((( Secretary Lee POV's )))
Sa akala naming umalis na si Miss Monina. Napatayo si Master Cedrick.
"Prepare the car. Di ako papaya na aalis siya ng ganito lang!"
Minsan sira ulo din talaga ang Boss namin. Tatalikod na sana ako sa kanya para gawin yun ng biglang naituro ko yung monitor ulit. Bumalik si Miss Monina.
Napalingon siya.
May hawak na bato ang kamay niya. Saka sisirain sana ang doorbell nang bigla na lang ito bumagsak.
Di kami makapagsalitang dalawa. Ang ganda ng pinapanuod natin Master Cedrick.
"Shall I call the emergency hotline Master Cedrick." Nahimatay na si Monina sa pinag-gagawa nga nito.
"Get her!" bulyaw na lamang niya sa akin. Para ding sinasabi na wag ko siyang insultuhin. Sabagay kasalanan niyo nga rin. Ano ba ang ilalagay sa hospital record? Isang babae nahimatay sa labas ng pamamahay ng isang kilalang Doktor?
Inutusan ko na nga ang tauhan niya na kunin ang babadng nawalan ng malay sa labas ng gate.
Natigilan ako. Muli ako sa kanya napatitig. Seryoso?! Magpapasok siya ng ibang tao sa pamamahay niya?
((( Rhoa POV's )))
Matagal na kami ng kapatid ko nagbibigay ng serbisyo kay Master Cedrick. Nagresign nga kami sa government service para lang sa kanya. Malaki ang utang na loob namin sa kanya, matapos nga nito mailigtas ang anak ni Rhio na isang conjoin twin. Successful yung operation.
Sa mga taon na kasama namin siya, alam namin ang tungkol sa trahedyang nangyari. Ito ang dahilan para nga ganito kalala ang pagkatao ni Master Cedrick. Anti-social na gusto lang lutasin ang nangyari sampung taon na ang nakakaraan.
Ngunit ngayon, hindi ako makapaniwala dahil may papasukin siyang babae?! Nagkatitigan kami ni Secretary Lee. Ngumiti lang ito sa akin.
"Prepare the guest room." utos sa akin ni Master Cedrick. Nang tatalikod na ako, "And a lukewarm bath." Di siya mapakali.
Sino ba ang babaing to? Tinitigan ko si Secretary Lee saka siniko ko siya ng dumaan ako. Nangangamoy kasi na merong mali eh. Pinagagawa ni Secretary Lee. Tss.