webnovel

Chapter 69 Crazy!

((( Secretary Lee POV's )))

Dahil nga may trabaho kaming iniwan ni Master Cedrick, bumalik kami ng kompanya at inayos ang lahat. Dinaratnan siya ng anxiety at kapag di nito natapos ang dapat schedule sa araw na ito. Malaking depression yun sa kanya. Nadadamay ako. Secretarya niya eh.

Magmamadaling araw na at ilang documento na lamang ang natitira sa mesa niya.

"Call Rhoa." basag niya sa katahimikan namin. Dahil may mga kasama pa kaming ilang empleyado.

At bakit niya tatawagan si Rhoa.

"Ask Rhoa kung ano na ba ang situation sa pamamahay ko."

Ang ibig lang nitong sabihin gusto niyang kamustahin ang napreso nitong babae sa pamamahay niya. Napatango ako, at tinawagan nga si Rhoa. Habang siya pinagpatuloy ang ginagawa.

"Kamusta si Miss Monina?" tanong kong diretso kay Rhoa. Alam kong wala din siyang tulog. magpapahinga lang kami kapag nagpahinga na din si Master Cedrick at binilinan na nga ito bago kami umalis.

"Negative. Di natulog. Turukan ko na ba siyang pangpatulog?"

"No. Sanay na ata siya. Meron itong pang-gabing shift."

"Ngunit kailangan niyang makausap ng maayos si Master Cedrick. Tatangapin daw niya ang hamon nito."

Napangiti ako bigla. Seryoso? Parang may magandang mangyayari.

"Tignan na lang natin kung gising parin siya hangang sa bumalik si Master Cedrick."

"Tss. Haist." ibinaba niya.

Bumalik ako sa harapan ni Master Cedrick. Naghihintay ito sa sasabihin ko.

"The guest didn't s sleep the whole night."

Di na siya nagtanong pa dahil alam naman ata nito ang sense nang, di makakatulog si Miss Monina dahil wala siya sa kanyang tahanan, nakatulog na ito ng ilang oras at higit sa lahat gusto niyang sakalin ang Boss ko ngang sira-ulo.

Próximo capítulo