webnovel

Chapter 9: Conference

Pagkapasok ko sa club room ay nagpalakpakan ang lahat ako nalang pala ang kanilang hinihintay.

"Please welcome our new club member Ainsleigh!" sabi ng aming pinuno agad akong nag bow sa kanilang lahat at umupo malapit kay Mari at Dong Min.

"Alam kong nagulat kayo dahil pinatawag ko kayo ngayon, ito ay dahil sa mahalagang announcement" lahat ay nagbulungan.

Kaya nga pala ako sumali dito sa Glee Club ay dahil kay Dong Min noong unang pasok ko palang ay inalam ko agad kung saang club siya at agad nag pasa ng application paper na kanila namang tinanggap.

Sa club na ito matuto kami about music, dancing and acting pero nakakapagtaka kung bakit dito sumali si Dong Min.

"Sabi sabi nila kaya daw sumali si Dong Min dito dahil kay Mari, kita mo?" sabay turo ni Jasmine sa tinititigan ko iyon ay si Mari at Dong Min na naguusap " Bakit mo naman sinabi sakin yan?" tanong ko kay Jasmine para kasing nababasa niya ang nasa isip ko "Grabe ka kasi makatitig sa kanila parang kakainin mo na sila ng buo, Rawr!" sabi ni Jasmine at nag mostra pang mangangagat, napangisi nalang ako.

"Next month, school festival na kaya naman kailangan nating mag handa siyempre mas bongga ngayon dahil kasama natin si Ainsleigh" sabi ni Dave ang aming pinuno.

"Ainsleigh, tutal naman at isa ka ng propesyonal dito nais ko sana ng iyong tulong" tumango naman ako bilang tugon at nagusap na kaming dalawa para sa detalye.

"Anong concept ba ang balak natin?" unang tanong ko kay Dave.

"Balak ko sana mala concert effect tulad ng concerts mo" sabi ni Dave.

Ng ibigay ni Dave ang konklusion niya ay agad akong nag bigay ng mga suggestion balak naming gawang ng opening song kung saan lahat kami at nandoon at hahati hatiin ang iba para sa ibat ibang kanta at sayaw.

"Sino ang pwedeng makapartner ni Ainsleigh?" tanong ni Dave sa lahat marami naman ang nag taas ng kamay maliban kay Dong Min.

"Tutal hindi ka nagtaas ng kamay ikaw nalang partner ni Ainsleigh" turo ni Dave kay Dong min, napaisip ako kung bakit hindi siya nag taas ng kamay ayaw niya ba ako makapareha?

"Kailangan natin ng 4 na babae para sa unang batch" napili namin si Mari, Jasmine, Mae at Clarise at namili pa ng ibang miyembro hanggang sa makumpleto na namin ang lahat.

Napag desisyunan na namin lahat ng magiging role ng bawat miyembro kaya naman nag ayos na rin kami ng gamit para umuwi.

*Ring* *Ring*

"Hello, JK?" sagot ko sa telepono.

"Pauwi ka na?" Tanong niya.

"Oo pauwi na, bakit ka napatawag?" hindi kasi ito basta tatawag nalang at tatanungin ako kung nakauwi na ko.

"Sa Saturday maglalabas tayo ng press conference tungkol sa relationship natin dapat handa tayo" bigla kong naalala ang pinag usapan namin ng manager ko na kailangan nga naming mag labas ng statement para sa in relationship status namin.

"Sige, pagusapan natin mamaya lahat" iyon lang ang nasabi ko at magpapaalam na.

"Nasa labas ako ng school, wait kita" at binaba na ni JK ang telepono napa buntong hininga nalang ako sa ginawa niya.

"Sinong tumawag?" napa balikwas naman ako sa nagsalita at si Dong Min iyon.

"Si JK, hinihingay niya ko sa labas" iyon lang ang sinabi ko at inayos ang mga papel sa harap ko.

"Mukang kinacareer na niya ang pagiging boyfriend mo" walang gana niyang sabi. "Hayaan mo na siya kailangan naming gawin to para sakanya" pagkasabi ko noon ay agad na siyang tumalikod at binitbit ang bag niya.

Dali-dali akong sumunod kay Dong Min dahil kami nalang ang tao sa club room, "Wag kang sumunod sakin baka pagkamalang kabit mo ko" napahinto ako sa sinabi niyang iyon at humintong maglakad "Sorry, sige liko na ko dito" at agad akong lumiko sa unang pasilyong nakita ko.

Ngayon nag sync in sa utak ko ang lahat na dapat wala akong ibang lalaki na kasama kundi si JK dahil panigurado kung ano anong chismis nanaman ang lalabas sa oras na makita ito ng mga tao.

*Ring* *Ring*

"Hello" walang gana kong sagot.

"Nasaan ka na?" tanong ni JK.

"Pababa na po" pag kasabi ko noon ay agad akong nagmadaling bumaba ng hagdanan.

Nakita ko si JK mula sa parking lot, paanong hindi sa tangkad at porma niya ba naman ngayon ay hindi mo siya makikita halatang galing sa isang photo shoot, kumaway ako at agad siyang kumaway pabalik habang naka sandal sa kanyang kotse.

"Ang tagal mo kanina pa kita hinihintay" ginulo niya ang buhok ko at niyakap ako. "JK, anong ginagawa mo?" pigil ko sakanya pero hindi niya parin ako pinapakawalan sa kanyang yakap. "May nakasunod sakin kanina pa sa tingin ko reporter kaya kailangan natin ito" para akong nanigas sa sinabi niya at tinanggal ang yakap niya hinawakan niya ang magkabilang pisngi ko at hinalikan ang aking noo, hindi naman na ako pumalag pa at saka niya ako pinapasok sa loob ng kotse.

Tahimik lang kaming dalawa sa loob ng kotse at walang nagsasalita "Anong gusto mong kainin mag take out tayo?" tanong ni JK "Kumain na kami kanina sa club room" malamig kong sabi "Paano ako? Hindi pa ako kumakain" pag lalambing niya na nagpangiti naman sa akin "Sige na dumaan ka na sa kahit na anong drive thru na malapit at sabay tayong kakain sa bahay" ganito siya lagi gusto niya sabay kaming kakain kapag magkasama kami.

Umorder nalang kami sa Jollibee ng 2 bucket na chicken at rice syempre sidings din mashed potato kanya saakin naman ay buttered corn at dumiretso na pauwi sa bahay habang nasa daan "Anong iniisip mo kanina?" biglang tanong niya " Wala naman napagod lang siguro ako" at pumikit na ako.

Nagising nalang ako ng gisingin ako ni JK "Ai, nandito na tayo" dali dali ko namang inayos ang aking sarili at bumaba na ng sasakyan. "Kahit pagod at bagong gising ang ganda parin, ayiee anong sikreto mo?" biro ni JK bigla naman akon umirap at humarap sakanya "Tulog lang po" at bumalik na sa paglalakad para kaming baliw na tawanan ng tawanan sa elevator kung ano ano kasi ang binabanat ni JK.

*Ting!*

Pagbukas ng elevator ay bumungad samin si Dong Min, "Bakit siya nandito?" tanong ni JK "Kapitbahay ko siya" sabi ko halata naman sa mukha ni JK ang tanong na paano "Dapat sinasabi mo agad iyan sa BOYFRIEND mo" at pumasok na si Dong Min sa loob ng elevator ngunit may mga talim sa mata nito na naka tingin sa amin.

Isinawalang bahala ko nalang ang aking nakita at dumiretso na sa condo ko ni wala sa amin ang nagsasalita.

"Tara kain na tayo!" pagbasag ni JK sa katahimikan agad naman naming inubos ang pagkain at sinumulang basahin ang script na binigay ng management ito daw ang mga detalye ng relasyon namin, kinabisado namin ang bawat detalye dahil madali lang rin naman dahil kadalasan natural talaga naming ginagawa ni JK.

"Kung iisipin mo itong mga sinulat nila lahat totoo" biglang bangit ni JK.

"Oo nga, hindi naman tayo nagsisinungaling dito ang tanging kasinungalingan lang ay yung may relasyon tayo" pagpapaliwanag ko.

"Aray ang sakit ah" biro ni JK na nakahawak pa sa puso nito.

Biglang hinawakan ni JK ang kamay ko at inilagay sa puso nito "Pero kung may pagkakataon may chance kayang maging tayo?" napatitig ako kay JK dahil sa sinabi niya parang nag slow motion ang buong paligid at natulala ako sakanya parang gusto ko siyang yakapin.

"Imposible ata iyon hindi ba?!" biglang bitaw ni JK sa kamay ko pero ako ay nanatiling tahimik at nagbasa nalang muli.

Hindi ko maipaliwanag kung ano itong nararamdaman ko, ang bilis ng kabog ng dibdib ko at hindi ako mapakali. Tumayo ako at kumuha ng tubig.

"Ai, uwi na ko gabi na masyado sunduin nalang kita bukas okay?" tumango ako bilang tugon kay JK at inihatid siya sa labas hanggang elevator.

"Magiingat ka kitakits bukas" kaway ko sakanya at ngumiti ako sabay talikod.

Nagulat ako ng biglang may yumakap sa likod ko "JK, uwi na gabi na" mahinahon kong sabi sabay harap sakanya. "Pwede kayang dito nalang ako matulog?" biro nito hahampasin ko na sana siya pero agad siyang bumitaw sa yakap at pumasok sa elevator, natawa nalang ako sa ginawa nito.

Naging maayos naman ang buong linggo namin pag pasok ko sa school sinusundo ako ni JK, halos siya na rin ang kasama ko at hindi na laging nakakasama kila Dong Min, Liz, Mari at Louie dahil kailangan ako ni JK.

Pagkatapos naman ng klase ay agad akong dumideretso sa club room para turuan ang ibang estudyante sa mga dapat na gawain nila at mga steps na sasayawin at mga kantang kakantahin kaya full time talaga ako.

"Ainsleigh, magpahinga ka muna pwede niyo narin pagusapan ng partner mo yung sasayawin niyo" sabi ni Dave ang leader ng club, lumapit naman ako kay Dong Min.

"Min, pwede ba kitang makausap?" tumango naman siya at lumapit sa akin.

"Anong sasayawin natin?" tanong ko kay Dong Min.

"Akala ko naisip mo na iyan pero hindi pa pala" inis na sagot niya.

"Pasensya na marami kasi akong inaasikaso ngayon kaya hindi ko na naisip?" paghingi ko ng paumanhin, dahil totoong nawala na sa isip ko yung sasayawin naming dalawa.

"Madami kang inaasikaso o busy ka mag asikaso sa boyfriend mo?" galit na sabi ni Dong Min, nasaktan ako sa sinabi niya pero may punto naman siya.

"Hindi pa kasi siya pamilyar sa school kaya hindi ko siya pwedeng pabayaan" mahinahon kong sagot, nagulat ako ng bigla siyang lumabas ng club room at padabog na isinara ang pintuan, nakita ko namang sinundan siya ni Mari kaya hindi ko na binalak na sundan pa siya.

Alam ko namang may mali ako pero hindi ko alam kun saan nang gagaling ang galit niya, napalingon ako sa mga tao sa loob ng club room at lahat sila ay nakatingin sa akin ngumiti nalang ako at agad na umupo sa isang sulok.

"Okay ka lang ba?" tanong ni Jasmin, tumango naman ako at ngumiti.

"Ngayon ko lang siya nakitang ganyan simula ng pumasok sila sa club" malungkot na sabi ni Jasmin, nakinig nalang ako sa kwento niya.

"May nagawa ka bang hindi mahanda? Lagi kasing okay ang composure ni Dong Min ngayon lang siya ganyan" dagdag pa nito.

"Baka meron lang siya ngayon hehe" biro ko at sabay yuko iniisip ko kung ano ang pwede naming sayawin para mawala na ang galit niya sakin.

Nang makaisip ako ng kantang sasayawin namin ay agad akong lumabas para hanapin si Dong Min, nakita ko siyang kasama si Mari at kumakain ng ice cream.

"Hahaha, hindi kaya ikaw ang nauna!" biglang nilagyan ni Mari ng ice cream sa mukha si Dong Min.

"Anong ako? Ikaw kaya!" gumanti naman si Dong Min sa paglalagay ng ice cream sa mukha.

Dahil sa nakita ko, hindi ko na sila ginambala at bumalik na ko sa club room ngayon ko lang ulit nakita si Dong Min na ngumiti ng ganoon kaya naman hindi na ko nangulo pa pero hindi ba dapat maging masaya pa ko dahil masaya siya kaso nga lang hindi ako yung dahilan ng pagsaya niya.

"Good afternoon, nandito ba si Ainsleigh?" isang boses ng lalaki sa pinto, nagtilian naman lahat ng babae sa loob ng kwarto at agad kong nakita si JK.

"JK!" sigaw ko at agad ko siyang pinalapit sakin.

"Tutulungan ko lang kayo, pero hindi ako pwedeng mag perform" sabay pitik niya sa noo ko.

"Opo, thank you in advance" sabay ngiti ko sakanya.

Ipinakilala ko siya sa lahat ng nasa loob ng club room " Guys, meet JK siya ang magtuturo sa mga lalaki about sa routine at dance steps" nagpalakpakan naman silang lahat "Ikinagagalak ko kayong makilala" napatingin naman kami sa pumasok ito ay si Dong Min at Mari.

"Anong ginagawa mo dito?" walang ganang tanong ni Dong Min.

"Tutulungan ko lang yung girlfriend ko, diba Ai?" sabay akbay ni JK sakin lahat naman sila ay nag ayyiee pumunta naman si Dong Min sa isang sulok.

"JK, pagusapan niyo na ng boys yung gagawin kailangan ko lang kausapin si Dong Min" sabay tanggal ko sa kamay niya at dumiretso kay Min.

"Dong Min, nakaisip na ko ng kanta" bigla naman siyang tumingin sakin at sumenyas na lumabas kami, agad akong sumunod sakanya.

"Bakit mo pa siya dinala dito?" tukoy niya kay JK.

"Pinakiusapan ako ni Dave kaya naman pinagbigyan ko siya" paliwanag ko sakanya, hindi ko alam bakit ba ang init ng dugo niya kay JK.

"Ano yung naisip mo?" pagpapalit ni Dong Min sa topic.

"Can I have this dance, iyon yung balak kong sayawin at kantahin natin" sagot ko kay Dong Min, nagulat ako ng bigla siyang napangiti sa sinabi ko.

"Okay, kung iyan ang gusto mo pero walang sisihan" bigla siyang umalis at muling lumingon sa akin "Nice choice!" sabay thumbs up niya.

Pagkatapos ng practice ay agad kaming umalis ni JK para mag handa sa press conference, ngayon kasi ito isinagawa ng management eksaktong alas 9 ng gabi.

Pagdating na pagdating namin sa venue ay agad kaming inayusan, nagsuot ako ng isang white dress at white tuxedo naman si JK. "Bakit para tayong bagong kasal?" sabay ngiti niya ng nakakaloko "Ayaw mo?" biro ko sakanya nakita ko namang namula ang kanyang mukha at biglang umalis "Anong nangyari doon, Jaja?" tanong ko sa assistant ko "Kinilig lang yun" sabay iling ni Jaja.

Nang matapos ang pag aayos sa amin ay agad naming narinig ang hiyawan sa labas iyon ay indikasyon na kailangan na naming lumabas. Inalalayan naman ako ni JK patungo sa upuan namin.

"Good evening everyone this is the most awaited date that we are waiting for JK and Ainsleigh's Press Conference, one question at a time please" sabi ng manager namin.

Nagsalita ang reporter na nasa pinaka harap namin "JK and Ainsleigh, itatanong sana namin kung kailan naging kayo at paano naging kayo" agad namang nagtaas si JK ng kamay at tumingin sakin isa itong hudyat na siya ang sasagot "Actually, this year lang naging kami hindi nanamin sasabihin yung exact date for our privacy and about sa paano.... paano nga ba? tinanong kita hindi ba kung pwedeng maging tayo tapos umoo ka?" biro na sagot ni JK na ikinatawa ng lahat.

"Ainsleigh, bakit mo naman sinagot si JK?" tanong ng pangalawang reporter ngumiti muna ako at saka sumagot at sumulyap kay JK "Noong tinanong niya ko kung pwede bang maging kami isa lang ang nasa isip ko, bakit hindi? samantalang siya ang lagi kong kasama at umalalay sakin sa industriyang ito siya yung nagbigay ng lakas ng loob sakin noong panahong hindi ko na kaya at siya rin ang laging nasa tabi ko sa lungkot man o saya" lahat naman sila ay nag aw sa sagot ko.

"Hindi ba kayo natatakot na mangyari ulit yung trahedya noon?" tanong ng isang reporter biglang humigpit ang hawak sakin ni JK dahil sensitibo ang tanong na ito.

"Noong una oo natakot kami lalo na si Ai pero sinabi ko naman sakanya na wala siyang dapat ikatakot dahil handa ko siyang protektahan kahit na anong mangyari, kaya ako pumasok sa school niya" seryosong sagot ni JK at bigla niyang hinalikan ang aking kamay.

Inaamin ko na touch ako sa sinabi niya dahil din dito kaya ako nagkaroon ng lakas ng loob na pumayag sa kunwaring relasyon na ito.

"Ainsleigh, naisip mo ba kung ano ang magiging impact nito sa career niyong dalawa?" tanong ng isang reporter sa likod.

"May dalawang posibilidad lang naman, ito ay tumaas o bumaba ang career namin but we are taking the risk for our relationship and for our future" sabay ngiti ko ng matamis.

"Paano mo maipapaliwanag ang larawan na ito?" isang hindi kilalang reporter ang naglabas ng picture.

Litrato namin ito ni Dong Min, naka sandal ang ulo ko sa balikat niya habang hinihimas nito ang aking ulo.

Nanlaki ang mata ng lahat ng tao lalo na ang manager ko, humigpit naman ang hawak ko sa kamay ni JK at tumango siya.

"Siya si Dong Min, kababata ni Ainsleigh" mas hinigpitan ko ang hawak kay JK, ayaw kong madamay o lumabas ang pangalan ni Dong Min pero wala na akong choice mas lalaki ang gulo sa oras na hindi ko sabihin kung sino siya.

"May balitang umalis ka sa showbiz dahil sakanya totoo ba?" hindi ko alam kung saan niya nakukuha ang impormasyon na ito kaya naman inipon ko ang lakas ng loob ko para magsalita.

"Hindi yan totoo, kaya ako umalis sa showbiz ay dahil sa mga reporter na tulad ninyo at mga stalker sa paligid" nagbulungan bigla silang lahat.

"Totoo ang sinabi ni Ainsleigh, dahil sa dami ng stalkers niya at paparazi ay na diagnose siya of anxiety kaya nagpasya kaming mag retire na siya" dagdag ng manager ko sabay labas ng isang papel galing sa doctor.

"JK, hindi ka ba natatakot na baka agawin ng kababata ni Ainsleigh si Ainsleigh?" biglang tanong ng isang reporter kaya agad akong napalingon kay JK.

"Noong nakilala ko si Dong Min, aminado akong natakot ako pero malaki ang tiwala ko kay Ai na mahal niya ko at ako lang ang mamahalin niya" sa sinabing ito ni JK hindi ko mapigilang mapaluha kaya naman napa punas ako sa aking mata lahat naman ng reporter ay nagpalakpakan dahil bigla akong niyakap ni JK habang nagpapahid ng luha.

Natapos ang press conference ng matiwasay, sinagot rin namin ang mga tanong sa live stream na ginawa nila online, sabi ng management na madami daw positive comments 80% over 20% medyo marami parin ang may ayaw sa amin pero na oover power naman daw ng mga may gusto sa relasyon namin.

Tahimik parin akong nakaupo sa make up room, dahil hindi maganda ang aking pakiramdam iniisip ko na binigyan ko nanaman ng sakit sa ulo si Dong Min pagka tapos ng picture na iyon. Binuksan ko ang aking cellphone at nagulat ako sa nakita kong headline.

Sorry for not uploading last time, I've been stocked on something in short Authors blocked po ako pero as a compensation ginawa kong mahaba ang update na ito I hope you like it everyone!

Ano kaya ang nakita ni Ainsleigh sa headline?

Abangan!!!.....

ThatShouldBeMecreators' thoughts
Próximo capítulo