webnovel

The More I Know

Pagkadilat ko ay nasa isang masmalaki akong kuwarto at nakita ko sa tabi ko ang isang paso namay bulaklak. Sa aking kaliwa ay si Yuri na natutulog ng nakaupo. Naguguluhan ako sa nangyayari kaya naghintay nalang ako ng papasok upang magpaliwanag dahil ayaw ko namang gisingin ang natutulog.

Ilang saglit lang ay may isang pumasok, si Kin.

"O kamusta ka na?", tanong niya sa akin.

"Ano ba ang nangyari sa akin?", tanong ko.

"Bigla ka nalang natumba at nawalan ng malay. Halos limang araw ka narin natutulog.", sabi ni Kin.

At nagising na si Yuri.

"Ayato!", sigaw niyang may pagkatuwa. "Ahem, kamusta na pakiramdam mo.", tanong niya na may ibang tono.

"Alam mo naman puwede ka rin naman maging concern kahit paminsan no. Subukan mong ngumiti lalong gaganda ka.", sabi ko.

"Huwag ka ngang umasta na ang linis linis mo. Tandaan mo hindi ko pa nakakalimutan yung ginawa mo saakin ng nakaraan.", sabi ni Yuri.

"Sabi ng isang babaeng nag-alaga at nagbantay sa iyo ng buong limang araw.", pangutya ni Kin kay Yuri.

Namula si Yuri at sinagot si Kin. "Hoy! I-ibang kuwento 'yon. Kahit sino namang babae tutulungan ang makita nilang taong nahihirapan mapa lalake man o babae."

"Sige lang miss 'Iron Maiden', sabihin mo mang matigas ka sa labas pero sa loob kasin lambot mo pa ang ulap. Bali-balig tarin mo man ang mundo babae ka parin na mahuhulog sa isang lalake.", sabi ni Kin.

"Ang lalim non tol ah…", sabi ko. "Sa'n galing yun?".

"Anong sinasabi mo.", sabi ni Kin.

At may biglang isang lalaki ang pumasok. Si Forh.

"Kamusta kana Ayato?", tanong ni Forh.

"Ayos lang. Nakakahinga pa naman.", biro ko.

"Ikinalulungkot kong sabihin na kung ikaw ay hindi makakapapatuloy sa susunod na Round na dahil sa kondisyon mo ay ma-eeliminate ang buong grupo niyo. Dahil ang susunod na round ay di biro.", sabi niya.

"Opo handa po ako.", sabi ko ng malakas ang loob.

"Maigi… Maghanda na kayo at aalis na tayo sa ilang saglit lang. Pumunta kayo sa main hall at doon ko idedetalye ang lahat.", at siya'y umalis.

Pagkalabas niya ay tumayo na ako sa kama at nagbihis. Gayon narin ang ginawa ng dalawa at sabay sabay kaming pumunta sa main hall.

Pagkapasok namin ay nagtipon lahat-lahat ng mga nakaalampas sa elimination round pero nagtataka ako kung bakit sila ay may roong necklace na halos ka parehas ng mga team mate nila kuya nagtanong ako.

"Ano yung mga suot-suot nila?"

"Kung di ka lang sana hinimatay, sigurado may rank plate na tayo.", sabi ni Kin.

"Sirugo naman kahit yung mga ranking ay alam mo.", sabi ni Yuri.

"Oo… look… pasensya na kung nahila ko pa kayo sa mga nangyari. Teka? Ano na ba ang nangyari.", tanong ko.

"Habang natutulog ka ay nagsimula na ang preliminary test. Hindi kami maka pasok sa ibang test dahil kinakailangan ang mga iyon na buo ang grupo. Kaya grupo natin ang pinakamababa sa rankings.', sabi ni Kin.

RANKINGS:

1… Crissandra Hjolmar, Felix Van Heist, Minx Schnauzer….25

2… Michael Van Heist, Hermit, Khailla Szimnt......…23

3… Davis Zion, Zeikara Hobert, Gabriel Laxamana...…20

4… Akira Ayame, Kirishima Toujo, Yuki Miyamizu...…....17

5.5… Jena McLaw, Paul Etheo, Xa Xin Lim.......16

5.5… Yu Xin Lim, Ashmir Khallid, Marzix Hjel........16

7… Nick Fousell, Leia Horshdinger, Max McLaw...…..14

8… Joel Dela Cruz, Irishane Resolevant, Kim Nilo...….12

9… Lester Houller, Jhaine Khaina, Marque Lutois...…11

10… Ayato Suzuki, Yuri Miyasaki, Marcello Kin......…10

"Ano ba yung nangyari sa mga prelminary tests?", tanong ko.

"Sa unang araw nagkaroon kami ng pagpipili kung anong class ang bawat isa.", sabi ni Kin.

"Class???",

CLASS:

KING – The brain of a group. Having a higher intellect and understanding than others. Tactician and powerful in offence.

QUEEN – Having the highest stats in the group can do offence and defence at the same time. But only having speed and luck.

BISHOP – The heart of the group. Having the most mana and magic attack but low in defence and combat attacks.

KNIGHT – The foot and legs of the group. Having the highest attack speed, strength, agility, stamina, but low on magic.

ROOK – The torso of the group. Having the toughest defence, and highest endurance, high attack, but low on speed and magic.

PAWN – The arms of the group. Having a neutral level of all stats depends on the persons' limits. Once gained enough battle charges the person can promote himself to other class beside king to gain the same attribute, only if permitted by the highest class in the group. The promotion can only last until the objective is over.

"Tapos…"

"Nagkaroon kami ng power test, endurance test, focus test, ability test, at iba pa.", sabi ni Kin.

"Sino ba naman taong tatapusin ang pagdedetalye sa 'at ba pa'?", tanong ko.

"Basta yun lang ang mga madalas na nangyari. Hindi kami makasali sa mga cooperation tests dahil sa wala ka nga."

Ilang saglit lang ay dumating na si Forh.

"Pinatawag ko kayong lahat para sa isang announcement. Magkakaroon tayo ng special test. Huwag kayong mag alala di nito babawasan an mga puntos ninyo kung sakasakaling kayo ay matalo. Isa lamang itong advantage game, na kung sino ang mananalo ay magkakaroon ng advantage sa ating susunod na round.",

"Ang special test ay isang cooperative test na isang game. Ang pangalan ng game ay 'King's Throne'. Mayroon tayong 10 rounds, ang bawat group ay bibigyan ng pagkakataon na sumubok sa bawat round. Ang mga player ay maglalabanlaban para sa isang korona, ang sinoman na mananatili na nakaupo sa trono at suot-suot ang korona, ang grupong iyon ay panalo. Ang lahat ay malayang gamitin ang kanilang mga ability, tulad parin ng dati hindi pa rin kayo mamamatay pero mastatagal ang paghihilom ng mga sugat ninyo kung sakasakaling magkaroon man. Ang nananatiling hari sa naunang round ay siya parin sa susunod na round. Bawal sa hari ang umalis sa trono, kaya dapat ay depensahan siya ng kaniyang mga kasama, maaari pa naman sila umatake pero bawal silang umalis sa nasasakupan ng trono. Pagtumunog ang isang beep ibigsabihin wala na sa trono ang hari. Ako ulit ang magiging moderator ninyo, at dagdag excitement nagpadala ang committee ng isang bisita."

Bumukas ang pinto sa may likuran namin at Di ko inaasahan ang taong paparating.

"Ang isa sa mga Royal Knights, ang Andesite III. Si John Lawrenz Santos.", sabi ni Forh.

"ANO?!!!", sigaw ko.

"Kilala mo siya?", tanong ni Kin.

Paglingon ko kay John ay bigla niya akong sinenyasan na huwag muna ako magkuwento.

"Oo, pero sa pangalan lang.", sabi ko.

"Sinungaling.", sabi ni Yuri. Napatingin kaming dalawa ni Kin sa kaniya. "Halatang nagsisinungaling ka. Pinipindot mo ng pinipindot yung sandalan ng upuan eh."

"Issue pa ba yun. Naging habit ko lang na pagninenerbyos ako siyempre ginagawa ko iyon.", sabi ko.

"So inaamin mo nga.", sabi ni Yuri.

"Sige na, sige na. Mamaya ko na ikukuwento sa inyo.", sabi ko.

"'Yan na muna ang lahat sa ngayon. Mauuna na ako at maghahanda sa mga preparasyon.", sabi ni Forh. "Bakit di mo muna sila kausapin at magkakuwentuhan bago tayo umalis at magsimula.", sabi niya kay John.

"Sige", sagot niya.

Nagsialisan na ang lahat at nagsipagpatuloy sa kanikanilang mga ginagawa. Pinuntahan naman kami ni John sa kuwarto namin.

"Kamusta ang mga Junior ko.", pangasar ni John.

"Putakte ka! Di mo naman sinabi na magpapakita ka agad-agad.", sabi ko.

"Hindi ko nga alam eh… tinawag lang din ako. Saka di ko rin naman alam na sumali ka na pala sa Tournament.", sabi ni John.

"Puwede na ba kayong dalawa magkuwento kung ano ang nangyayari dito. Paanong ang isang Royal Knight at kilala itong bubwit na ito.", sabi ni Yuri.

"(Kailangan niya ba talagang maging ganyan.)", isip-isip ko.

"Magkababata lang kami ni Ayato kaya kami nagkakilala. Nagkataon lang na sumali ako ng mas maaga sa nakaraang tournament kaya nakaabot ako ngayon dito, kung di lang sana siya natutulog ng mga panahong nakasali ako edi sana magkasama kami ngayon.", sabi ni Kin.

"Kailangan mo ba talagang ipamukha sa kanila ang pagiging tamad ko dati? At isa pa… Bakit parang nagiba na ang paraan mo ng pagsasalita. Ano ba ang nakain mo?", tanong ko.

"Bakit masama ba ang magkaroon ng pagbabago sa isang tao.", tanong niya saakin.

"Buti sana kung pati attitude mo binago mo.", sabi ko

"Teka lang. Nagkakalimutan na tayo.", pangengealam ni Kin. "Paanong nakasali ka ng masmaaga eh… isa sa 5 taon ang tournament. Halos magkasing edad lang kayong dalawa."

"Alam niyo ba ang kasabihang, 'Huwag lang humusga sa balot ng libro'?", tanong ni John. "Malalaman niyo nalang pag nagsimula na tayo."

Nagpatuloy ang kuwentuhan namin ng ilang minuto at nagpaalam na si John na aalis.

"Mauuna na ako may gagawin pa ako.", sabi ni John. "Kitatkita nalang tayo sa loob stadium."

"Sige…", sabi ko. "Teka… Stadium?!"

At biglang nagkaroon ng announcement.

"Naririto na tayo humanda sa paglapag."

Tumingin ako sa isang bintana at may nakita akong malaking stadium na masmalaki ng kakaunti sa Philippine Arena.

"Dito natin gagawin ito?", tanong ko. Pagkalingon ko sa dalawa dahil sa di nila ako sinasagot ay nakita ko ang pagmumukha nila na parang unang beses palang nilang makakita ng isang stadium mula sa itaas at kita mo ang kabuoan. (Ganoon rin naman ako.)

Próximo capítulo