"There was a girl name EYEDI a nerd girl who fell inlove with a hansam prince name VAN."
"Whooooa ginawa mo pa talagang character ang style mo ah eyedi."
"Hindi naman.. i just love my name."
"Wushuuuuu tapos sino na naman yang VAN na yan?"
"Si van ang hansam prince na character ko sa wattpad.. can you imagine yung looks nya the way i describe him?"
"Parang sya?"
Napatingin ako sa lalakeng kakapasok lang ng room.
"Oh my god."
Hindi ako makapaniwala kase para syang character sa wattpad.. GWAPO,MATANGKAD,MEDYO CHINITO Almost perfect guy oh my god..
Huli ko nang napansin na nakatitig pala ako sakanya.
"Omo."
Ops ako nga pala si EYEDI a 3rd year student.. sabi nila isa daw akong nerd pero diba pag nerd matalino? Eh bat ang bobo ko? Hahahaha oh well di naman ako to the max na bobo weirdo nga lang daw ako.
Umupo nako sa tabi ng bestfriend ko si trixie ang over over sa talino dito sa classroom.
Nasa gitna kami ng klase ng biglang nagkakagulo sa labas.. yun pala ang daming babae sa labas at hinihintay matapos ang klase namin ehem.. hindi kaya hinihintay lang nila tong bagong lipat? Hmmmm.
"Class? I want you to introduce yourself one by one."
Isa isa ng nagpakilala ang mga classmates ko.. at dahil first day kailangan namin magpakilala isa isa. Nong turn ko na di ko pa narinig dahil nakatingin lang ako sa bagong lipat na kasalukuyan nakatingin lang sa bintana.
"Wuy bes! Ikaw na."
"Huh? Ako na ba?"
Tawa naman ang mga classmates ko. Tumayo nako at nagpakilala sa lahat.
"Hello my name is EYEDI CONCEPTION call me Eyedi for short."
"Ok next?"
Tumayo na si crush😊 actually katabi ko lang sya at ang bessy ko nasa unahan ko lang.
"Ako si IVAN MONSANTO call me VAN for short."
Napalingon ang best friend ko at pati mga classmates ko na kanina lang kinukwentuhan ko about sa sinulat ko sa Wattpad. Huli ng nag sync in sa utak ko at napatingin ako kay VAN.
Totoo ba to? O nagkataon lang na van ang pangalan nya? Whoooooa this is soo amazing.
"My dumi ba ako sa mukha?"
Si van na ngayon nakatingin na sakin.
"Wa-wala ehe."
"Hm."
Omooooooooooo ang gwapo nyaaaaaa.
Nong breaktime na namin lumabas na kami ni bestfriend habang si van ayun pinagkakaguluhan ng mga babae.
"Bes? Can you imagine? Yung character ko sa wattpad😱 nag exist?"
"Sus! Nagkataon lang yan bes! Wag mangarap ok?"
"😞siguro nga."
Ilan sandali lang ang break at bumalik na kami sa classroom.. syempre excited akong makita si hansam prince.
"Bes? Si hansam prince oh."
Napatingin ako kay hansam prince ng makita kong my babae na nakaupo sa chair ko. Hmmmm NO WAY!
"Excuse me sabrina!! Ako nakaupo dyan!"
"Hay nako! Pwede bang mag changed nalang tayo? Duon kana sa unahan tutal Hirap mo naman makaintindi."
"Ayoko nga!"
"Hay nako.. trixie pwede ba! Pagsabihan mo yang si eyedi?"
"Trixie.. alam mo naman na favorite place ko yan diba?"
Hay nako trixie subukan mo lang talaga paalisin ako dito nako! Di talaga kita papansinin hmmm!
"Sabrina! Si eyedi naman talaga ang nakaupo dyan! Soo if i were you! Go back to your proper seat. Kung umupo kalang dyan kase gusto mo yang katabi si van mas mabuti pang umalis kanalang dyan ok?"
Hay nako iba ka talaga best friend 🤓🤓🤓 hindi na pumalag pa si sabrina kaya umalis na sya😏 at si van eto.. nakaupo lang at parang walang pakialam sa earth. Hmm makaupo na ngalang.
Subukan ko kayang kausapin sya? Hmmm.
"Hi van."
"Oh?"
"Ako nga pala si eyedi."
"Nice to meet you.🙂"
Para akong naka jackpot sa lotto akalain mo? Kinausap nya ako omooooo.
"Ahmm van? Kumain kana?"
"Huh? Bakit?"
"Wala lang.. kase kung gutom ka my sandwich ako dito sa bag.. kung gusto mo."
Hindi na sya nagsalita at ngumiti nalang sya sakin.. kaya naman inabot ko nalang sakanya ang sandwich ko. Akala ko hindi nya kukunin pero salamat at kinuha nya.
"Salamat sa sandwich eyedi."
Oh my god! Is this real? Akalain mo? Tinawag nya ako sa pangalan ko? Goush goush this can't be.
"Ok kalang?"
Omg! At ngayon kinakausap na naman nya ako.
Ilan minuto lang at my naramdaman nakong nakapoint sa ulo ko. And goush Nag Ti-TRIP lang pala ako. Kanina pa pala ako nakatunganga sa salamin huhuhu akala ko totoo ng kinausap nya ako.
"Ok kalang?"
No way panaginip lang to.
"Eyedi right? Ok kalang?"
Goush kinakausap nga nya ako.
"O-ok lang ako."
"🙂 mabuti naman.. kanina kapa kase nakatunganga dyan."
"Ah ehe.. umm kumain kana?"
"Oo kanina lang.. "
" san? San ka kumain?"
"Sa rooftop.. "
"My pagkain ba dun?"
"Hahahahahahahaha syempre bumili ako sa canteen at nagpunta ng rooftop inip na inip na kase ako sa mga babae kanina.. lalo na sa babaeng yun."
He pointed sabrina.. whahahahah papansin naman kase.
"Ahhh hehehe.."
"Sa uulitin pwede bang samahan moko kumain?"
Hindi ako makapaniwala sa sinabi ni van.. totoo ba to? Niyaya nya ako?
"Eyedi?"
Si van na nakatingin lang sakin.
"Ahhh Oo sige 🙂"
"Sama ako dyan."
Si best friend na umepal.
"Oo naman syempre best friend kita kaya kasama ka."
Ngumiti lang si Van.
Nextday:
Maaga pakong pumasok syempre excited akong makita si van..
Crush ko na ata sya omo..
Oh well describe ko sarili ako I'm a nerd pero di matalino.. mahilig ako mag talih ng dalawa sa buhok gaya ni bubbles ng powerpuff girls.. at my bangs din ako kpop lover din kase ako at naka Nerdy 🤓 glasses malabo kase ang paningin ko.
At si trixie na kaibigan ko oh well almost perfect sya kase maganda,mayaman,sexy,matandkad almost perfect naba .. tawag sakanya princess kase nagiisa syang anak ng businessman na ka sosyo naman ng papa ko.. oh well we're both princess ehe princess ng tatay namin dalawa actually kaya kami naging bestfriend kase Childhood best friend din ang mama at papa namin kaya naman childhood bestfriend din kami ni trixie. Kaya nga lang opposite naman kami. Haaaaay i wish na sana kasing ganda ko rin sya huhu.
"Ok kalang?"
Biglang my nilalang na bumulong sa tenga ko at bumilis ang tibok ng puso ko ng makita si Van omg.
"Oh? O-oo ok lang ako."
"Ang aga mo ata?"
"Ahhh ganito naman kase ako lagi.. minsan pag wala akong ginagawa nililinisan ko nalang ang classroom."
"Ahhhh swerte naman ng classroom."
"Huh?"
"Wala ehe."
Hindi ko alam kung anong magiging reaction ko basta im soo happy.
"Uhmmm eyedi?"
"Oh?"
"Pwede mo ba ako ilakad kay trixie?"
"Huh?"
"Gusto ko sya.."
"Huh? Oo sige."
Hindi ko alam ang magiging reaction ko.. pero sino ba naman ako? Isa lang naman ako di hamak na panget? Nerd na panget. Nakakalungkot man isipin na yung imaginary van ko ay di pala talaga nag exist. Oo kapangalan pero nagkataun lang.
Lumipas ang mga araw.. araw araw ko ng kasama si van at syempre ang crush nyang si Trixie. Ayoko magalit kay trix syempre kaibigan ko sya..
Nasa Rooftop kami ni trixie ngayon at naisipan kong sabihin nalang sakanya yung rason kung bakit lagi kung kasama si van..
"Trix?"
"Uhm?"
"Gusto ka ni van."
"Huh? Seriously? Akala ko dating kayo."
"Hindi.. ayaw nya sakin.. gusto ka nya trix.."
"Tapos?"
"Gustuhin mo nalang sya."
"Are you crazy? Tsssss bakit ko naman magugustuhan ang lalakeng gusto ng bestfriend ko?"
"I want him to be happy trix"
"Soo ganun? You want him to he happy? Pano naman ako?"
"Trix..so-so"
"Shut up! Dyan kana!"
Hindi ko alam pero grabe naiinis nako sa sarili ko..
"If you love that person fight for it."
Napalingon ako sa lalakeng nagsalita mula sa likuran ko. Isang lalakeng nakapamulsa na nakasuot ng white tshirt na nakasandal mula sa likod. Mukha syang prinsipe ayun sa itsura nya.. haist here i am again hmmm tss.
"Para san? Hindi naman ako ang gusto nya eh.. atsaka imposibleng magustuhan nya ang tulad ko."
"Ayun sa itsura mo maganda ka naman.. konting ayos lang.. "
"Huh?"
"Ako nga pala si Troy." Si troy na nakipag shake hands sakin.
"Ako naman si eyedi." Ako na nakipagshake hands narin syempre.. ang rude ko naman kung di ako makikipag shakes hands.
"Nice to meet you eyedi."
"Nice to meet you too troy."
Hindi ko alam pero my kakaiba sakanya.. nong hawakan ko ang mga kamay nya para syang yelo sa sobrang lamig pero parang comfortable ako.
"Pwede ba tayo maging magkaibigan?"
Si troy na ngumiti sakin oh my god he's really hansam. Tatawagin ko syang rooftop prince.
"Oo naman .. Bakit naman hindi."
"Simula ngayon.. magkaibigan na tayong dalawa."
Nginitian ko lang sya..
_
Palagi nakong nasa rooftop sa tuwing Break namin sa school madalas ko narin sya nkakausap actually close na close na nga kami eh😂 as in super duper close.
"Ahm troy sa tingin mo ba magugustuhan ako ni van?"
"Uhmmmm Oo kung marunong kalang mag ayos.. "
"Bakit panget ba ako?"
"Hindi naman.. sabihin na natin iba talaga kase ang tipo ng mga lalake ngayon Tulad ko syempre gusto ko din ng maganda sexy at hindi baduy manamit."
"Sooo baduy pala ako? Grabe ka naman sakin.."
Bigla syang lumapit at inakbayan ako.
"Subukan mo kayang mag ayos."
"Nakaayos naman ako."
Bigla syang napatingin sakin.
"Seriously? Nakaayos na yang ganyan sayo?"
"Oo.. tsaka eto na yata ang pinaka magandang ayos ko."
Bigla syang natahimik totoo naman ah.. eto na talaga yung pinaka magandang ayos ko.
"Oh natahimik ka?"
"Wala ako masabi hahahaha.. sige maiwan na kita dyan."
Umalis sya nong lingunin ko sya bigla syang nawala.
"Grabe naman yun.. agad agad na nawawala hmmm.. makababa na nga."
Nong akmang pababa nako nakasalubong ko si van.
"Oh van?"
"Ano ang ginagawa mo sa rooftop eyedi?"
"Ahhh ehhh wala ehehe."
Syempre pag sinabi ko my kinakatagpu ako ditong lalake baka magselos sya at di nya nako magustuhan.advance kase ako mag isip.
"San ka pala pupunta van?"
"Wala balak ko sana magpahangin kaso nandito kana eh.."
What? Hinihintay nya ako? Waaaah kinikilig ako.. omg pigilan nyo ako! pigilan nyo ako! Ok ang oA ko haha ah basta kinikilig ako.
Ilan sigundo rin at sabay na kaming naglakad papuntang classroom ni Van. Syempre girls everywhere noh! Tingin dito inggit dito wahahahahaha ako na ata ang dyosa. Whoops hahaha.
Nakasalubong namin si trixie na kasalukuyan my dalang mga libro.
"Trix."
Ako na lumapit.
"Hi Eyedi.."
"Matalino kana.. bakit kailangan mo pa ng madaming libro?"
"Oo nga trixie.. ikaw na yata yung pinaka perfect sa mundo pero bakit ganyan kadami?"
Si Van na kinuha na yung iba pang libro kay Trixie.
"Gagamitin kase ni Deo."
Si Trixie na nagsalita habang nagbablush.oh my god don't tell me yung tipo ni best friend ay katulad ko rin.
"Sino si Deo?" Si van na kanina pa pala nakatingin kay trixie.
"Si Deo.. ang ultimu crush ko." Sagot ni trixie sa tanong ni van.
"Si DEO yung Top 1 sa klase natin yung sa unahan ni trixie nakaupo yung maingay na nerd pero matalino?"
"What??? Ganun yung tipo mo?"
Si van na biglang tumaas ang boses.nagseselos ba sya? Gusto ba nya si trixie?"
"Oo bakit? Anong pakialam mo? E sa ganun ang tipo ko eh! Akin na nga yan!"
Si Trixie na kinuha yung Book na kanina kinuha ni van para tulungan sya.
"Let's go eyedi!!" Si trixie na hinila ako.
Hindi ako makapaniwala sa naging reaction ni Van nong malaman nya yung feelings ni Trixie kay Deo.. gusto ba nya si trixie? Biglang sumikip ang dibdib ko..
nong makarating kami sa classroom nakita namin si Deo na nakikipaglokohan sa classroom..
"Hi Deo.. eto na pala yung Book na gusto mo."
"Huh? Hiniram mo ba yan lahat sa library?" Si Deo na lumapit kay trixie.
"Oo.. diba sabi mo gusto mo magbasa?"
"Ahhh ehe Oo salamat trix ah."
Bigla naman namula si trixie ng tapikin sya ni Deo.
"Eyedi nakita mo? omg! Hinawakan nya ako."
"Trix hinawakan ka lang sa braso ok? Maghunustili ka."
"Kahit na.. oh my god.. di ako makakatulog nito."
"Trix we all know na my girlfriend sya."
"Girlfriend? O baka imaginary girlfriend.. Kung my girlfriend sya e di sana matagal na natin nakilala."
"Hay nako.. gutom ako kaya mabuti pang e libre moko."
Lumabas na kami sa classroom habang naglalakad kami pababa ng hagdan nakasalubong namin ang MUSE ng last section na si GWEN STEFAN. Maldita sya at hindi friendly pero madami syang Buntot.
Nagbanggaan sila ni trixie at napatigil naman kami sa paglalakad.
"Sorry." Ako na dumipensa.
"Bakit ikaw ang nagsosorry? Hindi naman ikaw ang my kasalanan."
Si Gwen na tumingin sakin at pagkatapos binawi din agad at tumingin kay trixie.
"Bakit hindi ikaw ang magsorry?" Nabigla naman si trixie.hindi naman nagpatinag si trixie at tinignan nya mata to mata si Gwen.
"Bakit ako magsorry?"
"Dahil binangga moko? O dahil sa pagiging malandi mo?"
"Malandi? Tssss are you describing yourself?" Si trixie na tinignan sa mata si Gwen.
"Hahahaha No! I'm describing you.. di paba halata? O mas gusto mo e turo pa kita." Si Gwen na naka smirk lang at nakatingin kay trixie.
"Hay nako! Nag aaksaya lang ako ng oras sa taong katulad mo! Time wasted tsss let's go eyedi."
Nong akmang paalis na kami biglang nagsalita si Gwen.
"Time wasted! Tama ka! Nag aaksaya ka lang ng oras! Dahil ang gusto mong maging sayo hinding hindi magiging sayo. Hmm 👋 bye."
Si Gwen na kumaway pa at umalis.
"Nasisiraan ba ang babaeng yun?" Si Trixie na inis na inis.
"Easy ka lang.. talagang matatalo ka nya kase nga Yung babaeng yun ang DISASTER dito sa campus!"
"What do you mean?"
"Disaster! Nong 1st year palang tayo we all know na madami nagkakagusto sa kanya pero di nya pinapansin! Let's just say na disaster sya satin mga girls pero sa boys DIWATA sya. At kahit san lugar di maiiwasan na hindi man lang sya lingunin ng mga lalake.."
"Hindi naman sya maganda!"
"Oo syempre satin mga babae di sya maganda pero sa mga lalake.. isa syang DYOSA pero trix ayun sa mga naririnig ko..Mabait daw si Gwen maldita lang."
"Hindi sya mabait!!!!! Bwisit sya!!!!"
Nong makarating kami sa canteen nakita ko my isang table na walang tao kaya nagmadali akong umupo.. at si Trixie nag order na para samin dalawa.
Habang nakaupo ako sa canteen natatanaw ko dito ang rooftop and yes andun si. Rooftop prince na kumakaway sakin.. kumaway din ako.
"Sino kinakaway mo? " si trixie na nagtatanong.
"Si rooftop prince.. ayun oh" nong akmang ituturo ko na biglang nawala.
"San? Wala naman ah."
"Umalis na."
"Sino ba yun?"
"Si troy na nakilala ko last last last week."
"Huh? Troy? Anong section? Kakaiba pangalan ah."
"Hindi ko alam hahahah kain na."
After namin kumain bumalik na kami ng classroom at umupo narin sa kinauupuan namin.
Pagkatapos ng klase pauwi na sana kami kaso si trixie.. si Van naman hindi na pumasok at si trixie ayun nakabuntot sa likod ni Deo.
"Deo pwede tayo magtext?"
"My girlfriend ako."
"Sus! Imaginary girlfriend?"
"Hindi."
Natahimik kami ng pumasok si Gwen ng last section.
"Ano ang ginagawa mo dito?" Si trixie na nakatingin kay Gwen.
"Bakit? Sinusundo ko lang naman ang Boyfriend ko."
"Boyfriend?" Sabay kami ni trixie nagsalita at mas lalong kinabigla namin ng hawakan sya sa kamay ni Deo.
"Girlfriend ko nga pala." Si Deo na pinakilala ang kasintahan nya.
"Hehe nakilala na namin sya kanina Dey.. Di lang talaga namin alam na girlfriend mo pala sya." Ako na napakamot sa ulo.
"Ganun ba? O sige mauna na kami.. Trixie?" Si Deo na nakatingin kay trixie.
"Uhm?"
"Thankyou."
"Huh?" Si Trixie na konti konti nalang maluluha na.
"Sige mauna na kami." Tsaka umalis ang dalawa habang si trixie naiwang sawih.
"Eyedi.." si trixie na ngayon nakahawak sa mga braso ko. Niyakap ko nalang si trixie alam ko kailangan nya ng comfort for now.
_
Nextday
As usual nasa rooftop na naman ako pero wala si Troy.
"Nasaan kaya sya?" Habang naghihintay tinatapos ko ang storya na ginagawa ko sa wattpad.
Mag 30 minutes nako dito pero di ko pa sya mahagilap.
"Troy.. nasaan kaba?" Ako na tumayo at naglalakad lakad.
Habang naglalakad lakad ako bigla akong my naramdaman na yumakap mula sa likod ko.
"Namiss moko?" Parang huminto ang tibok ng puso ko nong yakapin nya ako mula sa likuran.
"T-T-T-Troy.."
"Oh Bakit ganyan ang boses mo?" Si troy na hinawakan ako sa braso at iniharap sakanya.
"W-wala." Napahawak ako sa Puso ko na kanina pang gustong sumabog.
Bigla syang ngumiti sakin na pinagtataka ko naman.
"Masaya ka ata troy."
"Ehe halata ba?"
"Oo sobrang halata." Bigla syang yumakap sakin ng mahigpit.
"Masaya lang ako dahil.... masarap mabuhaaaaaay.."
"Ang weirdo mo." Yun lang ang kaya kong isagot sakanya.. ikaw daw yakapin ng sobrang higpit ng isang gwapong nilalang hindi ka kaya mauutal? Wushuuuu.
"Nga pala ano na?"
"Ang ano?"
"Sa lovestory mo."
"Ahhh hmmm feeling ko troy di nya ako gusto."
"Malamang.. magugustuhan kaba nya kung ganyan ka?" Tinignan nya ako mula sa paa hanggang Ulo. Kaya hinampas ko sya ng bag ko.
"Ang mean mo."
"Ehehe.."
"Gaya siguro ni trixie ang tipo nya.. kase she always stare at trixie kahit ako pa ang nasa harap nya."
Ngumiti lang sya sakin at tinignan ako sa mata.
"Bakit?" Nagtanong ako eh kase naman para syang weirdo.
"Gusto mo ng make over?"
"Make over?"
"Yes! At my kilala ako.. pero promise me one thing wag na wag mong sasabihin sa kanya na ako ang nagsabi sayo ah.."
"Huh?"
"Sige na.. hali ka na."
"Sasamahan moko?"
"Ihahatid lang kita.. tapos ako? Mamamasyal.. susunduin nalang kita pag tapos kana ok? Make me proud Eyedi." Si troy na hinawakan ako sa kamay.. as usual sobrang lamig ng mga kamay nya.
Pumunta kami ni troy sa isang Salon na sobrang lake at ganda nong papasok nako biglang nawala si troy sa tabi ko.
Habang palingon lingon ako my isang magandang babae ang lumapit sakin.
"Hi.." yung babaeng mala dyosa ang itsura.
"Hello po.. ahmmm pwede nyo po ba ako pagandahin?" Bigla syang ngumiti at tumango sakin.. inalalayan nya ako papasok at pinaupo sa isang Upuan na my kaharap na sobrang laking salamin.
"Anong pangalan mo?" Tanong sakin nong babae na ngayon tinanggal ang Braids ng buhok ko.
"EYEDI po."
"EYEDI? ah.. " Biglang nalungkot ang mukha nya pero napawi naman ng ngiti nong magtugma ang mga mata namin tsaka nong si ate girl na ngayon tinanggal naman ang salamin ko. At nilagyan ng konting face powder at blush on sa pisngi nilagyan nya ako ng contact lens at plinantsa naman ang buhok ko na sobrang haba. pinutulan nya ang dulo ng buhok ko at pinalitan ako ng uniform. Kung ang uniformed ko ay mala santa clause sa sobrang laki ngayon mala Sexy na ang peg na fitted sa katawan ko at yung skirt na iniingatan ko na lampas tuhod ay nasa legs ko nalang, napaka uncomfortable 😣
"Tumayo ka." Pinatayo na ako it iniharap sa salamin.
"Wow." Napa wow ako kase grabe ang pagbabago. Ako ba talaga to?
Di ako maka get over kaya naman paikot ikot ako sa salamin.
Biglang natawa yung babae.
"Kung andito lang sya." Biglang sumimangot ang mukha nya.
"Sino po? Tsaka Ok lang kayo?" Ako na lumapit sa kanya.
"Naalala ko yung kapatid ko. napaka cute nya din bata at studyante din na katulad mo. Malambing sya ma respeto."
"Nasan po sya?"
"He's in a coma because of accident na nangyari sakanya 5 months ago.. and we're still praying na sana magising na sya."
"Nakakalungkot naman yun ate.. pero sige ipagpapray ko po sya." Ako na hinawakan si ate sa kamay. Ngumiti sya sakin at hinawakan ako sa ulo.
"Kung nandito sya ngayon.. im sure masaya syang makita ka ."
"Po?"
Hindi ko man halos maintindihan. Sinagot ko nalang.
"Ang kapatid kung yun mahilig sa kwentong ugly duckling turn to swan."
"Talaga po? Yung si missshinn ba yung author? Yung maru ang character?"
"Whoooa mahilig kadin dun?"
"Opo.."
"Kung nandito sya im sure masayang masaya yun.." Inayos nya ang buhok at damit ko at ngumiti sakin.
"Job well done.. chin up kalang ah."
"Opo.. magkano po ba ate?"
"Wag na.. gusto naman kita kaya libre ko na sayo." Para akong naka jackpot ng lotto. Pagkalabas at pagkalabas ko ng Parlor hinanap ko si Troy pero hindi ko mahagilap hanggang sa makarating sa isang lugar na puno ng mga bulaklak.. Bumungad sakin ang mala prinsipeng lalake tsaka ko naalala si Troy pala.
"Wow." Sya na nakatingin sakin mula ulo hanggang paa.
"Panget ba?" Ako na nakahawak sa maikli kung skirt.
"Hindi.. ang ganda mo nga eh. Para kang dyosa." Sya na umakbay sakin. Hindi ko alam kung ano ang magiging reaksyon ko pero masaya ako sa tuwing kasama ko sya.
"Pano ba Eyedi 20 steps nalang malapit ka na sa gate ng school." Si troy na ngumiti sakin.
"Oh pano eyedi? Mauna na ako?" Tumakbo sya papasok sa gate. Hinabol ko sya pero bigla syang nawala.. naglakad ako sa pathway hanggang sa makabangga ko si Van.
"Sorry." Ako na nakayuko.
"Ok lang.." si van na nakapamulsa at tumingin sa kin ng deritso.
"Bago ka ba dito miss? Nagkakilala naba tayo?" Sya na tinititigan lang ako haleeeeeer van ako to noh si eyedi tsk tsk.
"Wow!"
Napalingon ako sa nagsalita.. ang Bestfriend ko pala na palapit samin.
"Oh my goush.. nananaginip ba ako?" Si trixie na hinawakan ako sa mukha at tinignan ng maigi ang ayos ko.
"Magkakilala kayo trixie?" Si van na nagtataka.
"Haleer van? Seriously? Di mo to nakilala? Kahit balatan pa to makikilala at makikilala ko to." Si trixie na inakbayan ako.
"Si eyedi to noh!!" Halata naman nabigla si Van at nilapitan ako.
"Wow! Ang ganda mo pala." Si van na nakangiti sakin.
"Salamat.. pero seriously? Di moko nakilala?"
"Oo ibang iba ka kase kaysa kanina."
"Dahil to kay Troy." Ako na nakangiti sa kanila. Bigla naman nagtaka si Trixie.
"Troy?" Si trixie na nagtataka.
"Oo Troy.. nakilala ko sya sa rooftop." Mukhang malalim ang iniisip ni trixie kaya inakbayan ko nalang sya.
"Tara na.. wag kana mag isip dyan.. makikilala mo din sya soon.. ok? Tara na Van.. gutom nako eh libre nyo ako ah."
"As usual." Si trixie na natawa.
Lahat ng nakakasalubong namin ay nakatingin sakin.. hindi ko alam kung anong magic spell ang binigay sakin ni ateng dyosa. Pero thankful nadin kase malaking pagbabago ang ginawa nya..sana naman sa spell nato magustuhan nako ni van.
Pagkatapos namin kumain dumiretso na kami ng classroom.. at huli ko ng napansin na magkahawak kamay si trix at Van. Nong lumingon ako biglang bumitaw si Trix. Umupo nako sa upuan ko at si van na katabi ko nasa tabi na ni trix at katabi ko na ngayon si Deo ang dating kinababaliwhan ni Trixie. Anong meron? Bakit sila magkatabi?
"Ang ganda mo." Nabaling ang tingin ko sa nagsalita. Si Deo pala na kanina pa nakatingin sakin.
"Salamat."
"Tignan mo.. lahat sila nakatingin sayo."
Huli ko ng napansin na nakatingin pala sakin ang mga classmates ko.
"Bakit sila nakatingin sakin Deo?" Ngumiti si Deo at hinawakan ako sa ulo.
"Akalain mo yung ugly duckling naging swan."
"Huh?"
"Masyado ka ng maganda kaya pinagtitinginan ka nila.. im sure bukas mapupuno ang locker mo." Si Deo na ngumiti at binaling na ang tingin sa iba.
Ako? Gumanda? Oo gumanda nga ako pero.. yung puso ba nya nabihag ko?
Buong gabi ako nagisip at nakaharap sa salamin.. nakasuot ako ng puting pajama at Tshirt ng my bumabato sa bintana ko.. pagkasilip ko isang madaming paper airplane ang nakasabit sa bintana ko pagkasilip ko si TROY na nakasuot parin ng Uniformed at nakangiti sakin mula sa baba.
"Pasok ako dyan." Si troy na umaaction na papasok daw sya.. pabulong naman ako na.
"Hindi pwede andito si mama."
Hindi sya nakinig umakyat sya sa puno namin at dumiretso sa bintana ng kwarto ko.. pumasok sya at agad na humiga sa kama.
"Haaaaaay nakakapagod." Si troy na humiga sa higaan ko.
"Umuwi kana troy."
"Dito muna ako.. aalis naman din ako mamayang umaga kaya hayaan mo muna ako matulog dito.. " ngumiti sya at tumayo sinara nya ang bintana at hinila ako sa higaan.
"Ano ba-" Bigla syang pumikit ng nakaharap sakin.
"Hayaan mo muna ako magpahinga.. at matulog ng my kasama." Si troy na Dumilat at tumingin sa mga mata ko.
"Hayaan mo muna akong makasama ka eyedi." Pagkatapos nyang sabihin yun pumikit na sya ng nakaharap sakin.. hinayaan ko na sya at nilagyan ng kumot. Natulog nadin akong kaharap sya.
TROY POV :
"Ang ganda nya talaga kahit tulog" hindi ko mapigilan ang sarili ko na titigan sya.
"Kahit kailan ang ganda nya parin kahit anong anggu-" nabigla ako ng mapayakap sya sakin.. bumilis ang tibok ng ng puso ko.. pero hinayaan ko nalang at natulog nalang ako na kayakap sya.
Umaga na at kailangan ko ng umalis.
Eyedi pov:
Pagkagising ko ng umaga wala na sya sa tabi ko. At nakabukas nadin ang bintana.. hindi ko ma explain pero ang himbing ng tulog ko.
Saturday ngayon at wala akong pasok. Naisip kung pumunta sa bahay ni trixie mamayang hapon tutal wala naman din akong gagawin. Ilan minuto ang lumipas naisipan kung iligpit na lahat ang mga damit na dati kung sinusuot at nilabas ko narin ang mga damit na regalo sakin ni mama at papa na hindi ko pa sinusuot kahit kailan.
Makalipas ang ilan oras nagpaalam ako kay mama. Nakasuot ako ng floral dress at pink doll shoes nakalugay lang ang mahaba kong buhok.
"Ma? Pupunta lang ako kay trixie ah."
"Sige anak.. wag masyadong magpagabi ah."
"Opo ma." Nong akmang lalabas na sana ako biglang nagsalita ang mama ko.
"Ang ganda mo anak."
"Poh?"
"Masaya ako at naisipan mo ayusin ang sarili mo."
Ngumiti lang ako kay mama at kinindatan sya tsaka ako lumabas ng bahay.
Nagpahatid ako sa driver namin papunta kay trixie, nong malapit nako sa bahay nila. May dalawang kotse ang nakapark sa labas. My bisita ata sila. Nong paglabas ko sa kotse biglang bumukas ang pintuan nina trixie at lumabas ang isang matandang babae at lalake na ka edad lang ng papa at mama ko nong lalapit na sana ako biglang lumabas si Van at niyakap naman nong matandang babae ng mahigpit si trixie. Biglang sumikip ang dibdib ko.. Bakit sya nandito? Anong meron?
Pagkalabas ni Van ng gate nakita nya ako at lumapit sya sakin.
"Hi eyedi." Si van na ngumiti sakin. Binigyan ko lang sya ng pekeng ngiti.
"Eyedi?" Si trixie na halatang nabigla sa pagsulput ko.
"Hi trix.. anong meron?" Ako na kunyari hindi naapektuhan.
"Trix? Tutal nandito naman din si eyedi iimbitahan na natin sya ah." Hindi ko maintindihan anong meron? Oo di alam ni van na gusto ko sya. Pero alam yun ni trixie.
Lumabas si trixie at pinigilan si van pero bago nya pa mapigilan si van binigay na sakin ni Van ang isang invitation card. Binuksan ko eto at nakita ko ang laman.
Engagement party? Trixie and Van ? Bigla akong napatingin kay trixie.
_
Imbes na umuwi ako dumiretso ako ng school. Nararamdaman ko na duon ko makikita si Troy.
Hindi ko mapigilan ang sarili ko kundi ang mapapuha.
Flashback
Pagkaalis ni Van at ang pamilya nya sumakay na ulit ako sa kotse at umalis hindi ko na pinakinggan pa si trixie.
"Bakit ganun?" Umiiyak ako habang nakatitig sa invitation letter nila.
"Hindi mo mapipigilan ang tadhana hija." Si manong na nagsalita.
"Malay mo hindi pala sya ang nakatadhana sayo.. at ang nakatadhana sayo nandyan lang hinihintay lang na mag cross ang landas nyo." Yumuko lang ako at naisipan kung pumunta sa rooftop ng school baka sakaling makita ko si Troy.
Nong makarating ako walang katao tao umupo ako sa gilid ng simento at wala akong ibang ginawa kundi ang yumuko.
"Troy.." yan lang ang lumabas sa bibig ko. Isang sigundo lang ay my biglang humawak sa ulo ko.
"Okay ka lang ba?" Napatingin ako sa nagsalita.. wala akong ginawa kundi ang mapayakap sa kanya.
"Ok lang yan." Hinimas nya ang likod ko na para bang kino comfort nya ako.
"Troy.. s-si T-Trixie at si Van-" yumuko ako pero iniangat ni troy ang ulo ko.
"Wag kang yumuko." Si Troy na nakatingin lang sa mga mata ko.
"Si Trixie at Van mamayang gabi ang engagement nila." Wala akong ibang ginawa kundi ang umiyak lang ng umiyak.
"Pano nagawa sakin ni trixie to? Alam nyang gusto ko si van pero sa isang iglap lang malalaman kung ma e engaged na sila.. tapos-" hindi ko na naituloy ang sasabihin ko dahil bigla akong hinalikan ni troy sa labi.
"Wag ka ng malungkot. Kung kaya ko lang talaga hindi ko hahayaan na masaktan ka nila." Si troy na ngayon na nakatitig sa mata ko.. wala akong kibo na tila nabigla ako sa ginawa ni troy pero hindi ko na inisip pa yun at hinayaan na lang syang umupo sa tabi ko.
Nagising ako ng 6pm di ko akalain nakatulog pala ako sa rooftop. Pero wala na si Troy. Tumayo nako at naglakad palabas.
Nong makarating ako sa bahay wala na si mama Bumalik na ng america. Mas lalong nalungkot ako kase kailangan ko si mama sa oras na to.ma i wish you were here umiyak lang ako buong magdamag at panay tawag din sa cellphone ko si Trixie . Hindi ko sya sinasagot.
Huli ko ng maalala na ngayon gabi pala ang engagement nila. Do i really need to attend? Bestfriend ko parin si trixie. Kailangan ko din malaman ang side nya.
Mabilis akong nagsuot ng isang Red Dress na sobrang fitted sa katawan ko. Hindi ko alam kung bakit yun ang pinili ko. Instead na itali ko ang buhok ko Hinayaan kong nakalugay at dinala ang Red pouch ko.
"Manong? Sa Astoria hotel po."
"Kakaiba po kayo ngayon mam. Pero napakaganda nyo po." Si manong na nakatingin sakin Binigyan ko lang sya na Matipid na ngiti.
Nong makarating kami sa astoria hotel. Napansin kung andaming tao. At nandito ang mga classmates namin. Nakita ko si trixie kasama ang pamilya ata ni van. nakita ako ni Trixie Nabigla na parang di makapaniwala na nanduon ako.
Lumapit sya at niyakap ako.
"Eyedi." Gusto ko magalit pero di ko kaya, kaya niyakap ko sya ng mahigpit.
"Congratulations Trix."
"Salamat eyedi and im sorry." Si trixie na nakatingin sa mga mata ko. Hindi ko sya kayang tignan. Bigla naman lumapit si Van Samin.
"Wow eyedi kakaiba ka ata ngayon ah." Si van na nakangiti parin.
"Salamat.. o sya maiwan ko muna kayo." Iniwan ko sila at nilapitan ko si Deo na nakatayo at nakatingin lang kay gwen na ngayon kasalukuyan kumukuha ng pagkain.
"Mahal mo talaga sya noh?" Ako na nakatingin kay Gwen.
"Sobra.. kakaiba kase sya." Si Deo na nakangiti.
"Oo nga."
Nakita kami ni Gwen at agad itong lumapit samin dala ang isang punong plato.
"Hi." Si gwen na nilagay sa table ang pagkain at tumingin sakin.
"Ok kalang?" Si Gwen parin na nakatingin sakin.
"Ok lang.."
"Deo always talk about your story.. im an author too and i really admire your story."
"Salamat Gwen."
"Mabuti ng hindi sya ang nakatuluyan mo. Kase im sure na my mas deserving pa na tao para sayo. Maganda ka at kakaiba soo you don't need a guy na panlabas na anyo lang ang gusto." Si gwen na seryoso.
"Gwen!" Si Deo na masama ang tingin kay gwen.
"Totoo naman eh. Hmmm give up Eyedi.. your friend trixie is pregnant that is why." Pregnant? Pregnant?
"Pano nangyari yun?" Di ako makapaniwala.
"Ask her." Di nako nagdalawang isip nilapitan ko si trixie at hinila papuntang Terrace.
"Eyedi.." si trixie na tila kinakabahan.
Nong makarating kami Binitawan ko na sya.
"Panong nabuntis ka ni Van?" Ako na di makapaniwa sa nalaman ko.
"Tanda mo? Nong na broken hearted ako kay Deo? Naglasing ako dahil di ko kaya.. pero si Van dumating sya dinamayan nya ako. At hindi ko alam na my nangyari na pala samin."
Napaluha lang ako.
"Do you love him?" Ako na nakayuko?
"Dati hindi eh.. but since he proved to me na mahal nya ako at paninidigan nya to.. inisip ko na ok nalang kaysan lumaki ang anak ko na walang ama.. di ko alam ma fafall ako.. " si Trixie na lumuluha na din.
"Alam kong gusto mo sya. Kaya nga nahihirap ako nga-" niyakap ko si trixie.
"Ssssh ok lang.. ok lang.. sorry sa pagiging selfish."
Niyakap ako ng mahigpit ni Trixie.
Pagkatapos ng araw na yun hindi ko na nakita pa ang dalawa sa pagkakaalam ko nag vacation sa New York together with their parents haaaaay buti pa si trixie wala akong ginawa kundi sumubsub sa desk ko. Habang si Deo busy kakabasa ng libro. Wala tuloy ako makausap kaya naman tumayo ako at lumabas.
Pupuntahan ko nalang si Tr- Bigla akong natahimik ng maalala ko yung HALIK ni Troy. Parang ayoko na pumunta.
Humagdan ulit ako pababa ng harangan ako.
"Excuse me.. makikidaan." Nakayuko lang ako. Nagtaka ako nong hindi sya umaalis.
"Iniiwasan mo ba ako?" Shemay si troy pala. Biglang namula ang pisngi ko pagkatingin ko kay Troy.
"Bat namumula ka?" Si troy na nakatitig sakin.
"W-wala!" Hinawakan nya ako sa kamay at dinala sa Rooftop.
Nong makarating kami sa itaas Biglang sumeryoso ang mukha ni Troy.
"Troy? Ok kalang b-" Yumakap si troy sakin.
"Gusto kong makasama ka pang habang buhay eyedi.. pero sa tingin ko impossibleng mangyari pa yun." Nagugulahan ang utak ko napaka weird.
"Ano bang pinagsasabi mo Troy?" Ako na tinititigan sya sa mata ngunit hindi sya sumagot. Niyakap ko sya hindi ko alam kung bakit pero nalulungkot ako.
Simula nong araw na yun hindi na nagpakita pa sakin si Troy. Paulit ulit akong pumupunta sa rooftop pero hindi ko sya makita.
_
Nasa rooftop ako ngayon nagbabakasakaling makita parin sya. Isang buwan na ang lumipas nong makita ko sya. Nalulungkot ako dahil hindi ko man lang nasabi ang totoong nararamdaman ko.
Pumasok ako sa klase. At nakita ko si Trixie at Van. Ngumiti sila sakin nginitian ko lang din sila. Nong akmang papasok nako nagsalita ang isa sa mga classmate ko.
"Eyedi.. mag kwento ka naman.." si ian na classmate ko.
"Huh?" Ako na nabigla. Huli na ng maalala ko na matagal tagal na palang hindi ako nakapag kwento. Ngumiti ako at binuksan ang bag ko. Sinuot ko ang Eye glasses ko at umupo sa teacher chair at dahil wala kaming klase ng 2 period nagsimula ako ng kwento.
"Ready na ba kayo?" Ako na hyper na hyper na nagtanong sa kanila.
"Oo" sabay nilang sagot.
"There was a girl name EYEDI who fell inlove with a hansam prince name VAN." Napatingin sakin si Van at Trixie.
"But suddenly VAN Fell in love with Eyedi's Bestfriend si Trixie." I smile at trixie.
"Walang magawa si Eyedi dahil hindi nya naman hawak ang mundo ni Van.. kaya naman hinayaan nyang mapunta ito sa Bestfriend nya. Mahal na mahal nya ang Bestfriend nya wala syang hinihinhi kundi ang maging masaya ang Bestfriend nya. Isang araw my nakilala si Eyedi na isang Prinsipe sa rooftop kaya naman pinangalanan nya etong Rooftop prince. The rooftop prince name TROY. Tinulungan nya si eyedi para maging maganda. Akala ni eyedi mahal nya parin si Van.. pero one day narealize nyang Mahal nya na pala si TROY pero hindi sya nabigyan ng pagkakataon na magtapat kay TROY biglang nawala si Troy na parang Bula kaya naman walang happy ending sa story ni Eyedi. The end." Nakangiti kung sabi.. pero tulala lang sila sakin huli ko ng napansin na lumuluha pala ang mata ko.
"Ok kalang ba?" Si Deo na nakatingin sakin. Nginitian ko sya.
"Oo ok lang. ehe pasensya na kayo ah.. medyo nadala sa emosyon ng kwento."
"sino si troy Eyedi?" Si kath na classmate namin.
"Si Troy isang Kaibigan." Biglang kumunot ang noo ng lahat.
"Si Troy ba nag e exists?" Sabi ng isa ko pang classmate na si loraine.
Tumango ako..
"Did you met him in person?" Si trixie na nagtanong.
Tumango lang din ako. Nagtinginan silang lahat na tila ba nabigla sa sinabi ko.
"Bakit?" Ako na nagtanong sakanila.
"Kailan mo sya huling nakausap?" Si trixie na lumapit sakin. At hinihintay naman ng mga classmate ko ang sagot ko.
"Last month.. pero hindi ko na sya nakikita ngayon."
"Bakit di mo kinukwento sakin?" Si trixie na para bang my sinabi akong kinabigla nya at bigla syang nagtatatanong. Pagkatingin ko sa mga classmate ko bakas sa mga mata nila ang takot.
"K-kase si T-Tr-" Bigla kong tinignan sa mata si Trixie.
"Ano bang problema mo trixie? Kailangan ba sabihin ko sayo lahat? Diba sinabi ko rin sayo na gusto ko si Van.. pero anong ginawa mo?" Nag roll eyes ako at akamang aalis ng biglang nagsalita si Trixie.
"Si Troy Craige Viniel." Si troy? Kilala nya si troy? Napalingon ako sa kanya.
"Sya ang anak ng chairman nitong school.. 5 months na syang comatose at hanggang ngayon comatose parin sya.. kaya nabigla kami sa sinabi mo."
Para akong binagsakan ng langit at lupa. Iniisip kong nagbibiro lang sya pero bakas sa mga mata ng mga classmate ko ang pagkabigla.
"Nasa Astoria hospital sya naka confined ngayon Eyedi.. naaksident sya noong papunta sya ng school.. hilig nyang tambayan ang Rooftop at isa rin sya sa mga classmate natin." Mas lalong nabigla ako ng sabihin nyang classmate namin.
"Classmate?" Ako na nagtanong.
"Oo classmate.. hindi mo sya siguro napapansin pero duon sa likod ang upuan nya." Tinuro ni trixie ang upuan nya huli ko ng maalala na sya pala yung lalakeng palaging Tulog sa classroom.
Hindi ako makapaniwala tinignan ko si Trixie at ang mga classmate ko.. lumabas ako at pumunta ng rooftop, nong makarating ako hindi ko napigilan ang sarili ko, umiyak ako at naglakad sa rooftop..
"Troy. troooooooooy magpakita ka sakiiiiiiin .. Totoo ba?" Wala akong ginawa kundi ang umiyak ng umiyak.
Troy pov:
Wala akong magawa kundi tignan lang sya. Nilapitan ko sya at hinawakan pero wala akong magawa.
"Troy.." tinignan ko sya.. pero bigla syang tumayo at tumakbo pa baba.. sinundan ko sya.
Pumunta sya sa salon ni ate at humihingal na pumasok.
"Oh.. hi" si ate na ngumiti sa kanya.
"Uhm A-Ate? Yung kapatid mo bang comatose.. Nag aaral din ba sa skwelahan namin?"
"Oo." Tumango si ate.
"Uhmm sya po ba si TROY CRAIGE VINIEL?" Si Eyedi na lumuluha ang mga mata.
Bigla syang niyakap ni ate.
"Oo eyedi." Nabigla si eyedi ng banggitin ni ate ang pangalan nya no ate.. wag mong sabihin.
Inabot ni ate ang Diary sakanya. Gusto kong kunin ang diary kaso hindi ko magawa.
Tinitigan ni Eyedi ang diary at naglakad palabas.. hindi ko alam kung san sya pupunta pero huli ko ng mapansin na nagtungo sya sa Astoria hospital kung saan ako naka Confined. Naglakad sya papasok sa loob. At nagtanong tanong sa mga staff duon.
"Excuse me miss.. san po naka confined si mister Troy Craige Viniel?"
"Nasa Room 304 sya nasa 3rd floor." Tumakbo si Eyedi papasok ng elevator at sinundan ko sya.. pinipilit kong mahawakan sya pero di ko magawa.
Nong makarating sya sa 3rd floor dumiretso sya sa room 304 at dahan dahan naglakad.. bakas sa tensyon nya ang takot at lungkot.. nalulungkot ako at natatakot sa posibleng mangyari.
Pumasok sya sa loob ng kwarto at Biglang Bumuhos ang mga luha sa mga mata nya.. niyakap ko sya kahit hindi nya ako maramdaman.. naglakad sya palapit sa natutulog kong katawan.
"Troy?" Si eyedi na umiiyak.
"Troy? Bakit ka nandyan? Gumising ka.. hindi ka bagay dito.. bagay ka sa rooftop.. sige na oh.. gumising kana kailangan kita troy." Napaluha ako hindi ko kinayang tignan si Eyedi.
Niyakap nya ang tulog na ako.
7:00 pm nong makarating ang parents ko.. nanduon parin si Eyedi at natutulog habang hawak ang mga kamay ng tulog na ako.
"Hija?" Si mama na ginising si eyedi.
Nabigla si eyedi at bigla etong tumayo at Yumuko.
"Pasensya na po kayo. Ako po si eyedi isang malapit na-" niyakap sya ni mama.
"Eyedi.." nabigla ako sa ginawa ni mama ganun din si eyedi.
Lumapit si papa sa kanya at hinawakan sya sa ulo.
"Chairman." Si eyedi na bakas ang pagkabigla.
"Narinig namin sa mga studyante sa school na Si Troy ay madalas mo daw nakakausap at nakikita.. inisip namin kabaliwhan yun pero nong marinig ko eto kay miss Sandler Trixie at sa mga classmate ni Troy naniwala ako.. at mas lalong naniwala pako nong makita kita dito." Si papa na lumapit sa tulog na ako.
"Anak? Gising na.. nandito si eyedi.. diba gustong gusto mo sya? Akala ko ba anak Nerd sya.. pero di ko akalain na maganda pala sya." Si papa na kinakausap ako.
Tinignan ko si Eyedi bakas sa itsura ang pagkabigla nong sabihin yun ni papa.. ngumiti lang si mama sa kanya.
Ilan minuto ang lumipas nagpaalam na sya sa mga magulang ko pero bago sya umalis hinalikan nya ako sa noo atsaka umalis.
_
Eyedi Pov:
Dala dala ko parin Ang Diary.
Di ako makapaniwala na Nanduon si Troy natutulog sa isang kwarto na wala man lang kasiyahan.
Umuwi ako ng bahay at Pumasok sa kwarto. Umupo ako at Binuksan ang Diary ni Troy.
"Dear Diary. Wala akong magawa kase Bored ako.. weird kase nagsusulat ako nito. Iba talaga kase ang tama nya sakin. My classmate ako Bagong lipat lang sya galing america. Di sya kagandahan at weirdo sya kung manamit. Ang pangalan nya EYEDI."
Sa unang page palang nabigla na ako. Inilipat ko pa ang page at napahinto ako sa isang page.
Dear diary.
Nasasaktan ako.. dahil di ko akalain yung babaeng pinaka gusto ko magkakagusto sa isang Transferry student na si Van. Haaaay gusto kung magtapat gusto kung sabihin sa kanya na gusto ko sya pero sa tingin ko malabong magugustuhan nya ako.
Napaluha ako dahil di ko akalain na gustong gusto pala ako ni Troy.
"Shit ka! Bat di mo man lang naramdaman yun?" Sumubsub ako sa Table sa kwarto ko. At bigla akong napaisip ng mag sync in sa utan ko.
"Kung naaksidente sya 5 months ago at yung huling diary ay yung pumasok si Van.. ibig sabihin nong time na yun.. yun yung time na naaksidente sya. Pero pano?"
Nabubulabug ang utak ko.
Kinaumagahan agad ako ng tungo sa salon ng ate nya.
"Ate?"
"O eyedi?"
"My itatanong lang ako ate."
"Ano yun?"
"Pano sya naaksidente?"
"Nong gabing pauwi na sya sa bahay.. Nabangga ng isang Truck ang sasakyan nya at buti nakaligtas sya kahit Comatose sya.umaasa parin kami na mabubuhay sya at magigising parin sya."
Nalungkot ang mukha ko pero my tiwala akong magigising sya..
Araw araw kung binibisita si Troy sa hospital Pag uwian namin na minsan natutulog nadin ako sa hospita. Madalas kong ibulong sa kanya na gumising na sya at ipapangako ko sakanya pagkagising nya sasabihin ko sakanya kung ano ang nararamdaman ko. Isang buwan nadin akong ganito hanggang sa isang araw.. nasurpresa ako pagkauwi ko sa bahay. Dumating si papa kasama si mama.
"Pa?"
"Eyedi!" Si papa na seryoso ang expression ng mukha.
"Bakit pa?"
"Tigilan mo na yang kahibangan mo! Bakit mo inaaksaya ang panahon mo sa isang comatose na lalake? Nababaliw kanaba?"
"Pa! Mahal ko sya. At naniniwala akong magigising sya."
"Trixie told me everything.. nag aalala kami ng papa mo.. kaya naman umuwi kami dito.."
"Tsssssss hindi ako nababaliw!" Ako na naiinis dahil sa di ko akalain na si trixie pa ang magsusumbong sakin.
"Kung ganyan ka mas mabuting sumama ka na samin! Dadalhin na kita sa america."
"Ano?! Ayoko!!"
"Inayos ko na lahat! Lilipat ka na ng school at duon kana sa America! That's my decision kaya tumigil kana!!!"
Nainis ako kay papa. Lumabas ako ng bahay at nagtungo sa hospital.
Playing:
Dream alone by : against the current ft. Taka
"Alam mo ba Troy? Ikaw ang lahat sakin? Ikaw lang ang Bestfriend ko,kapatid,kaaway ikaw ang lahat lahat sakin.. ikaw rin ang first kiss ko,first hug at ang unang lalakeng nagparamdam sakin na mahalaga ako at special ako.. kaya naman Troy Gising na oh.. Bukas aalis nako papuntang america kaya naman gumising kana at puntahan moko sa america.. "
Buong damag akong nakabantay at umiiyak.
Kinaumagahan Nagiwan ako ng sulat para baka sakaling magising sya mabasa nya to. Bago ako umalis niyakap ko sya at hinalikan sa pisngi at sa labi. Tsaka umalis.
Nasa airport nako kasama ang pamilya ko. Ngayon umaga ang flight namin papuntang america. Hindi nako sumuway pa, wala naman din ako magagawa.
TRIXIE POV :
Pumunta ako ng hospital para sabihin sa pamilya ni Troy na umalis na si Eyedi. Pero huli na alam na nila.
Lumapit ako sa natutulog na si Troy. At my nakita ako isang sulat galing kay EYEDI.
Binuksan ko yun at binasa.
Troy.. sana sa mga oras na to gising kana.. hindi nako nakapag paalam sayo ng maayos dahil wala naman ako magagawa kundi sundin ang gusto na pamilya ko.
Lagi mong tatandaan na ikaw ang lahat lahat sakin. Mahal na mahal kita Troy at hinding hindi yun magbabago. Aasahan kong balang araw magkikita ulit tayo. Mahal na mahal kita magpagaling ka at hanapin moko. Love EYEDI.❤️
"E-Eyedi."
Hindi kami makapaniwala sa narinig namin. Agad namin tinignan kung san galing ang Boses. Nabigla kami ng makita namin si Troy na gising na.
Agad naman lumapit at yumakap ang pamilya nya. Pumunta naman sa Doctor ang ate nya para ipaalam na gising na sya.
"M-ma? Si eyedi po?" Si troy na nakatingin sa pamilya nya.
Inabot ko kay Troy ang sulat ni Eyedi at Kinuha naman nya to at binasa.
"Eyedi."
"Don't worry anak.. we will do anything para magkita kayo ulit ni eyedi." Niyakap sya ng mama nya .
"Para sayo anak gagawin natin yun." Sabi ng papa ni troy.
"Salamat po."
After 3 months
Eyedi pov:
Gabi gabi kong iniisip ang kalagayan ni Troy.
Sana sa mga oras na to. Gising na sya Tulungan nyo po sya.
Tatlong buwan nako dito pero wala parin akong balita kung ano na ang nangyari. Gabi gabi kong iniisip si Troy at kalagayan nya at gabi gabi ko rin ipinagdadasal na sana magkita kami ulit.
Nasa kwarto ako ng biglang pumasok si mama.
"Eyedi? Gusto mo ba sumama sakin?"
"San po?"
"Sa --------- "
Hindi nako nagdalawang isip at tumango ako.
Niyakap ko si mama.
"Salamat ma."
"Naiintindihan ko ang nararamdaman mo anak."
Habang nagyayakapan kami ni mama biglang pumasok si papa.
"Eyedi! You can't go anywhere!"
"What?"
"Honey!" Si mama
"Honey... hindi pang habang buhay nasusunod si Eyedi."
"Pa! Lahat naman ng gusto nyo sinusunod ko eh. Pa naman! Ayoko dito! Ayoko mag aral dito! Namimiss ko na ang school! Pa! Kahit kailan hindi ko ma aadapt ang Culture nila dito. Pa naman." Mangiyak ngiyak kong sabi sa papa ko.
"NO! and that's final." Si papa na lumabas.
Wala akong ginawa kundi ang umiyak ng umiyak.
1 year after
Bumalik ako ng Bansa para umattend ng wedding ni TRIXIE oo di kami naging ok pero Bestfriend ko parin sya at hindi yun magbabago.
Dumating ako sa bahay at nagayos sa sarili ko.
Hindi ko muna sinabi kay trixie na dumating ako.
Kinagabihan nagtungo ako sa Hospital nagbabaka sakali.
Pagdating ko duon. Wala ng tao sa loob. Bigla akong kinabahan nagmadali akong pumunta ng salon.
Iba narin ang nag mamay ari.
Ano na ang nagyari? Mangiyak ngiyak ako ayokong isipin na wala na.. pero kung nakaligtas sya diba dapat tinawagan nya na ako o pinuntahan man lang.. hindi ko napigilan maging emotional 😭.
Umuwi ako ng Bahay at Nagpahinga.
Kinabukasan Nag ayos nako. Nakasuot ako ng isang kulay peach na Dress at isang High heels na may 6 inches at nakalugay lang ang buhok ko. Konting make up at lipstick.
Nong malapit nako sa venue Biglang dumilim ang paligid.
_