webnovel

Chapter 26 Brother Handsome

((( Monina POV's )))

Bumukas ang pinto at si Miss Ruby nga. Napasiko ako kay Angela. Itigil na nila ang chismisan. Baka kami pa ang mapuruhan sa mapihaya sa ginagawa nila.

May katarayan si Miss Ruby, maliit na babae. Curly ang buhok na pinaparesan ng mapupula niyang labi.

Haist. Kahit mataray ka pa, may kalandian ka din. Napatitig nga ako sa tiyan niya. Medyo di nga halata dahil sa dress na suot nito at carry nga magsuot ng high-heels.

Sa kalagitnaan ng pagtuturo niya. Nakatitig lang ako sa kanyang noo. Para feel na nakikinig talaga ako. Ngunit ang totoo niyan lumilipad ang isipan ko dahil sa kay Kuyang mature na Gwapo.

Yung lasa ng labi niya, mapait at parang ala kata yun. Lasing siguro Monina. At labi mo ang napagtripan.

Natigilan ako sa kayibangan ko ng makita ko si Stella. Parang ako lang na sinusubukan di mapansin ang pagpasok ko. At yun nakaupo siya.

Di man lang napansin.

Nahuli niya akong nakatitig sa kanya. Binelatan ako.

Tsk. Ang bata lang.

"Miss Alvarez." biglang special mention sa akin. Napatayo ako. Ano sa akin?

"Nakikinig ka ba?" Bakit si Stella di niya napansin yung pagpasok? Magkakampi ba sila? Favorite niya ako tawagin?

Napatango na lamang ako.

"Then give me an example of affirmative statement."

Napakisapmata ako. At dahil di ako makasagot…

"Labas!"

Hal aka dyan. Ako ata ang pinaglilihian ni Miss Ruby.

At mag-usap na lang daw kami mamaya sa faculty. Napabuntong hininga akong lumabas sa classroom na muli akong binelatan ni Stella.

May karma ka din. Hintay ka lang at parating na.

Kaya nga wala masyadong studyante dahil oras nga ng klase. Ano ba ang ginagawa ko. Baka bagsakin ako ni Miss ruby, graduating pa naman ako.

Sumipsip na lang kaya ako? Isumbong ko ang chismis niya sa kanya.

Wag Monina at baka nga manganak siya ng dis-oras.

Ulit nagsiliparan ang kalapati ng pumunta ako sa may bench. Pinaglaruan ang paa ko. Nakita ko yung sugat na naalala ko nga si Kuya Gwapo. yung card niya. May kailangan akong bayaran sa kanya.

Lintik kasing lalaking yun eh!

Oo Kuya mature, magkikita ulit tayo. Sisirain ko ang mukha mo. Tapos may tubo na utang niyo sa akin!

Na halos malaglag ang puso ko ng biglang may tumalkon sa pababa sa puno.

Si Kuya Gwapo nag-ala Robin.

Teka… andito siya para kunin na yung card diba?

Ngunit tinignan niya yung paa ko.

Di na naman ako makapagsalita na nilinisan niya yun. Saka nilagyan ng band aid.

"One week pahilom na yan."saka tumalikod na naman siya sa akin at maglalakad na nga ng…

"Wait."Natigilan siya, ngunit nagpatuloy maglakad. Kaya naman ako na itong napatayo at hinabol siya.

Nagmumukha akong desperada nito ah.

Saka nga nagkamali ang huli kong apak malapit sa kanya at ng babagsak na ako, bigla niyang nahawakan ang braso ko at sabay hawak sa bewang ko.

Para kami yung magkapareha sa isang sway na sayaw.

Nagkatitigan kaming dalawa. Ang lakas niya. Actually wala silang pinagkalayo ni Kuya Mature na gwapo. Anong kinalaman nila sa isat –isa?

nang maitayo niya ako ng maayos.

Di namin alam ang gagawin. Siya din ata.

Ang bilis ng kabog ng puso namin.

Oh my ghad puso ko. Isang doctor ba ang mapapangasawa mo. Pwes parang tayo ang magiging una niyang pasyente dahil pakiramdam ko mag-cocollapse na ang puso ko sa sobrang kabog.

"Ano, yung card mo."Galaw ko nga ng bag ko na pinapunta ko sa aking harapan. Hinanap yung card niya.

Saka binigay ko.

"Yung pinamili mo ba-balik ka na lang mamayang gabi sa tindahan."

Kinuha naman niya.

"Saka nga pala… Nabawasan yung pera mo. Pahingi ako ng number mo para nga mabayaran kita."

"I'll send an errand para ihatid sayo calling card ko." saka tuluyan na siyang tumalikod.

Eh? Nagalit ba siya? Sa pakiki-alam ko ng card niya?

Ang dami ko pa sanang tanong sa kanya lalo na ng tungkol sa lalaking mayak!

Ngunit, ang snub din pala talaga ni Kuya Gwapo.

Okey. Hantayin ang calling card.

Próximo capítulo