitan?! "H-Hihintayin mo naman talaga ako, 'di ba?" bigla ko na lamang tinanong.
"I am waiting and I will always do until everything gets worth it," nakangiti niyang sagot. Haaay! Nakakapanghina ng tuhod ang taglay niyang kagwapohan!
"Chal Raed, I like you," nakangiti kong sabi kaya sumibol ang todo laki niyang ngiti. Oh, ako ang dahilan niyan! Yiieee—okay, harot!
Bumitaw siya sa pagkakahawak sa'kin at nagpunta siya sa likuran ko. Dahan-dahan siyang lumapit at niyakap niya ako patalikod! Huta! Kung kanina ang lamig ngayon ang init, Mother Earth! I can feel his damn abs touched my back!! Stop this, Mother Earth, stop! Baka makasanayan ko at gustuhin kong laging mangyari! Huhuhu, ang harot!
"Maundy," bulong niya sa may tenga ko! Nyeta, so sexy!! "I will wait until that I like you finally becomes I love you," dagdag pa niya. Huta, pakiramdam ko nabaliw 'yong mga alaga ko sa tiyan! Tapos 'yong arteries and veins ko sa puso ay nagwala rin! Huta!
We stayed in that position for a moment, hindi ako nagreklamo, hinayaan ko lang siya. Napapikit ang mga mata ko nang ipatong niya ang ulo niya sa may balikat ko. Nararamdaman ko tuloy 'yong hininga niya sa may leegan ko! Bawat paghinga niya, kinikilabutan ako. Mighad! Ibang klase!
"Maundy," halos pabulong niya ng sabi. "I sincerely love you," dagdag pa niya at 'di ko naiwasang mapangiti.
Hindi ko pa kayang suklian ang pagmamahal mo, pero hintay lang dadating din tayo riyan, Chal Raed.
"Ahon na tayo, ramdam ko na talaga 'yong panlalamig mo," natatawang sabi niya at hinawakan 'yong kanang kamay ko saka niya ako marahang hinila paalis sa tubig dagat. Nagpunta kami agad sa kubo at binigyan niya ako ng bathrobe. Sinamahan niya na rin ako papuntang banyo. Gentleman, pips! "Magpalit ka na, baka magkasakit ka," aniya.
"Sige, ikaw rin," nakangiti kong sabi.
"Just text or call me if you're already in your room. Huwag ka ng lumabas at sobrang dilim na talaga," muling usal niya.
"Opo, boss...handsome?" natawa naman siya sa tanong ko.
"Sige na, magpalit ka na bukas mo naman ako landiin."
"Hoy, ang kapal!" aba, tinawanan lang ako, "hanep sa kakapalan ang noo natin ha," pagbibiro ko pa. "Sige na, gogora na ako at baka kung anong magic na naman ang sasabihin mo," tumango lang siya at akmang aalis na nang muli ko siyang tawagin, "thank you," sabi ko matapos ko siyang halikan sa pisngi! Yiieee, ang pula ng bakla! Pero, nagulat ako nang hatakin niya ako at—hinalikan ako sa noo!! The most sincere kiss of all! I've been dreaming of that 'kiss on the forehead' since natuto akong humarot—bagay na 'di ginawa ni Third noon, hanggang cheeks lang din kasi ang kissing scene namin—but, damn! Nangyari na nga! At pakiramdam ko mas lalong nagwala ang babies ko sa tiyan, arteries at veins ko sa puso!!
"Thank you, too, for giving me such overflowing happiness," he then gave me his sweetest smile before he finally decided to leave.
"MIGHAAAAAD!!!"
"Hija, gabi na, huwag kang tumitili bigla riyan, para kang alarm clock," over si Nanay na kakalabas lang ng banyo, panira ng kiligness!
"Sorry po," sabi ko sa kanya na may kasama pang bow at si Nanay ay napapailing lang habang naglalakad na palayo.
"You can now continue screaming, Miss."
Muntik na talaga akong mahimatay nang biglang may nagsalita sa likuran ko! Mighad, natanggal sandali 'yong kaluluwa ko!
"S-Sino ka?" medyo kinakabahan kong tanong.
"I'm Harris Sycip," inilahad niya pa 'yong kamay niya at imbis na tanggapin 'yon ay dire-diretso akong tumakbo.
Kahit na gwapo si Koya ay hindi pa rin ako dapat nagtitiwala, 'no, lalo na't naka all black siya, baka mamaya si taga sundo na 'yon tapos kapag tinanggap ko 'yong kamay niya ay tutungo na kaming langit—NOOO! Hindi pa nga nangangalahati 'yong story namin ni Chal Raed, eh, huwag naman masyadong advance Koyang Taga sundo, 'no? Huhuhu!