Inspired ako sa mga nangyayari ngayon sa akin. Nag-umpisa ako sa pag-alala ng mga bagay na ako asi Daisy ay masaya. Sinubukan kong muli ang pag-portrait, katulad ng mukha ni monaliza. Iginuhit ko rin yun pero di kasing husay ng pagkagawa ng orihinal na pintor. Gumuhit din ako ng kung anu-anong bagay na pumapasok sa isip ko. Ginagamit ko na naman ang aking imahinasyon sa aking mga obra. Iniisip kong kaming dalawa ay palaging magkasama at naglalakad sa isang lugar na punung-puno ng halamang namumulak-lak. Nasa-isip ko parin ang mga ngiti niyang kay sarap ipinta. Haaaayyy!
Naiinlove na talaga ako sakanya, wala nang atrasan to.
Kada linggo ay may nagpapagawa sakin ng mga projects,` lettering, posters at mga tula.
Mura lang naman kasi singil ko sakanila. Minsan, di ko na nga sinisingil, pero binabayaran parin nila ako. Konti nalang, makakabili na ako ng cellphone na mumurahin lang.
Habang ako ay naglalakad papuntang simbahan may tumatakbong babae sa likuran ko, nagmamadali. Kasi hinahabol niya yung tricycle na sinakyan niya. Sumisigaw siya ng ''kuya!!! yung wallet ko!!! naiwan ko jan sa tricycle mo!!!
Nung narinig ko ang sigaw ng babae, bigla akong karipas ng takbo upang habuling yung tricycle. Ewan ko ba, kahit di ko pa nakikita yung mukha ng babae, basta nalang akong tumakbo.
Huminto ang tricycle sa tapat ng munisipyo upang magsakay sana ng pasahero. Sinabihan ko siya na may babaeng kanina pa habol ng habol sakanya. Kasi naiwan ang wallet sa tricycle niya, pero sabi niya, di niya daw napansin. Kasi nagmamadali daw bumaba ng tricycle yung babae kaya umalis din siya agad. Pero buti nalang andun pa yung wallet, binigay sakin yung wallet pero sumabay parin ako sakanya papunta sa lokasyon ng babae para siya mismo magbigay sa babae
Tuwang tuwa ang babae nung makita niyang pabalik na kami sakaniya. Kaya pala siya nagmamadali kasi bibili siya ng mga gamot ng anak niyang may sakit. At nagpaalam lang siya sa amo niya na sumaglit lang muna siya sa palengke. Pumayag naman ang amo niya pero kelangan saglit lang talaga, kasi walang magbabantay sa alaga niyang bata at may pupuntahan silang mag-asawa. Naawa ako bigla sa babae, kaya napagpasyahan kong idagdag nalang niya yung naipon kong pera, para may pambaon narin ang anak niya kapag gumaling na at papasok na sa school. Kikitain ko pa naman yun, at kakaiba ang tuwa ko kapag nakakatulong ako sa kapwa. Dumiretso na ako sa simbahan upang magpasalamat.
Sa simbahan, umupo ako sa bandang gitna, taimtim akong nananalangin. Nagpapasalamat at sa lahat ng mga kabutihang nangyari sa buhay ko. Isa na dito ay ang pagka-panalo namin sa larong sepak takraw, sa pagiging matagumpay na pagbabalik ko sa sining sa larangan ng pagpipinta at pagguhit. At siyempre, sa pagkikita ulit namin ni Daisy sa maikling oras. Nananalangin parin ako na sana magkita na naman kami, upang malaman ko kung saan siya nakatira. Para kahit wala akong cellphone, palagi naman ako dadalaw sakaniya.
Paalis na ako nang biglang tumayo din yung nasa likuran ko, palabas na din siya kaya kami nagkabangga. Matutumba na sana siya pero buti nasalo ko,. Mahina lang ang pagkakabangga namin pero nadis-balanse siya, kaya natitiyak kong babae ang nakabanggaan ko. Sa bilis ng pangyayari, ang napansin ko lang ay naka-maong siya na pantalon at t-shirt na mejo maluwag. Tinitigan ko siya, biglang tumibok ang puso ko ng mabilis.
Si Daisy, oo, si Daisy ang nakabanggaan ko sa loob ng simbahan. Daisy? tanong ko
Sino ka? balik-tanong niya sakin. Di niya ako nakilala kaagad, siguro nahilo siya nung bumangga ulo niya sa braso ko.
Dhon? tanong niya ulit.
Sorry ah, ikaw pala yan, di ko sinasadya. Yan ang mejo natatarantang sagot ko.
"Hindi, ayos lang ako'', sabi niya
Dininig kaagad ng Diyos ang kahilingan ko kaya di ko na palalampasin to.
Taga saan ka pala? tanong ko.
Jan lang kami sa Centro, sagot niya.
Gusto mo sa bahay ka muna, merienda tayo. Sabi niya ulit sakin.
Ahm, wag na! Pakipot na sagot ko. Ihatid nalang kita, dag-dag ko sakanya.
Ah o sige, ikaw bahala, sabi niya.
Hinatid ko siya hanggang bahay nila. Malaki, maluwag at napakaganda ng bahay nila Daisy. Napaka-gara din ng sasakyan na naka-parada sa harap ng bahay nila. Bigla akong nanliit sa sarili ko, siguro di ako sasagutin ni Daisy kapag nanligaw ako saknya. Haayy ewan! Basta, ibibigay ko parin yung matagal ko nang dapat ibigay sakanya. Yun yung tula na may maamo niyang mukha ang naka-pinta.
Nagpaalam na ako sakanya, pero inalok parin niya ako na pumasok para ipakilala sa mommy at daddy niya.
Napilitan na akong pumasok, kasi yung mommy na niya ang tumawag sa akin.
Siya si mrs. Wilma Delgado, tapos si mr. Anton Delgado naman ang dad niya. Nagiisang anak si Daisy, kaya sunod ang layaw niya, pero iba si Daisy sa ibang mga unica hija. Alam ni Daisy ang hirap, kasi nakikita niya daw yun sakin. Marunong din siyang kumain na nagkakamay.
Mom, dad, siya po si Dhon. Siya po yung kapartner ko dati sa elementary. Siya po yung matagal ko nang kinukwento sa inyo. sabi ni Daisy
Alam mo iho, matagal ka nang ipinapahanap sakin ng anak namin. Pero sabi ko, sa presinto nalang natin iblotter. Para sila na bahala maghanap. Akala kasi namin wanted ka eh.. Wanted ka lang pala sa anak ko.
Naku sir, at ma'am! salamat po sa magandang pagtanggap niyo sakin sa bahay niyo.
Alam niyo Dad, si Dhon ang nag-design ng bahay natin sa Quezon, remember?
Kaya ikaw Dhon, wag ka mawawala kapag papasyal kami dun. Para naman makita mo ang kinalabasan ng gawa mo, sabi ng Dad niya.
Salamat po ulit, pero nakakahiya naman po. Family bonding niyo na po yun, dapat di na ako kasali, sagot ko.
Ikaw naman, parang di kana iba samin. Sabi ng dad niya.
Oo nga naman Dhon, sama ka na, maraming magagandang tanawin dun, dugtong naman ni Daisy.
Ok po, di ako mangangako pero titignan ko po baka pwede ako sumama. (sa totoo lang, gustong gusto ko sumama pero wala akong pera)
Kelan po ba yun? tanong ko
Next week na, diba sem.break na natin yun? sabi ni Daisy sabay kindat saakin.
Sa mga ginagawa niyang yun, mas lalo akong nahuhulog sa kanya.
Magpapaalam na sana ako kasi malapit nang mag-6pm. Napasarap na sa kwentuhan kay Daisy, parang ayaw ko nang umalis sa tabi niya.
Daisy, aalis na ako. Gumagabi na pala, di ko namalayan ang oras, sabi ko.
Hahaha,, ako din! Di ko napansin mag-6pm na pala.
Wait lang ipapaalam lang kita kela mommy. Sabi niya.
"Oh iho aalis kana? Osige iho ingat ka, nextweek ha, sama ka samin," paalala ng dad niya sakin.
Ok po, di po muna ako mangangako. Paalam!!!