webnovel

Chapter 60 Left

((( Secretary Lee POV's )))

Inilapag na ni Rhoa sa harapan ang pagkain ni Master Cedrick. Parang isang movie na pinapanuod niya si Miss Monina.

"Sa tingin mo kumain na siya?" Di'ba wala na namang kewenta ang tanong niya sa akin. Mas mabuting di ko na lang sagutin. Alam naman ata niya ang sagit sa tanong niyang yan diba? Kanina pa si Miss Monina, ibig lang sabihin di pa ito kumakain nga.

Sa tirik pa naman ng araw. Jacket lang ang ipinangtakip ni Miss Monina sa ulo nito. Patuloy parin siya sa kakapindot ng doorbell. Wala na kaming naririnig.

Anong gustong mangyari ni Master Cedrick?

Nang nagbago ang saturation ng monitor. Ibig lang sabihin kumulimlim ang kalangitan. Uulan ata.

Kumain kami ni Master Cedrick. Isipan niya malayo sa pagkain. Sa babae sigurado. Kapag umalis na si Miss Monina, paniguradong tapos na naman ang malayo mong titig na yan.

Well, nakakaligtaan din naman niya ang tungkol sa malagim na nakaraan niya. Thanks for that Miss Monina. And I'm sorry kung nakikipaglaro na nga kayong dalawa sa isa't-isa. Audience niyo lang ako dito.

"Tignan mo ang babaing yan. Ayaw talaga pakawalan ang kapatid ko."

Hangang sa narinig namin ang malakas na kulog. Mayamaya nariyan na ang kidlat. Bumagsak na ang ulan. At di parin umaalis si Miss Monina. Limang oras na siyang nakatayo sa labas.

Ano ba ang ending ng scenario na ito. Tinapunan ko ng paningin si Master Cedrick. May ngisi sa labi nito. Marami kaming gagawin ngayong araw diba? o anong nangyari? Dahil lang kay Miss Monina na limang oras din niyang pinagmamasdan sa monitor.

Nang mawala si Miss Monina sa Monitor.

Napatitig siya sa akin.

"Umalis na ba siya?" nagbago ang expression nito. Parang nawala ang paborito niyang laruan. Nilipad ng hangin na di namamalayan.

Próximo capítulo