webnovel

I Accidentally Married A Dead Woman( Tagalog)

Autor: genhyun09
Fantasia
Contínuo · 110.9K Modos de exibição
  • 23 Chs
    Conteúdo
  • Avaliações
  • NO.200+
    APOIO
Sinopse

Paano kung napakasalan mo ang isang patay na? Nang dahil sa isang pagkakamali ay nagbago ang lahat. Nang dahil sa isang pagkakamali ay napakasalan niya ang isang patay na. Nang dahil sa pagkakamali ay naging mahirap para sa kanya ang lahat. Paano niya ipapaliwanag sa kanya na isang pagkakamali lang ang kasal nila? Nang dahil sa pagkakamali ay nagbago ang lahat pati ang nilalaman ng puso niya.

Tags
3 tags
Chapter 101: The Mistake

Nasa veranda ako ng kwarto ko ngayon, nagpapahangin. Ang aga ko ngang nagising dahil excited na ako mamaya. Pupuntahan kasi namin ang mapapangasawa ko, ang babaeng mahal ko. May narinig akong kumatok sa pinto ko kaya dali-dali akong lumapit at binuksan ito. Bumungad sa akin si Mommy at binati ko ito ng nakangit.

"Hi Mom. Magandang Umaga"bati ko sabay yakap sa kaniya.

"Good morning din anak. Aalis muna ako para mamili ng mga sangkap para mamaya. Ipagluluto ko si Jemea" ngiting sabi ni Mommy.

"Sige po mommy, mag-ingat po kayo"sabi ko.

"Aw. Ang baby boy ko, ikakasal na. Dalawang araw nalang mula ngayon. Huhu" mangiyak-ngiyak na sabi ni Mommy.

"Mommy naman. Ako parin ang magiging baby boy mo kahit na ikakasal na ako" sabi ko at niyakap siya ulit.

"Alam ko. Hehe. Alis na ako anak. Mag-ayos ka na rin. Bumaba ka na para kumain"utos ni Mom at sinara ko na ang pinto.

Pumasok na ako sa banyo para maligo. Maya-maya ay natapos na ako kaya bumaba na ako para mag-almusal. Pagkababa ko ay nakahanda na ang pagkain.

"Nasaan si Daddy?" Tanong ko

"Nasa kompanya po Sir"sagot ng katulong at kumain na ako

Sobrang laki ng mansion na ito. Puro maid lang ang kasama ko rito, minsan kasi busy parehas si Mommy at Daddy. Sa Edad na 22, parang normal na sa akin na wala sila parati. Buti nga at napaki-usapan ko sila na sa nalalapit kong kasala ay bawas-bawasan muna nila ang pagtatrabaho. Ngayon nga lang sila makadalaw kay Jemea. Gusto rin nila bisitahin ang parents ni Jemea dahil magkakaibigan ang mga ito. Minsan lang din sila magkita-kita dahil parehas busy sa mga trabaho.Noong sinabi nila na ipapakasal kaming dalawa ay di kami tumutol, dahil parehas namin mahal at gusto ang isa't-isa. Ito ay fixed marriage para sa pagsasanib sa mga kayamanan nila. Simula pagkabata ay nakalaan na kami para sa isa't-isa ni Jemea. Unang kita ko palang sa kaniya ay nagkagusto na ako sa kaniya at kalaunan ay minahal ko na siya ng minahal.

"Dalawang araw nalang pala at ikakasal na ako sa babaeng mahal na mahal ko. Nakakatuwa dahil makakasama ko ang babaeng mahal ko panghabang buhay"sabi ko sa sarili.

Walang akong magawa kaya naisipan ko na pumunta sa likod ng mansion.

MANSION------Forest------Private   Cemetery

Sa gubat ako palaging pumupunta. Naglalakad at nagpapahangin. Sa tuwing may iniisip ako ay dumiretso agad ako sa gubat at ang unahan noon ay ang Private Cemetery.

Iniisip ko ngayon kung paano at ano ang sasabihin ko kay Jemea sa kasal namin. Sa tuwing kaharap ko kasi siya ay nauutal ako at nahihirapan akong sabihin ang nararamdaman ko para sa kanya. Hindi ako magaling pagdating sa pagsasalita patungkol sa nararamdaman ko sa kaniya. Mas gusto ko pa ipakita o iparamdaman sa kaniya ang aking pagmamahal sa kilos at gawa.

*********

Kanina pa ako pabalik-balik ng lakad sa harap ng bato ba ito o lapida, haays! Hindi ko alam. Medyo madilim na rin ang langit ngayon. Nasa kagubatan ako, medyo malayo sa Private Cemetery kung saan nakalibing ang mga great great ancestors ko at ang mga mayayamang tao na namatay ay dito inilibing.

Sa likod ng malapalasyong mansion ay isang kagubatan na kung nasaan ako ngayon. At ang unahan na ay ang Private Cemetery. Dito ako sa gubat tumatambay kapag may iniisip ako, ayaw ko kaya don sa Private Cemetery, nakakakilabot kaya tumambay don.

Nasa gubat ako nakaupo sa malaking bato na narito, sakto lang na maupuan ko. Medyo niluwagan ko ang necktie ko dahil para akong sinasakal.

Mamaya kasing gabi ay pupunta ako sa bahay ng babaeng mahal ko kasama ang Parents ko.

Isang nilalang na mahiyain. Oo, ako iyon. Inaamin ko. Sa tuwing kaharap ko ang babaeng gusto at mahal ko ay nauutal ako. Hindi ko alam kung paano ilabas ang nararamdaman ko para sa kanya. Nahihiya kasi ako e. Ipinagkasundo kami ng Parents namin at hindi naman kami tutol don dahil mahal naman namin ang isa't isa. Kahit hindi ko alam kung paano ipakita at ipadama na mahal ko siya ay alam ko na alam niya kung gaano ko siya kamahal kahit hindi ko sinasabi sa kanya.

Kaya nandito ako sa gubat na nakakakilabot. Siguro dahil malapit ito sa Private Cemetery kaya medyo nahahawa ang gubat na ito. Nag-e-ensayo kasi ako sa sasabihin ko sa kasal namin. Tatlong araw nalang at kasal na naming dalawa.

Hays! Nauutal talaga ako pagdating sa kanya. Parang umuurong ang dila ko at nahihirapang magsalita kaya nag-e-ensayo ako dito ngayon para di ako magmukhang kahiya-hiya sa babaeng mahal ko.

Hawak na hawak ko ang gintong singsing sa kamay ko.

"I Cedwarg Lance Hyun, take y-you-- Ugh!!"putol kong sabi dahil nauutal talaga ako. Iniisip ko palang na sasabihin ko sa harapan niya ang mga ito, nauutal na ako. Kinikilig kasi ako e. Nakakabakla. Pero ganito talaga ako pagdating sa kanya. Sa iba suplado ako at walang pakialam sa paligid tanging sa kanya lang ako nagkakaganito.

" I Cedwarg Lance Hyun, t-take y-you--"

Para na akong baliw na kinakausap ang malapad na bato na ito na nakabaon sa lupa at sa likod nito ay Puno.

'Kaya mo iyan Lance. Pakiramdaman mo ang puso mo. Sa babaeng mahal mo ito sasabihin. Alam kong nahihiya ka na sabihin sa kaniya ang mga ito pero kailangan mong sabihin ang mga bagay na alam mong hinahangad niyang marinig galing sayo' pangungumbinsi ko sa aking sarili

" I Cedwarg Lance Hyun, will love you with all my heart. For richer or for poorer, till death do us part. My love for you will remain as it is. I will be the light of your candle, to lit your darkness world. I will forever by your side, my love. I will love you till eternity. Will you take me as your lawfully wedded husband?" Sabi ko sabay sinuot ang singsing sa kung anong man to.

"Urgh! Mali-mali parin! Aaaah! Tama na ba? Parang kulang"  sabi ko sabay sabunot sa buhok ko at bigla nalang dumilim ang langit at kumulog ng malakas.

'Naku! Parang uulan pa ata. Malas naman oh!" Naiinis kong sabi at tatayo na sana ako ng biglang lumakas ang hangin ng sobrang lamig. Tumayo ang balahibo ko sa braso kasi naka-jacket ako ay ramdam ko ang pag-angat nila lalo na sa batok ko.

Bigla nalang may lumitaw na babae mula sa lupa. Hindi ako sigurado dahil malabo kasi dahil sa fog na narito. Isang babae na nag-iilaw na asul at ang suot niya ay isang wedding gown. Nakatuon lang ang tingin ko sa kanya at sobrang natuod ako sa kinatatayuan ko. Kalansay na ang kaliwang paa niya at ang kanang kamay niya.

Nanigas talaga ako sa kinatatayuan ko ngayon at bigla nalang siya nagsalita ng...

"I do"sabi niya at nginitian ako.

'Waaaaaahhhh!' Sigaw ko sa isip ko

"Waaaaahhh!!! Aaaaah." Sigaw ko sabay takbo ng mabilis pabalik sa mansion kahit nasasagi na ako ng mga sanga, at nasusugatan na ako sa mukha dahil sa matutulis na sanga na nasasalubong ko. Binalewala ko lang iyon at tumakbo ng mabilis.

"Tulooonnngggg!"sigaw ko hanggang sa kaibuturan ng lungs ko. Mabilis akong tumatakbo ngayon. Nilingon ko siya kung nakasunod ba siya sa akin ngunit bigla nalang akong nadapa dahil napatid ako ng sanga at tuluyan na ako nawalan ng malay.

Você também pode gostar