webnovel

CHAPTER 3: He saved me

NAGISING si Ehna sa ilaw na nagmumula sa bintana, Nagpalinga linga siya sa paligid. Napabuntong hininga siya ng maisip na pawang masamang panaginip lang ang nangyari.

"Mabuti naman at nagising ka na" bungad sa kaniya ng lalaki.

Agad na nanglaki ang mga mata niya ng malaman na totoo nga ang nangyari, Nasaan ako? Bakit ako nandito? Hindi kaya kasabwat siya ng Mamang gustong kumuha sakin? Hindi maaari! Sunod sunod niyang tanong sa kaniyang sarili.

Akmang tatayo na siya sa pagkakahiga ng mapahinto siya dahil sa naramdamang sakit sa katawan.

"Relax, I didn't do anything to you ok?" nakangiting sabi nito sa kanya habang inaalalayan siyang humiga muli sa malambot na kama.

"B—Bakit ako nandito? Anong ginawa mo sakin!" natataranta niyang tanong sa binata.

"Ako yung nakabanga sayo kahapon, and I just wanna help you, I'm sorry It's my fault" ang totoo niyan ay nakakaintindi naman siya ng English pero ngayon ay literal siyang nganga dahil sa bilis nitong magsalita at may accent pa ito.

Pero kahit na gwapo ang binatang kaharap niya ngayon ay iniwasan niyang magpaapekto dahil ito ang may dahilan kung bakit siya nabanga kahapon.

Teka? Kahapon pa siya nandito at natutulog sa malambot na kama!

"Kahapon? Kahapon pa ako nandito? Paumanhin ngunit kailangan ko ng umalis" akmang tatayo muli siya ng harangan siya nito.

"Nahh, Kumain ka muna bago umalis, I'll drive you home" sabi pa nito na kinanuot ng noo niya. Tama naman ang binata dahil kumakalam na ang sikmura niya sa gutom.

Maya maya pa ay may kumatok agad naman itong pinagbuksan ng binata. "Senyorito, ito na po ang pag kain na pina handa ninyo" sabi ng katulong at lumapit dala ang mga pagkain malapit sa kama.

"Sige, salamat Nanang Ising" sabi ng binata at umalis na si Aling Ising.

Nakangiting umupo sa gilid ng kama niya nag binata " Kumain ka muna" sabi pa nito.

Napatitig siya sa pagkaing inihanda nito. Palihim siyang napalunok dahil sa dami ng pagkain sa harap niya, hindi kaya kakatayin na ako mamaya at huling kain na ko na ito, parang may pa piyesta si Mayor eh.

"Hindi ako gutom" sabi niya, sa kabila kasi ng pagkagutom niya ay hindi niya ualing makikain sa ibang bahay lalo na kung hindi niya pa lubos na kakilala ang tao yun ang bilin ng kaniyang Inay.

GrrrrggGrrrrggg

Pinamulahan siya ng biglang tumunog ang kaiyang tiyan, mukhang kahit magsinungaling siya ay ang sikmura na niya mismo ang sumuko.

"Kailangan pa bang subuan kita bago ka kumain" baling sa kaniya ng binata, Hinihintay niya itong tumawa ngunit hindi nito ginawa, Sa halip ay nakangiti lang ito sa kanya ng pagka tamis tamis. Iniisip niya na baga na guilty lang ang binata dahil ito ang nakabanga sa kaniya.

"S—Salamat " Aniya at saka nagsimulang kumain, sa una ay nahihiya pa siya pero malaunan ay nasanay na siya sa titig ng binata habang kumakain siya, Sinawalang bahala nalang niya ito dahil sa gutom na nararamdaman.

"Hahaha, So iyan pala ang hindi gutom huh?" tawa nito habang pinapanuod siyang kumain. Sa halip na sagutin ayy nginitian niya nalang ito, Ngunit napahinto siya ng dumampi ang mga daliri nito sa gilid ng kaniyang labi.

Tanging ngiti lang ang ginanti nito sa kanya.

PAGKATAPOS niyang kumain ay pinaligpit na ng binata ang pinagkainan niya, halos maubos niya lahat ang pagkain sa gutom.

Pero napansin niya ang tira sa kaniyang plato mukhang marami pa ito kasiya pa ang apat na tao upang iulam ito kaya naman naalala niya ang kaniyang mga kapatid. Wala siyang maipapasalubong na laruan sa kapatid niyang si Lindsey kaya naman mas mabuti pang hingiin niya nalang ang tirang pagkain.

"Ahh--- Manang? Maaari ko po bang hingiin iyang tira?" tanong niya dito habang nagliligpit ng pinagkainan.

"Hah? Eh Iha, madami pa nito sa kusina gusto mo ipagbalot nalang kita?" nakangiting sabi ni Aling Ising sa kaniya.

"Talaga po, nako maraming salamat po, hayaan niyo po tutuluyan ko po kayo sa pagliligpit" tuwang sabi niya dito.

"Nako Iha huwag na, magagalit si Senyorito pag nakita ka niyang gumagawa" sabi nito.

"Nako, pabayaan niyo nalang po akong tumulong ok lang po sakin"

NATAPOS na sa pagtulong si Ehna sa pagliligpit ng pinagkainan at talagang napahanga siya sa laki ng bahay ng binata, Hindi na nga bahay itong maituturing dahil mukhang Mansyon na ito.

"Hindi mo naman kailangang tulungan si Aling Ising sa pagliligpit, madami silang katulong dito" napahinto siya sa pag mamasid sa bahay ng may magsalita sa likod niya.

"Nako, ok lang naman po iyon sakin, sa katunayan ay binigyan naman niya ako ng mga ulam" sabi niya dito at saka pinakita ang bitbit niyang paper bag na puno ng ulam. Tanging ngiti lang ang tinugon nito.

Ayaw pa sana niyang pumayag na magpahatid sa binata pero mapilit ito dahil siya naman daw ang may kasalanan dahil sa nangyari.

"By the way, What's your name?" tanong nito habang nagmamaneho.

"Ehna Mianna Fortaleza" sagot niya sa binata.

"Interesting name huh, I'm Theo Dyner Mondrian. Nice to meet you Ehna" ngiti nito sa kaniya, pero napatulala siya sa sinabi nito. Mondrian? Isa siya sa mga Mondrian?

"K—Kaano ano mo si Don Antonio Mondrian" tanong niya.

"Ah, He's my uncle. Kapatid siya ng Dad ko. Why?" Ani nito.

"Ah—Wala, diyan na ang bahay ko, maraming salamat…"

"Dyner, just call me Dyner" ngiti ng binata.

"Salamat…Dyner"

Próximo capítulo