webnovel

Chapter 5 : Unexpected Visitor

Maaga talaga akong nagising ngayon para naman hindi ako laging bad shot sa kasalukuyan kong Boss, 'no. Nakakahiya naman kapag lagi akong late, mamaya niyan wala na akong sweldo dahil puro kaltas kada late. Pero, dahil ang aga ko talaga ngayon ay wala ring humpay akong napapahikab dito.

Inaantok pa talaga ako, huhuhu!

🎶 Sumakay ako sa Jeepney, ikaw ang nakatabi

'Di makapaniwala...🎶

Nagising bigla ang diwa ko matapos marinig ang kantang ipinapatugtog ni Manong Driver. Hindi ko alam kung bakit bigla na lamang sumagi sa isip ko si Englisherong Hypebeast na 'yon. Yiiee. Psh!

🎶...puso ko'y biglang sumikip at natulala🎶

Hindi naman sumikip ang puso ko, pero talagang natulala ako sa kanya, ha. Sino bang hindi? Ang cool niya kaya, kahit mukha talagang hypebeast ang pananamit niya.

🎶 Ayoko nang pumara kahit sa'n mapunta

Ayoko nang pumara kung ikaw ang kasama

Ayoko nang pumara, ayoko nang pumara

Ayoko na ahhh 🎶

Siguro nga kapag nakatabi ko ulit 'yon o kahit saan man ang pwesto niya sa jeep hindi na ako bababa pa, sasakay kami ng jeep tapos mag ki-kwetuhan hanggang sa dulo ng walang hanggan.

"Will you please move so I can sit?"

Napatingin ako agad sa lalaking nagsalita nang may gulat na itsura, pero nag pa-party na 'yong kaloob-looban ko.

"W-What's wrong?" tanong niya nang makita ang itsura ko at naglaho naman lahat ng excitement na naramdaman ko at napalitan 'yon ng disappointment.

Talagang literal na kano pala 'tong nakatabi ko ngayon. Hay! Akala ko siya na, eh, false alarm lang pala!

Teka nga!

Bakit mo ba siya iniisip, Maundy?! Bakit mo siya hinahanap?! Anong trip mo ngayon?!

Napakamot tuloy ako sa sintido ko. Ganito pala ang epekto kapag maaga akong nagising, lumilipad sa kung saan ang utak ko. Mamayang gabi, matutulog na ako haggang sa gusto ko, bahala na kung ma-late ako kinabukasan—charot! Mamaya mawalan ako ng trabaho, good game na talaga!

Kaya Maundy, mag focus ka sa trabaho mo, ha? Huwag puro harot at 'yong Englisherong Hypebeast ang iniisip mo!

Mamamatay rin naman tayong lahat, kaya mas mabuti pang trabaho na lang ang isipin mo nang mamatay ka namang may pera, okay?

"Okay, self," mahinang bulong ko at tinalikuran ang Kano na medyo na wi-wirdohan na sa akin.

Hay! Bahala siya riyan!

***

Kakaupo ko pa lang sa upuan ko, pero nakatanggap ako agad ng tawag mula kay Chal Raed at pinapapunta ako sa opisina niya.

Kainis!!!

Ang bigat talaga ng pwet ko ngayon at gusto ko pang maupo rito sa swivel chair ko hanggang sa makatulog ako, pero hello naman sa aking sahod 'no, kapag nagpatalo ako sa antok ko. Kaya kahit tinatamad ako ay nagpunta na lang ako agad sa opisina niya.

"Huta!" hindi ko talaga naiwasang mapamura saka ako lumabas agad sa opisinang pinasukan ko.

Holy cow kasi! Muntik na akong makakita ng bruskong mga bakla na mag li-lips to lips!! Mighad! Umagang-umaga, na wendang na 'ko agad!

"HAHAHAHAHA!" mula sa labas ay rinig na rinig ko ang halakhak ng dalawa. Siguro ay gano'n sila kasaya matapos maghalikan! Kadirdir!!

"Hey!" muntik na akong mapatalon sa gulat nang lumabas si Jazz at humawak pa sa balikat ko. "Come in," dagdag niya at hinila nga ako papasok sa loob. Halos 'di ko naman matingnan si Chal Raed dahil maaalala ko lang na naghalikan silang dalawa. Iwy!

"Sis, sitdown," usal ni Chal Raed na klaro sa boses na gusto niyang matawa! Hindi pa siguro nakaka move on sa nangyaring halikan! "About what you saw earlier..." ayan na, sabi na eh, ma o-open 'yon. Gusto kong takpan ang tenga koooo! ..."we're just teasing you," dugtong niya.

Napatingin ako agad sa kanya na may itsurang takang-taka at gulong-gulo talaga. Samantalang ang dalawang bakla ay 'di na magkandahumayaw sa kakatawa.

"Pinagloloko niyo ba 'ko?" tanong ko sa kanila.

"Yes, Sis," sagot naman ni Chal Raed, ang Beki na bully!!

"We really did plan to do it—I mean, positioning ourselves like we're about to do a kissing scene to see what's your reaction...and oh, you look so priceless," natatawa talagang sabi ni Jazz. Eh, kung bigwasan ko 'to ngayon!! "But, it's cute," dugtong pa niya at pakiramdam ko parang nabura 'yong pagkainis ko. Charot!

"We're not sorry, Sis," usal pa ni Chal Raed. Sumimangot nalang ako, pero tumatawa pa rin sila! Lesheng mga bully!! "Okay, let's be serious now," biglang sabi ni Chal Raed matapos nila akong pagtawanan!

Tss! Mabuti at naisip mo 'yan, Baklush, nang matapos na 'to at makatulog na 'ko, para na rin makalimutan kong pinagtripan niyo 'ko! Hype na 'yan!

"Sorry for calling you so early, but we badly need to finalize everything about the upcoming team building—" biglang siyang tumigil at tinitigan ako. Nagulat na lang ako nang inilapit niya 'yong mukha niya sa'kin! Shems!

"What's wrong?" rinig kong tanong ni Jazz.

"Did you sleep?" tanong ni Chal Raed sa'kin kaya mas lako akong nagtaka. "Ang pungay ng mga mata mo, Sis," aniya.

Ngumiti na lang ako sa kanya sabay sabing, "please continue about your concern sa team building—" pero, pinigil niya lang ako sa pagsasalita at mas lalong lumapit sa'kin!

Huta ka, Baklush! Kapag ikaw hindi umatras itutuloy ko 'yong kissing scene na hindi niyo ginawa!

Kasi naman eh, ang lapit-lapit na niya talaga sa'kin! Ang gwapo-gwapo niya! Ang hirap kumalma!

"I guess it's my fault," amoy-amoy ko na 'yong hininga niya! Mighad!! "If I didn't bring you to the bar yesterday you won't go home exhausted. I'm sorry, Maundy," dagdag pa niya at saka umatras na rin siya, pero nanatili pa rin siyang nakatitig sa'kin!

"N-no, i-it's not your fault," parang nahihiya kong sabi.

Kasalanan ng mga kuya ko 'to, eh. Imbis na makakatulog ako nang maaga kagabi ay 'di ko nagawa dahil nag k-drama session sila at 'yong pinanuod nila ay paboritong-paborito ko talaga! 'Yong Cinderella and the Four Knights! Hindi nga namin natapos eh, mamaya siguro ulit, hihihi!

"Nah, I don't think so, Sis," sabi pa niya na talagang halata sa boses na nakokonsensya siya. "Hmm, you choose, Sis. Let's talk about the finalization of the team building first, then you can have your sleep later or you're gonna sleep first and let's talk about the team building after you regain your whole energy?" tanong niya.

"I guess it's better if you sleep first, Maundy, then let's discuss that matter later. Mas mabuti 'yong may energy siya mamaya, Chal Raed nang mapag-usapan natin 'yon ng maayos," suhestyon naman ni Jazz.

Pero, tama ba 'yong narinig ko? He called Chal Raed by his name? Hindi Darling? Break na ba sila? Ay, hindi pa pala sila.

"I'll go with your suggestion, Jazz," sagot naman ni Chal Raed.

Hala, feel ko talaga LQ sila!

"Sandali," usal ko. Dahil dakilang tsismosa ako itatanong ko nalang dahil baka iyan ang magiging dailan kung bakit 'di ako makatulog ngayon. "Bakit...hindi Darling ang tawagan niyo?" at sa wakas ay naitanong ko rin,  "curious lang ako ha," dugtong ko.

Ngumiti si Chal Raed sabay sabing, "because we're inside the company."  Gano'n ba 'yon? Iba sa labas tapos iba rin sa loob ng kompanya? Eh? "We need to be professional," dugtong niya. Wow! Professional daw, eh kanina nga pinagtripan nila ako, napaka'imature kaya no'n! Tss!

"No more girl stuff, long hair, make up, high heeled shoes, and of course, no more landian," singit pa ni Jazz. Natawa ako sa 'no more landian, ha', kawawa naman ang mga 'to.

†"Alright, I forgot, I need to call you by your name na pala, not Sis. Baka kasi mamaya ma issue pa na magkapatid tayo eh, ang pandak mo at ang tangkad ko, tsaka hindi mo rin ka level 'yong ganda ko," pigilan niyo 'ko baka makasapak ako ngayon ng bakla! "Just kidding!" nag peace-sign pa ang Bruha!

Tss, it's not funny, Chal Raed!! Bigwasan kita riyan eh!

Pasalamat talaga siya at ang gwapo niya ngayon—wait, ngayon ko lang napansin na pormal na pormal pala silang dalawa. Parehong naka suit at lalaking-lalaki talaga!

Kung ganyan lang sila araw-araw ay malamang busog din araw-araw ang mga mata ko at ang mga mata ng iba pang mga babae rito.

In fairness ha, kanina laman sila ng usap-usapan ng mga babaeng employado rito, pati nga rin mga lalaki, eh. Ibang klase ang kamandag ng mga baklush na 'to. 

"Hmm, ibig sabihin ba nito, tatawagin na kitang Boss, Chal Raed at Sir naman sa'yo, Jazz?" tanong ko nang mahimasmasan ako kakausap sa sarili ko.

"Yes, if we're with other people, call me Boss. But, kung tayo-tayo lang, it's Boss Gorgeous," ngiting-ngiti talaga na sabi ni Chal Raed. Haynako!

"And, Sir Gorgeous naman sa'kin," usal naman ni Jazz. Hay! Pati ba naman siya?! Kaloka!

"Ewan ko sa inyo," inis ko kunyaring sabi at syempre tinawanan lang nila ako.

What's new? Seems like I'm their clown, ha. Indeed, bullies!

"Go now, Sis, sleep and have a sweet nightmare...Joke!" at nag peace-sign na naman po si Baklang Chal Raed! Huta!

"BULLY!"sigaw ko sa kanila saka ako tuluyang lumabas, pero binuksan ko ulit 'yong pintuan at bumungad naman sa'kin ang nakangising mga Baklush! "Bye!" sabi ko at saka muli 'yong isinara.

Ewan ko ba, parang hindi na ako natatakot sa kanila. Kung dati parang ayoko na maging Boss si Chal Raed, pero ngayon okay na okay na!

Masyado kasi akong nega kaya gano'n na lang 'yong nasabi ko, pero ngayong alam ko na na friendly sila at super bully ay parang ang gaan-gaan na ng pakiramdam ko at feeling ko super close na rin kami. Ang sarap din naman sa feeling, 'no.

***

Nagising ako bigla nang may kumatok sa pintuan, medyo nakakainis, 'no? Ang ganda kasi ng panaginip ko. Naging si Eun Ha-Won ako at maghahalikan na sana kami ni Kang Ji-Woon tapos bigla-bigla na lamang akong magigising? Huta talaga! Kapag ito hindi importante ang sasabihin sisipain ko 'to papuntang North Korea!

"Come in!" kahit labag sa kalooban ko ay sinabi ko pa rin 'yan.

"Good noon. I'm looking for Mr. Chal Raed—" pinutol ko agad siya sa sasabihin niya at tumuro sa may gilid ko.

"That's his office," sabi ko sa lalaking 'to. Nasa iisang room lang naman kami ni Chal Raed eh, tapos may isang room ulit at doon ang office niya.

"They said I need to talk to his secretary first, so she can set me an appointment with him," aniya. Tumango-tango naman ako at inabot 'yong sched ni Chal Raed. "You're a bit familiar," rinig kong sabi niya.

"You, too," wala sa sariling sabi ko.

I heard him laughs. Did I say funny joke? Lol. "Why don't you open your eyes and lift up your head so we can both see each other," aniya.

Oo nga pala, nakapikit pa rin ako! Huhuhu, baka isipin nito wala akong respeto!

"Sorry—" napatigil ako sa pagsasalita nang makita kung sino itong lalaking nasa harap ko. Normal lang ang tingin niya sa'kin, pero ito ako, gulat na gulat!

Ano kayang trip niya at bakit niya hinahanap si Chal Raed? mag Ex-jowa kaya sila?

Huhuhu, huwag naman sana!

Próximo capítulo