webnovel

Moving on

"GOOD MORNING, ERIN."

Ay.. ang ganda naman ng umaga ko. Iyong napakagwapong mukha ba naman ni Vlad ang makikita mo tuwing gigising ka?

Aba, eh nakakaganda naman talaga!

Wala sa sariling ngumisi ako nang malaki. Parang naka-camera 360 pa ang image niya sa paningin ko. "Ang gwapo-gwapo-gwapo mo naman. Nakaka-in-love ka."

Kumunot ang noo niya pero mabilis din iyong napalitan ng matamis na ngiti. "So, are you falling in love with me now, Erin?"

Falling in love. With you?

Bigla ay nagising ako at nanlaki ang mga mata. Nawala ang dreamy image niya sa paningin ko sabay bumangon ako nang tuluyan. Mas lalong lumaki ang pagkakangisi ni Vlad sa tabi ko. Asual, wala na naman siyang suot na saplot. Pumalumbaba siya gamit ang isang braso habang nakahiga ng patagilid. His smiling from ear to ear. "Say it to me again, Erin. Ang gwapo-gwapo-gwapo ko?" Ginaya niya pa kung paano ko `yun sinabi kanina.

Namula ako nang husto. Lumabas ba talaga sa bibig ko `yon? Pakshet! Ano ba `tong nangyayari sa `kin? Agad akong umalis ng kama at hinagisan ng unan ang mukha niyang nakakabwiset sa sobrang ngisi. "Bumangon ka na nga diyan! Papasok na ako sa school!" Nagmadali akong lumabas ng kwarto at pumasok ng banyo.

Napasandal ako sa likod ng pinto. Sapo-sapo ko ang dibdib ko. Tug-tug-tug-tug. Bakit ganito? Bakit ang bilis nang tibok ng puso ko?

Wala naman akong asthma.

***

NANG ARAW na iyon ay wala naman masyadong nangyari sa campus. Asual. Madaldal si Sam. Buong araw niya lang naman pinagsawa `yung tenga ko sa kakakwento tungkol sa gwapong engineer student na ka-date niya noong weekends. Asual. May bago na naman siyang ka-date. Saming tatlo itong si Sam lang ata ang hindi na virgin. Although, wala naman siyang nabanggit sa `min na sinuko na niya ang kanyang bataan. Pero sa sobrang liberated kasi ng utak niya at sa sobrang dami ng lalaking dinidate niya every week. Hindi ko maiwasan na minsan ay mapaisip.

"So... seryoso ka na ba sa kanya? Siya na ba ang The One?" tanong ko sa kanya. Break-time namin at hindi pa rin siya tapos sa mga kwento niya.

Napahinto si Sam sa pagsubo ng carbonarra at saglit na nag-isip. Umasim ang mukha niya. "Hindi... ang totoo niyan. `Di ko naman siya masyadong type. He's too smart. Ayoko ng gano'ng lalaki. Masyadong maraming alam nagmumukha tuloy akong bobo."

Napaikot ang mga mata ko. Lagi naman siyang ganyan. Kinikilig siya sa mga kinukwento niyang iba't ibang lalaki pero laging may lait sa bandang huli.

"Kailan mo ba talaga balak magseryoso? `Di ka ba napapagod na iba-iba palagi ang ka-date mo? Ayaw mo ba ng seryosong relasyon?"

"Erinna, ang seryosong relasyon darating `yan nang kusa. Hindi pwedeng ipilit. Eh, kung hindi ko talaga sila feel bakit ko ipipilit ang sarili kong ma-inlove sa kanila at magseryoso? Paano kung pagtagal ay mag-fail din pala kami in the end? Edi, ako lang ang uuwing luhaan kasi mali ako ng desisyon. No effing way I'm gonna cry because of a man. Male species are made to worship us, women. Not the other way around."

Tumungo-tungo na lang ako sa kanya to end the argument. Hindi ka naman mananalo sa babaeng `yan pagdating sa pagiging feminist. Pagtapos ng klase ay nagpaalam na kami sa isat-isa. Si Sam, sinundo ng engineer na ka-date niya. Si Apple, nagmadali nang umuwi sakay ang kanyang bike. At ako naman, maglalakad na rin papuntang sakayan ng bus.

Palabas na `ko ng campus nang makita ko si Vlad na nakatayo sa gate habang nakasandal sa pader at prenteng nakahalukipkip. Nakasuot ito ng aviator shades at white v-neck shirt na hapit sa katawan niya. Tumuwid siya nang tayo nang matanaw ako. He smiled and waved at me. God, he looked so divine!

Hindi nakaiwas sa peripheal vision ko ang mga babaeng napapalingon sa kanya at hindi maitago ang kilig. Hindi ko naman sila masisisi dahil inangkin na ni Vlad lahat ng kagwapuhan at kaseksihan sa buong mundo. He doesn't even need to wear branded or stylish shirts to look like a star model in a magazine. Above all, he's even more good looking without his clothes.

Teka! Ang green ng utak ko. Erase! Erase! Erase!

"Erin!"

Napatingin ako agad sa likuran ko nang may tumawag sa `kin. Namutla ako nang makita si Jonathan jogging towards me. Humigpit ang kapit ko sa sling ng bag ko. Agad akong tumalikod. Ayoko siyang makausap. Napatingin sa gawi namin si Vlad. Handa na niya akong salubungin nang higitin ni Jonathan ang braso ko paharap sa kanya. "Erin, please talk to me. Ayusin natin `to." He sounded so desperate.

Tinignan ko siya mula ulo hanggang paa. He's a mess. Parang one week na siyang hindi nagse-shave. Malalim ang ilalim ng mata niya at malaki rin ang ipinayat ng mukha at katawan niya. Bigla ay hindi ko na makita ang Jonathan na gustong-gusto ko noon. Parang isang iglap ay nawala na'ng matinding feelings ko sa kanya. Looking at him now, wala akong ibang maramdaman kundi awa.

Awa sa nangyayari sa kanya `coz I know I'm the reason kung bakit nagkakaganito siya. And I'm not happy about that either.

"Erin... please give me another chance to make it up to you. Erin I can't loose you like this. Hindi ko kaya. Mababaliw ako." Nagsimulang mamasa ang mga mata niya.

Napaawang lang ang bibig ko't hindi alam ang sasabihin sa kanya. Naaawa ako kay Jonathan pero wala na `kong magagawa pa. Hindi ko na siya ulit kayang tanggapin nang buo pagkatapos ng ginawa niya. At alam ko sa sarili kong hindi ko na siya mahal. I don't know how I was able to forget my feelings for him immediately. Pero ngayon iyon lang ang nararamdaman ko.

"I'm sorry Jonathan." Ang tangi kong nasabi sa kanya.

From sadness, his eyes turned to sharp anger. Mas humigpit ang hawak niya sa `kin. "Tangina naman Erin wala ka ba talagang puso? Ganyan ka na ba talaga katigas ngayon? Ganun na lang sa `yo kalimutan ang walong taon nating pinagsamahan?!"

"Bitawan mo ko Jonathan nasasaktan ako!"

"Mas nasasaktan ako sa ginagawa mo—"

Biglang may lumipad na kamao sa mukha ni Jonathan at napasubsob ito sa sahig. Nagulat ako nang makita ang likuran ni Vlad sa harapan ko. Nagtataas-baba ang dibdib nito. "Fuck off you so asshole! Don't touch my girl."

"Vlad stop!" Agad akong yumakap sa braso nya. Naramdaman kong mabilis nag-relax si Vlad. Mula sa nag-aapoy na mga mata kay Jonathan ay unti-unti itong lumambot at tumingin sa `kin. Pinagtitinginan na kami ng mga tao sa paligid pero wala akong pakielam. Ang importante ay malayo ko si Vlad dito kung hindi baka kung anung magawa niya kay Jonathan.

At that exact moment while those green eyes are looking at me softly. I understood kung bakit ang bilis kong nakalimutan ang feelings ko kay Jonathan. Vlad has always been there when I'm sad and crying. Vlad takes care of me when I'm sick. Vlad does everything to put a smile on my face even on the days that I no longer know how to. He protects me when I'm in danger.

Vlad has always been here for me. Vladimir.... my vampire. My chest compressed. "Please... uwi na tayo."

He slowly smiled and nod. Inakbayan niya ako at lumakad na kami palayo. I glanced back to Jonathan one last time, feeling sorry for him. Hoping that sooner, makamove-on na rin siya

JOIN OUR FAMILY!

FB GROUP: Cupcake Family PH

AnjGeecreators' thoughts
Próximo capítulo